Share

3

Alex's POV

Kasalukuyang ginagamot nya na ngayon yung mga galos ko.

"Ano bang ginawa mo sa kwarto mo?" Kalmadong tanong nya.

"Nagwala." Walang gana kong sagot.

"Bakit ka naman ba nagwala?" Hindi makapaniwalang tanong nya sa akin.

"It's none of your business." Ayoko talaga ng pinapakialaman ako, lalo kasi akong naiirita.

"But I'm your husband." Napatingin ako sa kanya.

"But I don't love you." Matigas na sabi ko, tinaasan ko pa sya ng kilay.

Natahimik sya. Totoo naman eh. "You don't have a choice." Nakipag titigan pa sya sa akin.

Binawi ko na yung kamay kong hawak nya. Tumayo ako.

"Yes I have." Mataray na sabi ko sabay ngiti ng mapakla.

"Ugh~~" Malakas na sigaw nya. Inapakan ko lang naman yung paa nya.

"Ouchh~ The heck Alex! Why did you do that?" Halata sa mukha nya na namimilipit na sya sa sakit.

"Because I always have a choice. Para rin yan sa pangingialam mo sa akin!" At pumunta na ako sa Kitchen para tikman yung pakbet nya.

Hmmn .. Masarap. Dapat sya na lang nag HRM eh. Bigla syang pumasok ng Kitchen.

"Masarap ba?" Tanong nya at parang walang nangyari.

Tinignan ko lang sya. "Oo." Sabay tingin sa kanya ng masama.

"Eh bakit ang sama mo makatingin?"

"Pati ba naman pagtingin ko pinapakialaman mo na?" Iritadong sabi ko, lahat na lang kasi!

"Ayaw mo bang pinapakialaman ka?"

"Oo." Diretsong sagot ko.

"I see." Yun lang. Then he left.

----

I'm here in my messy room. What did I do to my room?

Nagtanong pa ako. Tsk!

Tinawagan ko agad si Dad. Buti na lang hindi ko nabato tong Cellphone ko, kung hindi Mouth Open (Nga-Nga) talaga ako.

Dad: Yes Princess?

Me: Dad binagyo yung room ko!

Dad: Again?

Me: Yes Dad. Pwede pakiayos sa mga tauhan mo?

Dad: Of course Princess. Papapuntahin ko na sila dyan tomorrow morning, bibili pa kasi ng mga ipangpapalit sa mga NASIRA mong gamit.

Me: Dad naman eh.

Dad: Just kidding Princess.

Me: Thanks Dad.

Dad: Welcome Princess.

And just by that, mapapalitan na mga gamit ko. Except my sound system. Music is my life. Sa guest room na lang ako matutulog.

"Manang?" Tawag ko kay Manang pagkababa ko ng kitchen.

"Bakit Hija?"

"Pakiayos naman po yung guest room, dun po muna ako matutulog." Didiretso na sana ako sa guest room ng magsalita si Manang.

"A .. e .. Hija wala na tayong guest room na bakante, isa lang yun hija, at dun ako tumutuloy ngayon. Gusto mo tabi na lang tayo?"

"Ayy hindi na po Manang, naninipa kasi ako eh. Haha" Pero syempre joke lang yun noh! "Manang uuwi na lang ako kila Daddy." Pagdadagdag ko.

"Ah.. Alex hija, hindi naman sa nanghihimasok ako sa buhay nyo, tutal mag asawa na naman kayo ni Stan, bakit hindi ka na lang dun matulog?"

Duh!!

"Ayoko Manang. Pati alam nyo naman po na pinagkasundo lang kami diba?" Bakit pa kasi nauso yun! Umiling na lang na umalis si Manang.

"Tama si Manang, you can sleep in my room babe." Napatingin ako sa nagsalita. Ngumiti pa sya ng nakakaloko.

Hinahamon ako ng lalaki na 'to ah. "Sure." Walang emosyon na sabi ko.

Tignan natin kung kayanin mo ako.

"Good. Makakatabi ko na rin ang asawa ko." Sabi nya na mukhang tuwang-tuwa.

Nilapitan ko sya.

"Wag kang gagawa ng masama, kundi malilintikan ka talaga sa akin. " Pagbabanta ko. Aba! Subukan nya lang!

"You are my wife Alex. Remember?" Kwinelyuhan ko sya.

"Don't you dare try me Stanley." He smile again.

And he f*cking kiss me on my lips, sandali lang 'yun pero kakaiba. Nabitawan ko ang pagkakahawak ko sa kwelyo nya.

I'm still in shock. This is the first time that we kissed. Nung kasal kasi namin pinandiltan ko sya kaya hindi nya natuloy. Knowing Stanley, babaero sya. Pero ngayon... MAGNANAKAW SYA!!!

( PAKK ) Sinampal ko sya. Dapat lang sa kanya 'yun.

"Tsk! Nakakadalawa ka na Alex!" Singhal nya.

"Gusto mo isa pa?" Panghahamon ko. Akma ko na syang sasampalin pero umiwas sya. Hinawakan nya yung pisngi nya.

"Tama lang sayo yan! Magnanakaw!" Sigaw ko. Magnanakaw talaga sya.

"At anong ninakaw ko sayo?" Nakakunot noo nyang tanong.

"Halik!" Nagpameywang pa ako sa harap nya.

"Pftt~ Hahaha~ Gahhd! Alex! Asawa kita! It's normal sa mag asawa." Napapahawak pa sya sa tyan na at wagas kung tumawa.

"Natural yun kung nagmamahalan tayo. Baka nakakalimutan mo Stanley, pinagkasundo lang tayo! Hindi natin gusto ang isa't-isa." Pagbibigay linaw ko, 'yun naman ang katotohanan.

"I know that. Pero may magagawa pa ba tayo?" Sabi nya.

Wala. Yun ang gusto kong sabihin.

Bakit parang wala lang sa kanya na kinasal sya sa hindi nya gusto. Well kung ganun, baliwala rin sa akin. Para rin ipakita o makarating kay .. hmmn .. sa Ex ko na, hindi sya kawalan, magsisisi sya for letting me go, na hindi nya ako pinaglaban.

"O ano? Wala kang masagot?" Talagang hinahamon nya pa ako?

Wala talaga akong masagot kaya ...

"Akkk~" Sigaw nya, labas ugat sa leeg.

Sinipa ko yung private part nya. Haha!

At nagpameywang ako sa harap nya, habang sya naman napahawak sa ano nya at halatang namimilipit sa sakit.

"Y-You .. B-Bitch." Ituturo nya pa sana ako kaso agad naman 'yun dumako sa baba nya. Haha!

"Yeah I know that." Mataray na sabi ko.

"You'll p-pay for this!"

"The hell I care!" I changed my mind. I won't sleep in his room. Uuwi ako kila Daddy.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status