Share

Kabanata 5

Matapos ang nangyari sa storage room ay buong araw lutang si Leah. Hindi maalis sa isip ni Leah ang nangyari kanina at paulit-ulit itong nag-peplay sa isip niya. 

"Baliw kana talaga!"

Napahawak naman si Leah sa labi niya. Pakiramdam nito ay nandoon pa rin ang mga labi ng binata. Malambot iyon at talagang napakasarap nitong humalik. 

Kaya hindi na rin niya maitatanggi na nadala siya sa halik nito. Pero may part sa kanya na nagi-guilty sa ginawa. 

Magiging asawa na nito ang Ate Sabrina niya at heto nakikipaghalikan sa kanya ang binata. Pakiramdam niya ay nagtataksil siya sa Ate Sabrina niya. 

Gusto niyang lumayo dito dahil na rin sa ayaw niya ng gulo sa pamilya pero sa tuwing lumalapit sa kanya ang binata ay bigla namang bumibilis ang tibok ng puso niya. 

"Hindi ka pwedeng mahulog sa kanya, Leah. Fiance siya ng Ate mo, tandaan mo iyan." 

Napabuntong hininga na lang siya at ipinagpatuloy ang pagtipa sa kompyuter. 

*•*•*•*•*•

"Faster, Leah! Ba't ba ang bagal bagal mo?" 

"O-Opo!" 

Halos madapa-dapa na si Leah sa paglalakad habang bitbit ang mga folder na ibinigay sa kanya kaninang umaga ng boss niya. 

"Ikaw mag-bitbit nito." Saad ng boss niya. 

Kinuha naman agad ni Leah ang folder at nagtatakang tiningnan niya ang boss niya. Kakapasok niya lang sa trabaho at heto na naman at may ipapa-utos. Hindi sa nagrereklamo si Leah pero kasi napapansin niya na siya madalas ang pagtuunan ng pansin ng boss niya habang ang mga kasamahan niya sa trabaho ay hayahay lang. 

Naiinggit siya sa mga ito dahil sila ay hindi nag-oovertime samantalang siya ay halos mapaso na ang pwet niya araw-araw kakaupo at kakatitig sa kompyuter at kung anong oras na siya umuuwi. 

Ang tanging araw na nakakapagpahinga lang siya ay ang araw ng day off niya at sa araw na iyon ay bagsak siya sa kama niya buong araw. 

Sinundan naman ni Leah ang boss niya. "Ah eh, Sir. Saan po tayo pupunta?" Tanong ni Leah. 

Lumingon lang ang boss sa kanya at ipinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa makalabas sila ng buoding at dumeretso sa parking lot. 

"T-Teka lang po, Sir. Ano po bang nangyayari? May gagawin pa po ako sa taas. May secretary naman po kayo. Siya na lang po isa---"

"Nope. You're my new secretary from now on. Just get in the car and stop asking."

Ilang saglit natulala si Leah sa sinabi ng boss niya. Hindi siya makapaniwala na sekretarya na siya ng boss niya. Ang masungit at palaging nakasigaw sa kanya ay sekretarya na siya nito.

"A-Anong..."

"Leah! Ano pa ba ang tina-t*nga t*nga mo diyan. Pumasok kana sa loob! Male-late na tayo sa pupuntahan natin." 

Agad naman na pumasok sa loob ng sasakyan si Leah sa pagsigaw ng boss niya. 

"O-Opo!" 

Nandito sila site sa kung saan may ipapatayo ang bagong may-ari ng pinag-tatrabahuan niya. Ngayon niya lang nalaman na binili na ang kompanya nila at ang bumili niyon ay ang bisita nila nung isang linggo. 

Napatigil saglit si Leah ng pumasok sa isip niya ang 

"Huwag mong sabihing... Imposible! Hahahaha. Lima ang dumating na bisita nila nung isang linggo. Imposibleng siya ang bagong boss ko noh. Tama! Tama!" 

Maya-maya ay tumigil naman ang boss niya sa harap ng pinto na may nakalagay na manager at pumasok doon. Sumunod rin siya sa loob. 

"Good morning, Mr. Salvatore." 

Napatigil naman si Leah ng marinig ang sinabi ng boss niya. 

"Salvatore? Hahahaha. Nabibingi na siguro ako. Tama, tama. Hindi siya ang bagong boss ko." 

Napapangiti na lang siya sa iniisip niya. 

"I brought my secretary, Leah Alcaraz." 

Napaayos naman ng tayo si Leah at yumuko. 

"Nice to meet you, Sir." Saad niya at iniangat ang ulo. 

Pag-angat ng ulo niya ay nagulat siya ng makilala ang bagong boss niya kaya naman ay naibagsak niya ang mga folder na hawak na hawak niya. 

"T-Troy...?" Biglang bulalas ni Leah. 

Si Troy naman ay nakangiti lang habang nakatingin sa dalaga. 

"It's nice to meet you too, Ms. Leah Alcaraz." Ngisi niya. 

Hindi niya alam pero gusto niyang matawa dahil sa gulat na gulat na mukha ni Leah. 

"Y-You know each other?" Rinig niyang tanong ni Mr. Cruz. 

Magsasalita na sana siya ng magsalita una si Leah. 

"N-No, Sir!" Saad ng dalaga at pinulot isa-isa ang mga nahulog na mga folder.

"Is that so." Pagtatakang tanong nito habang nakatingin kay Leah. 

"Oh, yes Mr. Salvatore. Nakita mo na ba ang buong site? Kung hindi pa ay pwede nating libutin." 

"Okay." Tipid na sagot ni Troy. 

Nakita naman niya si Leah na inilalapag ang mga folder sa kung saan malapit lang sa kanya. Paalis na sana ito ng tumigil ito sa sinabi niya dahilan para lumingon ito sa kanya. 

"You can leave Mr. Cruz. Ms. Alcaraz will stay here." 

Tiningnan naman ni Troy si Leah at nakita niya ang gulat na may halong inis sa mukha nito. 

"O-Okay, Sir." Tiningnan naman ni Mr. Cruz si Leah at tiningnan ito na nanganga-hulugang "Umayos ka, Leah." 

Pagkatapos nun ay lumabas na si Mr. Cruz at ang naiwan na lang sa loob ay si Leah at siya. 

Unti-unti namang lumapit si Troy kay Leah hanggang sa mapaupo si Leah sa table kung saan niya inilipag ang mga folder. 

"A-Anong gagawin mo?" Tanong niya pero hindi naman siya sa sinagot ng binata bagkus inilapit lang niya ang mukha nito sa kanya dahilan para ipikit niya ang mga mata niya. 

"Mauulit na naman ba ulit? Hahalikan niya ako ulit?"

Ilang minutong nakapikit si Leah pina-pakiramdaman ang labi niya. 

"Bakit parang walang nangyayari?"

Pero wala siyang naramdaman kaya naman ay binuksan niya ang mata niya at nakita ang binata na nakangiti sa kanya. Napagtanto naman niya ang ginawa niya kaya naman ay naramdaman niyang uminit ang mukha niya kaya itinulak niya ito para makaalis sa ibabaw niya. 

Napahawak naman siya sa dibdib niya ng bumilis ang tibok ng puso niya. 

"Yahh!! Bakit ang bilis mong tumibok! May sakit na yata ako sa puso."

Nagdesisyong umalis na lang sa silid si Leah baka ano pang mangyari sa loob at baka maulit ulit ang nangyari sa storage room. 

Hindi naman tuloy mapigilan ni Leah na maalala ang nangyari sa storage room. 

"Leah! Ang manyak mo!" 

Malapit na siya sa pinto ng tawagin siya ng binata. 

"Can I invite you to have a launch later?" Tanong nito sa kanya habang nagkakamot sa ulo. 

Hindi niya alam pero natawa ako sa ginawang pag-aya nito sa'kin. Ngayon niya lang nakita ang ganitong side ng binata. 

Nung una kasi nilang pagkikita ay tila agresibo ito, hindi niya alam na may pagka-softy side pala itong tinatago. 

Hindi niya alam pero tumango siya dito bilang sagot at lumabas ng silid. 

Napasandal naman siya sa pinto at narinig ang sigaw ni Troy sa loob. 

"Yes!" 

Hindi niya namalayan na nakangiti na pala siya kaya naman ay umalis siya sa pagkakasandal sa pinto. 

"H'wag mong bigyan ng malisya, Leah. Lunch lang yan, okay. Wala ng iba." 

Nang makumbinsi ang sarili ay umalis na siya doon at hinananp ang boss niya. 

•*•*•*•*•*

Nalula naman si Leah sa mga presyo ng mga pagkain na nakita niya sa menu. 

"Ang mahal grabe. Parang sweldo ko na ito tuwing kinsenas." 

Nandito na kasi sila sa isang restaurant at ngayon ay nakaupo para mag-order ng pagkain. Imbis na masasarap na mga pagkain ang bubungad sa kanya ay puro mga naglalakihang mga presyo. 

Hindi tuloy siya makapili ng kakainim dahil pare-parehas ang mga presyo nito. Napatingin naman siya kay Troy na busy naman sa pagtingin sa menu. 

Naramdaman nito siguro ang pagtingin niya kay tumingin rin ito. 

"Do you have something you want?" 

"A-Ano kasi...Pwede bang lumipat na lang tayo ng ibang kakainan? Mahal kasi dito at wala rin akong dalang malaking pera pambayad. May alam akong murang pagkakainan natin. Masarap doon at edible nam---"

"At sino naman ang nagsabi na ikaw ang magbabayad?" Tanong nito sa kanya. 

Natigilan naman siya sa sinabi nito at tumingin muli sa kanya. 

"W-Wala naman. Pero kasi---"

"Enough. Ako ang magbabayad. Niyaya kita dito para sabay tayo maglunch." Saad ng binata at tumawag ng waiter. 

Sinabi naman nito ang mga order at saka umalis ang waiter. Tumingin ulit ito sakin.

"And also this should be our first date." Ngising saad nito. 

Nanlaki naman ang mata ni Leah sa sinabi nito.

"First date? Teka! Ba't hindi k---"

"Now, you know. Don't worry. Mauulit ito." 

Hindi makapag-salita si Leah. Akala niya ay lunch lang ito at wala ng iba. Naramdaman naman niyang bumilis ang tibok ng puso niya at naginit ang mukha niya. 

Pero nawala iyon ng parang bula ng maalala niyang ikakasal ito sa Ate Sabrina niya at nakaramdam siya ng gulity. Nagtataka si Leah kung bakit iyon ginagawa ng binata.

"Dahil ba sa may nangyari samin?" Hindi niya tuloy maiwasan na isipin iyon. Iyon lang kasi ang natatangi niyang dahilan na naiisip kung bakit ginagawa iyon sa kanya ng binata.

"Bakit mo ba ito ginagawa? Ikakasal kana kay Ate Sabrina at dalawang buwan na lang bago ang kasal mo." Aniya ni Leah at tiningnan si Troy sa mga mata nito. 

Natigilan rin naman si Troy sa biglaang sabi ni Leah sa kanya. Bumuntong hininga muna ito at tinitigan rin sa mata si Leah bago magsalita. 

"What would you say, that I do all of this because I like you." Seryosong saad ni Troy sa kanya. 

Hindi na makapagsalita si Leah hanggang sa dumating ang mga order nila. 

"G-Gusto niya ako...?" 

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

Salamat po sa mga nagbabasa!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status