Share

CHAPTER 10

"How long have you been awake?" He asked in a cold tone.

I composed myself and gave him the same face expression.

"Thirty minutes ago. I was about to leave." I replied.

"Mom asked if you could come have dinner with us tonight. We didn't have a nice dinner last night." He said sabay na inilagay sa mga bulsa niya ang kanyang mga palad.

Napaisip ako saglit. Napatingin ako sa leeg niya nang may mahagip ang mga mata ko na nakasabit roon.

Suot-suot niya ang susing kailangan ko.

Akala ko noong ay hindi iyon ang susing hinahanap ko nang una kaming magkita at suot-suot niya rin iyon.

I just had the confirmation that I needed.

Now, I need to take every chances I can get.

"Sure. But, am I not causing any trouble with my presence being here?" I asked in a soft tone. I need to act innocent and kind to make him fall on my hands.

He shook his head once. "No, actually, mom wants to personally thank you for what you did last night."

Napahawak naman ako sa aking leeg na may benda.

"So, ikaw pala ang nagdala sa akin dito." Binigyan niya ako ng tingin na nagsasabing 'oo ako nga ang nagdala sa 'yo dito'. "Sinong gumamot sa akin?" Wala naman sa itsura niya na magaling siyang manggamot.

"Our personal doctors. They did well kaya nakakatayo at buhay ka pa ngayon. My dad wants to give you something as compensation for what you did. The maid will come here shortly." He said before he left and left the door open.

There was a small hope in me saying na sana ang sinasabi niyang compensation ay ang pagbalik sa mga kalayaang kinuha nila mula sa amin.

Makalipas lang ang ilang minuto ay sunod na pumasok ang isang maid na sa tingin ko ay mas bata sa akin ng ilang taon.

"Magandang hapon, binibini. May gusto ka ba munang gawin bago ang hapunan mamaya? Isa at kalahating oras pa kasi bago magsimula ang hapunan." Pormal na saad ng dalaga.

"I wanna go outside. Maybe to a garden or something like that." Tugon ko.

Tumango siya sa akin sabay matamis na ngumiti.

"Sumunod po kayo sa akin. May alam akong lugar kung saan pwede kayong magpalipas ng oras." Saad niya saka lumabas.

Sumunod naman ako sa kanya saka isinarado ang pinto ng kwarto.

Bumaba kami mula sa ikalawang palapag saka dumiritso sa pinto kung nasaan ang kusina.

Napapatingin sa akin ang mga taong nadadaanan namin sabay tipid na ngingiti.

Naglakad-lakad pa kami matapos kaming makalabas ng pinto hanggang sa tumigil na siya sa paglalakad sa tapat ng isang pinto na gawa sa kawayan kung saan may nakasabit na mga halamang dahon kaya napahinto na rin ako sa paglalakad.

Humarap siya sa akin. "Pwedeng dito ka muna sa loob magpahinga. Tatawagin na lang kita kapag naghahapunan na." Saad niya habang nakangiti pa rin.

Tumango lang ako sa kanya. Kaagad naman siyang lumisan at ako na lang ang naiwan roon.

Dahan-dahan kong binuksan ang kawayang pinto. Bumungad sa akin ang malawak at makulay na harden. May mga paru-paro pang lumilipad sa paligid ng mga makukulay na bulaklak.

I was fascinated by the sight kaya hindi ko namalayang may nauna na pala sa akin doon.

Hindi ko napansin ang dalagang tahimik rin na pinagmamasdan ang mga paru-paro.

Nakatingin siya sa akin.

"Uhm… I didn't know you were here. The maid brought me here. I hope you don't mind." I said.

Bigla na lang siyang ngumiti sa akin. This is the first time that I saw her smile simula noong hindi magandang una naming pagkikita.

"Ayos lang. Sumunod ka sa 'kin, may upuan roon sa dulo." Itinuro niya ang deriksyon sa kanyang kanan.

"Sige." Tanging sagot ko.

Nauna naman siyang naglakad saka sumunod ako.

Umupo siya sa isang hindi kalakihang upuan na gawa sa kahoy. Umupo ako sa tabi niya.

Pareho kami ngayong nakaharap sa isang maliit na lawa kung saan may mga maliliit na isdang lumalangoy.

"Kaming dalawa ni mama ang nag-alaga sa lugar na 'to. Maganda, 'di ba?" Panimula niya.

Tipid akong ngumiti. "Maganda, napakaganda." Tugon ko.

A memory from almost more than a decade ago suddenly flashed inside my head.

We used to be like this. May maliit na harden rin kami noon sa pack house at kaming dalawa ni mama ang nag-alaga sa mga halaman roon. Karamihan sa kanila ay halamang nakakatulong sa panggagamot.

After she disappeared, I never dared to visit that place again. Ibinigay ko na kay Buenco ang lugar na iyon kaya siya na ang nag-aalaga sa mga halamang tinanim namin noon. Doon na siya kumukuha ng mga halamang kailangan niya kapag siya ay nanggagamot.

"I'm glad she became a good mother to you." I murmured.

"She is a good mum. She has always been. That is why I love her."

You call her a good mom because she hasn't done anything that could ruin you yet. Wait until she gets into a life and death situation and she needs to make a choice. There's no doubt that she's gonna pick herself to save.

"I know what she did to you." She suddenly said. I was intrigued by what she said, but I remained the calm expression on my face. "And believe me, she regretted what happened and she always blamed herself."

Pagak akong napatawa dahil sa sinabi niya. "Tell me about it." I said in a sarcastic tone.

"I'm telling the truth. She wanted to return, but she couldn't because she was tied up by my father and she couldn't do anything about it. And… Lalo pa siyang naipit noong ipinagbubuntis na niya ako." I remained silent. Gusto kong makinig sa sasabihin niya pero hindi ko alam kung maniniwala ba ako. "I was a result of a r*pe."

Napabaling ako sa kanya. Her eyes is starting to get teary. Napayuko siya saka pinaglaruan ang kanyang mga daliri.

"Dad r*ped mom when he abducted her. But, years after I was born, he changed. He started treating her right. He always asks for her forgiveness for what he did and he still does it up until now." She let out a soft chuckle. "Throughout the years, mom learned to forgive him and then they fell deeply in love. Their love story was a hellish start, but they made it work out at the end. But, there's always a part of mom who yearns for her late husband and you. But, she couldn't go back because she already has a new home. It's in this place. I hope you can forgive her for what she did." Sadness was visible in her tone.

Ibinalik ko ang aking tingin sa maliit na lawa na nasa harapan. "Forgiveness is a strong word." I simply said. I felt my heart starting to get hard as rock. "I'd kill your father if I will be given a chance." Pinagkrus ko ang aking mga binti. "But, of course, it's impossible to have that chance. But, that doesn't mean I will stop fantasizing of killing him. You didn't know what I've been through after what your father did to mine and after she didn't come back to me. I've gone through hell all by myself. Forgiving them would be an easy deal. But, for now, wala pa isip ko ang maghiganti sa inyo. I am here for something more urgent and important."

Napabaling siya sa akin. "Why are you here?"

"I guess they didn't tell you." I murmured. Pinagkrus ko sa aking dibdib ang aking mga braso. "They just didn't kill all our warriors, they also chained the wolves of the innocents. They took away our freedom. Kung hindi lang dahil sa ginawa nilang pagkuha sa mga kalayaan namin, hindi sana magiging miserable ang mga taong piniling talikuran ng iyong ina, kasama na ako. They chained our wolves with a silver chain dahilan para maging limitado ang mga galaw namin. If I can't do anything about it, mamamatay kaming lahat kapag dumating na ang araw kung saan magaganap ang madugong labanan sa pagitan ng mga lobo. I need to have the key to our freedom at isa sa pamilya mo ang may hawak niyon. Kapag nabawi ko na iyon, aalis na ako dito." Mahabang sabi ko.

Sandali namang namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hanggang sa basagin niya iyon.

"Let's make a deal."

Napabaling ako sa kanya. A smirk formed on my lips.

"What kind of deal? I hope it's not something in exchange of candy." I sarcastically said.

"Tutulungan kitang makuha ang susi na sinasabi mo."

Naging seryoso ang ekspresyon sa mukha ko. I can't believe I am doing this.

"At ano naman ang kapalit?"

"You will forgive mom and my family tapos kakalimutan mo na ang iniisip mong paghihiganti sa kanila." Deritso akong napatitig sa mga mata niya, tinatanto kung seryoso ba siya sa kanyang sinasabi.

"That's not easy dear." Tugon ko. I am trying to test her.

"No, I promise. I'll get you the key at pagkatapos pipiliin mo ng kalimutan ang mga masasama mong binabalak para sa amin. No one will know about it. I swear." Halata ang desperasyon sa tono niya.

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "At paano mo naman 'yon gagawin, aber?"

"You can tell me who among my family members has it at ako na ang gagawa ng paraan para makuha 'yon." Mabilis na sagot niya pero halos pabulong na. Tila ayaw niyang may ibang makarinig ng pinag-uusapan namin.

Mukha naman siyang seryoso and it would be a big help so why not. Everything is worth taking a risk, they say.

I just can't believe I am doing this with a kid.

"Your older brother has the key. 'Yung kwentas na lagi niyang suot, 'yon ang kailangan ko. Kapag nakuha mo 'yun, then we have a deal. Aalis na ako at hindi magpapakita pa sa inyo."

Bigla niyang inilahad ang kamay sa akin kaya napatitig ako roon.

I rolled my eyes before accepting it. We shaked hands.

"Deal." She murmured.

Umupo ulit kami ng maayos. "But, what if you won't be able to get the key?" I asked, looking at the goldfish swimming on the pond .

"I can. Trust me. I know how to do it." Puno ng kompyansa niyang sagot.

"Why, is it because you had done it before?" Tanong ko.

"Nope, but I know the tricks."

Hindi ko alam kung pwede ko bang pagkatiwalaan ang batang ito pero bahala na. Like what I said, I'll take whatever chances I can get.

Siya rin naman ang unang nag-offer.

Habang namamayani ulit ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, biglang pumasok sa isip ko ang isang katanungan kaya hindi ko napigilan ang sarili kong itanong iyon sa kanya.

"Is yours and your mom's wolf also chained?"

"No," mabilis na sagot niya. "We can freely use it whenever we want. But, mom is stronger compared to me. I am only fifty percent wolf so I am weak. I still don't know how to shift into a wolf form. I can only use my wolf senses. Mom has been trying to let my wolf out, but she always fails." Sinabayan pa niya ng mahinang pagtawa. "I just can't get my wolf out no matter how much I try."

"Well, hybrids need to take eighteen years from birth before they could actually meet their wolf. It is because someone like you is born in human form and not a pup. If you were born a pup, that would be a lot easier for you. Believe, once you reach that age, you're gonna turn into a beast."

"And why is that?"

"You'll be having a hard time coping up with your new life as a human and wolf. There will be a lot of changes. Madalas, ang mga hybrid ay nahihirapang kontrolin ang mga sarili nila sa unang taon simula nang magpakita na ang mga lobo nila. The worst part is you will always be in heat at gusto mo na lang makipagsex sa kahit na sino kahit hindi mo kakilala kaya kailangan kang ikulong hanggang sa tumino ka."

"Ganyan ba 'yung mga nangyayari?"

"Yup, pero once you start ls to learn on controlling it, magiging madali na lang ang lahat. Not until makilala mo ang mate mo."

"Mate?"

"Yeah, mate. All werewolves have destined mates. Ibig sabihin, sila ang nakatadhanang maging magkasama habang buhay just like what happened to your mom and dad. They are mates. When you are going to met your mate, another tragedy will happen to you because you are going to have a hard time controlling the bond between the two of you. You need to control the bond kundi masisira kayo pareho. Makakagawa ka ng mga bagay na hindi mo gugustuhing gawin at magkakaroon ka ng maraming problema."

Taimtim siyang nakikinig sa akin.

"Did you already find your mate?" Biglang tanong niya.

Tahimik naman ako ng ilang segundo bago pilit na ngumiti.

"I have. But, I am controlling the bond between us kundi, masisira ako. Ayokong gumawa ng bagay na sisira sa akin. As much as possible, ayokong maging makasarili." May bahid ng lungkot na saad ko at alam kong napansin niya iyon.

"Bakit naman?"

"Maraming mas importanteng bagay akong kailangang isipin kaysa sa aking sarili. Saka ko na lang siya iisipin kapag maayos na ang lahat at sana kapag pwede na, pwede pa siya. Sana lang rin ay matuto siyang tanggapin ako kahit ganito ako. Mukha kasing may malaki siyang problema sa mga kagaya ko."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status