Share

CHAPTER FOUR

Nagising si Abbey nang makaramdam ng pagkasilaw sa mga mata. Dahan-dahan siyang nagmulat at napangiti pa bago muling pumikit para namanmin ang magaang pakiramdam. Wala sa loob na nag-inat pa ng katawan si Abbey nang bigla siyang matigilan. Nakiramdam siya sa paligid. Tuluyan na siyang napadilat at nanlalaki ang mga matang inilibot ang paningin sa loob ng kinaroroonang silid. Nawala rin ang bahagya pang antok na nararamdaman niya. Luminga siya sa paligid at napatili nang mapansing hindi pamilyar ang lugar na kanyang kinaroroonan. Ang huling naaalala niya ay pumasok siya sa isang bar at napainom ng marami. Natutop niya ang noo at bahagyang napangiwi.

You seriously got yourself wasted in an unfamiliar place, Abbey and you passed out. How can you be so fool and careless? Sermon niya sa sarili. 

Napatingin siya sa gawi ng pinto nang bigla iyong bumukas at bumungad ang nag-aalalang babae. Ito ang babaeng nakilala niya sa bar kagabi. Si Gayle. 

"Ano ang nangyari?" Nag-aalalang tanong nito at mabilis ang mga hakbang na nilapitan siya.

Wala sa loob na napakurap si Abbey at muling napasulyap sa pinto. Paano nangyari iyon?

"How did you do that?" Manghang tanong niya.

"Do what?" Natitigilang tanong nito sa kanya.

"That..." Aniyang itinuro pa ang pinto. "...from there up to here. That was fast, huh!" Mangha niyang sabi na nakakunot pa ang noo. 

Natigilan ang kaharap niya pagkuwa'y napailing. "You are just imagining things. Kagigising mo lang, remember." Ani nitong bahagyang ngumiti bago nag-iwas ng tingin. 

Kumunot ang noo pa ring nasapo ang noo ni Abbey ang noo at napatango na lamang. "I think you're right." Sang-ayon niya. 

Marahil nga ay tama ito. Namamalik-mata lang siguro siya. O, dahil kagigising niya lang. 

"Probbaly, yes!"

Ngumiti siya at napakamot sa noo. "Gayle, right?" Tanong niya sa babaeng kaagad namang tumango.

"Yeah. So, how are you feeling?" 

"I'm good but not that really good." Alanganin niyang sagot. 

Napakunot-noo si Gayle sa sagot niya at tila naguguluhang napatitig sa kanya. "Was that even possible?" Tanong nito. "I mean, you're good but not really good?" Nagtatakang ulit nito sa kanyang sinabi. 

Napangiwi si Abbey bago alanganing tumango. 

"I think so?" Nag-aalangang ani niya at napakamot sa tungki ng ilong. 

Bumuntong-hininga si Gayle pagkuwa'y napatingin sa bintana. Maliwanag na sa labas at kitang-kita mula roon ang asul na kalangitan. 

"Alright! Get up at mag-ayos ka na. Make yourself comfortable here. I'll wait for you in the dining room." Sabi nito bago tumayo. "Nasa paanan na ng kama ang mga gamit mo." Dugtong ni Gayle bago tuluyang humakbang palabas ng pinto.

Natigilan si Abbey ngunit kaagad ring bumalikwas ng upo at sinilip ang paanan ng kama. Tama nga ito! Naroroon na ang itim na maletang dala niya at isang hindi kalakihang bagpack. Natitigilang nag-angat ng paningin si Abbey at napatingin kay Gayle na nakatayo na sa pinto.

"Roe got that from your just this morning." Sabi nitong tila nahulaan ang laman ng isip niya bago tuluyang nagpaalam.

Naiwan namang natitigilan si Abbey at wala sa loob na napangiwi.

Ilang saglit pa ay tuluyan na siyang bumaba ng kama at binuksan ang maleta para kumuha ng maisuot. Pinili niya ang pulang short at white crop top shirt na may malaking mukha ni Spongebob sa harap. Humakbang si Abbey patungo sa banyo na nasa loob lang din ng silid na kanyang kinaroroonan. Sosyalin ang k'warto. Malaki at magarbo ang loob. Kulay pastel ang wall at creamy white naman ang kisame. 

Kaagad siyang naghubad pagkapasok sa loob at tumapat sa shower. Habang nagsasabon ay napa-isip ang siya kung paano siyang napunta roon. She was supposed to find a place to stay kaya siya pumasok sa bar na. And unfortunately, she got her self wasted.

Kunot-noong patuloy na inalala ni Abbey ang mga nangyari nang nakaraang gabi at nanlaki ang kanyang mga mata.

Oh, my God! Did she really bumped into someone last night and  throw up on him?!

Ang huli niyang naaalala ay tumayo siya para sana magbanyo nang mabangga siya sa pinto. Este, sa dibdib ng kung sino. At, nang mag-angat siya ng mukha ay nakita niya si San Pedro. Akala niya tuloy ay nasa langit na siya. Ngunit parang galit ang San Pedrong nakaharap niya kagabi. And, the last thing she new was, she throw up on him.

My God, Abbey! How can you be so disgusting?! 

Napangiwi siya at namula ang mukha sa labis na hiya. Gosh, paano kung iyon na pala si Mr. Right? Paano pala kung iyon na ang icing sa ibabaw ng cupcake niya? Oh, God! Bad shot na kaagad siya, first encounter pa lang?! Paano na ang supposed to be love life niya?

Patuloy sa pagmuni-muni si Abbey nang biglang bumukas ang pinto sa kabila. Napatili siya dahil sa  labis na gulat samantalang napamura naman ang lalaking nabigla rin nang makita ang siya sa loob ng banyo.

Wait, paanong nagkaroon ng pinto roon?

"What the fuck?!" Dinig niyang mura ng lalaki.

Anong ginagawa ni San Pedro roon, este...ng lalaking ito roon? Ngunit muli siyang napatili nang mapansin niyang nakatunganga sa kanya si San Pedro. No! He was actually looking at her down there! How dare him stare at her diamond with wide eyes?! Mabilis na binato ni Abbey ng hawak na sabon ang lalaking muling napamura at nagulat nang tamaan ito sa noo.

"Fucking witch!" Muling mura ng lalaking napahawak sa noo nito.

"Out!" Sigaw niyang hindi magkadatuto sa paghila ng shower curtain para itakip sa hubad na katawan."You, pervert!" Dugtong niyang nag-iinit ang mukha dahil sa hiya at pagkabigla. 

"We're not done yet, you witch!" Ani nito bago tuluyang lumabas ng banyo.

Mabilis namang inilock ni Abbey ang pintong nilabasan ng walang hiyang lalaki. Ngayon niya napagtantong hindi si San Pedro ang nakita niya kagabi. And, how dare him look at her precious diamond?! And, did he just called her witch?! Mukha ba siyang mangkukulam?

Wala sa loob na napatingin si Abbey sa sariling repleksyon sa salaming nakapaikot sa loob ng restroom. Napapalibutan ang banyo ng mga salamin kaya kita niya ang kanyang sarili. Napangiwi siya nang makitang puno ng bula ang mukha niya dahil sa inilagay niyang liquid soap kanina. 

So, was that the reason why he called her a witch, huh?!

***********

"Fuck that witch!" Gigil na usal ni Luc at nagmamartsang naglakad patungo sa pinto ng k'warto niya.

Ano ang ginagawa ng babaeng iyon sa banyo niya?! 

Gigil pa ring humakbang siya palabas ng k'warto na nakatapis  lang ng puting tuwalya at sumigaw sa itaas ng hagdan.

"Kimmy!" Tila kulog na dumagundong ang boses ni Luc sa loob ng kabahayan dahil sa lakas ng sigaw nito.

Ilang sandali pa ay nagmamadali nang umaakyat ng hagdan ang isang namumutlang babae. 

"Ano po iyon, Alpha?" Nanginginig na tanong nito.

"Sino ang nagsabing doon ninyo patuluyin sa silid na katabi ng kuwarto ko ang bruhang babaeng iyon?!" 

"Ako!"

Salubong ang mga kilay na lumingon si Luc sa pinagmulan ng boses. Binati siya ng mukha ng pinsan niyang nakahalukipkip pa at naka-alsa ang kaliwang kilay.

"What the hell was she doing in my bathroom?!" Naka-angil na tanong niya rito.

Inismiran lang siya nito at tinirikan pa ng mata. Ngali-ngaling dukutin niya ang mga mata nito at pagulungin pababa sa hagdan, sa totoo lang.

"It wasn't just your bathroom, Luc. Adjoining room iyon. And besides, you can still use the bathroom kapag hindi ginagamit ni Abbey. Just make sure that you lock the door when you're using it." Kibit-balikat na tugon nito.

"What?! No way! Ilipat mo siya ng silid."

"And, why?"

"Because I said so!" Singhal niya. "And, how the hell am I supposed to use the bathroom if that witch is inside just like now? And fuck, you didn't even inform me beforehand!" Madilim ang anyong singhal niya rito.

"You didn't ask me either." Bale-walang sagot ni Gayle sa kanya na mas lalong nagpa-init ng ulo niya.

Kumuyom na lang ang mga kamao  ni Luc sa sobrang inis sa antipatika at pakialamera niyang pinsan. Ang sarap pilipitin ng leeg nito. Kung hindi lang ito ang pinsan niyang hindi umalis sa tabi niya noong mga panahong hindi niya alam kung saan kakapit, matagal na sana niya itong binalian ng buto. 

"You are seriously getting into my nerves already, Abegail!" Angil niya sa pinsang muling humakbang patungo sa hagdanan.

"As if I care." Usal nito nang tumapat sa kanya at umismid.

"You are up to something, aren't you?" Salubong ang mga kilay na tanong niya.

"You are just being paranoid again."

Inangilan niya ito na tinugon lang naman ng babae ng ismid.

"Saan at paano ako maliligo ngayon?" Singhal niya rito.

Nilingon siya ni Gayle at ngumisi pa nang makitang halos hindi na maipinta ang kanyang mukha.

"You can wait 'til she's done using the bathroom then it'll be your turn, I think."

"What?!" Hindi makapaniwalang napasunod siya rito pababa ng hagdan. 

Siya pa talaga ang mag-a-adjust para sa mangkukulam na iyon? May kasalanan pa nga iyon sa kanya, ah. And seriously, this is his house, for goddam's sake! 

Tumigil sa pagbaba ng hagdanan si Gayle at kunot-noo na lumingon sa kanya.

"C'mon, Luc, don't make a big deal out of it, will you?" Ani nito. "And, are you sure that you really wanna go down wearing only that piece of shit?" Dugtong pa nitong ang tinutukoy ay ang kapirasong tuwalya na nakatapis at nakabuhol sa beywang niya.

"So? This is my house." Inis na tugon ng binata.

"And, you ain't alone in this house, Montego!"Singhal nitong nakasalubong pa ang mga kilay.

"I am the Alpha—"

"So?"

"Fuck you!" Pa-angil na asik niya rito. Kahit kailan talaga ay hindi siya mananalo rito.

She's really a big pain on his ass!

"Go and take a bath. You and your badass alpha friends still have a lot of things to do today." Asik nito sa kanya na biglang dumilim ang anyo nang maalala ang mga kaibigan niya. "Ayusin ninyo ang bar ko na walang awa ninyong sinira, mga buwesit kayo!" Gigil pang dugtong nito.

"Alright. Sasabihin ko na lang kay Roe na—"

"No. I want you and that son of a shit friends of yours to do it. Kayo ang sumira sa bar kong nananahimik!" Putol ni Gayle sa sasabihin niya.

"What? But I still-"

"No buts and no what ifs. Just do what I say kung ayaw ninyo'ng basagin ko iyang mga itlog ninyo. You, bastards!" Sabi nito bago muling itinuloy ang pagbaba ng hagdanan.

"Fuck!" Inis na angil ni Luc bago tumalikod para bumalik sa silid niya. 

Siguro naman ay tapos nang maligo ang mangkukulam na iyon. That witch! Magtutuos pa sila ng babaeng iyon.

"And, I'm only giving you and that above normal friends of yours three days to finish fixing my bar. Sayang ang kikitain ko. Plus, babayaran ninyo ang tatlong araw at tatlong gabing  hindi nag-operate ang bar ko, maliwanag ba?!" Dinig pa niyang pahabol na sigaw ni Gayle mula sa ibaba.

Marahas na napalingon si Luc at napatigil sa paghakbang. Hindi makapaniwalang tinanaw ang pinsang walang anumang patuloy pa rin sa pagbaba ng hagdan. Bukod sa antipatika at pakialamera, mandurugas rin ito. Napahilamos na lang si Luc sa mukha at padarag na humakbang pabalik sa kanyang silid.

Kapag nga naman minamalas ang araw niya...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status