Warning: Please be advised that this story contains TRIGGER WARNINGS, and POTENTIALLY OFFENSIVE LANGUAGE, VIOLENCE, SEXUAL HARASSMENT, SENSITIVE LANGUAGE ang MATURED THEMES, that not suitable for young audiences.
_________Today is my 23rd birthday, ngunit si Alfred ang kasama ko dahil wala narin naman ang dalawa kong kaibigan at 'yong asawa ko-ewan kong alam ba niya na birthday ko ngayon. Pinilit ako ni Alfred na mag-celebrate ng birthday ko kasama siya dahil hindi raw puwede na walang celebration pero sabi ko kahit sa lomi nalang ayos na ako.Nag pumilit siyang ihatid ako pagkatapos naming kumain, ayaw ko sana kaso nagpumilit kaya pinagbigyan ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan na bumaba sa sasakyan nang makarating kami sa tapat ng bahay namin.Ginawaran ko siya ng masayang ngiti. "Thank you Alfred -,""You fucking bastard."Napahiyaw ako sa gulat ng matumba si Alfred habang yakap ko siya sa biglang pagsuntok ni Emmanuel. Hindi niya ito tinigilan hanggang sa dumugo ang ilong ni Alfred. Mabigat ang kanyang paghinga na tumayo at galit na bumaling ng tingin sa akin. Napaigik ako ng marahas niyang hinawakan ang braso ko. Ang higpit ng pagkahawak niya halos maiyak ako sa sakit dahil hindi pa magaling ang pasa doon na siya rin ang may gawa."You fucking slut!" madiin na sambit niya. Galit na galit. "Sa mismong harap ng bahay ko pa kayo-," huminga siya ng malalim at marahas akong binitawan.Napawakan ako sa aking tiyan nang matumba ako. Mabigat ang kanyang bawat hakbang na tinalikuran ako papasok sa loob ng bahay."Mea," nag-alala na sambit ni Alfred sa pangalan ko at inalalayan akong tumayo. "Sumama ka na sa akin please. Hindi ko na matiis ang pananakit niya sayo."Umiling ako at pinunasan ang luha na tumulo mula sa mata ko. "Hindi ko siya iiwan Alfred. Mahal ko ang asawa ko," huminga ako ng malalim. " Buntis ako. Noong nakaraang araw ko lang nalaman. Sasabihin ko ito sa kanya baka sakaling maging maayos ang trato niya sa akin. Pero kung hindi, ako na mismo ang aalis sa poder niya."Tutol sana si Alfred sa gusto ko dahil lalo siyang nag-alala dahil buntis ako pero wala siyang magawa dahil ito ang desisyon ko. Nang maka alis si Alfred pumasok ako sa loob ng bahay. Kahapon ko pa sana sabihin kay Emmanuel na buntis ako pero lasing siya nang umuwi kaya walang chance na isabi ko iyon sa kanya. Napabuntong-hininga ako at hinimas ang maliit na umbok sa tiyan ko nang marinig ang pag andar ng sasakyan niya at mabilis na pinaharurot iyon paalis.Dalawang araw ang lumipas hindi parin kami nagka-usap ni Emmanuel. Dalawang araw rin siyang hindi umuwi dito. Nang maglinis ako, nagsalubong ang kilay ko nang makita ang laman ng basurahan. Mga tinapon na ulam, sari-saring ulam at cake. Napatakip ako sa aking bibig at hindi ko napigilan ang mapahikbi nang mabasa ko ang nakasulat sa cake na nasa basurahan.HAPPY 23rd BIRTHDAY, WIFE.Napa upo ako sa harap ng basurahan kung saan naroon ang mga handa ni Emmanuel na itinapon niya. Alam niya ang birthday ko. Akala ko. . Napahagulhol ako nang makita ang confetti, balloon at ibang dekorasyon na itinapon niya rin. Shit! Bakit hindi ko man lang sinabi sa kanya? Bakit hindi ko nalang pinili na dito mag-celebrate kahit walang kasiguraduhan na sasaluhan niya ako. Ang gaga ko. Ang gaga-gaga ko. Iyon na sana ang pagkakataon na magka-ayos kami ng tuluyan pero dahil sa nangyari malabong mangyari pa ang nais ko.Galit siya sa akin at alam ko kung ano ang gusto niya kaya nang makauwi siya ay nag lakas-loob ako na kausapin siya."Emmanuel," nanginginig ang boses na sambit ko sa pangalan niya. Walang emosyon siyang tumingin sa akin. " Alam ko gusto mo nang maghiwalay tayo. .ang mawala na ako dito sa bahay at sa buhay mo. . pero. .puwede bang . .pwede bang humingi ng pabor?" desperadang sambit ko. "Puwede bang pagbigyan mo ako sa first wedding anniversary natin. .na magpanggap na masaya tayo. .na mahal natin ang isa't isa. Puwede bang i-celebrate natin iyon na masaya? Promise, pagkatapos no'n hindi na kita guguluhin."Walang pag-alinlangan na pumayag siya. October 15. Nagising ako sa kanyang halik, nakapulupot ang kanyang kanang kamay sa baywang ko at walang tigil sa paghalik sa buong mukha ko. Natatawa na gumanti ako ng yakap sa kanya. May inabot siya sa mesa. Lumawak ang ngiti ko nang makita kung ano iyon."Good morning. Happy wedding anniversary," saad niya at inabot sa akin ang isang pirasong pulang rosas."Salamat. Happy wedding anniversary," saad ko pabalik.Pinamulahan ako ng mukha ng lumapat ang labi niya sa labi ko. Mabilis lang iyon pero ganoon rin kabilis ang tibok ng puso ko."Get up. Breakfast is ready."Inalalayan niya akong bumangon at sabay na nagtungo sa kusina. Ipinagdiwang namin ang first wedding anniversary namin na masaya at puno ng pagmamahal. Ginampanan niya ng maayos ang kanyang pagpapanggap bilang isang mabuting asawa na mahal na mahal ako.Sa loob ng isang taon na puro hindi maganda ang dinanas ko sa kamay niya nabura iyon lahat sa isang araw lang. Isang araw na masayang alaala na babaunin ko habang-buhay."Happy anniversary."Malambing na saad niya at inabot sa akin ang isang kumpol ng rosas. Nakangiti na tinanggap ko iyon. Inabot niya ang kamay ko at ipinatong sa kanyang balikat. Humawak siya sa magkabilang baywang ko at marahang sumayaw.Tanging tibok ng puso naming dalawa ang nagsilbi naming musika. Nakahiling ako sa kanyang dibdib at dining ko ang malakas na kabog ng kanyang puso.Pinigilan kong mapaluha. Masaya ako. Masayang-masaya dahil ang sana ko lang noon ngayon ay naranasan ko na sa piling niya. Gusto ko mang hilingin na sana hindi ito mag wakas ngunit huli na. Napakapit ako sa kanyang leeg ng buhatin niya ako at pumasok sa kuwarto. Maingat na inilapag niya ako sa kama at pumaibabaw siya sa akin at masuyo akong hinalikan. Buong puso akong tumugon sa kanyang halik at walang pagtutul na nagpaubaya sa kanya.Mahigpit ang kanyang yakap sa baywang ko ng makaraos siya. Banayad ang kanyang bawat paghinga, humahaplos ng kanyang kamay sa buhok ko ngunit nakapikit ang mata. Gusto kong malaman kung ano ang iniisip niya. Kung may gusto ba siyang sabihin sa akin. Gusto ko mag-usap kaming dalawa pero nagdadalawang-isip ako na magsalita.Hanggang sa makatulog yakap niya parin ako na puno ng pagmamahal. Yakap na ayaw akong pakawalan. Hindi ko napigilan na haplusin ang kanyang mukha. Tinitigan ko iyon at sinaulo ang bawat anggulo. Mahimbing na ang kanyang tulog ngunit yakap niya parin ako, nakakulong parin ako sa kanyang mga bisig. Ngunit kailangan kong kumalas kahit mahirap ang bitawan siya."Mahal na mahal kita," mahinang usal ko. "Malaya ka na, mahal."Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakayakap sa akin at bumaba sa kama. Kinuha ko ang ultrasound picture ng anak namin at nag-iwan ako ng maikling sulat para sa kanya ipinatong ko iyon sa ibabaw ng mesa. Sa huling pagkakataon tinitigan ko ang kanyang mukha. Pinatakan ko ng halik ang kanyang labi at marahang hinaplos ang kanyang mukha. Ito ang huling beses na mahawakan at masilayan kita, mahal. Hilam ang aking mata na lumabas ng silid.Kinuha ko ang bag na dadalhin ko sa likod ng sofa kung saan ko iyon tinago at mabigat ang dibdib na nilisan ang bahay niyang isang taon kaming nagsama dalawa.'Thank you for everything and I'm sorry. Malaya ka na.'I am busy stalking Emmanuel Montefalco sa magazine na hawak ko. Bagong release ito at mukha niya ang nasa unang artikulo. Hindi ko maiwasang pasadahan ng aking kamay ang kanyang gwapo at seryosong mukha. Para itong modelo na nang aakit sa tagapagbili.Ilang babae na kaya ang naging girlfriend niya? Bukod kasi sa puro tungkol sa pagiging mayaman niya ang pinag-uusapan sa diyaryo may bago na namang lumabas na balita na isa raw itong Mafia Boss. A ruthless mafia boss."Kung nakakabuhay lang ng isang bagay ang titig, kanina pa nakatayo si Emmanuel sa harapan mo. Tulo laway ka na girl."Napasimangot ako. Pasalampak na umupo si Cathalea sa kama ko.Hinampas niya ang puwetan ko. " Bumangon ka na. Mag shopping tayo."Umingos ako at tumihaya. Itinaas ko ang magazine na hawak ko at muling tiningnan ang gwapong binata." Ayoko. Sayang sa pera."Kahit sabihin kong nandoon ang lalaking kinabaliwan mo? Ayaw mo parin?"Mabilis pa sa alas kwatro na tumalima ako sa banyo at nagmadaling maligo. Narinig ko
Tulala ako na hinihintay ang kaibigan ko sa parking lot. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Ilang beses ko nang tinampal ang mukha ko baka nag i-imagine lang ako pero hindi talaga. Ramdam ko parin ang matigas niyang braso na naka pulupot sa baywang ko. At ang kanyang baritong boses na parang sirang plaka na paulit-ulit na naglalaro sa isip ko. "Sigurado ka nakita mo siya?" Naniniguro na tanong ni Cathalea.Tumango ako. Walang salita na sumakay sa loob ng sasakyan."Namatanda yata ang kaibigan natin," ani Ashnaie na naka kunot ang noo na lumingon sa akin. Binato niya ako ng tissue. "Hoy! Anong nangyari sayo?""Kung panaginip lang ang lahat ng ito huwag niyo na akong gisingin," mahinang usal ko sa kawalan."Ano kaya ang nangyari bakit naging ganyan siya?" Rinig kong usal ni Cathalea.Hanggang makarating kami sa apartment ko ay tulala parin ako. Nang makapasok ako sa kwarto ko doon hindi ko na napigilan ang maglupasay sa ibabaw ng aking kama sa subrang tuwa."Hindi parin ako makap
Kinabukasan. Na gising ako sa tunog ng alarm clock. Dinampot ko ang magazine sa ibabaw ng mesa ko at gigil na tiningnan ang gwapong mukha ni Emmanuel. Bago ko pa makalimutan na may trabaho ako nilapag ko iyon at nagmadaling pumunta sa banyo at maligo. Dahil walking distance lang naman ang pinagtrabahuan ko naglakad nalang ako at sayang sa pamasahe. Nagtatrabaho ako bilang janitress sa isang coffee shop, college graduate ako pero dahil sa apelyedong Layson na dala ko hindi ako matanggap sa kompanya na pinag-aplayan ko. Unfair, dahil wala naman akong kinalaman sa kagagawan ng ama ko pero dahil dala ko ang apelyedo niya dawit parin ako. Mabuti nalang at na tanggap ako dito kahit janitress basta may trabaho ako at pambili ng makain ko.Nag umpisa na akong magtrabaho. Ito ang routine ko hanggang sa matapos ang working hour ko. Nakakapagod pero kayanin dahil wala naman akong ibang maaasahan. Ang tatay ko hindi man lang ako magawang tawagan simula noong magtago siya. Kaya kahit mahirap tinit
Pakiramdam ko may sumusunod sa akin habang naglalakad ako papunta sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko. Sa tuwing lilingon ako wala namang tao. Pa linga-linga rin ako sa paligid baka nagtatago siya ngunit wala naman. Binaliwala ko ang pakiramdam na iyon at nagmadali sa paglakad. Paliko na ako sa kanto nang may tumawag sa akin na nagpadaga sa puso ko."Miss Debbie."Binilisan ko ang aking paglakad ganoon din ang taong sumusunod sa akin."Miss Debbie, gusto ho kayong makita ng daddy ninyo."Hindi ko siya pinansin. Patuloy parin ako sa paglakad. Gusto ko rin siya makita ngunit ayaw ko sa paraan na gusto niya. Ayoko magkita kami sa tagong lugar na parang isang kreminal. Dawit na ako sa paratang sa kanya at ayaw ko nang dagdagan pa iyon. Kung gusto niya akong makita. Kung gusto niya akong makasama, linisin niya ang pangalan niya sa publiko at sasama ako sa kanya ng walang pag-alinlangan.Nang malapit na ako sa coffee shop ay tumakbo ako at mabilis na pumasok sa loob."Ouch.""Aray."Mabili
Ang sakit ng ulo ko. Parang pinukpok ng martilyo. Punyemas na Ashnaie 'yon alam niyang hindi ako umiinom ayan tuloy napasubo ako. Nasaan ba ako? Hindi naman ganito ka lambot ang kama ko. Baka sa condo ni Ash. Sumiksik pa ako sa unan na yakap ko. Ngunit ang pinagtataka ko bakit ganito ang unan na kayakap ko? Mainit. Matigas at parang may buhay. Pero ang sarap yakapin. Ang huling naalala ko nasa bar kaming tatlo at sinabi ni Ash na gawin ko na ang dare nila sa akin at lumapit ako sa table kung saan naka upo doon si Emmanuel, at. Napamulat ako nang may maramdaman na matigas na bagay na sumundot sa bandang tiyan ko. Napakurap-kurap ako ng makita ang isang matipunong dibdib kung saan naroon ang palad ko,wala itong suot na damit kaya't ramdam ko ang init ng katawan niya. At ngayon ko lang namalayan na nakayakap ito sa akin at nakatanday ang isang paa. Hindi ako gumalaw, natatakot na magising siya. Napalunok ako at pamilyar sa akin ang amoy niya. Muntik ko na siyang maitulak pag-angat ko nan
Ano kaya ang buhay na danasin ko kasama si Emmanuel? Masaya ba? Malungkot? Hirap? Hindi namin kilala ang isa't isa, lalo na siya. Siguro, ngayon niya lang din nalaman ang pangalan ko. At ako, kilala ko lang siya sa mga sulat sa magazine na nabasa ko. Totoo kaya ang lahat ng mga iyon? O, gawa-gawa lang dahil sa sandaling kasama ko siya batid ko ang kagaspangan ng ugali niya bagay na hindi naisulat sa magazine niya.Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Paggising ko madilim na. Dala sa sinag ng ilaw mula sa poste sa labas ng bahay, tumayo ako sa binuksan ang ilaw. Hindi pa ba nakauwi si Emmanuel? Lumabas ako nang kuwarto, walang ilaw sa sala kaya panigurado hindi pa nakauwi si Emmanuel. Nangangapa na tinungo ko ang switch ng ilaw at binuksan iyon. Sinilip ko ang labas ng bahay wala pa doon ang sasakyan niya.Dahil busog pa ako, umupo ako sa sofa at nagpasyang hintayin nalang ang pag-uwi niya. Walang orasan kaya hindi ko alam kung anong oras na. Nanatili lang akong nakaupo nakasilip s
Nagising ako ng hindi nadatnan si Emmanuel. Wala na rin ang sasakyan niya siguro nasa trabaho na ito. Pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit iyon lang ang nangyari sa amin kagabi. Hindi na gaanong masakit ngunit mahapdi nang basain ko ito ng tubig. Ganito ba talaga ito? Nang matapos akong maligo damit parin ni Emmanuel ang suot ko. Pumunta ako ng kusina upang iluto ng pagkain ang sarili ko. Hindi man lang yata nag kape si Emmanuel.Uminit ang mukha ko nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi ko talaga iyon inaasahan. Ang pag-uwi niya sa bahay na mahigit isang linggo siyang wala. Ngunit ang pinagtataka ko bakit ganoon siya ka marahas sa akin? Hindi naman siya amoy alak kaya malamang hindi siya lasing. Pwede naman niya akong kausapin ng maayos. Tanungin sa mahinahon na paraan. Hindi iyong basta niya lang ako hablutin at idiin sa pader. Hindi ko akalain na ganoon pala siya ka haras kapag galit.Malaki ang kasalanan ko sa kanya. Tama naman siya. Ano ang rason ko kung bakit inakit ko siya. K
Muntik ko nang maitulak si Emmanuel sa gulat nang pagmulat ko nakayakap na ako sa kanya. Banayad ang kanyang bawat paghinga. Ang kanyang kanang kamay ay nakapatong sa kanyang noo at ang isa ay ginawa niyang unan. Umingos ako at dahan-dahan na bumitaw nang yakap at tumalikod nang higa sa kanya. Kaya pala masarap ang tulog ko dahil kumportable ako sa kayakap ko na akala ko unan. Ang matigas na hubad na katawan pala iyon ni Emmanuel.Nanatili muna akong nakahiga ng sampong minuto bago naisipang bumangon. Anong oras na ba? Nagtungo ako sa kusina at nagluto. Bacon at omelette ang niluto ko since may shrimp pa naman akong natira kagabi. Pinainit ko iyon at ginawa kong fried rice ang tira kong kanin kagabi. Sayang kung itapon, maraming tao ang nagugutom tapos ako magsayang lang ng pagkain.Nilapag ko iyon lahat sa lamesa pagkatapos maluto ang lahat at bumalik sa kwarto para maligo. Ngunit nasa banyo si Emmanuel kaya sa banyo dito sa kusina nalang ako naligo. Since may lakad ako ngayon, 'yong