Share

Love in the City
Love in the City
Author: cargooooo

Simula

C I E L O

"Cielo, sama ka na!"

"Ayoko, ang dami ko pang gagawin." I told Janna habang kumakain ako ng fishball sa streetfood area sa labas ng school namin.

"Walwalan yon, wala ka namang pasok bukas tsaka sa Monday. Sumama ka na, libre ko naman trip tapos libre ni Cam yung pangwalwal kasi may bago raw siyang crush." Tiningnan ko si Janna nang hindi makapaniwala.

"Talaga? May crush na siya ulit?" tanong ko, and she nodded her head.

"Oo, kaya nga sumama ka na para makalandi ka na rin." Janna said and smiled at me teasingly.

I rolled my eyes at her at sinubo ang panghuli kong fishball at tinapon ang stick at baso sa may basurahan.

"Saan ba?" I asked at ininom yung palamig ko at tinapon na rin bago ko muling tiningnan si Janna.

"Sa ITD."

"Ang layo naman."

"Arte! Libre na nga lahat, nagrereklamo ka pa. Ganda ka?" natawa ako sa sarkastikong sabi ni Janna sakin at inilingan siya at hindi na sumagot.

She is my cousin and my bestfriend as well. Magkasama na kami since kinder, ewan ko ba at palagi pa rin kaming magkasama sa lahat kahit parehas na kaming sawang sawa sa hitsura ng isa't isa.

"Marami namang pogi doon, lumandi ka na rin para naman maranasan mo na ang unang dilig bwahahahaha." pang aasar niya habang naglalakad kami papuntang sasakyan niya.

"Inamo." Iritang sabi ko kay Janna na hinampas pa siya sa braso niya pero mas lumakas lang ang tawa niya.

Gagong 'to masyadong matabal ang dila.

Sumakay na kami sa sasakyan niya at dinaanan na rin sina Sere and Kara sa school nila. Mukhang kanina pa sila roon at naghihintay.

They are my another friends, I and my cousin met them when we were first year junior-highschool as well as Cam.

I am taking education, secondary education major in Filipino while Janna was taking medical pharmacy. Parehas kami ng pinapasukang school, JPY.

Sere and Kara were the same school, UPS. Kara was taking engineering, while Sere was taking FA.

Si Cam lang ang nahiwalay ng school. She was studying in Athens, taking business management.

Sa school ni Cam makikita ang ITD, and yeh, nasa loob nila ang school na yon. Students can drink there but they should not have class kapag uminom sila roon.

Doon kami madalas uminom kapag pinupuntahan namin si Cam o kaya naman sa may Kingston kami umiinom, bar yon.

Nang makasakay sina Sere at Kara ay nagmaneho na si Janna dahil medyo bumibigat na rin ang traffic.

"Yow yow yow! Oy, buti nakasama kang bruhilda ka." I smirked at Sere and look at her at the rear view mirror.

"Syempre kailangan ko rin namang isupport si Cam sa bagong crush niya. Hindi pwedeng wala ako."

"Nyaayy, o baka maghahanap ka rin ng crush? Ako kasi sumama para doon. Marami raw kasing pogi ngayon, nung punta natin nung nakaraan wala man lang akong nasungkit. Ang shoshonget kasi nila." inis na sabi Sere at inismiran naman siya ni Kara.

"Parang napakaganda mo naman, miss." mataray na sabi ni Kara na ikinatawa ko ng mahina.

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang langit. Gabi na pala.

"Kinginang traffic 'to ayaw pa magpau— akala ko hindi pa uusad 'e, pagbabangain ko 'tong mga 'to eh." iritableng sabi ni Janna na halata mong inom na inom na.

Inilingan ko na lang siya at sinuot na ang jacket ko dahil naka uniform pa ko. Nakakahiya naman na may outsider sa school nila, dumayo pa para lang uminom.

Dalawa lang kami ni Janna ang naka school uniform dahil kami lang ang kakatapos ng klase, at itong dalawa naman naka civilian na dahil na rin siguro may time silang makapagpalit.

Nang makarating kami ay nakita na namin si Cam sa gate ng school nila at hinihintay kami. Naghanap lang ng car park spot si Janna at bumaba na rin kami.

"Kameeeel!" sigaw ni Sere at niyakap si Cam na patalon talon pa.

Sa grupo, silang dalawa ang pinaka close, at kami naman ni Janna. Si Kara ang neutral sa grupo, literal na walang kinakampihan yan at talagang laging nasa gitna namin.

Well, it's better para balance ang grupo namin.

May iba pa naman kaming kaibigan, hindi lang kami-kami kaya nga lang ay hindi na namin sila masyadong nakakasama.

Like, Steve. He is one of our circle, he is an engineering at basketball player sa school namin kaya hindi siya madalas makasama samin dahil madalas na kitaan naming magkakaibigan ay puro inuman, at hindi pwedeng uminom si Steve lalo pa at puro sila practice ngayon dahil mag uumpisa na ang sports festival next next month.

Meron pang iba, sina Dennis at Jones pero sa province na si Dennis nag aral habang si Jones ay sa abroad.

"Hey, hey ,hey! Let go of me. My neck, tangina mo." inis na sabi ni Cam habang hinahampas si Sere sa braso niya.

"Arte mo, ikaw na nga 'tong niyayakap." ismid ni Sere at bumitaw sa pagkakayakap sa kanya.

Naglakad na kami papasok sa campus nila at napakalawak pala nito. Ngayon ko lang napansin.

Last time we came here I just focused reviewing my lessons at hindi ko nailibot yung paningin ko.

Nang marating namin ang ITD ay naghanap na kaagad kami ng pwesto at bumili naman si Cam at Sere ng alak.

"Kailan prelim niyo?" tanong ni Kara.

"Next next next week, kayo? Puro nga kami actual performance about sa first aid kit tapos defense sa thesis namin about pots." sabi ni Janna.

"Oh oh oh, ito na lang meron doon. Wag na mag-inarte." sabi ni Sere nang mailapag na nila yung mga alak sa lamesa namin.

Napakadami naman, puro pa hard. They bought rum, bacardi, gin, and brandy. May isang bucket ng tanduay din at mukhang yun ang gagamitin naming chaser.

We're all high tolerance kaya petiks lang samin 'to.

Pag kaupo, si Kara na ang tanggera para walang duga at nag umpisa naman mag kwento si Cam about her crush.

"His name is Hiromi Carson. Beh! pangalan pa lang ang pogi naaa." kwento ni Cam na hindi pagilan ang kilig.

"Tawanan kita ng malakas dyan kapag naihi ka sa kilig, malandi ka." ngiwing sabi ni Janna sa kanya.

Hindi ko mapigilang matawa sa kanila. Cam rolled her eyes bago ininom ang shot niya.

"I'm just— oh my god. W-Wag kayong lilingon." mahinang bulalas ni Cam at hindi makapaniwala sa nakikita niya mula sa likuran namin ni Karra.

We looked behind us kahit sinabi niyang wag kaming lilingon.

We saw a group of people sitting to the vacant table behind next to us.

"Gaga kayo, sinabing wag kayong lilingon e." Cam said and pulled my hair, also Kara's.

"Aray, tangina mo naman tinitingnan ko lang e." sabi naman ni Kara at hinampas ang kamay ni Cam na ganon rin ang ginawa ko.

She scoff and we are all still looking at the table behind next to us. There are four guys at hindi mo maipagkakaila ang kagwapuhan nila, at may mga kasama rin silang dalawang babae.

"Yun oh, yung naka gray." inis naman na nilingon namin siya.

"Gaga, dalawa silang nakagray." halos sabay sabay na sinabi naming apat kaya hindi niya napigilang nairita at mag hush sa amin para babaan ang boses namin.

"The guy wearing a black baseball cap and wearing a gold watch." she said describing in more specific.

We looked again and I can't deny that he is handsome. Hindi ko napigilang maismid nang mapansin kong puro branded ang suot niyang mga damit.

Wew, bigatin.

The guy next to Cam's crush caught my attention. He is so handsome, his beauty is freaking breathtaking. He looks serious, I mean he is the most quiet sa grupo nila at ngumingiti lang ng tipid kapag may nakakatawang nasasabi ang mga kaibigan niya.

He ain't speaking, he is just listening at them.

He is wearing a simple gray polo shirt, tucking in in his black trouser pants. It is so simple, halatang hindi mga branded.

Bumaba ang tingin ko sa sapatos niya and I rolled my eyes when I recognized it. A prada. Mayaman din pala, crush ko na sana. Ayoko sa mayaman.

Bumalik na ang tingin ko sa lamesa namin at straight shot ang ginawa ko sa rum na nasa harapan ko at uminom ng tanduay.

"He is so fucking handsome, right?" kinikilig na sabi ni Cam at nagbalika na rin ang mga tingin nila sa lamesa namin.

"Yeh, he is. Balak mong umamin?" tanong ni Kara and Cam nodded her head.

"Ay gago, wala na pala si Sere." Janna said and looking around to find Sere and we saw her to the other table talking to a guy na mukhang bet niya.

I chuckled, kahit kailan talaga. Sa aming magkakaibigan, sina Sere at Cam ang mahilig talaga sa fling fling. I mean, we are doing fling too but not like them na talagang nagpaparamihan sila.

Sila ang madalas madiligan samin, I can't deny that because that's true.

Janna is a freak, while Kara is the quiet one. Pero malalandi rin 'yang mga 'yan. Well, I am too pero bihira ang magkaroon ako ng crush kaya hindi ako makalandi palagi.

Cam shot another five shot to took courage para magconfess sa crush niya.

"Hi." I heard Cam greeted, mukhang nasa table na siya nila.

"H-Hi?" alanganing bati ng crush niya. I shot another glass bago lumingon. They are all looking at Cam except him. The guy who caught my attention.

"Camilla Anderson." pakilala ni Cam at nilahad ang kamay niya to offer a shake hand.

Alanganin na tinaggap yon ng crush niya at alanganin ding nginitian siya.

"I have a crush on you, landiin mo ako." Cam said, straight to the point. Hindi ko napigilang matawa sa kanya, bakas sa mukha ng grupo nila na nagulat sila sa sinabi ni Cam.

The guy who caught my attention still not looking at Cam, bakas sa mukhang niyang hindi siya interesado at wala siyang pake.

"S-Sorry?" wala sa sariling sabi nung crush niya na para bang mali ang narinig niya.

Janna slightly pushed me.

"Kunin mo na nga yung kaibigan mo baka kung ano pa ang masabi hahaha." natatawang sabi ni Janna sakin.

"Bilis na Cie, nakakahiya." Kara said na mahinang tinutulak na rin ako para tumayo.

I shook my head at them at nagshot lang ng isa pa at kumuha ng peanut at sinubo bago tumayo at pumunta sa table sa kabila.

"Hi, sorry for that." I said to them pagkalapit ko pa lang sa kanila.

I look at the guy that caught my attention earlier and he is looking at his phone, still uninterested sa nangyayari sa paligid niya.

Hinawakan ko si Cam sa braso niya, "I mean, sorry if she disturb but my friendʼs serious. She wants you to flirt with her." I said at hinatak na rin si Cam papunta sa table namin.

Natatawang Kara at Janna ang sumalubong samin.

"What the fuck was that? Hahahaha" natatawang tanong ni Janna.

"Supportive friend yarn?" bulalas naman ni Kara and I just giggled at them.

Bumalik si Sere sa pwesto namin at hindi maipinta ang mukha niya.

"Tangina, todo landi ako tapos bakla pala si gago. Sayang effort, kingina. Lipat na nga lang tayo!" hindi namin napigilang matawa at ininom ni Sere ang huling shot bago kami nagsipag tayuan.

"I will reto you someone to you na lang." Cam said, she is kinda tipsy. Nagiging conyo siya magsalita kapag medyo lasing na siya.

I looked at my watch at alas nuebe pa lang naman. We decided to go to Kingston para doon ipagpatuloy ang inuman.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status