Share

Mr. Grayson Contract Love
Mr. Grayson Contract Love
Author: Rhea mae

Kabanata 1.1

Halos bumagsak ang mundo ni Scarlett habang nanunuod ng balita. Parang gusto niya na lang maglaho at mawala sa mundo ng tuluyan.

Nanginginig ang mga paa niya ganun na rin ang mga kamay niya. Tila ba katapusan na ng career niya. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang laman ng mga balita sa kaniya. She’s not a bully pero sa ipinapakita ng balita she’s a bully and the bad guy here. Nanginginig ang mga kamay niyang tinawagan si Eric, ang kaniyang boyfriend pero hindi man lang niya sinasagot.

“Please, answer your phone. Answer your phone baby.” nanginginig niyang wika habang nagriring ang cell phone ni Eric pero nakailang ring na siya hindi pa rin nito sinasagot.

Halos hindi niya na kontrolado ang kamay niya sa sobrang panginginig nito. Hinanap niya sa contact niya si Layla, ang bestfriend niya at isa sa mga pinagkakatiwalaan niya. Tinawagan niya rin ito, nakakagat na lang ni Scarlett ang mga kuko niya habang hinihintay na sagutin ni Layla ang tawag niya pero gaya ni Eric hindi ito sumasagot.

Halos gusto niya na lang itapon ang cell phone niya pero pinigilan niya ang sarili niya dahil hindi niya makokontak ang mga ito kapag nasira ang cell phone niya.

Lingid sa kaniyang kaalaman na niloloko lang siya ng dalawang taong pinagkakatiwalaan niya. The two of them having a good night in hotel habang hindi na alam ni Scarlett ang gagawin niya. The video that was taken was all over the news now. Halos laman din siya ng f******k at twitter. As a famous celebrity this is a big scandal. Mas lalong nanginig ang katawan niya nang ipakita sa video na may kahalikan siyang ibang lalaki. She’s drunk that time at hindi niya alam ang ginagawa niya! Lingid sa kaniyang kaalaman na may inilagay si Eric para mabilis na malasing si Scarlett. Lahat ng nangyayari kay Scarlett ay planado ni Eric at Layla.

“Nasan na ba kayo?! Please answer your phone!” naiinis niya ng wika dahil wala man lang sumagot sa mga tawag niya. Pakiramdam niya iniiwan na siya ng lahat. Walang katotohanan ang lahat ng nasa news, lahat ng post tungkol sa kaniya.

Iniisip pa lang ni Scarlett na iniisip ni Eric na niloloko lang siya ay nasasaktan na siya. Hindi siya ganung klaseng babae. Nag-iingat siya sa lahat ng ikinikilos niya, halos lahat limitado para sa kaniya because she’s a famous celebrity.

Katatapos lang ng series ni Scarlett kaya nagkaroon sila ng party pero hindi niya na alam ang nangyari nung gabing yun. Hindi niya alam kung bakit paanong naging kahalikan niya ang lalaking yun gayong ang kasama niya noon ay si Eric!

“She’s a slut!”

“Akala ko pa naman mabait at anghel siyang tao, may kalandian pala at kademonyohan ang ugali off cam.”

“Kuya Eric deserves better, sayang idol ko pa naman siya pero kitang-kita sa video na she’s wrong.”

Halos hindi na makaya ni Scarlett ang mga salitang ibinabato sa kaniya. Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha niya. Paano siya makakalabas nito gayong maaaring inaabangan siya ng mga tao? Gusto niya na lang maglaho. Sana panaginip na lang ang lahat, sana hindi ito nangyayari, sana isang bangungot lang.

Natakip na lang ni Scarlett ang mukha niya gamit ang dalawa niyang palad habang umiiyak ng mag-isa. Ni wala man lang tumawag sa kaniya para kumustahin siya o kompirmahin man lang sana ang lahat ng mga inilalabas ngayon sa balita.

Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang lahat ng mga videos na nakuha sa kaniya. Gusto niyang ipaliwanag ang lahat pero ni isa wala man ang sumasagot sa mga tawag niya maging ang Manager niya ay nakaoff ang cell phone.

“Please, please sagutin niyo naman ang mga tawag ko.” halos nanghihina niya ng wika. Wala siyang makausap, wala siyang mapagsabihan, wala man lang magtanong sa kaniya kung totoo ba ang lahat ng nasa news.

Ni isa sa mga nakatrabaho niya walang tumawag o nagtext man lang. Nasan na ang mga kaibigan niya sa showbiz? Noong naging sikat siya, marami ang lumalapit sa kaniya, maraming gusto siyang makatrabaho o kahit makasama man lang sa project pero bakit ngayong nangyayari ito, ni isa wala man lang tumawag?

Samantala, parehong nakataas ang mga wine glass ni Eric at Layla. They are celebrating the successful of their plan for Scarlett. Sirang-sira na siya sa internet at halos lahat ay galit na sa kaniya.

“You deserve better.” Tuwang-tuwang wika ni Layla saka nakipagtoss kay Eric. Pareho silang nasa bath tub sa isang hotel. Napangisi naman si Eric, bukod sa hindi niya makuha kay Scarlett ang gusto niya bilang isang lalaki, pakiramdam niya ay isang alila o buntot lang din siya ng kasintahan. Pakiramdam niya kasi ay isa lang siyang anino ni Scarlett at natatapakan ang ego niya.

Ang gusto niya ay siya ang nagdadala kay Scarlett, hindi si Scarlett ang nagdadala sa kaniya. He loves her pero kinain na siya ng inggit, nauna siya sa mundo ng showbiz pero nang maging love team niya si Scarlett, pakiramdam niya si Scarlett ang nagdala sa kaniya. Si Scarlett pa ang naunang napansin ng mga tao kesa sa kaniya na simula bata pa lamang ay nasa mundo na ng showbiz.

“We succeed, paniguradong napanuod niya ang balita tungkol sa kaniya. Wala na siyang kawala dahil kitang-kita na sa video ang lahat ng ebidensya.” Natutuwa pa ring saad ni Layla. Pareho sila ni Eric, kinain sila ng mga inggit kaya nagawa nilang planuhin ang pagbagsak ni Scarlett.

Napatingin si Layla sa cell phone niya ng muli itong magring. Napapairap na lang siya dahil wala namang ibang tatawag sa kaniya ngayon kundi si Scarlett lang.

“You are just calling me every time you need me.” mapait niyang wika saka pinatay ang cell phone niya.

“Ano ba, nakikiliti ako.” malandi niyang wika nang halikan siya ni Eric sa leeg niya pababa sa kaniyang dalawang bundok. Humahagikgik na siya dahil sa kiliti at sensasyong ipinaparamdam sa kaniya ni Eric.

Masaya nilang pinagsasaluhan ang gabi habang si Scarlett ay unti-unti nang lumulubog ang mundo.

Hindi mapakali si Scarlett, kahit na kanina pa niya tinatawagan si Eric hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawag dito dahil baka sakaling sumagot siya.

“Where are you, Eric?” mahina niyang saad. Iniisip ni Scarlett na baka nasasaktan na ngayon si Eric dahil sa video na may kahalikan siya sa isang bar. Gusto niyang ipaliwanag ang lahat kay Eric pero paano niya yun magagawa kung hindi man lang ito sumagot sa mga tawag niya?

Putol ang video na ipinakita sa news, tungkol naman sa may binubully siya sa video, that’s not true. Hindi siya ganung tao na maliliitin ang mga taong nakakababa sa kaniya. Sa pagkakaalam niya, ang nasa video ay isang akting.

Noong nagbakasyon siya ay nakita siya ng mga fans niya, nakipag-usap siya sa mga ito at sinabi ng mga ito na baka maaaring umakting sila. Pinagbigyan niya ang mga fans niya at ang gusto ng mga ito ay minaliit niya ang isang kontrabida.

Pero bakit sa inilabas sa news, pinagmukha siyang nangbubully.

Magdamag na lang na umiyak si Scarlett. Kahit ilang beses niyang tinawagan ang dalawang taong inaasahan niya, walang sumagot sa kanila. Sinubukan niya ring naghintay pero walang pumunta. Namagaga na ang mga mata niya sa kaiiyak.

Sa kaiiyak niya, nakatulog na lang siya sa sofa.

Halos lahat ng mga fans niya ay disappointed sa kaniya at na kay Eric ang simpatya ng mga tao ngayon dahil sa pag-aakala nilang lahat na manloloko si Scarlett. Mahal na mahal nila ang love team ni Eric at Scarlett at ngayong si Scarlett ang nakita nilang nagkamali, sa kaniya ang lahat ng sisi.

Paggising niya ng umaga ay tirik na tirik na ang araw. Bakas pa rin sa mga mata niya na umiyak siya. Inopen niya ang internet niya at halos sunod-sunod ang vibrate sa cell phone niya. Napakaraming notification sa kaniya, marami ring ang nagtag sa kaniya.

Nanginginig ang mga kamay niyang binuksan ang ilan dito.

“You slut! Just kill yourself now!”

“Huwag ka ng magpakita sa publiko dahil nakakahiya ka. Kuya Eric, doesn’t deserve a woman like you.”

“You are like a prostitute, you bitch!”

“Hindi ka ba kontento sa iba? O baka naman hangga’t walang nakakuha ng video mo ay tinitikman mo lahat ng mga artistang lalaki?”

Napakaraming masasakit na salita ang patuloy na ibinabato sa kaniya at halos siya ang laman ng news feed niya. Dahan-dahan na naman na tumulo ang mga luha niya dahil pakiramdam niya sinasaksak siya ng paulit-ulit.

Inayos niya ang sarili niya, kailangan niyang lumabas at ipaliwanag sa publiko na walang katotohanan ang lahat.

Nagtungo na siya ng banyo para maligo, inayos niya na rin ang sarili niya at akma na sana niyang bubuksan ang pintuan ng bahay niya nang may marinig siyang sigawan sa labas.

Nagtungo siya ng bintana para tingnan ang ingay na yun. Kitang-kita niya na rin ang sunod-sunod na pagbato sa harap ng bahay niya.

“Papatayin talaga kita kapag nagpakita ka pa!”

“Magpakamatay ka na lang, nakagawa ka pa ng tama!”

“Huwag ka nang lumabas, tama yan! Magpakamatay ka na lang sa loob ng bahay mo. Kapag nakita namin sa news ang walang buhay mong katawan, hahalakhak kami dahil nabawasan ang salot na katulad mo!”

“Malandi ka! Sumikat ka lang nang dahil kay Kuya Eric tapos ikaw pa manloloko! You bitch!”

“Kill yourself now!”

“Get a rope and hang yourself! Pok/pok!”

Sunod-sunod na sigaw sa kaniya. Napaupo na lang siya sa sobrang panginginig ng mga tuhod niya. Paano siya makakalabas ng bahay ngayon para pumunta sa agency niya? Maglalabas siya kaagad ng statement tungkol sa ibinabatikos sa kaniya pero paano siya makakalabas kung maraming nag-aabang sa kaniya para saktan siya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ryche ban
wala na po ba update nito?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status