Share

CHAPTER 6

When nine a.m hits, sinamahan ako ni Beng papunta sa lungsod kung saan maraming tinitindang mga damit.

Pumasok kami sa isang lumang tindahan. Sabi ni Beng ito na ang nag-iisang tindahan kung saan mumurahin ang mga binebentang mga damit.

Hindi naman ako naging mapili pa dahil kakaonti lang rin naman ang dala kong pera.

Karamihan sa mga taong nandirito ay halatang mga regular lang na mamamayan. Sa klase ng kasuotan nila, hindi sila mukhang mayayaman.

Tinulungan ako ni Beng sa pamimili. Kinuha ko ang isang makapal na long tshirt at isang maluwang na pantalon. Pwede na ang ang dalawang 'to.

Sinukbit ko sa balikat ko ang dalawang 'yon saka nagsimulang mamili ng sapatos na kulay itim. Ayokong magsuot ng bagay na madaling madumihan dahil mahirap ang tubig sa bahay ni Beng. Kailangan ko pang mag-igib sa balon kanina para lang makaligo. Malayo rin ang balon na 'yon at maraming mga taong nakapila.

Pati ba naman suplay ng maayos na iregasyon ng tubig wala ang lugar na 'to. Akala ko ba naging kaibigan nila ang mga kalapit na siyudad. Bakit parang hindi sila umuunlad? Mga taong nasa itaas lang ang namumuhay ng maayos.

Hindi talaga pantay ang mga tao rito. Ang bulok ng sistema. Mga bobo at makasarili ang mga nagpapatakbo.

Kinuha ko ang isang itim na sneaker na sakto lang ang size sa paa ko.

Bigla na lang sumulpot mula sa kung saan si Beng habang karga-karga sa mga braso niya ang tig-dadalawang pares ng pang-itaas at pang-ibaba na kasuotan.

"Medyo maganda ang kalidad ng tela ng mga ito sa murang presyo. Kunin mo na." Anya.

Tumango naman ako saka kinuha sa kanya ang mga 'yon. Pagkatapos ay nauna na siyang naglakad palapit sa kahera.

Nahagip ng mga mata ko ang tatlong pares ng undergarments na nasa loob ng cellophane. Kaagad ko 'yung hinablot saka sumunod kay Beng.

Nilapag ko sa mesa ang mga dala ko. Inasikaso naman kaagad iyon ng payat na babaeng sa tingin ko ay mas bata sa akin ng maraming taon.

"550 po." Aning kahera.

Hinablot ko naman ang pitaka ko muka sa bulsa ng suot kong jeans saka nagbayad.

Nang matapos ng balutin ang mga iyon ay kaagad kami dumiretso palabas.

Pahirapan rin ang transportasyon dito. Mangilan-ngilan lang ang mga karwaheng tumatakbo. Madalas ang mga tao ay naglalakad lamang.

"Bilisan na natin. Malapit ng tumirik ang araw. Nagiging sobrang mainit ang panahon kapag tanghali." Paliwanag ni Beng saka nagsimulang maglakad.

Sinabayan ko naman siya. "Wala bang mga kotse ang mga tao dito?" Tanong ko sa kanya.

"Binebenta sa sobrang laking halaga ang mga kotse na galing sa ibang bayan. Mga mayayaman lang ang kayang bumili sa mga 'yon kaya ang iba ay pinagtatyagaan na lang ang mga lumang karwahe. Pero kahit na sa karwahe, mahal rin ang pamasahe." Tugon niya.

"Hindi ba maayos ang pamamahala ng mga namumuno dito? Bakit parang nalulugmok ang ekonomiya dito sa inyo?"

"Noong isang taon kasi, nagkaroon ng epidemya. Kumalat ang isang nakahahawang sakit na walang lunas. Lahat ng tinamaan ay namatay. Tumagal ng walong buwang ang pangyayaring iyon bago tuluyang nasulosyunan ng mga namumuno. Simula noon, nahirapan na kaming bumangon at hanggang ngayon, sinusubukan pa rin naming umahon." Kwento niya. Halos hingalin na siya sa pagsasalita.

Mabagal lang ang mga galaw namin dahil nga kuba at matanda na itong si Beng.

"May mas malaking isyu pa pala kayong kinakaharap, eh bakit mas pinagtutuunan ng mga tao dito ang tungkol sa mga lobo?"

"Dahil sila ang dahilan kung bakit nagkaroon ng epidemya sa amin. May dalawang rouges ang bigla na lang umatake dito noon. Walang nakakaalam na may mga sakit pala silang dala at nahawaan nila ang mga sundalong dumakip sa kanila. Sa pagkakaalam ko, ang mga lobong iyon ay sumailalim sa iba't-ibang klase ng mga ritwal. Ritwal na ginagawa ng mga mangkukulam para palakasin ang sistema ng pangangatawan ng mga rouges." Mahabang kwento niya.

So, those idiots are silently doing some rituals to strengthen their kind. I see. They are also preparing for the upcoming bloody war just like our pack.

"Kinukulong ba nila lahat ng lobong nahuhuli nila?" Tanong ko

"Oo, kapag nakakulong na sila, pinaparusahan sila para paamonin kung ano ang mga tunay nilang mga pakay. At karamihan sa kanila, ang tanging nais lamang ay manakit ng mga tao at gawing pagkain. Hindi ka naman siguro kagaya nila, noh?" Sinabayan pa niya ng mahinang pagtawa.

"Hindi ako kumakain ng mga matatandang kulubot ang mga katawan. At isa pa, ayoko sa karne ng tao. Mas gusto kong kainin ang mga ligaw na hayop. Mas masarap ang karne nila sa katawan." Sagot ko sabay na ngumisi ng nakakaloko.

"Mabuti ng sigurado. Para naman mapigilan na kita kung sakali mang may balak ka ngang masama sa amin."

"Nakakatawa ka. Paano nga kung may sama akong balak, hindi mo 'yon malalaman. Pero, I am not here for that. My intentions here is pure. All I want is peace. All I want is the betterment of my people." Tugon ko.

"Mga tao mo? Bakit? Ano ba ang ranggo mo sa pack na kinabibilangan mo?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Gusto mo talagang malaman?" Tanong ko pabalik. Tumango-tango siya. "Well, ang babaeng tinatawag mong Lady Cassa ay ang dating luna ng pack na kinabibilangan ko. Siya rin ang aking ina. Nag-iisa lang akong anak at patay na rin ang aking ama. Sa tingin mo, ano ang kasalukuyan kong ranggo ngayon?"

Hindi ko inakalang magagawa kong magkwento ng ganito sa isang tao na wala pang isang araw kong kakilala.

Well, nakikita ko naman ang kabutihan sa kalooban niya. Marunong akong bumasa ng emosyon ng mga tao. Lalo na at hindi sila magaling pagdating sa pagtatago ng mga iyon.

"Isa kang alpha?!" Hindi makapaniwalang sagot niya.

Ngumisi lang ako saka itinuon ang atensyon sa dinadaanan namin.

My silence means "yes" to her.

"Kung gano'n, bakit ka nandito? Hindi ba dapat pinamumunuan mo ngayon ang mga nasasakupan mo?"

"May mahalagang bagay kasi akong kailangan kunin dito. Napakaimportante ng bagay na iyon. Kapag nakuha lo na iyon, uuwi na kaagad ako. Pero 'wag kang mag-alala. Wala akong balak na kunin iyon sa marahas na paraan. Gusto ko iyong makuha sa maayos na usapan."

"Mabuti naman kung gano'n."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status