Share

THE LADY ALPHA
THE LADY ALPHA
Author: BeauWP

CHAPTER 1

“Alpha, sa likod mo!!” I heard my beta’s loud voice inside my head.

Kaagad akong napalingon sa likod ko. May itim na lobong ilang pulgada na lang ang layo mula sa’kin.

At bago ko pa mapansin ang pag-atake niya, naramdaman ko na lang ang malakas na pagtama ng katawan ko sa isang matigas na puno dahilan para bumagsak ako sa lupa.

Ang bilis niyang kumilos.

My body has coutless bruises now after almost half an hour of fighting with these selfish and terror dogs.

Pinilit kong itayo ang katawan ko. Pero bigla ulit akong bumagsak sa lupa.

Hinang-hina na ako.

Tiningnan ko ang mga kasamahan ko. Lahat sila ay nakatayo pa pero kitang-kita na ang mga dugong lumalabas sa mga katawan nila.

I shaked my head before pulling out all of my remaining strength para itayo ulit ang sarili ko.

Bumaling ako sa deriksyon ng lobong umatake sa ‘kin. He’s ready to attack me again.

I prepared my large-sharp fangs and ran as fast as I can to his direction.

My fangs immediately landed on the skin of his neck and before he knew it, sumama na sa mga pangil ko ang balat niya dahilan para tumalsik sa mukha ko ang maraming dugu mula sa kanya at kasabaya niyon ay ang malakas niyang pagsigaw dahil sa matinding sakit.

I spit out the blood that came in my mouth and his skin before watching him fall on his knees. I step backward looking at him as he slowly closed his eyes and transformed into a human form.

He’s the beta of the other pack. After his people saw him fall, they immediately ran away for their lives.

Once na namatay ang namumuno sa kanila, kaagad na maduduwag silang lahat.

After watching them all slowly disappears, I felt my army’s eyes were all on me.

I looked at them before giving them a signal that we should be heading home, to our pack.

All of them started running to the opposite direction from where the enemy was running. I glance to the enemy one last time bago ako sumabay sa pagtakbo sa mga kasama ko.

***

“You got lots of bruises. Seems like you’re not getting any stronger everyday. Your wolf doesn’t heal herself anymore,” the old lady coldly said as she rubbed the smelly ointment at my bare back. Hindi kaaya-aya ang amoy niyon. Parang nabubulok na dugo ng kung sino. “Kailangan mo ng kumilos habang maaga pa bago mahuli ang lahat. Ilang linggo na lang, magaganap na ang paglabas ng pulang buwan. Ang pag-atake nila kanina ay isa lamang babala para sa paparating na madugong digmaan. Tatlumpung taon na rin ang nakakalipas matapos ang pinakamalala at madugong labanan. At ang iyong ama pa ang namumuno noon. He was so independently strong. Kaya nga pati ang mga hunters ay kumampi sa mga kalaban natin. Too bad we lose from that battle dahil sumobra siya sa pagiging independent. At umaasa ako na hindi mo hahayaang mangyari ulit iyon. Sa 'yo na lang kami umaasa ngayon. 'Wag mo sana kaming bibiguin kagaya ng ginawa ng iyong ina,” mahabang dagdag niya.

“I killed their beta. Siguro naman mapipilayan na sila ngayon,” I coldly said.

“Madaling palitan ang beta. Marami silang magagaling na kasama na maaring pumalit sa pwesto niya. Hindi kawalan ang beta na ‘yon sa kanila. Saka ka na magyabang kapag ang alpha nila mismo ang napatay mo.”

I heave a sigh. Tahimik akong umiigik sa tuwing nadidiinan ng daliri niya ang sugat ko. Sobrang hapdi ng likod ko. “I tried entering that place multiple times, but I failed. Masyadong malakas ang mahikang iniharang nila sa daanan,” tukoy ko sa lugar kung saan naroroon ang mga hunters.

“Mahirap sirain ang mahikang ‘yon kaya nga umisip na lang ako ng ibang paraan para makapasok ka,” patuloy lang siya sa pagpahid sa likod ko.

“Ano naman?”

“Gumawa ako ng isang portal gamit ang isang lumang klase ng mahika na galing pa sa pinakaunang henerasyon ng pamilya namin. Hindi naging madali pero nagawa ko,” tumigil na siya sa kanyang ginagawa. “Mabilis na mapapagaling ng ointment na ‘to ang iba sa mga sugat mo kung saan hindi masyadong malalim. Bukas ng alas dos ng hapon, maghanda ka, ihahatid kita sa lugar ng mga hunters. Pagdating mo ro’n, alam mo na ang gagawin mo.”

Isinuot ko na ang damit ko saka tumayo. “Aalis na ‘ko. Kita na lang tayo bukas,” kaswal na pagpapaalam ko.

“Siya nga pala….” lalabas na sana ako pero kaagad akong napatigil sa paglalakad. “....May nadiskubre akong isa pang klase ng mahika that could protect you from being tame by the hunters. Ipapakita ko rin sa ‘yo bukas.”

Hindi na ako nagsalita pa at kaagad nang lumabas ng library kung saan namamalagi ang matanda. Dito sa malaking library na 'to nakatira ang matandang 'to.

Nadatnan kong naghihintay sa labas ng malaking pinto si Agro, ang aking beta. Kaagad siyang umayos ng tayo at nagbigay pugay sa pamamagitan ng pagyuko ng ulo niya pagkakita niya sa ‘kin.

“Ilan ang sugatan?” kaagad na tanong ko sa kanya.

Nag-angat siya ng ulo. “Lahat ng kasama natin sugatan. At sa kabutihang palad naman, walang nasawi sa kanila.”

Tumango ako. “Mabuti naman.”

Naglakad ako patungo sa katabing malaking bahay ng library kung saan ako nakatira.

Sumunod naman sa ‘kin si Agro.

Tahimik lang kaming naglalakad. Yumuyuko at bumabati ang mga taong nadadaanan namin. Tinatanguan ko lang sila.

Hanggang sa makapasok kami sa opisina ko. Umupo ako sa aking swivel chair malapit sa mesa.

Nakatayo lang naman sa tapat ko si Agro.

Kinuha ko ang isang brown folder para tingnan kung ano ang schedule ko para bukas.

“Aalis ako bukas ng hapon. Ikaw muna ang bahala sa pack. Ilang araw rin akong mawawala. Alam mo na ang gagawin mo kapag may nangyayaring masama dito,” saad ko kay Agro habang nakatutok pa rin ako sa mga papel.

“Masusunod, alpha. Pero, pwede mo bang sabihin sa ’kin kung saan ka pupunta?”

“Sa lugar ng mga hunters,” diretso kong sagot.

Naramdaman ko ang pagkabigla ni Agro sa sinabi ko kaya hindi siya kaagad nakapagsalita. Alam ko kung ano ang iniisip niya ngayon.

“Pa’no ka makakapasok do’n?” nagawa niya ring magsalita matapos ang ilang minuto.

“Nagawan na ng paraan ni Buenco,” tukoy ko sa matandang babae na kasama ko kanina sa library na maraming alam tungkol sa mga mahika at panggagamot. Maria Buenco talaga ang pangalan niya. Pero ayaw niyang tinatawag siya na ‘Maria’. Siya rin ang pinakamatanda sa aming lahat.

Siya ang palaging kasama ni lolo noong siya pa ang alpha ng pack namin. Tatlong henerasyon na ng pamilya namin ang naabutan niya kaya malaki ang tiwala ko sa kanya. Sa kanya ako kumukuha ng mga suhestiyon na maaaring ikabuti ng nasasakupan ko.

Nakita ko mula sa peripheral vision ko ang pagtango-tango ni Agro.

“Kung gano’n, sana mag-iingat ka. Alam mo kung ano ang pwede nilang gawin sa’yo roon kapag nalaman nilang isa kang lobo,” may halo ng pag-aalala ang tono niya.

“Wala akong dapat na ikatakot. Nagawa nga nilang kumampi noon sa mga kalaban nating lobo. Hindi na sila takot sa mga kagaya natin.”

“Pero ang pack natin ang madalas nilang tinatarget. Pumipili sila ng mga lobong papatayin.”

“Kaya ko ang sarili ko. Mga sarili niyo ang dapat niyong isipin dahil mawawala ako ng mga ilang araw.” Isinarado ko ang folder saka nag-angat ng tingin kay Agro. “Umalis ka muna at tingnan mo ang kalagayan ng mga kasamahan nating sugatan. Kailangan nilang gumaling agad at mag-ensayo dahil ilang linggo na lang, lalabas na ang pulang buwan.” Mahina akong bumuntong hininga at nagbaba ng tingin. “Hindi ko masisigurong makukuha ko ang susi para sa mga kadenang nakatali sa mga lobo natin. Susubokan ko lang sumugal.”

Narinig ko ang mahina ring pagbuntong hininga ni Agro. “Dalawang dekada na ring nakagapos ang mga lobo natin sa mga kadenang hindi naman natin nakikita. Sana magtagumpay kang makuha ang susi para bumalik na ang pagiging kilalang malakas ng grupo natin. O kahit mabalik lang ang mga kalayaan natin,” bahagya niyang iniyuko ang ulo niya sa ‘kin. “Aalis na ‘ko, alpha. Hinihiling ko ang kaligtasan mo sa iyong paglalakbay,” anya pagkatapos ay lumabas na siya ng opisina.

Tumayo ako at humarap sa malaking bintana saka pinagmasdan ang mga nasasakupan kong may kanya-kanyang mga mundo.

The ambiance of our village is obviously dark and sad.

Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na naging masigla at masaya ang mga tao sa lugar na ‘to.

Matapos ang nangyaring digmaan noon, ang dami ng nagbago.

Nakalimutan na rin ng mga taong ngumiti.

Kasabay ng pagkatalo namin sa labanan ang pagkawala ng mga kalayaan namin, ang kalayaan ng mga lobo namin.

Kasabay ng pagkabigo namin noon ang pagkawala ng pamilya ko dahilan para maiwan akong mag-isa.

Pakiramdam ko, hindi ko nagampanan ng mabuti ang pagiging pinuno sa mga tao sa lugar na ‘to.

I was too young to lead these people after our drastic loss. Kaya pakiramdam ko, hindi ako naging magaling.

Pero pinilit ko naman. Pinilit kong maging magaling.

At a young age, I was forced to do intense and mind-blowing training para ihanda ako sa pagpalit ko sa pwesto ni papa.

I was an only child kaya kailangan ko na agad siyang palitan matapos niyang masawi sa labanan.

Hindi ko naranasan ang mga bagay na dapat pinagtutuunan ng pansin ng isang teenager.

Naging malupit sa ‘kin ang mundo kaya kinailangan kong tumindig sa sarili kong mga paa.

Kung nandito lang sana sina papa at mama, hindi magiging ganito ang nararamdaman ko, ang nararamdaman ng mga taong nakaasa sa ‘kin.

Kahit na hindi sabihin ng mga taong umaasa sa ‘kin, nararamdaman kong gustong-gusto na nilang makalaya mula sa kadenang gumagapos sa mga katawan nila.

Ako na lang ang pag-asa nila. Pero hindi ko alam kung kakayanin ko ba.

Namimiss ko na si papa. Pero alam kong kahit kailan, hindi na siya babalik. Miss ko na rin si mama. Pero marami akong naririnig na mga salitang nagsasabing may iba na siyang pamilya matapos niyang mawala sa kasagsagan ng labanan noon kaya hindi na ako umaasang makakasama ko pa siya ulit.

Palagi akong mukhang matapang tingnan pero ang hindi nila alam, madalas na pinanghihinaan ako ng loob dahil sa takot na matalo sa bawat laban.

Natatakot at pinanghihinaan ako sa tuwing nakikita ko ang dissapointed na mukha ng mga tao dahil sa ‘kin.

Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nakita ko pa ulit ang ganoong ekspresyon sa mga mukha nila.

“Everything will be alright, love,” it was my wolf’s voice inside my head. She really loves reading my mind and interfering my dramatic moments. “You’re a one big and brave lady. You may feel like a failure now, but soon, all your doubts will be replaced by a claps of success and congratulations. And, yes, I am interfering your dramatic moments because I hate dramas,” this b*tch. “Get a hold of yourself and proved them that you deserve to be an alpha of this pack. Sabi mo hindi mo na kakayaning makita pa ang mga dissapointed nilang mukha dahil sa ‘yo. So, do your job and don’t be a dissapointment to them anymore. Go to that place and free us before we all end up as food of worms in our own grave. Ayokong mamatay ng maaga.”

“That won’t happen,” I replied.

“I believe you won’t let that happen. Sayang ang ganda natin kung hindi man lang natin mararanasang madiligan. Kating-kati na akong makilala kung sino man ang poncho pilatong nakatadhana para sa ‘ting dalawa.”

I rolled my eyeballs. “Baka wala talagang para sa ‘tin. Tatanda tayong dalaga.”

“I, personally, won’t let that happen,” puno ng kumpyansa niyang sagot.

“Don’t be too sure. You can’t see the future, remember? You’ll never know what will happen.”

“Can you please stop ruining my confidence and faith in men?!”

Mahina ko lang siyang tinawanan.

"You don't trust men. You said they are fools and stupid, right?" I tease her.

"I don't trust them but I love them."

"Ang landi mo! Baliw!"

I just heard her loud laugh.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status