Share

Chapter Sixteen

Matapos masigurong maayos na ang kalagayan ni Abbey ayon kay Ziva ay niyaya ito ni Luc sa kanyang opisina. May gusto siyang malaman dito. Iniwan nilang natutulog ang babaeng tila naubusan ng lakas at ipinagbilin na lamang niya kay Kimmy na silip-silipin dahil umalis ang pinsan niyang si Gayle para bisitahin ang café nitong kasalukuyan pa ring ginagawa.

"Mukhang napapalapit na ang loob mo sa kanya, ah." Kaagad na untag ni Ziva nang makapasok sila sa opisina niya. 

Taas ang kilay na tiningnan niya ito bago umupo sa couch na naroroon.

"What are you talking about?" Kunot-noo niyang tanong sa kaibigang doctor.

Umupo si Ziva sa tapat niya at tinitigan siyang mabuti na tila ba inuuri ang kanyang kabuoan. "Are you falling for her?" Nananantiya at out of the blue na tanong nito.

Napa-angat naman si Luc mula sa pagkakasandal at tila napapantastikuhang tinapunan ng hindi makapaniwalang tingin si Ziva na titig na titig pa rin sa kanya. 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status