Share

Kabanata 1.2

Tinawagan niya ang manager niya at halos nakahinga siya ng maluwag nang sumagot na ito.

“Manager—“

“Ito na ang huling tatawagan mo ako Scarlett. Sinagot ko lang ang tawag mo para sabihin sayong, it’s over. Tapos na ang career mo.” pagpuputol kaagad sa sasabihin pa lamang ni Scarlett.

“Manager naman, handa akong maglabas kaagad ng statement tungkol sa mga ibinabato nila sa akin. Ipapaliwanag ko ang lahat. Let’s have a press conference now at sasabihin ko ang lahat.” wika niya rito.

“I’m sorry Scarlett pero hindi mo na yan magagawa. Maglalabas ka ng statement? Ano pa bang ipapaliwanag mo sa kanilang lahat? Nakita na nila ang mga videos tungkol sayo. Malaking ebidensya yun laban sayo kaya ano pang sasabihin mo? Mabuti pang iturn off mo muna ang mga social media mo dahil baka mas lalo ka lang mapapahamak sa gagawin mo. Pasensya ka na pero wala na akong magagawa, wala ng magagawa ang agency. This is a big scandal, goodness! Hindi naman masamang magcelebrate pero sana kinontrol mo ang sarili mo! Sayang, sayang ka Scarlett. Ang laki pa naman ng pangarap ko para sayo but you ruin it. Now, it’s over.” Napakunot naman ng noo si Scarlett.

“What do you mean? Manager, may contract pa rin tayo at sa agency. I want to clear everything! Lilinisin ko ang pangalan ko!”

“Tapos na ang kontrata mo Scarlett.” Diretsong wika sa kaniya ng manager niya.

“Pero nakausap na ako ng agency diba? Gusto nilang mag-extend ulit ako ng kontrata.”

“Oo ganun na nga pero dahil sa lumabas na news ngayon. Napagplanuhan nilang huwag ng ituloy ang kontrata sayo. Matatapos na rin ang kontrata mo sa agency sa linggo kaya hindi ka na nila kargo sa kung anong nangyayari sayo ngayon. Magbakasyon ka na muna, hayaan mong panahon na lang ang maghihilom sa mga nangyayari ngayon. Masyado pang mainit ang isyu sayo kaya palamigin mo muna. Magpakalayo-layo ka na muna dahil mas makakabuti yun sayo, magiging safe ka rin. Huwag mo na akong tatawagan.” Saad ng Manager niya at mabilis na pinatay ang tawag.

Bagsak ang balikat ni Scarlett na isinandal ang likod sa malamig na pader.

Ni isa, wala man lang handa siyang tulungan. Alam niyang malaki ang isyu tungkol sa kaniya ngayon pero bakit mag-isa niya lang haharapin yun? Noong panahon na umaangat siya bilang artista, lahat sila ay nakadikit sa kaniya pero bakit ngayong bumabagsak siya, kaniya-kaniyang kalas din silang lahat?

 Ikinulong na lang ni Scarlett ang sarili niya sa loob ng bahay niya. Tulala at tila hindi na makapag-isip ng maayos. Hindi niya alam ang gagawin niya. Kapag ba naglabas siya ng statements niya gamit ang social media niya, makakatulong ba ito?

Baka sa gagawin niya mas lalo lang lumala ang lahat lalo na at galit na galit sa kaniya ang lahat ng fans nila ni Eric.

Hindi niya rin alam kung bakit pareho niyang hindi macontact si Eric at Layla ngayon. Mukhang maging silang dalawa ay tinalikuran na siya.

Lumipas ang ilang araw, mainit pa rin ang isyu sa kaniya. May mga nag-aabang pa rin sa kaniya sa labas. Hindi na siya makatulog ng maayos, nadedepress na rin siya. Dumagdag pa ang hindi pagpunta ni Eric sa kaniya.

Hindi man lang siya tinanong nito kung totoo ba ang lahat ng inilabas sa news basta na lamang siyang nawala na parang bula.

Hilaw na natawa si Scarlett. Itim na itim na ang paligid ng mga mata niya, namumugto pa rin ang mga ito at ang putla na ng kulay niya. Hindi siya makakain ng maayos at wala ring sapat na tulog.

Pagsapit ng gamit ay isinuot niya ang hoodie niya at dumaan sa likod ng bahay niya. Gusto niyang lumayo muna at makapag-isip-isip.

Wala namang nakakakilala sa kaniya sa paglalakad niya dahil nakahoodie at facemask siya.

Nang makarating siya sa national highway ay napatigil siya sa paglalakad niya. Nakatulalang nakatingin sa daan habang pinapanuod ang mga rumaragasang sasakyan.

“Kill yourself bitch!”

“Get a rope and hang yourself!”

“Tumalon ka na lang sa mataas na building.”

“Pakamatay ka na!”

Mga masasakit na salitang ibinabato sa kaniya. Dahan-dahan ang paghakbang niya patungo sa delikadong daan. Gusto niya na lang mawala, ano pa bang silbi ng buhay niya kung tapos na ang career niya? Tapos na ang lahat sa kaniya. All her fans hated her now. Wala siyang kakampi, wala siyang makausap, ni walang kinamusta man lang siya.

Mapait siyang ngumiti, wala siyang tunay na kaibigan. Wala man lang taong sinamahan siya sa pagbagsak niya dahil sa takot na madamay din sila sa pagbagsak ni Scarlett.

Pakiramdam niya ay pinupunit ang puso niya habang iniisip na walang dumamay sa kaniya, wala ng naniniwala sa kaniya. Ang boyfriend niyang bigla na lang naglaho ganun din ang bestfriend niya.

Wala na siyang pakialam sa buhay niya ngayon, gusto niya na lang tuldukan ang lahat. Diretso ang paglalakad niya at wala na siyang pakialam sa mga rumaragasang sasakyan.

Tila huminto ang lahat nang marinig ang malakas na kalabog mula sa isang aksidente. Mapait na ngumiti si Scarlett nang tamaan siya ng sasakyan. Napaubo na lang siya ng dugo nang bumagsak siya sa sahig. Nanlalabo na ang mga mata niya at pumatak na lamang ang mga luha niya nang marinig niya ang sinabi ng mga taong nakapaligid na sa kaniya ngayon.

“Si Scarlett Mendoza yan diba? Siya nga, gago mamatay na lang sana.”

Marami siyang narinig na hindi magaganda at mukha ni isa walang tutulong sa kaniya. Sa isang pagkakamali mo lang, nakalimutan na nila ang lahat ng mabuti mong nagawa. Ganun na ba kalaki ang nagawa niyang kasalanan para hilingin na mamatay na lang siya?

“Goddamn it! Step aside!” sigaw ng lalaking lumabas ng sasakyan niya. Ang lalaking siyang nakabangga kay Scarlett. Inis siyang napasabunot sa sarili niya dahil maingat naman siyang nagmamaneho kung bakit nangyari pa ito.

Umalis na ang lahat ng nakikius-sosyo lalo na nang malaman nilang si Scarlett ang nabangga. Wala naman nang nagawa ang lalaking nakabangga kay Scarlett at binuhat na ito. Isinakay niya na si Scarlett sa kotse niya at ididiretso niya sana ito sa hospital nang ibahin niya ang direksyon na tinatahak niya.

Hindi siya pwedeng makita sa mga publikong lugar. Idineretso niya si Scarlett sa bahay niya at ipinatawag ang mga personal doctors niya. Mabilis namang inasikaso si Scarlett at kinailangan pa siyang operahan sa mismong mansyon ng binata. Mabuti na lamang at magagaling ang mga personal doctors niya.

“Sir, are you okay? What happened to her?” tanong ng kaniyang assistant. Kalalapag pa lamang ng eroplano ni Zion kanina at pauwi na sana siya ng mansion niya nang mangyari pa ang aksidente.

“She suddenly appeared in front of my car. Damn it!” galit pa rin niyang wika. Hindi niya napansin ang pagtawid ni Scarlett dahil inaabot niya ang cell phone niyang nalaglag. Hindi na rin siya nakapreno kaagad dahil nakareg light ang traffic light.

Napapakunot na lang ng noo si Zion sa inakto at mga sinabi ng mga taong nakakita sa aksidente. Tila ba wala silang mga pakialam. Ganito na ba ang mga tao sa bansa nila? Ilang taon lang siyang nawala sa bansang ito tapos ganito pa ang sasalubong sa muli niyang pagbabalik?

Zion is fil-am citizen, half-american and a Filipino.

Nagulo na lang ni Zion ang buhok niya sa sobrang inis. Hindi siya makapaniwalang mangyayari pa ito sa pag-uwi niya. Pagod pa siya sa byahe tapos nakasagasa pa siya? Hindi siya pwedeng makita sa publiko lalong hindi siya pwedeng makita sa balita na nakabangga ng isang babae.

Zion is the King of entertainment sa labas man o sa loob ng bansa. Kilalang-kilala siya sa ibang bansa lalo na sa US. He’s damn fucking rich, he’s famous at lahat ng mga sikat na artista at modelo ay hawak ng kompanya niya.

“I want you to know about the identity of that woman.” Maawtoridad niyang utos kay Lance, ang secretary/assistant niya.

“Yes Sir,” mabilis na sagot ni Lance at umalis na. Hindi pa rin mawala ang inis ni Zion dahil sa nangyari.

“Does she want to kill herself?! I hope she just jumps off the bridge, Damn it!” inis siyang napasipa. Ilang oras na siyang naghihintay sa labas ng kwarto niya pero wala pa ring lumalabas sa mga doctors niya.

Bumalik naman kaagad si Lance at nakilala kaagad si Scarlett. Ipinakita ni Lance ang lahat ng tungkol kay Scarlett at ang latest scandal nito.

“She’s a famous artist,” wika niya nang malaman niya ang ilan tungkol kay Scarlett.

“If she wanted to kill herself, why did she crash into my car?! Oh goddamn it! Fuck this life!” galit na galit pa rin niyang wika. Kababalik lang niya ng bansa tapos ang pangit pa ng pagsalubong sa kaniya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status