Share

Chapter One

Habang nagmamaneho patungo sa lugar na nakasaad sa iniwang sulat ng kanyang ina ay hindi napigilan ni Abbey ang pag-alpas ng malalim na buntong-hininga. Muli niyang naalala kung paano siyang napunta sa sitwasyong kinakaharap ngayon.

Isang buwan na ang nakakaraan mula nang tuluyang pumanaw ang kanyang inang si Felicity dahil sa sakit na cancer. Halos ilang taon ding nakipaglaban sa sakit ang Mama niya bago ito tuluyang sumuko. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakapagbabang- luksa ay saka naman niya natuklasan ang isang lihim na hindi inaasahan. Gusto niyang magalit sa ina ngunit sa huli ay naisip niyang sino ba siya para magalit dito gayong hindi naman ito nagkulang sa pagpapalaki sa kanya.

Muling napahugot ng malalim na buntong-hininga si Abbey at nagpasyang buksan ang car sterio. Her mother was a retired professor lll. Maaga itong nagretire dahil na sa sakit nito. Hindi man sila mayaman ngunit sapat naman ang kinikita nito para mabuhay silang mag-ina nang higit pa sa sapat. Plus, the fact that her father left her a good amount on her trust fund that helped her live a comfortable life. Hindi kalakihan ngunit sobra pa sa pangangailangan niya at halos hindi naman nagagalaw dahil kaya namang tustusan ng Mommy niya ang kanyang mga pangangailangan. 

Nasa ika-anim na baitang pa lamang siya sa elementarya nang matagpuang patay sa gitna ng kagubatan ang Daddy niya. Her father loves to hunt. Ngunit nang minsang magpaalam itong maghunting ay hindi na ito nakauwi nang buhay. No one knew about how her father died and her Mom kept her silence when the police reported that her father died due to some bullet found on his body. She was only twelve years old then but she was sure as hell that her father was killed ruthlessly. 

May ilang patak ng luhang bumagsak mula sa mga mata ni Abbey nang maalala ang ama na kaagad niyang pinunasan ng kamay. Bumuga siya ng hangin bago itinuon ang pansin sa pagmamaneho. Malayo na sa siyudad ang nararating niya at sa palagay niya ay malapit na siya sa kanyang pupuntahan. She was driving a second hand toyota corolla. It was a graduation gift from her mother when she graduated as a magna cum laude in college. 

Naputol ang pagmumuni-muni ni Abbey nang biglang tumunog ang cellphone niyang nasa loob ng handbag. Saglit niyang itinabi ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada bago kinuha ang aparato. Napailing siya nang makita kung sino ang tumatawag.

"Hey!" Bungad niya.

"Where are you now?" Kaagad na bungad nitong kaagad niyang ikinatawa.

Napasulyap si Abbey sa labas ng bintana ng kanyang sasakyan. All she can see was a diserted road. Walang ibang sasakyang bumibiyahe nang mga sandaling iyon maliban sa kanya. It's kinda weird ngunit hindi na lamang niya iyon pinagtuonan ng pansin. The scenery was pretty good though.

Abbey shrugged her shoulders. "I'm still in the middle of the road." Walang anumang sagot niya sa kausap.

It was Triston. Her overly protective cousin. 

"Malayo ka pa ba? Halos pagabi na, Abbey." Nag-aalalang ani nito.

Naitirik ng niya ang mga mata dahil sa narinig. "I'm okay, Tris. Really. And, I think malapit-lapit na ako." Aniyang muling sinulyapan ang mahabang kalsada. 

Puro puno ang natatanaw niya at halos wala na siyang makitang kabahayan sa gitna ng malawak na kapatagan.

"Are you sure?" Tila hindi pa rin kumbinsidong untag nito sa kanya. 

"But of course. Sige na, baka mas lalo akong gabihin."

She heard him heave a deep sigh before he answered. And, she could almost imagine him frowning in disbelief. 

"Alright. But don't forget to call me kapag nakarating ka na sa lugar na iyon, ha." Tila napipilitang tugon nito.

Abbey once again rolled her eyes and nodded as if Triston was just right in front of her. 

"I will..." Sagot niya bago tuluyang pinutol ang tawag ni Triston. 

Ilang saglit pa ay muling nagpatuloy si Abbey sa pagmamaneho. Napadaan siya sa isang gasolinahan at naisipan niyang magpakarga na rin para makasiguro. Baka wala na siyang madaanang gasolinahan dahil habang palayo siya nang palayo ay mas lalong wala na rin siyang nakikitang mga kabahayan at establisyimento.

Habang nagpapakarga ng gasolina ay nagpasya siyang bumaba muna ng sasakyan at humakbang patungo sa convenience store na nasa tapat nito. Bumili siya ng isang balot ng paboritong potato chips at isang bote ng tubig. Tapos na siyang magbayad nang bigla siyang may maalala.

"Ah, maaari ho bang magtanong?" Tanong niya sa babaeng nasa casher. 

Nasa mid-forties marahil ang edad nito kung hindi siya nagkakamali. Nginitian siya nito bago tumango.

"Ano iyon, iha?" Nakangiti nitong tanong. Bakas sa tinig nito ang kabaitan. 

"Malayo pa ho ba rito ang Wulfgrim?" Tanong niyang bahagyang yumuko para ayusin ang suot na feathered hoody jacket. Inalis niya ang pagkakasuot ng hoody sa ulo bago muling ibinalik ang mga mata sa kaharap. 

Nangunot ang noo ni Abbey nang mapansing bahagyang natigilan ang babae at napangiwi. Hindi rin nakatakas sa kanyang paningin ang paglingon ng ilang naroroon sa loob ng convenience store. Iisa rin ang reaction ng mga ito. Tila iisang taong tiningnan siya ng mga ito mula ulo hanggang paa na tila ba inuuri ang kanyang pagkatao.

Duh, hindi naman malakas ang pagkakatanong niya. Ang talas naman masyado ng pandinig ng mga ito para marinig siya. Laking gatas marahil at alaga sa saging. Rich in potassium ang saging at good for hearing kaya marahil siya narinig ng mga ito kahit may kalayuan ang distansiya nila. 

Bahagya pa munang tumikhim ang kaharap niya bago pilit na ngumiti. Malikot ang mga mata nitong napatingin sa isang lalaking nakatayo sa harap ng chocolate stand.

Ireregalo marahil nito iyon sa jowa. Isip ni Abbey. Gwapo, eh. Imposibleng walang jowa maliban na lang kung bakla ito at lalaki rin ang hanap. Pero jowa pa rin iyon kung sakali nga. 

Napangiwi si Abbey sa naisip. Sayang naman. Mukha pa namang masarap. Malaman ang katawan. Napangisi pa siya sa naisip na kalokohan. 

"Medyo malayo-layo pa rito, Miss. Isang bayan pa bago ang lugar na sinasabi mo." Mahinang tugon ng babae na tila ba ingat na ingat na may makarinig. 

"Ah, ganoon ho ba?" Aniyang bahagya itong nginitian bago napatango-tango.

"Saan sa Wulfgrim ka ba pupunta?" Tanong nito.

"Sa Red Tails ho." Simpleng tugon niya. "That place really sounds weird." Kunot-noong dugtong pa niya na bahagya pang kinamot ang tungki ng ilong na kadalasan niyang ginagawa kapag nag-iisip. 

Napatigil sa akmang pagbibigay ng sukli ang babae sa isang costumer nang marinig ang sinabi niya. Awang pa ang bibig na napatitig ito sa kanya na labis naman niyang ipinagtaka. 

Hala, para itong nakarinig ng imposible.

"Nasa bungad lang iyon ng Wulfgrim, Miss." Sabi nitong may alanganing ngiti sa gilid ng mga labi pagkaraan ng ilang saglit na pagkalatulala.

"Ganoon ba? Sige ho, salamat." Sabi niyang sandali pa muna itong tinitigan bago tuluyang tumalikod pagkatapos magpaalam nang muling nagsalita ang babae.

"Mag-iingat ka!" 

Nilingon niya ito at nakangiting  tumango ng mahina. 

Muli siyag nagpatuloy sa pagmamaneho at halos gabi na. Wala nang mga sasakyang bumibiyahe. Medyo creepy pero pilit na nilakasan ni Abbey ang loob. Madilim ang paligid dahil halos walang gaanong lamp post sa kalsada. Kurakot yata ang gobyerno sa lugar na ito kaya walang ilaw ang kalsada. Kung hindi lang talaga niya kailangang pumunta sa Wulfgrim para sundin ang bilin ng namayapang ina ay hinding-hindi siya magtatangkang pumunta rito. 

Isang oras pa ang lumipas bago niya natanaw ang arkong may nakasulat na, 'You are now entering Wulfgrim'. At, kagaya ng pangalan ng lugar, gloomy rin  ang paligid. Parang nagbabadya ng panganib. Paglagpas ng sasakyan niya sa arko ay puro naglalakihang mga puno na ang nadaanan niya. Tahimik na tahimik ang paligid at wala siyang nakikitang kabahahayan. Pakiramdam ni Abbey ay mayroong dadakma sa kanya anumang sandali

Panginoon ko pero para siyang nasa lugar ng mga carnivorous creatures sa Wrong Turn. Napangiwi si Abbey at pilit na inaalis ang takot. Muli niyang binuksan ang car sterio at pumailanlang ang kanta ni Michael Jackson na Thriller. Nanlaki ang mga mata ng dalaga at mabilis na pinatay ang tugtog. Nai-imagine niya ang mga zombie na biglang naglitawan sa harap ng sasakyan niya. Oh, my God! Ayaw niya pang mamaalam sa mundo at sumunod sa mga namayapang magulang. Marami pa siyang gustong gawin. Maghahanap pa siya ng jowa. Magiging isang ulirang asawa pa siya at dakilang ina ng magiging mga anak. 

Napatigil siya sa pag-iisip nang marinig ang pagtunog ng cellphone na nakapatong sa dashboard. Mukhang alam na niya kung sino ang tumatawag. Pinindot niya ang answer button nito at in-on ang speaker.

"Nasaan ka na?" Kaagad na bungad nito.

"Nandito na ako, Tris. Mamaya ka na tumawag. Maghahanap pa ako ng matutuluyang Inn,"

"What? Wala ka pang-"

"Tris, please. I'll call you up as soon as I already have a place to stay, okay." Putol niya sa sasabihin nito bago pinutol ang tawag.

Minsan gusto na niyang mairita sa sobrang pagka-protective ng pinsan sa kanya. Like hello, she's turning twenty-one already. Duh!

Natigilan ang dalaga nang matanaw ang liwanag mula sa malayo. 

Wow, bongga! May pakuryente naman pala si Mayor pero bakit walang ilaw sa bungad ng bayang ito? Ang weird, ha. Habang papalapit ay mas lalo pa siyang namangha. Akalain ba naman niyang sibilisado pala ang lugar na ito. Maliwanag ang paligid at naglalakihan ang mga bahay. May mga establishments din pero sarado na maliban sa isang nasa unahan. Tila iyon bar dahil sa kopitang nakalagay sa signage. At, habang papalapit siya ay malinaw na niyang nababasa ang nakasulat roon. 

Chinks' Blu.

Hindi iyon kalakihan ngunit maganda ang labas nito. Nagpasya siyang bumaba ng sasakyan para muling magtanong. Itinabi niya ang kanyang kotse sa tabi ng isang itim na bigbike. Wow, dukati at it's finest. Mukhang bigatin ang mga nasa loob. Pansin niyang mamahalin rin ang iba pang sasakyang naroroon. At, kung hindi siya nagkakamali ay isang vintage black mustang ang katabi ng dukati. Hindi man siya eksperto sa mga sasakyan ngunit pamilyar naman siya sa mga ito lalo pa at mahilig sa mga sasakyan si Triston. May mga collection ng mga vintage car toys ang pinsan niya.

Napasipol pa si Abbey habang pinagmamasdan ang mga sasakyan pagkuwa'y bumaling sa bar. Hmm, baka nasa loob ng bar na iyan ang kanyang 'the one' kaya nagpasya siyang pumasok na sa loob.

Humakbang si Abbey patungo sa pinto. Sandali niyang nakalimutan ang totoong dahilan kung bakit siya nasa lugar na iyon dahil nang itinulak niya ang glass door ng bar ay kaagad na bumungad sa kanya ang social na ambiance sa loob. Wow uli! Mukhang expensive. Hindi kaya siya mamulubi kapag umorder siya ng inumin rito? Mukhang mamahalin.

Sabay pang napalingon at napatingin sa kanya ang mga naroroon. Tila iisa ang ulong dumako sa gawi niya ang mata ng lahat. Napataas ang kilay niya at nangunot ang noo. Ano'ng meron? Mukha namang maayos pa ang itsura niya bago siya bumaba ng sasakyan. Kung makatingin ang mga ito sa kanya, para siyang aparisyon. At saka, hindi naman siya pangit. Napasimangot si Abbey bago nagpasyang humakbang na papasok at tinungo ang bar counter.

Bakit kaya ang werdo ng mga nakikita niya ngayong araw? Bahala nga sila basta tatambay muna siya sandali rito. Magtatanong tuloy siya ng maaari niyang tuluyan. At saka, baka nandito ang husband to be niya. Napansin niyang puro magaganda at gwapo ang nasa loob ng bar kaninang pumasok siya.

Mga pinagpala!

Feel niyang magpalahi...baka may available! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status