Share

Kabanata 6

Natapos ang lunch nila Troy at Leah hanggang sa makabalik ulit sila sa site. 

Wala pa ring imik si Leah, gulat pa rin ito sa mga sinabi ni Troy sa kanya kanina. Ngayong nalaman niya na ang dahilan ay hindi niya alam kung paano niya ito sasagutin. 

"Ito na po pala sila Sir Troy " rinig ni Leah ng makababa siya sa sasakyan ni Troy. 

Iniangat naman niya ang tingin sa nagsalita nahagip ng mata niya ang isang nakatayong babae. 

Nanlaki ang mata niya ng makilala iyon. Si Ate Sabrina niya iyon at nakasuot ito na fitted na sleeveless dress na hanggang tuhod na kulay black at naka high heels rin. 

"Ate Sabrina..." 

Nakita niyang lumingon sa gawi nila ang Ate Sabrina niya at kita niya sa mukha nito ang pagkagulat ng makita siya.

Sakto naman na kakalabas lang ni Troy sa sasakyan at lumapit sakanya pero bago iyon ay natigilan ang binata ng makita si Sabrina sa 'di kalayuan. 

Ngumiti naman si Sabrina ng makita si Troy at lumapit ito kay Troy sabay halik sa mga pisngi nito na ikinagulat naman niya maski si Troy. 

"Where have you been. Kanina pa kita hinahanap, tinawagan ko ang office mo pero sabi ng secretary mo ay wala ka at nasa site ka ng bagong project mo." Saad ni Sabrina at kumapit sa mga braso ni Troy. 

Napatingin naman doon si Leah at bigla siyang naramdaman ng kirot sa dibdib niya. 

"Bakit ganoon ka mag-react huh." Saad sa isip ni Leah. 

Nakita niyang nawala ang ngiti ng Ate Sabrina niya ng lumingon ito sa kanya. 

"Leah, what are you doing here?" Taas kilay nitong tanong. 

Yumuko naman si Leah bago sumagot. "I-Ito kasi yung bagong naa---"

"She's here because of her work. She's my employee in my newly own business." 

Napatingin naman si Leah kay Troy ng ito ang sumagot sa tanong ng Ate Sabrina niya. Nakita niyang nakatingin rin ito sa kanya kaya naman ay umiwas siya ng tingin. 

"A-Ah, maiwan ko na muna kayo. Marami pakong gagawin." Paalam ni Leah at saka yumuko sabay alis sa harap nila ni Troy at ng Ate Sabrina niya. 

"Ikakasal na sila, Leah. Tandaan mo!" 

Habang papalayo ay ramdam ni Leah na nakasunod ang tingin sa kanya ni Troy kaya binalewala niya na lang ito at pumunta sa loob ng building para puntahan si Mr. Cruz. 

•*•*•*•*•*

Nakasunod ang tingin ni Troy sa papalayong likod ni Leah hanggang sa hindi niya ito makita. 

Mula kaninang nasa restaurant ay wala itong imik hanggang sa matapos silang kumain at makabalik dito sa site. 

Mukhang nabigla ata ito sa sinabi niya. 

"Maybe. I should do it a little slow."

Totoo ang sinabi niya sa dalaga na gusto niya ito at walang halong biro iyon. Nakumpirma niya lang feelings sa dalaga ng may nangyari sa storage room kung saan nagtatrabaho ang dalaga. 

Simula ng makita niya ulit ang dalaga matapos ang mainit na p********k nila ng gabi sa hotel, hindi niya na maialis sa isip niya ang dalaga.

Sa tuwing naalala niya ang nangyari sa hotel ay hindi niya maiwasan na mag-react ang katawan niya. Hindi siya naniniwala sa love at first sight pero ng makita niya ang dalaga sa bar ay tinamaan na agad siya. 

"Huh. I must be crazy." 

Ngunit hindi niya inaasahan na magtatanong ang dalaga kanina. 

"Bakit mo ba ito ginagawa? Ikakasal ka na kay Ate Sabrina at dalawang buwan na lang bago ang kasal mo." 

Hindi niya tuloy lubos maisip na ikakasal siya at sa mismong nakakatanda pang kapatid ni Leah. 

Tumingin naman siya kay Sabrina na nakakapit sa braso niya. Tinanggal niya ang pagkaka-kapit ng dalaga sa braso niya at lumakad papuntang silid ng manager. 

Pagkapasok ay umupo agad siya sa swivel chair. Napatingin naman siya sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si Sabrina na hindi maipinta ang mukha. 

"Bakit mo'ko iniwan?" Sigaw nito. 

Hindi pinansin ni  Troy si Sabrina at saka nagbuklat ng mga folder na dala kanina ni Leah. 

"What are you doing here?" Tanong ni Troy habang busy pa rin sa pagbuklat ng mga folder. 

"Of course. Binibisita ang fiance ko." Saad nito at lumapit sa binata ngunit pinigilan siya nito. 

"Ipu-pull out ko ang marriage natin." Seryosong saad ni Troy at tiningnan na si Sabrina. 

Natigilan naman si Sabrina sa narinig niya kay Troy. "Are you kidding me?" 

"No, I'm not." 

Napatawa naman ng malakas si Sabrina. Nagtaka naman si Troy sa pagtawa nito. 

"Hahahaha. At sa tingin mo papayag ako?" 

"Alam kong hindi ka papa---"

"Then why? Give me a reason why want you pull out our marriage. Ohh, it is because of my sister?" 

Hindi naman umimik si Troy kaya naman ay tumawa ng pagak si Sabrina ng makumpirma ito.

"Ano bang meron sa inyo ng kapatid ko? Inakit ka ba ng kapatid ko? Huh. Mala---" 

"Enough, Sabrina. I don't have a reason to tell you why would I want to pull out this marriage. Hindi ko ginusto ito in the first place. H'wag mong idadamay dito si Leah." 

Nagulat naman si Sabrina sa mga narinig niya mula sa binata. Pero hindi niya tanggap na mapupunta si Troy sa kapatid niya. The wedding is already settled at dalawang buwan na lang ay ikakasal na sila.

Tinitigan ni Sabrina si Troy bago siya magsalita. "Sige. Pero ito tatandaan mo Troy, magsisisi ka na mas pinili mo ang kapatid ko kesa sa'kin. You want this right? Then I'll give it to you."

Pagkatapos iyon sabihin ni Sabrina ay lumabas na ito ng silid. Sakto naman na nadaan niya si Leah sa labas. 

"Ate Sabrina..."

"Ang kapal rin ng mukha mo, Leah. Tinuring kitang kapatid tapos ito ang igaganti mo sa'kin." 

Naguguluhan naman si Leah na lumapit dito. "A-Ate...ano ba ang pinag---"

"Stop. Magpa-kasaya ka muna, pero hindi pa ito tapos." 

Pagkatapos sabihin iyon ng Ate Sabrina niya ay umalis na ito at pumasok na ito aa dalang sasakyan.

Nang makapasok sa loob ng sasakyan si Sabrina ay may tinawagan itong numero sa selpon niya na agad naman na itong nasagot. 

"Are you busy? I have something to tell you, right now." 

Nang mawala na sa paningin ni Leah ang kapatid niya ay sakto naman na lumabas ng manager room si Troy at nakita siya. 

"Leah." Saad ng binata at tinangkang lumapit sa kanya pero pinigilan nita ito. 

"Anong ibig-sabihin ni Ate Sabrina?" 

Nang makalapit si Troy sa kanga ay hinawakan siya nito aa balikat. 

"Hindi na matutuloy ang kasal namin." 

Natigilan naman si Leah sa narinig niya sa binata. 

"W-What...Bakit mo ginawa iyon? Anong dah---"

"Gusto kita, Leah. Kaya sinabi ko sa Ate mo na hindi na tuloy ang kasal namin." 

Nang marinig iyon sa binata ay naghalo-halo ang emosyon niya. Hindi niya alam kung anong irereact niya ng malaman niyang gusto siya ng binata. 

Lumayo siya dito at tumalikod pero hinabol ni Troy ang mga kamah niya. 

"Leah..."

"Just...give me a second to think, Troy." 

Naintindihan naman ni Troy iyon kaya binitawan niya ang kamay ni Leah at hinayaang lumayo ito sa kanya. 

•*•*•*•*•*

Buong araw hindi pinansin si Troy ni Leah hanggang sa sumapit na ang uwian. Pupuntahan niya sana ito sa may building para ihatid kaso pagdating niya doon ay wala na ang dalaga at nauna na raw itong umuwi. 

Napamura naman siya ng hindi niya ito maabutan. Sakto naman ay may tumawag sa selpon niya. 

Pagtingin niya ay ang Dad niya ang tumatawag kaya sinagot naman niya agad ito. 

"Dad. Ba't napat---"

📱: "Umuwi ka agad dito sa bahay. May paguusapan tayo." 

Pagkatapos sabihin iyon ng Dad niya ay pinatay na nito ang tawag. 

Napabuntong hininga naman siya ng maisip ang rason kung bakit napatawag sa kanya ang ama niya.

Mukhang nalaman na ng ama niya ang tungkol sa pag-pull out niya sa kasal. Kaya nagdesisyon siyang sabihin na rin dito ang lahat.

Ipinasok niya sa bulsa niya ang selpon at pumunta sa sasakyan niya saka pumasok sa loob at pinaandar ito.

•*•*•*•*• *

Nang makapasok si Leah sa condo niya ay pagod na pagod siyang napaupo sa sofa sa sala niya. 

Hanggang ngayon ay gulat pa rin sa mga pangyayari si Leah. Hindi siya makapaniwala na gusto siya ng binata dahilan kaya hindi matutuloy ang kasal ng Ate Sabrina niya. 

Guilty talaga ang nararamdaman niya dahil, siya ang dahilan kung bakit hindi na matutuloy ang kasal. Pero may parte sa kanya na masaya na malaman na gusto siya ng binata. 

Hindi niya rin naman maiitatanggi na unti-unti rin siyang nahuhulog kay Troy. Alam niyang mabilis dahil ilang beses pa lamang naman sila nagkikita at hindi pa gaano kakilala ang isa't-isa. 

Pero nangingibabaw ang guilty na nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay niloko niya ang pamilya niya at ang Ate Sabrina niya. Pero hindi niya rin naman masisisi ang sariling puso na tumibok ito ng mabilis sa tuwing nandyan ang binata. 

Kulang na lang ay pagpa-konsulta na siya sa doktor para makumpirma na wala talagang siyang sakit sa puso. 

Napabuntong hininga na lang si Leah.

"Ano na, Leah, ano na ang gagawin mo." Tanong niya sa sarili at sabay sinabutan ang buhok. 

"Tinamaan ka na ba talaga kay Troy? Paano na si Ate Sabrina mo? Hayst! Lord, please help me sa problemang ito. Hindi ko na alam gagawin ko." Dasal nito habang nakatingin sa kisame. 

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

Salamat po sa mga nagbabasa!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status