Chapter 8: Got to Know You Pt: 2 "Uhm, Mr.- este Sir Dave, okay lang po ba kayo? Mukhang uulan na po eh," medyo nag-aalinlangan pa si Keirah na kausapin ang Boss na nananahimik. Pasulyap-sulyap siya sa madilim na kalangitan. Tila kaunting oras na lang ay babagsak na ang malakas na ulan. "Dad, paano ba yan? We need to go now" Napalingon si Keirah sa binata habang tumatayo ito mula sa pagkaka-upo sa damuhan at nagpaalam sa puntod ng ama. Hindi niya mapigilang pagmasdan ito. May sweet side din pala ito ngunit hindi nito pinapakita sa mga tao. Hindi katulad niya na showy. Sabagay iba-iba naman kasi ang mga tao. Tulad nitong Boss niya, halimaw sa opisina. Pero ang among tupa pag nasa harap ng puntod ng ama. "Sorry, if I have to tagged you here" Nagulat pa siya nang mag-salita ito. "Okay lang Sir, wala naman ako gagawin sa bahay eh" "Malayo ba bahay mo dito?" bigla nitong tanong na ikinalingon niya. Ilang segundong hindi sumagot si Keirah sa tanong ng bi
"Miss Cassidy, wala po kayong appointment, at saka wala din po dito si Sir Davidson" Tila walang naririnig ang sopistikadang babae at nagpatuloy lang ito sa paglalakad patungo ng office ni Davidson. "Miss Cassidy-" Isang matalim na tingin ang pumutol ng sasabihin ni Sandra. Binalingan siya nito at inalis ang shades na suot, saka salubong ang mga kilay na tiningnan siya. "I just want to give him this. Buong gabi akong gising just to make it perfect and I want to be the first person to give him a presents for his birthday," pagtataray nito sabay angat ng square na box at mukhang mga cupcakes ang laman no'n. "So let me in" "Pero Miss Cassidy, wala nga po si Sir Davidson" Bakit kasi hindi siya nito pinapakinggan? "Bilin niya pong wag ako tatanggap ng bisita kapag wala siya or walang appointment," dugtong pa ng sekretarya. Tila nairita na ang babae sa pagpipigil dito ni Sandra na makapasok sa office ng Boss niya. Padabog nitong dinukot ang cellphone sa
Gabi na ng makauwi si Keirah sa tinutuluyan. Ihahatid pa sana siya ni Davidson ngunit tumanggi na siya at pinauwi na ito para naman makapag-pahinga. Pagkatapos maligo ay dumiretso na siya sa kwarto. Pagod ang katawan na binagsak ni Keirah ang sarili sa maliit na kama. Tumingala sya sa kisame at saglit na nag muni-muni habang binibilang kung ilang butiki ang gumagapang doon. Nakaramdam sya ng lungkot nang bigla nyang ma-miss ang kwarto nya sa bahay nila. Mula sa pagiging prinsesa ay bumagsak sya sa pagiging ‘mahirap’. Sinulyapan nya ang durabox na nakatayo sa gilid ng higaan nya. Freebies lang yon ng apartment. Naalala nya din ang walk-in closet nya na punong-puno ng mamahaling mga damit, sapatos, bags at mga alahas. Ngayon ay apat na patong na lang ng durabox ang nakikita nya tuwing magigising sya ng umaga. ‘Hays masasanay din ako sa ganito. Pansamantala lang naman ‘to’ napa buntong-hininga na lamang ang dalaga. Isang malakas na katok ang narinig nya mula sa
One year ago.. Twentieth birthday ni Eunice at inarkila ng kaibigan ang buong Bar na pagdarausan ng party. Dahil mga legal age na ay inuman at Disco ang kaganapan. Mababa ang alcohol tolerance ni Keirah kaya mabilis siyang nalasing. Kahit na sumusuray ay nagpaalam siya kay Eunice na magbabanyo. Nag-insist pa itong sasamahan sya pero tinanggihan nya ito. Hindi na niya kaya ang hilo at babaliktad na ang sikmura nya. Patakbo nya nang tinungo ang bukas na cubicle at doon inilabas lahat ng nainom. Nanatili lang syang nakayuko sa bowl nang maramdaman niyang may humahagod sa likuran nya. “Are you okay, miss? Mukhang marami kang nainom,” sabi ng boses ng lalake habang hinahagod ang likod nya. “Mukha b-ba a-akong oka- urrrgggh,” hindi pa nya natatapos ang sasabihin ay sumuka na naman sya. “I think you need some medical attention, para bumaba ang hilo mo,” suhestiyon ng lalake. Bahagyang natawa si Keirah sa sinabi ng lalake. Dim light lang ang nagpapaliwanag sa buong ba
"Mom, promise me that you will follow me to the Philippines after my business trip, got it?" Alexander turned the swivel chair forward and raised his feet on the office table. The young man couldn't contain his excitement every time he thought of going to the Philippines for a business proposal at the famous Montevella Corp. company. Alexander will not let his investment in the GX Neon Sports Car go to waste. Matagal na niyang gustong magkaroon ng koneksiyon sa Montevella Corp. At ang dahilan ay sasarilinin na lamang muna niya. Nang malaman niya ang gustong pagkansela ng mga board members ng SHEN GROUP sa Montevella Corp. ay agad niya iyong binawi. Hindi niya matukoy ang dahilan kung bakit gusto ng mga ito mag-back out sa investments sa GX Neon Sports Car ng Montevella gayong bilyon na ang halaga ng mga sales ng nasabing brand ng sports cars. Bilang Director ng SHEN GROUP na nagmamay-ari ng mga expensive cars sa China ay, malaking panghihinayang para kay Al
(One hour earlier) "Akiraaa! I want to show you something!" kinikilig na bulalas ni Eunice at may kasama pang impit na tili sa bawat sinasabi. Kavideo-call niya ang kaibigan. Nasa labas ito ng bahay at naglalakad patungong garage. Napakunot-noo si Keirah. Kay aga-aga ng tawag nito sa kanya. Tinigil ni Keirah ang paglalagay ng mascara sa mata at tinuon ang pansin sa ipapakita ni Eunice. Tinakpan pa ni Eunice ng palad ang camera ng phone para ma-surprise talaga siya. Naiinip siyang hinintay kung anong ipapakita nito kaya ibinalik niya sa paglalagay ng mascara ang atensyon. "TADAA! Did you see that?" Saktong balik ni Keirah ng tingin sa phone ay bumulaga sa kanya ang glittered- light violet na Porsche na nakaparada sa garage nila Eunice. Lumampas pa ang mascara niya sa pagka-bigla. "Dad just bought me a new model of Porsche from France! Sheesh kinikilig ako girl!" sabay pinasadahan ng camera ang kabuuan ng sasakyan. "Sus, akala ko naman kung ano," pabiro
Lagaslas ng tubig na nagmumula sa shower ang maririnig sa loob ng banyo. Hinahayaan lang ni Davidson na umagos ang tubig sa kanyang hubad na katawan. Nagiisip habang nakapikit. Inaalala niya ang eksenang kasama niya si Keirah. ‘'Wag ka na pong matakot, sir. Dito lang po ako' Ang matamis na ngiti ng dalaga ay rumerehistro sa utak niya. Kahit anong gawin niyang pigil sa sarili na 'wag itong isipin ay nabibigo siya.—-- "Good morning, Mr. Montevella," sabay-sabay na bati sa kanya ng mga staff ng Montevella Corp. pagkababa niya ng kotse niya. As usual, nakabuntot sa kanya ang mga bodyguards niya at sa kaliwa naman niya ay si Sandra na hindi mabitawan ang planner at schedule book sa kanang kamay. Mabibilis ang mga hakbang na binabagtas nila ang hallway ng Building. Bawat makasalubong ay iyuyuko ang ulo at babati sa CEO. "What's my schedule today, Ms. Roxas?" maya-maya ay tanong niya kay Sandra. "You have a meeting with Mr. Benavidez, sir at one o'clock
"SIR, nandito na si Ms. Gustavo," bungad ni Sandra sa opisina ni Davidson. "Let her in" "Yes, sir" saka bumaling kay Keirah. "Pumasok ka na, Ms. Gustavo" Kinakabahan man ay pumasok na din si Keirah. Maliliit ang mga hakbang na lumapit siya sa seryosong Boss. Nakatalikod ang swivel chair nito sa kanya. Nang maramdaman siguro ang paglapit niya ay saka lamang ito umikot paharap. "Ms. Gustavo" Napaigtad si Keirah sa pagtawag ni Davidson sa kanya. Wala siyang magawa kundi salubungin ang pamatay nitong titig. "Ahm, bakit niyo po ako gustong makausap?" nakangiwing tanong niya. "I didn't know your background. Lahat ng empleyado ko dito ay may background files sa akin, ikaw lang ang wala," deretso at seryoso ang pagkakasabi nito ng mga katagang iyon. Medyo kinabahan ang dalaga. Oo nga pala, ang mga fake resume niya ay nasa HR ng Montevella Hotel. Nakalimutan niya na yon mula ng tinurn-over siya dito sa Montevella Corp. Napa buntong hininga si Keirah. Hindi naman