Share

CHAPTER 2

Tanghali na ng umaga ngayon at nasa isang ‘di masyadong maliwanag at maliit na silid kami.

Hindi ko alam na mayrong ganitong silid sa loob ng library na madalas na tambayan ni Buenco. Marami ring mga libro rito na obviously ay tungkol sa mga itim na mahika ang laman.

Isinuot sa akin ni Buenco ang isang kwentas na mayroong maliit na jar na nakasabit.

“I put a magic spells in this necklace. This will protect your wolf from being tamed by the hunters,” saad niya. “Why didn’t you bring anything like clothes? Sa tingin mo ba madali mo lang makukuha ang susi na ‘yon kaya hindi ka na nagdala ng mga damit?”

“I have money. Gagamitin ko ‘to para makabili ng mga kailangan ko. Wala rin naman akong balak na magtagal roon,” sagot ko.

Tumango-tango ang matanda.

“Handa ka na ba? Bubuksan ko na ang portal,” anya.

“Handa na ‘ko.”

Ilang sandali lang ay nagsimula na siyang gawin ang ritwal. May binabanggit siyang salita na hindi ko maintindahan. Sinasabayan niya ng tipid na paggalaw ng kanyang katawan ang bawat pagbanggit niya ng mga salita.

Habang tumatagal, unti-unting nabubuo ang puting pulang liwanag sa hangin. Hanggang sa naging malaki na iyon para magkasya ang katawan ng isang tao.

Biglang tumigil sa ginagawa si Buenco saka humarap sa ‘kin.

“Pumasok ka na,” utos niya.

Nagtataka naman akong napatitig sa kanya.

Itinuro ko ang pulang liwanag na nasa harapan namin. “Sa lugar ng mga hunters ba ‘ko pupunta o sa impyerno?” seryoso kong tanong.

“‘Wag mo ng pansinin ang kulay. Pumasok ka na. Hindi ‘yan magtatagal. Ilang minuto lang ay magsasara na siya. Isaulo mo lahat ng mga sinabi ko sa ‘yo. Hinihiling ko ang tagumpay sa iyong paglalakbay. Sambitin mo lang ang pangalan ko kapag handa ka ng bumalik rito,” saad niya.

Tumango lang ako sa kanya. Mahina akong nagpakawala ng buntong hininga bago dahan-dahang naglakad papasok sa liwanag.

Nang tuluyan na akong nakalabas mula sa liwanag, sumalubong naman sa ‘kin ang maraming puno.

Nang lumingon ako sa likuran ko, wala na ang liwanag. Ipinalibot ko ang tingin sa paligid ko. Nakapasok na ‘ko sa lugar na nila.

Bigla na lang may sumulpot na mga tao sa paligid ko. Unti-unti silang naglalabasan.

Inalerto ko kaagad ang sarili ko. Pinakiramdaman ko ang mga galaw nila.

Pinalibutan lang nila ako. Wala silang ibang ginagawa maliban sa pagtitig sa ‘kin ng masama.

“Sino ka? Ano’ng ginagawa mo dito? Saan ka nanggaling?” a masculine guy step forward and asked. Bumaling ako sa kanya.

“I’m looking for your leader. I want to talk to him,” walang emosyong sagot ko sa kanya.

A girl wearing sexy clothing near the masculine guy step forward.

Lumapit siya sa ‘kin saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay inikutan niya ako.

“At ano ang kailangan mo sa kanya? You doesn’t look like you’re one of us, right?” sabi ng babae.

Agresibong kumilos ang babae saka hinawakan ako sa leeg at tinutukan ng maliit na kutsilyo.

Kaagad na nagbago ang kulay ng mga mata ko saka hinawakan ang kamay ng babae at ipinilipit siya pagkatapos ay inihagis ko siya sa ere.

“A wolf!!” someone shouted dahilan para maglabasan ang malalaking armas ng mga taong nakapalibot sa ‘kin.

Remenber this, as much as you can, stay away from trouble. Umiwas ka sa mga bagay na maaring sumira sa plano natin. Don’t kill anyone from them dahil kapag ginawa mo ‘yon, magdudulot ka lang ng isa na namang giyera sa pagitan nila at sa atin. Buenco’s voice enchoed inside my head dahilan para tumayo ako ng tuwid at ibinalik ang normal na kulay ng mga mata ko.

Sinunggaban ako ng dalawa sa kanila dahilan para bumagsak ako sa maduming lupa.

Hindi ako gumalaw. Hinayaan ko lang sila sa ginagawa nila.

Pinadapa nila ako sa lupa saka itinali ang mga kamay ko sa likuran gamit ang isang pilak na bagay.

Nasaktan ang mga pulsuhan ko dahil sa ginamit nilang pantali pero hindi ko ‘yon pinakita.

Itinayo ako ng isa sa kanila. 

Deritso akong tiningnan ng lalakeng unang nagsalita kanina. “Ikulong niyo ‘to. Ako na ang magsasabi kay Lady Cassa,” utos niya sa dalawang lalakeng nakahawak sa ‘kin.

Tumango lang ang dalawa saka marahas na hinila ako.

Nahagip ng paningin ko ang babaeng tinapon ko kanina na tinutulungan ng mga kasama niyang itayo.

Masama niya akong sinundan ng tingin.

Marahas nila akong hinihila at tinutulak na para bang ang laki ng kasalanang ginawa ko sa kanila.

Patuloy lang kami sa paglalakad. Hanggang sa napadaan na kami sa gitna ng kalsada kung saan maraming tao ang nakapaligid.

Napapatingin sila sa ‘kin. Ang iba sa kanila ay nagtataka at ang iba naman ang sama makatinginin. Kung makatingin akala mo ang laki ng problema nila sa ‘kin.

Pagtutusukin ko mga mata niyo d’yan kapag hindi ako nakapagpigil.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad, pumasok kami sa likod ng isang malaki at eleganteng bahay.

Pagkatapos ay dumiritso kami pababa sa isang hagdan at madilim na lugar.

Kaagad na bumungad sa ‘kin ang magkakasunod na mga selda. Ang ilan sa kanila ay may nakakulong at napapatingin sa ‘kin.

Tumigil kami sa pinakadulong selda. Binuksan iyon ng isang kawal pagkatapos ay basta na lang nila akong tinulak papasok sa loob dahilan para bumagsak ako sa mabaho at maputik na sahig.

Pagkatapos ay mahigpit na nilock nila ang pinto saka umalis.

Kung hindi lang talaga ganoon kahalaga ang pakay ko rito, kanina ko pa pinaghihiwalay ang mga ulo niyo sa katawan niyo.

Dumura ako sa gilid saka ako tumayo at sumandal sa pinakamalapit na pader.

Masikip ang seldang ‘to. Parang ginawa talaga para gawing kulungan ng hayop.

Iba’t ibang klase ng mabahong amoy ang naamoy ko sa loob.

“Pstt!”

Napabaling ako sa gilid ko kung saan nakakulong ang isang lalake na payat na payat. Kahit na mabaho ang paligid namin, nangibabaw pa rin ang amoy ng lobo niya.

Bigla siyang ngumiti sa ‘kin. Ang itim ng ngipin. Ano ba ang kinakain ng isang ‘to? Putik? Hindi pa sila pinapakin ng maayos dito?

Pero kung sabagay nga naman, bakit nila papakainin at tatratuhin ng maayos ang mga taong kagaya namin?

“Bakit?” mataray ang tono ko.

“Bakit ka nila hinuli?” tanong niya tapos biglang tumawa.

Siraulo pala ang isang ‘to. Nabaliw na siguro dahil sa lugar na ‘to.

“Ano’ng pakialam mo?” mataray pa rin ang tono ko.

Bigla siyang ngumisi ng nakakaloko. “Gusto mo bang lumabas dito? Tutulungan kita. Alam ko kung paano makatakas. Basta….” bigla niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. “....Ipambabayad mo sa ‘kin ‘yang malinamnam mong katawan,” bigla ulit siyang tumawa.

I rolled my eyeballs at him. “Sa pangit mong ‘yan? Asa ka!”

Biglang nagbago ang kulay ng mga mata niya saka biglang sinuntok ang selda na naghihiwalay sa aming dalawa.

Paulit-ulit niyang ihinahampas ang katawan niya sa selda para sirain iyon.

Hindi ko na lang siya pinansin. As if naman kakayanin niya ‘ko.

“Tumahimik kayo!” biglang malakas na sigaw ng isang boses babae dahilan para tumigil sa ginagawa niya ang pangit na ‘to.

Napatingin naman ako sa pinanggalingan ng boses. Nakarinig ako ng malalakas na mga yabag ng mga paa papunta sa kinaroroonan ko.

Huminto ang isang babaeng nakasuot ng isang puting mahabang dress na abot hanggang sahig sa tapat ng katabi kong selda.

“Nag-iiba talaga ang ihip ng hanging hinihinga mo sa tuwing may bagong pinapasok dito!” ‘di kalakasang sabi ng babae.

Tinitigan ko ng mabuti ang mukha niya dahil pamilyar iyon.

At nang marealize ko kung sino siya, mabilos na tumibok ang puso ko.

“Dito po ang selda ng bagong salta, Lady Cassa,” itinuro ng isang kawal ang kinaroroonan ko.

Bumaling naman sa ‘kin ang babae at naglakad hanggang sa tapat ng seldang kinaroroonan ko. Halatang may kaedaran na siya dahil sa kulubot niyang mukha.

Nakatayo naman sa tabi niya ang isang lalakeng nakasuot ng magarang damit.

Kaagad ko siyang namukhaan dahilan para mariin kong naikuyom ang mga kamao ko.

Gusto ko ngayong sirain ang seldang ‘to at basta na lang patayin ang mga taong ‘to ngayon din.

Pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ako pwedeng magpadala sa galit. Karamihan sa mga nasasakupan ko ay umaasa sa tagumpay ko sa pagpunta ko rito.

Iniyuko ko ang ulo ko. Ayokong makita ang mga mukha nila.

Naramdaman ko naman ang mga malalalim nilang titig sa ‘kin.

“Cali,” sambit ng babae sa pangalan ko. Nararamdaman ko ang pagkabigla niya. Hindi siya makapaniwalang nakikita niya ako ngayon.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. Nagtatakang nakatingin ang katabi niyang lalake sa kanya.

“Glad you could still remember my name,” walang emosyong sabi ko. Napabaling sa ‘kin ang asawa ng babae.

“What are you doing here?” tanong ng babae.

“Ikaw, what are you doing here?” wala pa rin akong pinapakitang emosyon sa kanya.

Nakita ko ang biglang pagbago sa awra niya. “At kailan ka pa natutong sumagot ng ganyan?” napataas na ang tono niya.

“At kailan mo pa plinanong pagtaksilan ang mga kalahi mo?!” napataas na rin ang tono ko.

Nabigla siya sa sinabi ko dahilan para matahimik siya.

Pabalik-balik ang tingin ng katabi niyang lalake sa ‘kin at sa kanya.

Taas nuo siyang tumingin sa ‘kin.

“Ilabas niyo siya,” bigla niyang utos sa mga kawal.

“What are you doing?” nagtatakang tanong ng asawa niya. Pero hindi niya ito pinansin.

“I said, let her out!” tumaas ulit ang tono niya.

Mabilis naman na sumunod ang mga kawal saka binuksan ang selda. Pumasok ang isa sa kanila saka hinila ako palabas.

Tahimik lang naman akong sumunod.

Kinalagan ng isa sa mga kawal ang tali sa kamay ko.

“Bring her to my office,” utos ng babae saka tumalikod at naglakad.

Tiningnan muna ako ng asawa niya bago sumunod sa kanya. 

Nang tuluyan na silang nakaalis, tinulak ako ng isa sa mga kawal. “Lakad!”

Sumunod naman ako.

***

Kalahating oras na akong naghihintay sa loob ng isang malawak at magarang opisina habang nakaupo sa mahaba at kulay pula na couch.

Pinapili ako kanina ng apat na maids ng mga damit dahil kaagad na naging mabaho ang amoy ng katawan ko.

Pinili kong kunin ang isang itim na sports bra, itim na boots, fitted black leather jeans, at itim rin na blazers.

Hinayaan ko lang namang nakabagsak ang mahaba ay kulay abo kung buhok.

Biglang bumukas ang pinto kaya napabaling ako roon.

Pumasok ang babaeng nasa tapat ng selda ko kanina sa loob.

Nanatili akong nakaupo. Lumapit naman siya sa katapat kong pang-isahang couch at doon umupo.

“I’ve already told my husband that you’re my daughter,” wika niya.

I raised my brow at her. “So, hindi lang pala mga kalahi mo ang pinagtaksilan mo, pati rin pala si papa. You’re such a disgrace to your kind.”

“You will never understand me.”

“Wala akong balak na intindihin ka,” sabat ko.

“Say whatever you want. Pero kailangan mo ng umalis dito. Bawal ka dito.”

“Bawal ako dito? Eh, ikaw, bakit hindi ka bawal dito? Dahil ba nilandi mo ng todo-todo ang lalakeng ‘yon kaya matagal ka ng nandito at hanggang ngayon ay buhay pa rin?” puno ng sarkasmo kong tanong.

Nakita ko ang pagkuyom niya sa mga kamao niya. A small smirk formed on my lip. Nararamdaman ko ang pagpipigil niya sa sarili niya.

“Umalis ka na kung ayaw mong ako mismo ang pwersahang magpaalis sa ‘yo,” madiin niyang sabi.

Pinagkrus ko ang mga binti ko. “Aalis lang ako kapag nakuha ko na ang kailangan ko dito,” sagot ko.

Tumaas ang isang kilay niya sa ‘kin. “At ano naman ang kailangan mong kunin dito?”

“Don’t play dumb. Alam mo kung ano ang kailangan ko. Tinanggalan na nga niyang asawa mo ng alpha ang pack ko, kinulong niyo pa ang mga lobo namin. Gusto ko lang kunin ang nararapat na kalayaan para sa mga taong tinalikuran mo bilang luna.”

Inilayo niya ang tingin sa ‘kin. “Hindi mo ‘yon makukuha. Hindi ka nila hahayaan.”

“Nandito ako para kunin ‘yon ng maayos. Kagaya niyo, ayaw rin namin ng gulo. Gusto lang naming mabawi ang nararapat para sa amin. Kailangan namin ang bagay na ‘yon para protektahan ang mga sarili namin laban sa mga taong kagaya mo na mahilig magbalat-kayo.”

Hindi na talaga siya makatingin sa ‘kin ng deritso.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status