Nag-umpisa akong magtrabaho sa Villagracia Tower. Mabuti nalang ay may ni-recruit si Helia na tao para magbantay kay Nanay at Ciana kaya kahit malayo ako ay hindi na ako gaanong nag-aalala sa kanila. Nakalabas na din ang mga ito sa hospital noong nakaraang linggo at sa awa ng Diyos ay bumubuti na ang kalagayan ni Nanay. Patuloy ang pag-contact sakin ni Quira.
Halos tatlong linggo na akong nagtatrabaho dito at masaya ako na may naging kaibigan ako. Wala namang problema dahil karamihan mabait at mapagpasensya kahit mainitin ang ulo ng mga nangangasiwa sa mga iba't ibang departamento.
Nadiskubre ko na si Jie pala ang anak ni Manong, hindi ko alam kung coincidence lang iyon o hindi. Madalas itong nakikipagdaldal sa mga empleyado kahit magkaiba ang departamento, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya. Tulad ngayon, inimbita kami sa isang malaking pagtitipon para sa kaarawan ng kapatid ni Sir Cairo.
Actually, kailangan talaga naming umatend dahil mandatory at masquerade ang theme. Kaya nagsuot ako ng rose gold gown, nakalitaw ang kaliwang hita ko dahil may slit ito habang kalahati ng mukha ko ang nakikita sa mask. Habang kay Helia naman ay ivory na low neck na nag-emphasize sa cleavage niya. Si Jie naman ay naka peridot green na mermaid dress.
“Saan nga pala banda ang buffet table? Nagugutom nako,” Wika ni Jie habang lumilinga sa paligid.
“Lagi ka namang gutom. Ilang dragon ba ang alaga mo? Takaw mo talaga teh, gusto mo gawing kuwintas ang mga pagkain?” Pambabara ni Helia.
“Well, food is life. Hindi natin alam na baka mamamatay ako ngayon, mamaya o bukas. Kaya i-eenjoy ko ang buhay ko sa pagkain, hindi man ako mayaman at least busog. Isa pa di naman ako tumataba,” Pagdadahilan niya at pinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa narating namin ang stage.
Kahit anong gawin ni Jie hindi niya makikita agad ang buffet table dahil medyo madilim ang paligid. Jie has a bad sense of direction, kaya subukan man niya ay mapupunta siya sa maling lugar.
“Ladies and gentlemen, let us give a round of applause for the birthday celebrant Mr. Dominique Villagracia,” Sabi ng mc, umalingawngaw ang mga palakpak sa buong silid. “Do you have something to say Sir Dom?”
“I would to thank everyone for coming especially my brother. Enjoy the rest of the evening,” Sabi niyo at agad bumaba sa stage.
“Halina kayo parang nagugutom na din ako kaya hanapin muna natin ang mga pagkain,”
“Oh, nandyan lang pala kayo!” Bulalas sa amin ni Christoffer — ang nanliligaw kay Helia. Nalaman ko ito nung binanggit ni Jie sakin, masyadong nananahimik si Helia at hindi sinabi sakin.
“Kanina ka pa hinahanap ng prinsesa mo,” Panunukso ko na ikinatawa naman nito. Inirapan ako ni Helia at nauna ng naglakad. Pambihira ang babaeng 'to kahit kailan! Ang lakas mang-asar pero kapag ito na ang aasarin biglang magagalit. “Pagpasensyahan mo na siya, pikon eh,”
“Hayaan mo na, nasanay na ako. Nga pala may ipapakilala ako sa mamaya ha,” Dagdag pa niya at sinabayan akong pumunta sa table.
Dinalhan nila ako ng pagkain at maiinom.
“Salamat,”
Unang tinikman ko ay ang cheesecake, paborito ko ito at minsan ding niluluto namin nila Nanay.
“Patikim nga teh mukhang masarap yan ah,” Sabi ni Jie at binuka ang bibig.
Sinubuan ko ito, lumiwanag ang mukha nito at inilapit ang platito niya sakin.
“Penge,”
Natatawang binigyan ko ito.
“Tumawag si Ate Lorna kanina, kumain na daw si Nanay at Ciana. Maayos na ang lagay nilang dalawa kaya pwede ng mag-relax ka diyan. Nagmumukha ka ng matanda, Avern,” Panimula ni Helia habang inaabala ang mga kamay sa pagkain.
“Sus baka ikaw ang unang tumanda ng mag-isa. Wala ka pang nagiging jowa teh, kinakarer mo na ang pagiging rich tita. Sayang naman ang effa mong mukha kung di mo mapapamana, may I remind you di ka na bumabata,” Wika ko habang pinagpatuloy ang pagkain ng cheesecake.
“Wag kang mag-aalala Avern I already have my eyes on someone,”
“Sino naman aber?” Taas-kilay kong tanong.
“Nandito lang,” Tugon niya.
“San banda?” Pamimilit ko.
“Basta,”
“San na naman nagsusuot ang manliligaw mo?”
“Malay ko dun, di ko naman kontrolado ang buhay nun,”
“Masyado kang harsh, Ate Helia. Kaya nawawalan ng motivation ang mga nanliligaw sayo,” Sabat ni Jie.
“I don't care. Kung hindi nila kaya ang attitude ko edi gora hindi ko naman sila pipigilan kung gusto nilang umalis, madali lang nmn akong kausap,” Dagdag pa niya at sumimsim sa wine glass.
“Di bale tama ka. Hindi din naman worth it pagbalingan ng atensyon lalo na kung ayaw sayo, friendly reminder lang teh wag kang pumatol sa taong pag-aari na ng iba,” Wika ni Jie tila may pinanghuhugutan.
“Oo, hindi mo na kailangan sabihin yan dahil alam ko naman. Baka kailanganin ng pinsan ko ang payo mo,” Suhestiyon ni Helia at binigyan ako ng makahulugang tingin.
Agad bumaling sakin si Jie at tumingin sa akin na nagtatanong.
“May napupusuan ka na ba, teh?”
Umiling ako at akmang magsasalita na sana kung hindi lang may dumating na kalalakihan.
“Hello girls, may ipapakilala nga pala ako sa inyo. Okay lang ba?” Panimula ni Christoffer
Napatingin ako kay Jie na nagkibit-balikat lamang.
“Siya nga pala si Dan naka-assign siya sa operations management,” A tall guy with stubbles came closer. “This is Avern and Angelique,”
Ilang minuto ang lumipas ay umalis ang mga ito. Hindi ko maintindihan kung bakit ipinakilala nito ang binata na may kasintahan na pala ito at mabuti nga ay umamin ito nang iniwan ito ni Christoffer sandali.
He seems like a good guy. Kinibit-balikat ko nalang ito at nagpaalam na magbanyo.
Inignora ko ang mga naririnig na nga ungol at kung ano-ano, binuksan ko ang pinto. Ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang madatnan ang isang dalaga at isang pamilyar na likod ng binata.
“Ugh...stop it, hon. I think someone came in,” Pigil ng babae.
Alam ko ang amoy na ito, ang pustura at ang pananamit. Nang lumingon ang binata ay doon ko nakumpirma ang hinala ko. Nakaramdam ako na parang may bumuhos ng malamig na tubig sakin.
Tila naging tuod akong nakatitig sa kanila, muntik akong mapatalon nang may humawak sa balikat ko.
“Oh, Avern. Bakit ka nakatunganga diyan? Akala ko gagamit ka ng banyo?” Natigilan din si Helia nang masilayan ang kaharap namin. “Shit!”
“What in the name of freak was that?! Are you alright, Avern?!” Bulalas ni Helia nang makapunta kami sa veranda. Tinitigan ko siya, hindi ko makalimutan ang nakita ko. My heart felt as if someone used a sledgehammer to smash it into pieces. Wala sa sariling tumango ako at napasandal sa railings, nanghihina na ang mga tuhod ko. “Bakit masakit, Hel?” Itinuro ko ang aking puso, hinding ang aking mukha sa pagitan ng aking buhok. Mahina ko itong pinupokpok, hinablot ni Helia ang braso ko at pinasandal ako sa kanya. She locked her slender arms around me, sharing her warmth. “Nagdadalaga na ang Avern namin,” Helia teasingly muttered, pinching my cheek. I tsked at her, biting my lips. “Natural na sasakit yan, nagmamahal ka na eh,” Pamimilosopo niya.Ramdam ko ang pagtingala niya, ang kanyang tingin ay nakatuon sa mga bituin habang kumikinang ang liwanag ng buwan. “Have you tried it too?” I asked curiosity, looking up to her. “Of course. Malalaman ko ba kung hindi diba? I had boyfriends
Nanlaki ang mga mata ko at muntik mahulog ang panga ko sa gulat. Legit?“Weh? Sure ba yan teh?” Nagtatakang tanong ko sa kanya, tinaasan ko pa ito ng kilay. Marahas ako nitong binatukan at ininguso ang couch. “Ay hindi bhe, keme lang,” Pamimilosopo ni Helia at tumabi sakin. “Ganito kasi yan, nung unang pumunta ako dito sa Maynila ay ilang beses akong nag-apply pero lagi akong nire-reject. Hanggang sa may nakilala akong babae at ang babaeng yun pala ang girlfriend niya, siya mismo ang nagrekomenda sakin kay Dominique. Hindi ko pa alam nun dahil ayun nga baguhan ako,” Tumango ako. “Naging sekretaya niya ako ng ilang taon at sa panahong iyon ay napagtanto ko na nahuhulog na ako sa kanya. At napakatagal ng panahon para malaman ko iyon, nang inimbitahan ako nito sa kaarawan nito ay yun din ang araw na nag-propose ito sa kasintahan nito. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya umalis ako at ilang linggo na hindi nagpakita sa kanya. Nang bumalik ako ay nakita kong may dala-dalang envelope yung
Bumuga ako ng malalim na hininga, hindi ako makatulog ng maayos. Lumalamlam ang mga mata ko halatang pagod, hindi pa ako nakapagsuklay ay nagising ako sa ingay sa loob ng bahay. Bumungad sakin ang excited na si Jie na bitbit ang bag at nakasuot pa ng shades. “Rise and shine, Ate Vern,” Masiglang bati niya at tinulungan akong bumangon muna sa higaan. Kinuskos ko ang mata ko at humikab, I should reschedule my bedtime. “Magbihis ka na, Avern. Ikaw nalang ang hinihintay namin,” Nakangising wika ni Helia na nakasuot ng beige na crop top at maong na shorts. Bumaba ang tingin ko sa lapag, nanlaki ang mga mata ko ng makita ang bag ko. Agad-agad?! Ang aga pa ah!“Teka nga, ang aga pa,” Reklamo ko habang hinihilot ang sintido. “Kaya nga, para maaga tayong makarating. Hiniram ko kay Papa ang taxi niya para makapagbakasyon tayo, mabuti nga ay pumayag yun. Tigas pa naman ng bungo nun,” Sabi ni Jie habang bahagyang binaba ang shades. “Sige sandali lang,” Dali-dali kong inayos ang sarili ko at
“What do mean, sir? Bakit naman kita iiwasan? Teka bakit ka nga ba nandito, last time I checked hindi ikaw ang hiningan ko ng tulong. And please let my wrist go?” Kunot-noong wika ko at nagbaba ng tingin sa kamay nitong nakahawak sa pulsuhan ko. “I won't. Not unless you tell me the reason of your avoidance,” Kunot-noong giit nito. Hindi ko maitatanggi ang pag-uumapaw ng kagwapuhan nito sa suot nitong polo at khaki shorts, nakakaasar ang lalaking to. Kung nagsaboy ng kagwapuhan ang Diyos ay ito ang naunang sumalo nito. “You even ignored me last night, I called you multiple times but you didn't respond,” Nagtagpo ang kilay niya, hindi niya maalalang tumawag o pinansin man lang siya nito. Alam niyang um-attend ito kagabi at ang unang engkuwentro nila ay nung pumasok siya sa cr. “Anong ibig mong sabihin? I didn't know you were looking for me,” Naguguluhang tanong niya. Nagbuga ito ng malalim na hininga at dahan-dahang binitawan ang pagkakahawak nito sa pulsuhan niya. “You were busy m
“Wala naman, naalala ko lang sila Nanay. Hindi pa kasi tumatawag si Ate Lorna,” Nag-aalalang wika ko at nagpatuloy sa pagkain. “Avern, nagpapahinga si Nanay. Diba kakatapos lang ng pagpapa-opera niya. Don't worry too much, hindi mabuting ganyan ka nalang lagi. Hindi mo mae-enjoy ang pagiging dalaga mo,” Tugon ni Helia. “Tumpak, Ate Hel. Ganyan din ako kay Papa pero hindi na sila bata teh keri na nila ang sarili nila, tandaan mo may sarili din silang buhay. Maybe you'll get used to it, we only live once and we should enjoy it. Ipagdiwang natin ang pagiging single natin!” Nakangiting suhestiyon ni Jie at itinaas niya ang wine glass. “Cheers!” Our glasses clinked, drinking the wine in our glasses. “Ano po ba ang rason kung bakit kayo lumuwas dito?” “Dahil sa hirap bhe. Ayaw kong manatiling sa probinsiya at manood lang, masakit sa loob lalo na alam kong may magagawa ako. Sa awa ng Diyos ay medyo umaayos na ang lagay ng buhay namin. Diba, Vern?” “Oo naman, alam mo ba dito din yan nag
“Anong ginagawa mo dito?” Gulat kong tanong at napaupo sa kama. “Ive been waiting for you, Avern. Seems like you were busy with men again,” Kunot-noong giit nito at lumapit sakin. “Teka bakit ka ba nandito? Pano ka nakapasok?” “That's for you to find out,”“Quit kidding around, Cairo,” Nagtagpo ang kilay ko at tinulak ko siya palayo pero hindi ito natinag. Natigilan ako nang naamoy ang alak sa hininga nito. “Your drunk, you should get back to your cabin,” Napapitlag ako nang isinandal nito ang baba nito sa balikat ko at nilibot ang mga braso nito sa katawan ko. “Umalis ka na, baka ano pang mangyari,” Hinarang ko siya gamit ang mga kamay ko upang ipaglayo ang palapit nitong mukha sa mukha ko. “A little longer, please. I promise I'll behave,” Pagmamakaawa nito, natigilan ako nang nakaramdam ng pamamasa sa leeg ko. Ilang minuto ay nakarinig ako ng mahihinang paghikbi mula sa kanya at unti-unting nanginig ang katawan nito. Mahinang hinahagod ng mga palad ang likod nito at hinayaang
Nang nabalitaan ng Papa ni Jie ang nangyari ay agad kami nitong pinabalik, wala kaming nagawa dahil baka sa susunod hindi na makakasama ito samin. Panay ang paghingi ng sorry kay Manong, pinagbigyan naman kami nito at sinabihan sa mga bawal na kainin ni Jie para sa susunod hindi na ito mapapahamak. Balita namin ay hindi pa nakabalik ang mga Villagracia at baka sa susunod na linggo pa ito makakauwi. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi pa ako handang harapin si Cairo. I know I'm acting like a high school girl na kakatanggap lang ng first kiss niya pero hindi ko mapigilang magbalik tanaw sa nangyari kagabi. Cairo was childish, baka mas gusto ko pa ang side na yun kaysa sa normal at masungit niyang sarili. The way he pleaded broke my heart, may mga nababasa kasi ako sa mga libro na hindi porket mayaman na sila ay magiging masaya ang buhay nila. Kinuha ko ang selpon ko at nagtipa sa pangalan niya, karamihan bio ang lumalabas. Natigilan ako nang makita ang picture nitong nakayakap sa kas
“Ano po ang ginagawa niyo dito, Maam Quira? Hindi po ba umalis ang pamilya niyo at matatagalan pa bago bumalik dito?” Naguguluhang tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga braso niya sa beywang ko. “Oh, sweetie. You're right pero sila lang ang umalis, ayokong masaksihan ang panglalandi ng higad na yun sa kapatid ko. Sa totoo lang kung di lang ako natatakot kay Mamà ay matagal ng napalitan ng mukha ng aso ang mukha ng bruhang yun. Asa pa naman siyang magugustuhan ko siya para sa kapatid ko,” Irap niya at nag-hairflip pa. “Diba Hector?” Nanlaki ang mga mata ko na bumaling kay Hector, pano niya alam ang pangalan ng isang to?“Quira is my friend, yung bibilhan ko sana ng mga damit but it looks like hindi na niya kailangan to. Sayo nalang to dahil ikaw din naman ang pumili siguradong babagay to sayo,” Natatawang pang-aasar niya at tinaas-baba pa ang mga kilay. Walang pasabing lumipad ang bag ni Ma'am Quira patungo sa mukha ni Hector pero bago pa man iyon dumapo ay nasalo niya ito. Bu