Share

2

Stan's POV

Nakarating na kami sa bahay.

"Stanley maliligo muna ako ah, tapos papanoorin kitang magluto." Pagpapa alam nya.

Tumakbo na sya paakyat sa hagdan na hindi manlang ata pinakinggan yung sagot ko. Tsk! Parang bata!

"Oo na. Manang pakidala naman po dito ng First Aid kit." Sabi ko kay manang ng mapadaan sya.

"Sige Hijo."

Napansin kong nakatayo lang si Alex at nakatingin sa akin.

"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya. Akala ko maliligo na sya.

"Masakit ba?"

Ayy hindi! Masarap! Syempre hindi ko pwedeng sabihin 'yun! Baka upakan pa ako nito!

"Hindi naman. Pero may mga paltos eh." Sagot ko.

Lumapit sya sa akin. Nakatayo lang sya sa tapat ko. Dumating na si Manang at inabot agad sa akin ang kit. Sinimulan ko ng gamutin ang paltos ko.

"Ouch~" Angal ko. Paking Tape! Mahapdi!

"S-Sorry."

Busy ako sa pag gagamot kaya hindi na ako tumingala pa.

"Para saan?" Tanong ko habang hinihipan ang paa ko.

"Dahil sa kalokohan ko nagkapaltos ka." Ay Buti alam mo! Kung hindi lang babae 'to baka naupakan ko na 'to eh.

This time napatingin na ako sa kanya. Magulo 'tong babae na 'to. Minsan Mabait. Minsan Masama. Haha.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa. Siguro mas naasar ako. "Wala yun! Diba nga sabi mo na this is my fault?" Walang emosyon na sabi ko.

Bigla nya akong niyakap. Hayy! Ito na naman po sya.

"S-Sorry ( sniff ) sorry t-talaga." Lah! She was crying while saying those words. Meron din naman syang soft side, at 'yun ang pinakagusto ko.

Pinat ko yung likod nya. "Stop crying. I'm ok." Ako ata ang mababaliw dito eh. Kakawain ako tapos hihingi ng sorry at iiyak sa harap ko.

Kumalas na sya sa pagkakayakap ko. Kinurot pa ako sa tagiliran. The heck!

"Aray naman Alex!" Angal ko.

"Nananantsing ka na eh." Sabi nya habang pinupunasan ang luha.

"Ako pa talaga? Sino ba una yumakap?"

"Ako." Inosenteng sabi nya.

"Ikaw nga! Edi ikaw nananantsing!" Ang sakit sa ulo!

"Kapal mo!"

( BOINK ) Binatukan nya na naman ako.

"Yung pakbet ko ah!" Utos nya.

"Oo na." At nagtatatakbo na sya paakyat.

Napangiti na lang ako sabay hinga ng malalim.

-----

"Una cut the vegetables, sibuyas, at bawang." Sabi ko.

"Ahh." Tanging sagot nya.

"Syempre hugasan." Step by step talaga dapat.

"Ehh."

"Igisa ang sibuyas at bawang. Layo ka sa kawali babe, baka matalsikan ka." Sabi ko at pinaatras sya ng kaunti. Lumayo naman sya.

"Ihh."

"Ilagay ang pork."

" Ohh."

"Sunod alamang."

"Uhh."

"Haluin." Para naman akong sira nito.

"Teka! Stanley nasa Uhh na ako! Wala na akong isusunod." Napatingin naman ako sa kanya. Pati ba naman yun poproblemahin ko?

"Hayy! Simulan mo na lang sa Ahh."

"Sige. Sige." Masiglang sabi nya.

"Ilagay na ang gulay."

"Ahh."

"Hayaang kumulo. Ilagay na yung mga seasoning."

"Ehh?" Napatingin ako sa kanya.

"Bakit patanong yung Ehh mo?"

"Bakit ka ba nangingialam? Eh yun ang gusto ko eh!" ( BOINK ) Batok na naman.

"Ano ba Alex?! Nananakit ka na naman!" Kung pwede lang manakit ng babae.

"Umaangal ka ba Stanley?"

"Ayy Hindi Alexandra!" Obvious ba? Lagi na lang syang ganyan! Nakakaasar na!

"Don't you dare call me like that." Sabi nya.

"Why? Pangalan mo naman yun diba? ALEXANDRA?!"

"Stop." Napayuko sya. Woaw~ Kalmado na sya nyan.

"Why Babe? You don't like it when people calling you ALEXANDRA?!" Pang aasar ko pa.

"I said stop." Tumingin na sya sa akin ng masama.

"Alexandra? Alexandra?" Natatawang sabi ko.

( PAKK ) She slapped me. WTF! Then she left.

P-pero kakaiba yung sampal nya, with feelings.

Ganun ba sya kasuklam sa buong pangalan nya kaya ayaw nyang marinig? Napahawak ako sa pisngi ko. In fairness. Masakit.

------

Alex's POV

Agad akong pumasok sa kwarto ko. I open the stereo. Tinodo ko yung volume. Soundproof naman yung room ko eh.

Every time that I remember that guy, I usually play this song.

(Now Playing: The Light behind your eyes By: My Chemical Romance)

♪♬So long to all my friends

Every one of them met tragic ends

With every passing day

I'd be lying if I didn't say that I miss them all tonight

And if they only knew what I would say♪♬

Saka ako umiyak.

"AGGHHHH!! AYOKO!!" I screamed at the top of my lungs.

"ARGHHH!! BAKIT?!!"

Pinagsusuntok ko yung Punching Bag ko sa kwarto. Oo meron ako nun dito, trip ko kasing magboxing.

Kumuha ako ng upuan at pinaghahampas ko sa salamin na nakadikit sa wall.

Hinampas ko rin ang Flat Screen T.V.

Wala na akong pakialam sa lahat ng gamit, basta mailabas ko lang to. Binato ko yung upuan sa window.

Pinaghahagis ko kung ano man ang mahawakan ko.

Unan.

Kumot.

Vase.

Lampshade.

Teddy Bears.

Computer.

PICTURE FRAME.

♩♬If I could be with you tonight

I would sing you to sleep

Never let them to take the light behind your eyes

One day, I'll lose this fight

As we fade in the dark, just remember you will always burn as bright.

Be strong, and hold my hand

Time, it comes for us you'll understand

We'll say goodbye today

And we're sorry how it ends this way

If you promise not to cry

I will tell you just what I would say

If I could be with you tonight

I would sing you to sleep

Never let them to take the light behind your eyes

I'll fail and lose this fight♩♪

Natigilan ako sa huling bagay na naihagis ko. Ang kaisa-isang litrato na nasa kwarto ko.

Napaupo ako sa sahig at dinampot yung picture. Hindi ko na alintana yung mga nakaharang na bubog sa paligid ko.

Iyak na ako ng iyak.

"Ayoko (sniff) Ayoko ng may tumatawag sa akin ng ganun .. Ayoko na syang (sniff) maalala, lalo lang akong nasasaktan."

Everything is perfect that day.

We loved each other for 1 year of our relationship. Until my parents told me na ikakasal na ako. The heck! Kanino?

I can't blame them sa pagsabi nila sa akin ng walang pag aatubili, they don't know about my boyfriend that time. Si kuya Alfred, kuya John, Georgia at Amanda lang ang nakakaalam.

Sinabi ko sa kanya na I'll try to tell Dad that ayokong magpakasal, basta huwag nya lang ako iiwan. But what happened? He left me all alone. He left me without even saying anything.

I tried to contact him, pero wala. I don't know kung nasaan sya. I've heard some news na nasa ibang bansa na sya. Happy with his new LOVE LIFE. Then after 3 months. Boom! Kasal na ako. Wala akong nagawa, babae kasi ako. Kesyo napagplanuhan na daw nila ito nung buntis pa si Mommy.

Dahil narin siguro sa Broken Hearted ako, wala na talaga akong nagawa. Sunod-sunuran ako sa kanila. Para akong patay na bata.

Sariwa pa sa akin ang lahat. Hindi ganun kadali mag move on.

Napahiga na lang ako sa sahig na puro bubog. ( nakatagilid na higa )

♩♪Never fade in the dark, just remember you will always burn as bright.

You will always burn as bright.

The Light behind your eyes

The Light behind your ...

Sometimes we must grow stronger

And you can't be stronger in the dark

When I'm here, no longer, you must be stronger, and....♩♬

Ilang minuto rin akong nasa ganun lang na posisyon, hawak ang picture naming dalawa habang patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko.

Sa totoo lang, umaasa pa kasi ako na isang araw ay babalik sya sa akin, kaya hindi ko magawang itapon ang nag iisang ala-ala ko sa kanya.

♪♬If I could be with you tonight

I would sing you to sleep

Never let them to take the light behind your eyes

I've failed and lost this fight

Never fade in the dark

Just remember you will always burn as bright

The Light behind your eyes

The Light behind your eyes

The Light behind your eyes

The Light behind your eyes

The Light behind your eyes

The Light behind your eyes

The Light behind your eyes

The Light behind your ..♩♬

Maya-maya may kumatok.

"Alex! Buksan mo 'to!"

"ARGHH!!!!" Sumigaw ako kahit alam kong hindi nya ako maririnig.

Wala ng kumakatok. Siguro napagod na rin sya.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto, at isinuka nun si Stan.

Medyo nabigla pa sya nung makita ako kaya hindi agad sya nakapagsalita.

Pumasok na rin si Manang. "Diyos ko po! Alex! Hija!" Hindi alam ni Manang ang gagawin. Napatakip na lang sya ng bibig.

"Manang, pakihanda ng First Aid kit sa baba." Tarantang utos ni Stan.

"Sige Hijo." Umalis na si Manang. Habang si Stan, nakatayo lang sa harap ko.

Hindi dapat ako nagpapakita ng kahinaan sa iba. Ipinikit ko ang mata ko kasabay ng pagpatak ng luha ko. Mga taksil na luha.

Naramdaman kong ibinabangon ako ni Stan. "Alex." Mahinahong sabi nya.

Dumilat lang ako. Ngumiti sya ng mapait.

Nakatulala lang ako, wala na akong lakas para magsalita pa. Niyakap nya ako.

Nag umpisa na namang tumulo ang luha ko. Inalalayan nya akong tumayo. Ibinulsa ko yung picture namin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status