Share

Kabanata 3

Ilang araw na ang nakakalipas ng mangyari ang sa hotel ay dumating na ang araw ng biyernes kung saan magkakaroon ng dinner ang pamilya nila Leah. 

Nakarating naman agad siya sa bahay nila at pagpasok niya pa lang sa loob ay bisi na agad ang mga tao. 

Hindi niya alam kung anong meron pero mukhang may kasalo sila dinner na gaganapin ngayong gabi. 

"Oh, ikaw pala Leah. Buti at nakapunta ka." 

"Manang Fe! Kamusta na po? Namiss ko kayo." Aniya ni Leah at yumakap sa matandang babae na nasa anim-na-put dalawang taong gulang na. 

Si Manang Fe ang nag-alaga sa kanya noong bata pa siya at ito rin ang kasa-kasama niya palagi. Hindi kasi sila masyadong close ng Ate Sabrina niya noon kaya si Manang Fe ang kalaro niya lagi. 

"Okay lang naman. Ba't ngayon ka lang dumalaw?" 

Napakamot naman sa ulo si Leah bago magsalita. "Naging busy na po kasi ako sa trabaho kaya hindi na rin po ako nakauwi." 

May part sa sinabi niya na totoo at hindi. Totoo dahil busy na siya sa trabaho at hindi dahil ayaw niyang magkagulo sa bahay. Feeling niya kasi kapag umuwi siya sa kanila ay parang hindi siya welcome base na rin sa ipinapakitang ugali ng Mommy niya. 

Kaya nagdecide na lang siya na hindi umuwi sa kanila at isa pa nakikimusta lang rin siya sa pagtawag sa Daddy niya.

"Ay, Manang Fe. Ano po ba ang meron at mukhang busy kayo? Mag okasyon po bang magaganap?"

"Ay, oo. May dadating kasi na bisita mamaya ang Daddy mo." 

Napatango naman si Leah. Ito siguro ang dahilan kung bakit siya tinext ng Ate Sabrina niya. 

"Oh siya, mauna na'ko." 

"Sige po." 

Nakangiti namang umalis si Manang Fe at iniwan si Leah sa may sala. Sakto naman ay kakababa lang ng Daddy, Mommy at Ate Sabrina niya. 

"Leah! I'm glad, na nakapunta ka. How are you?" 

Magsasalita na sana siya ng magsalita ang Mommy niya. 

"She looks fine, isn't it?" Aniya ng Mommy ni Leah at tiningnan ito mula ulo hanggang paa. 

Naitikom na lamang ni Leah ang bibig dahil sa tugon ng Mommy niya. Medyo nahiya rin siya dahil nakasuot lang siya ng simpleng dress na kulay brown hanggang tuhod, habang ang Daddy, Mommy, at Ate Sabrina niya ay naka formal attire. 

"Kung alam ko lang na importante ang dinner na ito, eh 'di sana ay naka-pamili ako ng pang-formal attire." Saad ni Leah sa kanyang isip.

Sakto naman na dumating ang isang maid at lumapit sa kanila. 

"Sir, nanjan na po ang mga bisita."

"Oh, really? That's good." 

Nauna namang maglakad si Daddy at sumunod sa kanya si Mommy. Naramdaman naman niya na may nakatingin sakanya kaya nilingon niya iyon. Nakita niyang nakatingin sakanya si Ate Sabrina kaya naman ay nginitian niya ito at binati.

"Ate Sab---" Hindi niya pa natatapos ang sinasabi niya ng umalis ito at sinundan ang Daddy at Mommy nila. 

Napabuntong hininga na lang siya dahil ganun pa rin ang turing nila sa isa't-isa. Walang nagbago kahit noong mga bata pa sila.

"Mr. and Mrs. Salvatore. Welcome to my house." Saad ng Daddy ni Leah habang wini-welcome nito ang mag-asawang Salvatore. 

"Mr. Alcaraz, thank you for welcoming us." 

Sinilip naman ni Leah ang mag-asawang Salvatore. Napanganga siya dahil napaka-gwapo at napaka-ganda nila. Lalo na't nakasuot ito ng formal attire na nakadagdag points sa itsura nila. 

"Oh, here's my wife. Lithia Alcaraz and my two daughter's, Leah and Sabrina." 

Ngumiti naman siya sa kanila at sinuklian rin naman siga ng ngit ng mga ito. 

"Uhmm, I don't see your son?" Tanong ng Mommy nila.

"Ohh. Mukhang late ata iyon makakapunta. H'wag kayong mag-alala darating iyon. Tinawagan namin siya kanina at ang sabi naman ay susunod siya." 

"It's good to hear that. Tara na sa lamesa at kumain, baka lumamig pa ang mga pagkain na hinanda namin." 

Sabay-sabay naman na silang umupo lahat at nagsimulang kumain. 

Kumuha naman ng kanin at ulam si Leah, hindi niya namalayan na naparami ang lagay niyang pagkain sa kanyang plato kaya naman ay agad siyang napansin ni Mrs. Salvatore.

"Mukhang malakas kumain ang anak niyong si Leah ah, hahahahaha." 

Napatigil naman siya sa pagsubo ng kutsara at napatingin sa nagsabi noon. Nahihiya namang binawasan niya ang pagkain sa kutsara niya ng mapag-alamang si Mrs. Salvatore ang nakapansin sa kanya. 

"Hahahaha. Mula bata pa lamang ay malakas na siya kumain." 

Nagsitawanan naman ang tao sa lamesa kaya mas lalo lang akong nahiya. 

"Ma'am, Sir. Nandito na po ang anak niyo." Saad ng isang katulong. 

"Andyan na siya? Mabuti naman at nandito na siya." 

"Papasukin mo na siya." 

Hindi na lang pinansin ni Leah ang mga paguusap ng dalawang pamilya pero aware naman siya na nandito na ang anak ng mag-asawang Salvatore. 

Patuloy lang siya sa pagsubo ng kutsara at hindi niya namalayan na nakapasok na pala ang bisita sa hapag kainan. 

"Mom, Dad." 

Napatigil sa pagsubo ng kutsara si Leah ng marinig niya ang isanb boses lalaki.

Dahil sa kuryusidad na malaman kung sino ang bisita na dumating itinaas niya ang tingin niya at nakita ang isang lalaking nakashades na nakasuot ng leather jacket. 

Nanlaki naman ang mata niya ng sinimulang aalisin ng lalaki ang shades niya. 

"W-What?!"

Bigla naman ay nasamid siya sa kinakain niya kaya naman ay iniabot niya tubig saka uminom. 

"Leah, are you okay?" Tanong ng Dad niya sa kanya. 

"O-Opo. Pasensya na po." Hingi niya ng paumanhin at ngumiti. 

Naramdaman naman niyang may nakatingin sa kanya at nilingon iyon. Nakita niya ang lalaki na nakatingin sa kanya at nakangiti ito. 

Kinabahan naman siya sa pag-ngiti nito kaya iniiwas niya ang tingin at bumalik sa pagkain. 

"Bakit siya nandito? What's going on?"

*•*•*•*•*• 

Hindi naman mapigilan ni Troy ang mapangiti ng makita niya ulit ang dalaga na hinahanap niya two days ago. 

Paggising niya ng kinaaumagahan ay biglang nawala ang babae na parang bula. Napatingin naman siya sa may bedsheet ng mapansin ang isang bakas ng dugo. 

Hindi niya alam pero napangiti siya ng makita iyon ng malaman niyang birhen pa ang dalaga. 

Simula noon ay pinahanap niya ang babae pero wala siyang nakuhang impormasiyon tungkol dito. 

Sakto naman na tumawag ang Daddy niya kagabi na may pupuntahan silang dinner bukas. Hindi sana siya papayag dahil alam niyang tungkol ito sa arrange marriage. 

Pero pinilit siya ng ama niya kaya naman ay pumayag na lang siya na pupunta siya. 

Nang makarating sa bahay ng mga Alcaraz, ay nakita niya ang ama at ina niya na may kausap. 

"Mom, Dad." Tawag pansin ni Troy at tinanggal ang shades na suot niya na ikinalingon naman ng mga magulang niya. 

Maya-maya ay may narinig siyang nasamid kaya naman ay tiningnan niya kung sino iyon. 

Nagulat siya ng makita ang isang babae. 

"That's her!" 

Hindi naman niya mapigilan ang ngumit dahil sa wakas ay nakita niya na ang babae na halos siya sa sarili niya mismo ay hindi niya alam na magkikita ulit sila.

"What a coincidence."

Napansin naman ata ng dalaga na kanina pa siya tinitingnan ni Troy kaya lumingon ito sakanya. Saglit lang iyon at agad na iniiwas ang tingin. 

"Opo ka na, hijo." 

Umupo naman si Troy sa katapat na upuan ni Leah. Hindi pa rin iniaalis ni Troy ang tingin sa dalaga. 

"She must be my wife. Hmm...this is interesting." 

"Hindi na'ko magpa-paligoy ligoy pa. Mr. and Mrs. Salvatore, we should talk about the wedding that will take place." 

Nagulat naman si Leah ng sabihin iyon ng Mommy niya. 

"Kasal? Sino? Si Ate Sabrina?" 

"Oh, yes. Before that. Ipakilala muna natin sa mga anak natin kung sino ang ikakasal." Saad ni Mr. Salvatore.

Kinakabahan naman si Leah dahil hindi niya inaasahan na ganoon pala ang ibig-sabihin ng dinner na iyon. Akala niya ay isang simpleng okasyon.

"Sabrina, meet your fiance Troy Salvatore." 

Nang marinig iyon ay nakaramdaman ng kaunting kirot sa dibdib si Leah kaya naman ay napahawak siya dito.  

"Wait. She's not gonna be wife?" 

Napatingin naman si Leah sa lalaking katapat niya na si Troy na nakaduro sa kanya. 

"Yes. Why? You don't like my daughter? Leah has a boyfriend, and besides my daughter Sabrina is single." 

Hindi naman na nagsalita si Troy at dahan-dahan na ibinaba ang hintuturo nito kay Leah.

Habang naguusap ang dalawang pamilya, ay nag-excuse muna si Leah para pumunta ng kusina. Hindi niya kasi kaya ang atmospera sa hapag-kainan. 

Nang makarating doon ay napa palo na lang siya sa noo. Hindi alam ni Leah ang gagawin dahil sa mga nalaman niya ngayon. At isa pa nandito sa bahay ang naka-one night stand niya na ngayon ay magiging brother-in-law niya. 

"Ano ba iyang pinasok mo, Leah." 

Bumuntong hininga siya para pakalmahin ang sarili. "Woohh. Just act like nothing happen, okay? Good. Tama lang iyan. Wala dapat makaalam na may nang---"

"Anong wala dapat makaalam?" 

"Ay tukneneng!" 

Nagulat naman si Leah ng may magsalita sa likod niya. Pagkalingon niya ay nakatayo si Troy at nakangisi ito. 

"A-Anong ginagawa mo dito?" Saad ni Leah at nagsimulang umatras dahil sa unti-unting paglapit sa kanya ni Troy. 

Hindi na maka-atras si Leah dahil pader na ang nasa likod niya. Lumapit naman ang mukha ni Troy sa leeg ni Leah kaya naman ay napapikit siya. 

"You. You're the girl from that night."

Itinulak naman ni Leah si Troy at tiningnan ito ng may pagtataka. "Huh? A-Anong pinagsasabi mo diyan?"

Napangisi naman si Troy dahil mukhang nagpapalusot ang dalaga sa kanya. Sigurado si Troy na si Leah ang babaeng naangkin niya nung gabing iyon dahil ng lumapit siya sa leeg nito may napansin niyang isang maliit na hickey sa may baba ng tenga nito. 

Mukhang hindi iyon napansin ng dalaga. 

"Kung wala ka ng kailangan aalis na'ko." 

Bago pa makaalis si Leah ay hinablot ni Troy ang braso niya. 

"Ano ba bitawan mo ako!"

Hinapit naman ni Troy ang bewang ni Leah saka bumulong sa tenga niya. 

"Ngayon na nakita na ulit kita, hindi na'ko papayag na mawala ka ulit sa paningin ko. I don't care about the wedding, but I'll make sure that you're gonna be mine." Saad ni Troy sa kanya. 

Bigla namang nagtaasan ang mga balahibo niya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil sa mga sinabi nito sa kanya o hindi. 

Lumayo naman siya dito at umalis na sa kusina. Sakto naman na paglabas ni Leah ay siyang pagpasok ng Ate Sabrina niya. 

"What are you guys doing?"

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

Salamat po sa mga nagbabasa!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status