Share

CHAPTER SEVENTEEN

Napahugot ng malalim na buntong-hininga si Abbey habang patamad na nakadapa sa kama. Hindi pa uli sila nag-usap ni Luc simula kahapon. Hindi naman niya masisi ang lalaki kung galit ito sa kanya. Hindi siya nag-ingat. Sa kagustuhan niyang i-please ito ay nakaperwisyo pa siya. At, muntik pa niya itong saktan.

"What now, Abbey?" Pabulong na kausap niya sa sarili bago tumihaya.

Wala pa siyang isang linggo roon pero ang dami nang nangyari. Maraming nagbago lalo na sa kanya. Hindi niya pa rin lubos na matanggap ang pagiging halimaw niya. Akala niya kapag pumunta siya sa Wulfgrim ay matatagpuan niya kaagad si Callehan at magiging maayos na ang lahat. Pero mali siya dahil mas naging magulo ang sitwasyon. Mas naging komplikado.

Natatakot siyang hindi na siya makabalik sa dati niyang buhay. Paano kung dahil sa pagiging halimaw niya ay makasakit siya ng inosenteng tao or worst ay makapatay siya? Hindi na niya alam kung paano at saan mag

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status