Share

Loving the Beast
Loving the Beast
Author: Hiraya Neith

Prologue

"No!" halos pabulong na usal niya habang kalong ang katawan ng kasintahan.

Fresh blood drifted all over her woman's body. Basang-basa na rin ng dugo ang suot nitong puting bestida. She forced a smile on her lips as she slowly raised her left arm to reach his face that was full of tears.

"Huwag ka nang umiyak." Pilit ang ngiting bulong ng nanghihinang babae. "Gusto kong maging masaya ka. Mangako ka sa akin na hindi mo isasara ang puso mo para muling magmahal ng iba." Pakiusap nito habang nanunuyo at bitak-bitak na mga labi ay pilit na ngumiti.

"No! Just hold on. Magiging maayos ka rin." Garalgal ang tinig na turan niya sa babae at hindi pinansin ang sinabi nito. 

Pumatak ang ilang butil ng mga luha mula sa namumutlang mukha ng dalaga. Tinitigan nito ng buong pagmamahal ang kaharap at matamis na ngumiti. "Mahal na mahal kita, Luc." Bulong ng babae nitong bahagyang ipinikit ang mga matang nagsisimula nang mamigat ang mga talukap.

"Mahal na mahal din kita, Delaney."

"Tandaan mo ang mga sinabi ko. Magmahal ka muli sa tamang babae. At, sa tamang panahon ay darating siya para pasayahin ka nang higit pa sa kaligayahang naibigay ko sa iyo. Mangako ka sa aking bubuksan mo ang puso mo kapag dumating na siya."

Matigas na umiling si Luc at mas lalo pang tumulo ang mga luha.

"Walang mangyayari sa iyo. Hindi ako makakapayag—"

"Kiss me..." Putol ng babae sa ano mang sasabihin ng kaharap.

Muling pumatak ang mga luha ni Luc at walang pag-aalinlangan na hinalikan ang namumutlang mga labi ng kasintahan. Masuyo iyon at buong pag-iingat na buong pagmamahal namang tinugon ang babae hanggang sa tuluyan itong bumitaw at bumagsak ang mga braso. 

"No!" Tarantang usal ni Luc.

Tigalgal na napatitig sa hindi na gumagalaw na kasintahan. Payapa ang mukha nito na tila ba hindi nakaranas ng paghihirap at sakit. Luc could even clearly recognized the soft smile on her lips. But that same smile is slapped him hard and it shook his whole being. 

She left. 

His Delany is gone. 

And, that she's really gone for good. 

Kasabay ng muling pagpatak ng mga luha mula sa sulok ng mga mata ni Luc ay ang nakakatakot na nitong alulong sa kalagitnaan ng kagubatang iyon. Alulong na bumulabog sa kadiliman ng gabi. Umalingawngaw iyon sa lahat ng sulok ng malawak na kagubatan dahilan para magliparan ang mga ibong nakadapo sa sanga ng malalaking punong-kahoy. 

"Delaney!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status