Tahimik na kumakain sila ngayon ng umagahan. At ngayong araw na rin ang alis niya. Nabasag lang ang katahimikan nila nang magtanong ang lolo niya."Sam, can I ask a favor?"Nag-angat ng tingin ang dalaga. Tahimik din itong kumain na nasa katabi niya. Hindi ito makasagot dahil puno ang bibig kaya tumango na lang."Can you go to Manila with Luis? I mean kailangan ni Luis ng kasama sa bahay And I think magugustuhan mo doon," ani ng Lolo niya na nakangiti.May tuwa siyang nararamdaman lalo na at makakasama niya ang dalaga, gusto niya 'yon. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit ito ginagawa ng lolo, wala itong pakialam sa kanya, minsan nga ay gusto niyang isama ang isa sa matulong nila sa bahay pero hindi ito pumapayag. Pero ngayon ito na mismo ang nagsabi.Nagsalubong ang kilay niya sa itsura ng dalaga at napatingin kina lolo at tita Amanda. Binalik niya ang tingin dito na naiiyak na. Kunwaring umiinom ito ng tubig pero ang totoo tinatakpan lang nito ang mga matang naluluha na. P
"Ano? hindi ka papasok? bahala ka." Pang-aasar ni manang Lita kay Luis na nakasilip sa pintuan."Silip nang silip, gutom na siguro talaga siya," bulong nito sa kanya na kinatawa niya, natutuwa siya sa kulitan ng dalawa. Naiilang na tumayo siya para lapitan si Luis."Hali kana, malapit na naming naubos ang pag kain." Pag lalambing niya dito. "Nagpapalambing ka pa eh."Naiilang na hinawakan niya ang kamay nito tsaka hinila papasok ng kusina.Bakit ba ganito umasta si Luis? Hindi naman ganito umasta ang Luis na kilala niya nong nasa bukid pa sila."Ang arte arte kala mo kina gwapo, mukha namang unggoy," bulong ni nanay na nakasimangot. Umupo na ang lalaki kaya ganon din siya."Ang gwapo ko kaya di ba Sam?" Baling nito sa kanya.Sinang-ayunan niya ito. " Oo kaya nga crush kita eh."Hindi makapaniwalng tiningnan lang siya ni nanay. "Ano! ito?" Sabay turo kay luis."At anong sabi mong gwapo?" Tumawa ito na nakakasura. Talagang inaasar lang si Luis."Ginayuma ka niya Sam, may panguntra akong
"Ahm, Luis? Tumutunog ang cellphone mo," ani niya at tiningnan ang binata. Pag katapos niyang magluto, lumabas na ito ng banyo at tapos na ring maligo.Pero malapit na kaming matapos kumain ay hindi pa rin siya kinakausap. Galit pa rin kaya ito? malakas siguro ang pagsampal niya kanina kaya nagalit ito. Napakagat labi na lang tuloy siya sa inis sa sarili. Bakit ba kasi ang hilig hilig mong manghampas Sam? tanong niya at gusto pang kutusan ang sarili."Okey." Sabi lang nito at umalis sa hapagkainan tsaka sinagot ang tawag. "Yes, wag mo kong utusan Karen." Sabi nito na parang naiirita, hindi niya na narinig ang iba pang usapan, dahil naka labas na ang binata.Naibaba niya ang kutsara dahil sa binanggit na pangalan ng lalaki. Karen? babae ang kausap nito? Hindi niya alam pero ang bigat nang damdamin niya. Pero pasimple niyang sinaway ang sarili. Ano ba Samantha! baka kaibigan niya lang 'yon at kung ano ano na ang iniisip mo.(Luis)Nakakainis, ano na naman kaya ang pinuputok ng butsi ng
"Where the hell is she?" Hapon na ng makauwi siya sa trabaho at si Sam agad ang hinanap niya pero wala siyang naabutang tao sa loob ng bahay.Tinawagan niya na rin ito pero hindi sumasagot hanggang sa sinilip niya na nga sa CCTV, sinundo pala ng kaibigan niya ang dalaga at hindi man lang siya sinabihan. "Siguraduhin niyo lang na hindi niyo siya hinawakan." Seryoso niyang saad habang papalabas ng bahay at puntahan ang dalaga sa bahay ng kaibigan.Papalapit na siya nang natanaw niya ang kaibigan na si Dark. Tiim bagang na nakatingin siya dito pero ang gago kinindatan lang siya at tumayo para salubongin siya."Oh! si tatay Luis andito." Nang akmang yayakap ito ay umilag siya at nilampasan ang kaibigan."Oh that damn pahiya!" Kansyawan ng mga kaibigan niya. Tumingin naman ito sa kanya habang saposapo ang dibdib at hindi makapaniwala."That was so hurt, huhuhuhu!" Pag aarte pa nito na parang bata. Wala sa sariling umikot ang mata niya at nagpakawala ng buntong hininga. Tumigil lang ito nan
Kahapon ang ganda ng araw niya pero, bakit ngayon pag kagising niya pa lang ang bigat na nang pakiramdam niya. Dahil lang siguro sa pagod kaya ganito ang pakiramdam niya. Pero parang iba talaga ang pakiramdam niya para bang may hindi magandang mangyayari.Bumangon na lang siya at pumunta na ng kusina. Tulad ng inaasahan niya ay may mga pagkain na nga sa lamesa na luto ng binata. Nagluluto kasi si Luis bago pumasok sa trabaho. Noong una ay nahihiya pa siya, dahil dapat siya ang magluluto dito pero ang binata naman ang makulit. Palagi na lang siyang inaaway kung magising siya ng umaga at magluluto lara dito. Hanggang sa nasanay na nga siya sa ginagawa ng lalaki.Biglang pumasok sa isip niya ang bulanglang na miss niya na ang naka sanayan niyang kainin. Palagi na lang kasing frozen food ang nakakain niya ngayon andito na siya sa manila."Parang gusto kong kumain ng gulay, namimiss kina ang bulanglang. Tama 'yon na lang ang lulutuin ko." Tumuloy tuloy siyang pumasok sa kusina at lumapit s
Nakahiga siya ngayon at dilat na dilat ang mga mata. Hating gabi na pero hindi pa rin siya inaantok, hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari at sa nalaman."Oyy. " Kalabit ng lalaki sa kanya pero hindi niya pinansin. Dapat ay magkahiwalay na silang matulog pero hindi niya alam kung bakit nandito ito ngayon sa kwarto niya."Sabi mo 'di ka magagalit, pero bakit ngayon di ka namamansin?" Patagilid na humiga siya at tinalikuran ito. Naiinis siya dito. Alam pala nito ang lahat, kaya pala siya isinama sa manila at lalo na sa pag-aalaga sa kanya."Yayakapin kita, wag kang magalit." Napangiti na lang siya nang maramdaman niya ang kamay nito na yumakap sa katawan niya. Ganon lang kadali, nawala na kaagad ang tampo niya sa binata."Kanina pa ako dito, hindi mo ko pinapansin." Ungot nito. Hindi niya na natiis at humarap na siya sa binata."Bakit ka nandito? lumabas kana, makita pa tayo dito ni ti-- ni mama. " Hanggang ngayon ay naiilang pa rin siyang tawaging mama an
Isang linggo na ang lumipas at hindi pa rin siya tinatawagan ng mama niya. Ang sabi nito ay babawi siya sa ilang taon na magkawalay nila pero bakit ngayon hindi na siya kinakausap? Kahit sana, tumawag na lang ito kung marami siyang ginagawang trabaho.Kaagad niyang pinunasan ang luha at pilit na inaalis sa isip ang pagtatampo sa ina."Hush baby, It's ok don't cry," Pag-aalo ni Luis sa kanya at niyakap siya mula sa likuran. Pero mas lalo lang siyang napaluha, mas lalo lang sumikip ang dibdib niya."S-Sabi niya Luis tatawag siya babawi siya, pero bakit ngayon wala siya, parang di niya ako naalala, mahal nya ba talaga ako Luis?" Humihikbing tanong niya sa lalaki. Kaagad niyang sinubsub ang mukha sa unan, itinago para hindi makita ng lalaki."Ok, we will try to contact her again, just please stop crying." Sabi nito at hinahagod ang likod niya. Hindi pa rin siya tumigil sa pag iyak at lalong sinubsob ang mukha sa unan. Rinig niya naman ang malalalalim na buntong hininga ng lalaki."Hello t
(Sam)"Dark? Ginagawa mo dito?" Takang tanong niya nang bumungad sa kanya ang kaibigan ni Luis. At tsaka isa pa hindi sila masyadong close nito para siya ang sadyain."Auh, gusto lang kita makita." Nagulat naman siya sa sagot ng binata pero tumango tango na lang siya."Sige pasok ka." Pinagbuksan niya ito ng pinto at pinaupo sa sofa."Sige kukuha muna ako ng iinumin mo, kahit ano naman iniinom mo diba?" Natatawang tanong niya dito."Kahit tubig na lang," Tumayo na siya at kinuhanan ito ng tubig. Buti na lang tubig dahil wala pala siyang ibang ipapainom sa binata bukod sa tubig."Bakit ka pala napagala rito." Tanong niya at binigay dito ang baso. Uminom muna siya bago nya sinagot ang tanong ko."Gusto lang kitang dalawin at may sasabihin din ako sayo, para kasing mababaliw ako pag diko sinabi sayo 'to." Parang kinakabahang sabi nito, nalilitong tumingin siya sa binata. Ano naman kayang sasabihin nito."Okey anong sasabihin mo?""Wag kang magagalit ha? alam ko naman, na gusto niyo ang i