Share

Chapter 7

NAGULAT si Olive nang mapagsino ang taong nasa labas. Isasara na sana niya ang pinto nang iharang ni Nickson ang kamay niya.

"Ouch!" malakas na d***g ni Nickson at napapikit ang kanyang mga mata. Nanlaki naman ang mga mata ni Olive ng makitang halos namimilipit sa sakit si Nickson. Agad niya itong dinaluhan at hinawakan ang kamay.

"E, kasi naman sino bang may sabi sayong ilagay mo ang kamay mo sa pinto? Ayan, tuloy nasaktan ka," nag-aalalang sabi ni Olive habang hawak ang kamay ni Nickson.

Napamulat ng isang mata si Nickson. At napangiti ng makita ang mukha ni Olive na alalang-alala sa kanya. Hinihipan pa ang kamay niya. Pinipigilan ni Nickson na tumawa ng malakas.

Bigla naman na tumingin si Olive kay Nickson. Mabilis na ipinikit ang mga mata niya. Nahuli iyon ni Olive. Binitawan bigla ni Olive ang kamay ni Nickson.

"Huli ka na, eh. Ang galing mo magdrama, Mr. Nickson Balderama. Umalis ka na nga!" galit na taboy ni Olive.

Napamulat naman ng kanyang mga mata si Nickson.

"I'm sorry, please forgive me, Olive. Give me another chance. Pangako hindi na mauulit ang mga nakita mo. Saka magiging seryoso na ako sa pag-aasikaso ng kasal natin," Olive cross her arms. At tumalikod kay Nickson. "I'm begging you," pagmamakaawa pa ni Nickson. At pinagsalikop nito ang mga kamay niya at akmang luluhod kay Olive. Naagapan iyon ni Olive.

"Bakit ka ba apektado na hindi na matutuloy ang kasal natin, Nickson? We don't have feelings for each other. Kaya okay lang na hindi matuloy ang kasal ngayong dalawa."

"Can we talk inside?" sabi naman ni Nickson. Niluwagan ni Olive ang pinto at pumasok sa loob ng condo niya si Nickson.

Nagpalinga-linga si Nickson sa loob ng condo ni Olive. Kulay pink pintura ng buong wall and pader. Habang white naman ang mga nuebles niya. Then may isang malaking tv at mga divider na white ang kulay na may mga ibat ibang pigurin sa loob.

"Nice place," sabi ni Nickson.

"Hinid kita pinapasok para magkomento ka sa loob ng condo ko. Umupo ka at magpaliwanag " napairap na saad ni Olive kay Nickson.

"Sorry," saka umupo si Nickson isa sa pang isahang sopa. Habang si Olive ay umupo sa katabi nitong pangdalawahan na sopa.

"Hindi ako ang may kailangan sayo. Ikaw ang may kailangan sa akin," dagdag na sabi ni Nickson. Napalingon si Olive dahil sa sinabi ni Nickson.

"Paano mo naman nasabi yan?"

"I think wala kang alam kung bakit naiarrange marriage tayo. Do you ask your Papa, why?" tanong ni Nickson. Umiling naman ng ulo si Olive.

"Bumabagsak na ang kompanya niyo. And my Dad can help your Papa na maibangon ulit ang kompanya niyo na nalulugi na. Ang solusyon is ikasal tayong dalawa. Since my Dad invest a lot of money para lamang hindi bumagsak ang kompanya na naipundar ng Papa mo. At ayaw ni Daddy na mawala ang kompanya niyo. Dahil sa laki ng pera na naivest niya, pati siya ay madadamay. That is why I want to contunue this wedding," mahabang paliwanag ni Nickson.

Napayuko ng ulo si Olive at umiyak na dahil wala siyang kaalam-alam na mawawala na pala ang negosyo na naipundar ng Papa niya sa mahabang panahon. Ang pinaghirapan ng kanyang mga magulang na ipatayo.

Narinig ni Nickson ang pag-iyak ni Olive at mga hikbi nito. Kaya nilapitan niya kaagad ito at naupo sa tabi ng dalaga.

Naihilig ni Nickson ang ulo ni Olive sa dibdib niya. Doon umiyak nang umiyak si Olive. Hinahaplos ni Nickson ang likod ni Olive para mapakalma. Hinalikan pa nito sa ulo si Olive at iniyakap ang mga kamay kay Olive.

Napangiti si Nickson. Alam niyang napapayag niya si Olive na ituloy ang kasal nila.

IIANG araw na lamang ay kasal na nina Nickson at Olive. Gaganapin ito sa simbahan at pili lamang ang mga dadalo. Dadalo ang mga kaibigan ni Nickson at ang napili niyang Best Man ay si Omar.

Kompleto na rin ang mga abay nila. At ang mga kailangan sa kasal nila mula sa simbahan at sa reception ay naayos na din ng kanilang wedding coordinator. At dahil malilit pa ang kambal na kapatid ni Olive ay si Ashley ang napili nitong Maid of Honor.

Araw ng bachelor party ni Nickson. Si Ely ang nag-ayos. Puro kaibigan nilang lalaki ang mga dadalo. Hindi nga lang kasama si Parker dahil nasa London pa ito.

Bumukas ang pinto ng kuwartong nirentahan para sa bachelor party ni Nickson. Iniluwa nito si Nickson na nakapiring ang mga mata. Nasa likod nito si Ely.

"Pare, are you ready for your big night?! This is a goodbye party being a bachelor. Kaya humanda ka na!" malakas na sigaw ni Ely. Nagsigawan naman ang mga kaibigan nila.

Naigiya ni Ely si Nickson sa gitna at iniupo iyon doon.

"Pare, congratulation on your wedding day," bulong ni Ely dito. Sinuntok naman ni Nickson si Ely sa tiyan.

"Ouch! Masakit iyon, ha. Pero rito, masasarapan ka," may nakakalokong tawa na sabi nito. Nagsigawan naman ang mga lalaki na kasama ni Nickson.

May maharot na tugtog ang pumailang lang sa buong kuwarto. Kinakabahan na si Nickson na nakaupo.

"Ely, I told you no girls! Puta! Lagot ako nito!" galit na sigaw ni Nickson.

Naghiwayan lang ang mga kaibigan niya. Hindi alam ni Nickson ang nangyayari. Naririnig lang niya ang tugtog at mga hiwayan ng mga kaibigan niya.

Maya maya ay naramdaman niyang may lumapit sa kanya at humawak sa balikat niya. Kinabahan na lalo si Nickson.

"Go! Igiling mo!" sigaw ni Omar. Naghiyawan din ang mga kaibigan nila.

Sinasayawan si Nickson nang isang babae na nakamaskara. Umindayog ito sa harap ni Nickson. At biglang umupo sa kandungan ni Nickson.

"Yes! Go Nickson!" mga hiyaw ng mga kaibigan niya.

"Mga loko ipapahamak pa ako kay Olive," sabi ni Nickson sa isip.

Naalala nito ang bilin ni Olive na walang babae dapat sa bachelor party niya. Walang music at walang dancing lights. Pero kabaliktaran ang lahat ng iyon sa inaakala ni Olive na mangyayari.

Pinagpapawisan na si Nickson. Sa kaba at takot kapag nalaman ni Olive ang nangyayari sa party niya. Ngayon din ginanap ang despidida de soltera ni Olive. At sa condo ito ng fiancee niya ginanap.

Nagpagiling-giling pa ang babae sa kandungan ni Nickson. Ayaw nitong hawakan ang babae sa katawan. Kaya halos ipiksi niya ang kamay niya para lamang makaiwas.

Pero walang nagawa ni Nickson nang hawakan ng babae ng mahigpit ang kamay niya at iginiya sa kanyang leeg. Naghiwayan naman ang mga kaibigan niya. Pababa iyon sa cleavage ng babae. Hanggang sa umabot sa tiyan.

"Go Nickson! Bukas hindi ka na binata kaya magpakasaya ka!" malakas na sigaw ng kaibigan niyang si Omar.

"Pare! Mga gag* kayo! Tanggalin niyo na itong babae!" mariing tanggi ni Nickson.

"No, Pare. Just enjoy tonight!" sagot ni Omar. Biglang tumahimik ang paligid. Wala na ding tugtog.

"P*ta! Iniwan niyo ba ako!" malakas na sigaw ni Nickson.

"No, I'm here," malanding sagot ng babae.

"Who are you?" tanong ni Nickson. Nilapitan siya ng babae.

"I am your desire," bulong nito sa tenga ni Nickson.

"Oh sh*t! I'm getting married! Umuwi ka na!" taboy ni Nickson.

"No, Loverboy. Hindi pa tayo tapos," sagot ng babaeng hindi kilala ni Nickson. Hinawakan ng babae ang piring ni Nickson at tinanggal iyon.

Pupungas-pungas naman ng mga mata niya si Nickson. Pero madilim ang buong paligid. Nang mapadako ang tingin niya sa babaeng nasa harapan niya.

"Sino ka?!" galit na tanong ni Nickson.

Tumawa lang ang babae bilang sagot.

Nilapitan nito si Nickson at hinalikan sa labi. Nagpupumiglas si Nickson. At pilit inilalayo ang babae. Pero mapilit kaya hinawakan ni Nickson ang maskara nito. Napaatras ang babae at biglang nagliwanag sa buong silid.

"Denise? Ikaw?" naguguluhang tanong ni Nickson.

"Hindi mo man lang ako hinabol noong nakipagbreak ako sayo! Ganoon na lamang ba ako sayo, Nickson? Pagkatapos ng lahat ng ibinigay ko sayo. Basta mo nalamang akong itatapon!"

"Denise, sinabi ko na sayo na ikakasal na ako. And we should stop," sagot ni Nickson.

"Stop?! Sinabi mo sa akin na pakakasalan mo ako. Kapag na annul ang kasal niyo ni Olive. What happen now, Nickson?! Tell me!"

"I'm sorry, Denise. I know I'm st*pid. Nangako ako sayo noon. Pero, now I realized na we are not meant to be. I like Olive. At siya na ang pakakasalan ko,"

Napailing iling ng ulo si Denise.

"Pinaasa mo lamang ako! Niloko at ginamit! Sinabi mo mahal mo ako," umiiyak na sumbat ni Denise. Nilapitan ito ni Nickson. At hinawalan ito sa balikat.

"Patawarin mo ako. Napakalaki ng kasalanan ko sayo, Denise. Pero hindi tama na ituloy pa natin ang relasyon natin. Masasaktan at masasaktan ka lamang ng dahil sa akin. Alam ko na mahirap tanggapin ang lahat. Pero, it's for your own good."

"Para sa akin o para sayo! Nickson, I hate you so much! At dahil sa ginawa mo sa akin. Huwag mong asahan na mapapatawad pa kita! Go and get married! Alam ko isang araw babalik ka rin sa akin," sabi ni Denise saka tinanggal ang kamay nito sa balikat niya at dumiretso na sa pintuan para umalis.

Naiwan si Nickson na nakatayo roon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status