Share

CHAPTER TWENTY

"Ano'ng balak mo ngayon?" Seryosong tanong ni Griel sa kanya. 

Kasalukuyan na silang nasa loob ng mansyon. Si Abbey naman ay sinamahan ni Gayle sa kuwarto nito para magpahinga.

Katulad ng madalas mangyari ay nanghina na naman ang babae pagkatapos nitong magshift at idagdag pang malayo-layo rin ang tinakbo nila. 

Nasapo ni Luc ang noo at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Ano nga ba ang plano niya ngayong nagkagulo na lahat? Tiyak niyang hindi palalagpasin ni Akella ang pagpatay niya sa kapatid nito. Ngayon ay kailangan na rin niyang paghandaan ang magiging atake nito. 

"Bahala na, Griel. Pero isa lang ang nasisiguro ko, hindi ako uurong sa anumang laban." Tiim ang anyong sagot niya. 

Napailing si Griel dahil sa sagot niya. Kilala siya nito na walang inu-urungang laban pero sa pagkakataong ito ay batid nila pareho na dehado siya kapag sabay-sabay ba umatake ang grupo ni Akella at ang organisasyong nasa likod ni Abbey magi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status