Share

Kabanata 31

Isang linggo ng pabalik-balik si Troy sa bahay nila Leah upang bisitahin si Carlo at tuwang-tuwa naman ang anak niya. Sa tuwing papasok ng trabaho ay agad-agad siyang sinusundo nito sa kanila at hinahatid sa eskwelahan si Carlo.

Hindi naman niya mapigilan ang binata dahil naisip niya rin na ito ang paraan ni Troy upang mabawi ang limang taong nawalay ito sa kanyang anak at naiintidihan niya iyon. Kaya naman ay hinahayaan niya na lamang ito dahil nakikita naman niya ang kasiyahan sa mukha ng anak niya.

Habang nagsusuot ng sandals si Leah ay lumapit naman sakanya ang anak niya. "Mama, saan ka po pupunta?" Tanong nito habang kumakain ng tsokolate na dala ni Troy kaninang umaga.

"May pupuntahan lang si Mama, saglit, okay? Babalik rin ako agad." Saad niya at saka humarap ng tuluyan kay Carlo at pinunasan ang pisngi nito dahil sa nagkalat na tsokolate.

Makikipagkita siya kay Ariel sa mall dahil nag-aya itong mag-date daw sila. Tumawag ito kahapon para magpaalam. Nang marinig ni Carlo k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status