Share

Chapter 3 : Why Can't you believe your own wife?

Matapos akong kaladkarin ng mga tauhan ni Reese papasok sa sasakyan nila ay piniringan nila ako sa mata. Upang hindi makagawa ng ingay ay tinakpan din nila ang bibig ko bago tinali ang akin’g mga kamay na parang isang hayop.

Takot na takot ako. Wala akong ideya kung bakit ginagawa ni Reese sa akin ang bagay na ito. Wala naman akong kasalanan sa kanila! 

I was mad when I saw him with his mistress so as a revenge I poured salt all over their bodies! Sapat ba iyon upang gawin niya sa akin ito?! 

Sapat ba iyon para saktan niya ako ng ganito?! 

“R-Reese!” Pilit kong sinisigaw ang pangalan niya sa pag-asang maririnig niya ako at titigilan na niya ito pero halos maubos na yata ang boses ko ay wala pa rin siyang ginagawa. Nanatili pa rin akong nakagapos. 

Takot na takot para sa batang nasa akin’g sinapupunan. Hindi bale ng mamatay ako sa mga pinaggagawa niya, handa akong tanggapin na siya ang tatapos sa akin kasi wala naman ng saysay ang buhay ko kung iiwanan niya ako pero ang idamay niya ang buhay ng anak namin? 

Hindi ako makakapayag sa bagay na ‘yon. 

“T-Tulong!” Sinubukan ko ulit na kumawala. Pilit akong nagpupumiglas kahit na ramdam na ramdam ko na ang paghapdi ng parte kung saan mahigpit na nakatali ang mga lubid. 

“Dalhin niyo na sa loob ‘yang taba na ‘yan.” 

“Boss hindi namin kaya sobrang taba hahaha!” 

“Parang balyena. Hindi ako makapaniwala na pinatulan ‘yan ni Sir!” 

Hayop sila! Sa oras na makawala ako rito ay hindi ko makakalimutan na bigyan sila ng tig-iisang suntok sa sikmura para malaman nila kung sino ‘yang tinatawag nilang balyena! 

May humawak sa magkabilang braso ko. Pilit nila akong pinatayo at dahil may iniingatan akong buhay sa sinapupunan ko ay hindi na ako nagmatigas at hinayaan na lang sila sa gusto nilang gawin. 

Hindi pa man ako nakakakuha ng balanse ng biglang may tumulak sa akin. 

“Ah!” Impit akong napatili ng muntik na akong masubsob dahil sa lakas ng pagkakatulak niua. 

“Ngina parang balyena!” Tawa nila. 

Nakakabingi ang mga halakhakan lalong-lalo na ang mga kantiyaw ng mga ito. Ramdam ko ang pag hipo nila sa tiyan ko at braso kung kaya’t sinusubokan kong umatras at umiwas. 

“Dito ka lang taba nanggigil kami sa’yo!” Bulong ng isa sa akin. 

Mabaho at nakakapanindig balahibo ang boses nito. Sinubukan kong lumayo pero mahigpit nila akong hinawakan hanggang sa wala akong magawa kung hindi tiisin ang pang-iinsulto at nakakadiring paghawak sa matatabang parte ng akin’g katawan. 

“Reeese! Tulong tama na!” 

“Tumigil na kayo!” 

“Reese!” 

Kasabay ng paghagulgol at paghingi ko ng tulong sa asawa ko ay ang siyang pagtawa ng mga lalaking tauhan niya. 

Diring-diri at inis na inis ako sa sarili ko. Ang laki-laki kong tao, ang taba-taba ko pero wala man lang akong magawa para tulongan ang sarili ko! 

“Reese…” 

“Stop.” Napatigil silang lahat ng umalingawngaw sa paligid ang malamig at malalim na boses ng isang lalaki. 

Miski ako ay napahinto sa pagsigaw ngunit patuloy sa paglabas ang hikbi sa akin’g bibig. Sa sobrang lakas ng mga sigaw ko kanina ay naninikip tuloy ang dibdib ko ngayon. 

“Natty I’m really mad at what you did last time.” Wika ni Reese. 

Naramdaman ko kung nasaan ang boses niya kaya lumingon ako sa direksyon na iyon. 

“S-Sorry. Hi-Hindi ko sinasadya ‘yon Reese please tigilan mo na ito!” Pagmamakaawa ko sa kaniya. 

Marahas na hiniklat ng kung sino ang panyo na nakapiring sa akin’g mga mata. Noong una ay nasilaw pa ako dahil ang tagal ko rin’g hindi naka kita ng maayos. 

Paulit-ulit akong napakurap-kurap hanggang sa wakas ay unti-unti ng bumalik sa dati ang paningin ko. 

“Re-Reese…” 

Una kong naaninag si Reese na nakatayo sa hindi kalayuan. Nakatindig ito at ayos na ayos, animo’y aattend ng meeting. Meroon siyang hawak-hawak na brown envelope at Ballpen? 

Para saan ang mga iyan? 

Nang magkasalubong ang mga mata namin ng lalaki ay agad na gumuhit sa kaniya labi ang nang-uuyam na ngiti. Nang-iinis ito kaya alam kong itong ginagawa niya ay parusa dahil sa ginawa ko sa kanila ng kabit niya noon’g nakaraan’g gabi. 

Bakit? Bakit kailangan na ibalik pa niya sa akin iyon?! Sila ang may kasalanan! 

“I don’t need your apologies Natty. I’m here to ask you something.” 

Dahan-dahang lumakad palapit sa akin si Reese at ng isang hakbang na lang ang layo niya sa akin ay inilahad niya sa mukha ko ang kulay brown na envelope.

A-Ano’ng ibig sabihin ng envelope na ito? 

May ideya na ako kung ano ito pero mali ako, diba? Hindi pwedeng iyon ang nasa loob ng envelope na ito kasi hindi iyon magagawa ni Reese sa akin! 

Napalunok ako ng laway para alisin ang bara na nasa akin’g lalamunan at kahit garalgal na ang akin’g boses at nanakit na ang akin’g lalamunan ay pinilit ko pa rin na makapagsalita.

“A-Ano ‘yan?” Nanginginig at puno ng takot kong tanong sa asawa ko. 

Agad na naalis ang ngiti sa labi ni Reese at napalitan iyon ng blangkong emosyon. 

“Divorce papers and transfer of ownership certificate.” 

Alam ko kung ano ang mga iyon pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ni Reese na papirmahin ako ng transfer of ownership certificates. 

Mula sa kumpol ng mga papel ay unti-unting tumaas ang akin’g tingin papunta sa asawa kong kung tignan ako ay tila isa akong estranghero at hindi ang babaeng pinakasalan at pinangakuan niya. 

“Re-Reese ano ito?” 

Pilit kong hinahanap ang pang-iinis o pang-iinsulto sa mga tingin niya ngunit kahit saan ako tumingin o kahit saan’g banda kong tignan ang nangyayari ay masasabing seryoso at hindi nagloloko si Reese sa pagkakataon na ito. 

Bagay na mas lalong nagpawasak sa akin’g puso. 

“I’m going to manage your small restaurant.” Inis na sagot sa akin ng lalaki. 

“I-I can manage this. Bigay sa akin ito ng mga magulang ko!” Hindi ko ibibigay sa kaniya ang business na ito dahil pinagkatiwala ito sa akin ng mga magulang ko! 

Alam niya ‘yon. He was there when dad gave me the documents! 

Nang hindi ako makapagbigay agad ng sagot sa kaniya ay mas lalong tumalim ang pagkakatitig ng kaniyang mga mata. Napaiwas ako ng tingin ng iamba niya ang kaliwang kamay, akala ko ay sasampaling ako ni Reese ngunit ilan’g minuto na ang nakakalipas ay wala pa rin’g tumatamang palad sa mukha ko. 

Nang muling bumalik ang tingin ko sa kaniya ay doon ko nakita ang blangko at walang emosyon niyang mukha. Hindi ko alam pero ngayon ko lang na realize na tuwing magkasama kami ay ganito ang nakikita kong natural niyang emosyon. Pero bakit ganoon? 

Hindi naman niya ganito tignan ‘yong mga naging babae niya. The way he looks at me has a huge difference at how he looks at his other women. Dito na unti-unting tumulo ang mga luha ko.

Ang sakit kasi hindi ko kaagad nakita ito. Ang tanga tanga ko dahil pinaabot ko pa sa ganito itong sitwasyon namin. 

He doesn’t love me, walang matinong lalaki ang gagawa nito sa babaeng mahal niya. 

“Stop crying. Sign the paper and I will let you live!” Muling angil ni Reese. 

Animo’y utang na loob ko pa na bubuhayin niya ako pagkatapos nito. Mapait akong napangiti. 

Napaismid naman siya bago niya kinuha sa loob ng envelope ang mga papel, inilapag niya ito sa akin atsaka siya tumalikod. Hindi ko alam kung gawa lang ito ng takot at lungkot ngunit narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga. 

Bakit siya napapabuntong hininga? Dahil natutuwa ba siya sa pinaggagawa niya sa akin? Dahil ba sa wakas ay mawawala na ako sa buhay niya? 

Dahan-dahan akong napailing. Dala ng matinding emosyon na aking nararamdaman ay hindi ko na mapigilan ang mapahikbi ng malakas. 

“R-Reese…”  Basag ang boses kong tawag sa pangalan ng lalaking minahal ko ng sobra. 

“Sign the damn papers Natty.” Mariin niyang singhal na ikina lakas lalo ng akin’g paghagulgol.

I can’t. How could I fucking let go of those years that we’re together? Iniisip ko pa lang ay pakiramdam ko hindi ko na kaya.

But…

Napatingin ako pababa sa akin’g tiyan. He deserves to know, kahit ngayon lang at kahit ano pa man ang maging reaksyon niya, hindi ko ipagkakait ang katotohanan dahil parte siya ng batang ito. 

Pinilit kong pinigilan ang mga hikbing pilit na kumakawala sa bibig ko. Hindi ko na magawang pigilan ang pagtulo ng mga luha kung kaya’t hinayaan ko na lamang ang mga ito. 

“R-Reese natatandaan mo ba noon’g sinabi ng doktor sa akin na baka hindi tayo magkaanak dahil sa sitwasyon ko?” Panimula ko. 

Mula sa gilid ng aking mga mata ay kita kong natigilan siya. 

“They told me that I’m too fat to carry a child. Lagi kang binubwisit ng mga kaibigan mo dahil alam nila na kailan man ay hindi tayo magkakaroon ng anak pero…”

Dahan-dahan’g lumingon si Reese pabalik sa akin. Napangiti ako ngunit hindi sagad sa tenga dahil alam ko at kilala ko kung ano ang ibig sabihin ng tingin na binibigay niya sa akin ngayon.

“I’m pregna-”  Bago ko pa man matapos ang susunod kong sasabihin ay naunahan na niya ako.

Napatabingi ang akin’g mukha ng isang malakas na sampal ang dumapo sa akin’g pisngi galing sa sarili niyang palad. Napahinto ako, dahil sa lakas ng pagtama ng palad niya sa pisngi ko ay panandalian akong nabingaw.

“This won’t save you Natty. Give up and sign the damn papers!” He screamed at me. His eyes were open wide and the veins on his forehead became too visible, he is furious at kahit na itong mga tauhan niyang naka paligid sa amin ay ramdam na ramdam iyon. Hindi sila makatingin sa amin’g dalawa.

Iwas ang mga mata nila at tikom ang bibig. Takot na mapagbuntongan ng lalaking nasa akin’g nasa harapan.

Padaskol na inalis ni Reese ang suot-suot niyang necktie atsaka niya ito pinalupot sa kaniyang kamao, pagkatapos niyon ay napahawi siya sa may kahabaan niyang buhok bago lumuhod sa akin’g harapan.

“You’re useless to me now. Kahit ano pa ang sabihin mo hinding-hindi na magbabago ang isip ko.” Ani pa niya.

Sunod-sunod akong napailing. Patuloy sa pagbuhos ang mga luha at nanginginig na ako sa takot na baka maramdaman ko na naman ang mga kamao niya sa akin’g pisngi. Gusto kong haplosin ang pisngi niya at pahirin ang luhang lumabas mula sa kaliwang mata. Tinitigan ko lang iyon habang si Reese naman ay natigilan animo’y hindi makapaniwalang meroon’g luha na lumabas mula sa mga mata niya.

“Reese you’re going to be a father.”

“Magkakaanak na tayo!”

“Reese please give this marriage a chance!”

Sunod-sunod kong sigaw sa kaniya sa pag-asang ititigil na niya ito pero natigilan ako ng bigla niyang bunutin ang baril sa gilid ng suot niyang itim na slacks. Agad akong napatigil at malakas na napahigop ng hininga.

“Sign the papers or you will die. Choose Natty…”

I guess there is no really hope. Looking at his eyes, I know this is too impossibe to save.

Alang-ala sa anak namin na nasa sinapupunan ko. Labag sa loob akong tumango, tikom ang akin’g bibig at puno ng luha ang aking mukha.

Napapalatak si Reese atsaka nito sinenyasan ang isa sa mga kasamahan niya. Meroon’g lumapit sa amin upang kalagin ang tali na nasa akin’g mga kamay. Ginalaw-galaw ko ang kamay ko bago ko kinuha ang ballpen na inaabot sa akin ni Reese.

Gamit ang naginginig kong mga kamay ay pinirmahan ko na ang mga papel na nasa akin’g harapan. Naalala ko yun’g mga pinangako ko kay mama at papa habang pinipirmahan ko ang mga dokumento. Pinangako ko sa kanila na papalaguin ko itong negosyong ito pero mukhang imposible ng mangyari ‘yon.

I’m sorry ma pa…

Nang matapos ko ng pirmahan ang mga papel ay nilayo na ito ni Reese sa akin. Walang reaksyon itong tumayo at inabot sa lalaking nakatayo sa tabi niya ang mga papel.

Hindi maalis-alis ang tingin ko sa baril na nasa kaniyang mga kamay. Natatakot ako na baka pag na lingat lang ako ay itutok na niya sa akin ito at patayin ngunit kabaliktaran niyon ang ginawa ng lalaki.

Namilog ang akin’g mga mata ng yumuko siya at ilapit niya ang mukha sa gilid ng akin’g tenga. Reese grabbed a handful of my hair and used it to push me closer to him. Tumama na ang tungki ng akin’g ilong sa gilid ng kaniyang ulo, I almost closed my eyes when I inhaled his scent. A scent of manly lavender mixed with mist of smoke. Hinaplos ni Reese ang akin’g buhok at doon na ako napapikit at muling napahagulgol.

Why do he need to do this?

“Run and never look back…” Bulong niya sa akin’g tenga bago niya ito dinapuan ng magaan na halik. Halik? No, Reese will never kiss me.

Pagak akong napatawa. He will never kiss me! Ilusyon ko lang ang lahat at dito na ito magtatapos ngayon.

That’s the last thing I heard from him bago siya lumayo at nagsimulang lumakad palayo sa akin. I treid to call shout his name ngunit wala ng boses na lumalabas sa akin’g bibig, pagod na ako.

Kaya wala na akong nagawa kung hindi ang panoorin siya habang palayo siya sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status