Share

My Only Love
My Only Love
Author: Re-Ya

Kabanata Isa

Gabi ng prestihiyosong launch ng isang sikat na intimate apparel sa bansa. One of the hottest events.

Pamoso ang naturang paglulunsad kaya't inaabangan ito ng lahat, maging ng mga kilalang personalidad sa mataas na antas ng Sociedad lalo na sa larangan ng fashion industry. Kaya naman ay napuno ng mga manonood ang malaking convention center. Katulad ng inaasahan ay sinalubong ng masigabong palakpakan mula sa audience ang mga glamorosang modelo ng isa-isa nang maglakad sa runway. Suot ang iba't-ibang disenyo ng branded sexy lingeries ay lumutang ang kanilang kaseksihan kung saan ang bawat isa ay nag-aangkin ng kakaibang karisma.

Subalit kung ang lahat nang naroon sa bulwagan ay nasisiyahan at napapasipol sa mga nasisilayang kagandahan hindi si Clark Zantillan. Habang nakatitig sa isang partikular na imahe ang doktor ay nagsimulang maningkit ang mga mata nito, kasabay noon ay pagtiim ang mga bagang at pagkuyom ng mga palad. His face went red.

Mula naman sa saliw ng isang malamyos na tugtugin. The supermodel Anya Collins triumphantly paraded on the catwalk while blowing air kisses to the audience. With her sexy smiles and seductive looks wearing a very sexy black lace bikini with an extravagant feathered robe that shows her sexiness. All eyes in her. Captivated by her gorgeous whole being.

Ni walang may gustong magkurap ng mga mata sa mga manonood partikular na ang mga kalalakihan. Bakas sa kanilang mukha ang masidhing paghanga para sa modelo. Maging ang kaibigan ni Clark na si Vince ay hindi naitago ang admirasyon habang pinanonood ang babae. Umugong muli ang palakpakan. Ang mga naroong bisita ay talaga namang may kanya-kanyang paboritong hinahangaan. Kumbaga sa sabong may kanya- kanyang mga naging manok.

Matapos ang isang pasada sa entablado ay nagpasya si Anya na manatili muna sa dressing room. Isinandal niya ang ulo sa couch at bahagyang ipinikit ang mga mata. Nais niyang maipahinga pasumandali ang pagal na isip at katawan. Isang malalim na paghinga ang kanyang ginawa.

She came from the busiest city of New York. Twenty years ago ay nilisan niya ang bansa to build a new life in the States and find interest there. Sa tulong ng isang kaibigan ay na locate niya ang kinaroroonan ng hindi nagisnang ama. Agad niyang kinontak ang lalaking nangangalang George Cole, na ayon sa kanyang Lola ay siyang lehitimong pangalan ng tatay niya. Balot ng agam-agam ay nagpakilala syang anak nito. At ganoon na lamang ang pasasalamat niya at kinilala siya ng Britong ama at buong pusong tinanggap maging ng pamilya nito.

Ayon sa ama ay hindi naging madali ang lahat para rito. Nagkaroon ng malaking krisis sa Britanya, kung kaya't hindi na nito nagawang makabalik pa sa Pilipinas. Labis ang paghingi ng tawad ng kanyang ama na kanya namang pinagbigyan. Nangako ang lalaki na babawi sa mga naging pagkukulang sa kanya. Kaya naman ay agad silang nagkasundo, lumipad sya ng America sa kagustuhan na rin nito para makasama sya.

Ang mga unang taon niya sa States ay hindi naging madali. Malaking adjustment ang ginawa niya at habang nag aaral sa isa sa mga Universities doon she was spotted by a model scout. Inalok siya nito ng trabaho bilang modelo and she grabbed the opportunity. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay aasa siya sa tulong ng ama. Kahit pa ba sabihing napakabuti rin ng asawang kauli nito sa kanya. Nagsimula siya sa swimwear line hanggang maging regular endorser ng isang sikat na brand of sexy lingerie sa states. Pero bago niya naabot ang kinalalagyan katulad ng iba ay dumaan rin sya sa napakaraming pagsubok. At sa lahat ng iyon ay lumaban sya ng patas. She became famous and one of the top-earning models in the fashion business. Doon na nagsimula ang glamorosang mundo niya.

At ngayon ay naririrto sya sa sariling bansa para sa isang mahalagang bagay. Tinawagan niya si Eunice upang ipagbigay alam na nasa Pilipinas na siya at nasa mismong event place nito. Ganoon na lamang ang pagkamangha ng kaibigan at dating katrabaho. Matagal na siyang kinukulit ng babae na magbakasyon sa Pilipinas sa bayan nito sa San Sebastián pero lagi na'y tumatanggi siya at ginagawang dahilan ang pagiging abala sa kanyang trabaho. Ngunit napahinuhod rin sya ng ama na bigyan ng break ang sarili sa career.

Isang linggo bago siya tumulak ng Pilipinas ay kausap niya si Eunice sa telepono. Masaya nitong ibinalita ang muling pagsabak sa fashion industry. Pero sa pagkakataong ito ay hindi bilang isang modelo kundi co-founder ng isang Lbrands. Labis ang naging katuwaan niya para sa kaibigan dahil pangarap iyon nito.

Eunice is a former Angel's top model kung saan ay kabilang rin siya. Bata sa kanya ng limang taon ang babae pero hindi iyon naging hadlang upang hindi sila maging matalik na magkaibigan. Eunice married a rugged business tycoon, very much in love with the guy para magpasya ang kaibigang lisanin ang mundo ng pag momodelo sa kabila ng r***k ng tagumpay at kasikatan. Sa kasalukuyan ay may dalawa nang anak ang kaibigan.

Isang marahang katok sa pinto ang nagpadilat sa mga mata ni Anya, marahan siyang bumaling roon. Bumungad mula sa bukana ang napakagandang si Eunice Montes. So elegant in her black long gown that simply revealed her curves despite motherhood. Kay luwang ng mga ngiti ng babae. She stood at mahigpit na yakap ang isinalubong nila sa isa't-isa.

”What a big surprise!" Ani Eunice na di magkamayaw sa kasiyahan.

Hindi inasahan ng babae na makakasama siya sa line up ng mga modelo nito. Sinadya niya ang bagay na iyon upang sorpresahin ang kaibigan bilang suporta.

"I miss you, it’s been a while.” ang parang batang wika pa ni Eunice. Naroon ang lambing sa tono.

" Yeah, it's been a while and I miss you- - - damn hell! "sagot niya rito. They ended up laughing.

“I know it's a tiring night but we have to celebrate. Hindi ko palalagpasin ang gabing ito. Come on, my husband Vince and his friend can’t wait to meet you, darling." Bulalas ng babae na mas excited pa sa kanya. Kulang ay hilahin sya palabas ng dressing room.

A glance in a mirror and she was satisfied with her looks. Wearing an off-the-shoulder emerald green mermaid lace evening dress that fits in her side-swept hair, the classy soft curls make her look ultra femme and glamorous. Inabot niya ang hindi kalakihang signature golden clutch bag sa hairdresser at pagkatapos sumabay na palabas sa kaibigan.

"This is my husband Vince." Pakilala ni Eunice sa asawa.

"Oh hello, Vince! " bati niya sabay abot ng kanyang kamay upang makadaupang palad ang lalaki.

He must be in his late thirties and a drop-dead gorgeous man. The rugged looks make him more appealing. No wonder. Lihim niyang kinindatan ang kaibigan na nakuha naman agad ang ibig niyang ipahiwatig. Napahagikhik naman ang babae.

"It's my pleasure to meet a supermodel from New York. Euny was right you're so beautiful" wika ni Vince na hindi maitago ang paghanga sa mga mata. "But then of course secondly to my lovely wife." Muling bulalas ng lalaki na kinabig ang asawa palapit rito. Eunice rolled her eyes at nangingiting pinandilatan si Vince.

Anya smiled. Mula sa sulok ng mga mata ay gusto niyang managhili sa kaibigan. Mapalad ito at maganda ang pinatunguhan ng relasyon sa kabila ng mga naging balakid. She deserves the happiness in the world dahil hindi rin biro ang mga pinagdaanan ni Eunice. And she was happy for her, truly.

"Hmmm." isang tikhim mula sa isa pang lalaki na hindi agad napansin ni Anya.

"Oh, my! I forgot you, darling. ” Si Eunice na bumaling sa katabing lalaki at bahagya itong hinila.

“Anya sweetie, This is Dr. Clark Zantillan, a surgeon and Vince's best friend. I’m sorry darling with my husband around ay nakakalimutan ko ang mga hombre’s sa tabi.” biro ni Eunice sa ipinakilalang kaibigan ng asawa.

“I’ve told you Clark, hindi mo makukuha sa charm ang asawa ko.” si Vince na natatawa sa biro ni Eunice.

“I knew that man.” nangingiting tugon naman ng lalaking tinawag na Clark saglit pa ay bumaling na ito kay Anya na ng mga sandaling iyon ay unti-unting nabura ang nakahandang ngiti sa mga labi. Pomormal ang lalaki at sinalubong ang nanggigilalas na titig ng kaharap.

Si Anya ng mga sandaling iyon ay halos hugutin ang hininga nang magtama ang mata nila ni Clark.

She was genuinely shocked. Pakiramdam niya ay nawalan ng kulay ang kanyang mukha at lumakas ang tibok ng kanyang puso. He was looking at a dashing debonair in his black tuxedo a bit stubble beard makes him more masculine and handsome. He gets older but maturity suits him.

"I'm very pleased to meet you, Ms Collins." ani Clark sa kaswal na tono. He held his hand out. His eyes glare at her at gustong mapasinghap ni Anya sa talim na nakikita sa mga mata nito na iglap din namang naglaho. Kung dinadaya man siya ng paningin ay hindi nakakatulong sa nararamdaman niyang tensyon.

"I... It's my pleasure to meet you Dr. Zantillan."sa wakas ay sambit niya, halos bulong na nanulas ang mga salitang iyon sa labi niya. Inabot niya ang nakalahad na kamay ng lalaki para lamang magulat sa init na nanulay mula roon. Katulad parin iyon ng dati nakakadarang at nakakapaso.

Mabilis naman na binawi ni Clark ang palad nito mula sa kanya. Nanatiling pormal ang ekspresyon ng lalaki dahilan upang makaramdam siya ng labis na pagkailang.

"Hope you enjoy your staying here in the country, Ms. Collins," he said. His gaze is unwavering and direct.

Sinikap ngumiti ni Anya. Lumunok sya ng ilang beses para matanggal ang tila bara sa lalamunan. Kapag nag stutter pa sya ay magmumukha na siyang katawa-tawa sa harap ng tatlo. Baka makahalata pa ang kaibigan sa pagkatuliro niya.

"Yeah, I hope so." matipid na tugon niya sa lalaki. Hiding her emotions.

Clark grinned but the handsome features were instantly guarded. "Good then. Oh, I'm afraid but I have a colleague there to talk to." tumanaw ang lalaki sa di kalayuan kung saan ay may nakakaway ritong babae.

"As always..."Eunice utters while rolling again her eyeballs.

"Honey, Clark has other things that had to do."banggit ni Vince na kumindat sa kaibigan.

"And like what exactly?." Eunice asked frowning.

Clark responded with a short, ironic laugh to his best friend's wife. Then he returned his gaze to Anya.

“ Enjoy the night, Miss Collins.”

Anya smiled and simply nodded but she couldn't help but be curious at what exactly Clark wanted to do. Hindi kaya at gusto lang sya nitong iwasan?

Sandali pa ay tumalikod na ang binata para lapitan ang babaing naghihintay rito.

Mahaba pa ang gabi subalit bawat oras na dumadaan ay naging kabagot-bagot na kay Anya.

The taste of tequila didn't help her.

Nagririgodon ang kanyang mga pandama. Gayunpaman ay wala siyang masabi sa mag-asawa they entertained her with so much care nag boluntaryo pa nga si Vince na ipagamit sa kanya ang presidential suite nito sa isang kilalang hotel sa Makati na malugod niyang tinanggihan.

Saglit din namang nasolusyunan ang awkwardness niya kay Clark dahil mukhang wala namang balak ang lalaki na harapin siya patunay ang mga pag iwas nito.

Kanina'y natanaw niya ang binata flirting with a young model…no wonder it was his expertise. Yes, binata dahil napag-alaman niyang wala paring asawa ang lalaki na syang labis naman niyang pinagtatakhan.

Minabuti niyang magpaalam na kila Eunice at Vince. Talagang nababagot na sya sa walang tigil na ka-aaligid ng mga kalalakihan sa kanya. And their story bored her to death. Kung hindi pa niya alam gusto lang naman ng mga ito na makaisa. Well, they approached the wrong person.

Si Clark ay tuluyan nang naglaho sa paningin niya mukhang nagkaigihan ito at ang kausap na batang-batang modelo kanina.

Minsan pa she felt the same familiar pain. Subalit nararapat ba siya sa ganoong pakiramdam? Hindi nga ba at siya ang unang tumalikod without saying a word.

My goodness, she needs fresh air to breathe in.

Seeing Clark again pakiramdam niya ay ito na ang pinakakapagod na gabi sa tanang buhay niya at hindi niya inaasahan.

Nagpasya na siyang lumabas at tinungo ang kinapaparadahan ng nirentahang Honda Sedan nang mula sa kung saan ay pumarada sa harap niya ang latest model black ACURA NSX.

Para lamang mapatda sa bumungad na pamilyar na bulto nang bumukas ang salaming bintana nito.

"GET IN...." si Clark

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status