Share

Chapter 7 : A Promising Future

"What did I told you before?! Natty hindi mo na kailangan na hintayin ako pwede ka naman'g dumiretso sa office ko!" Sermon sa akin ni papa pagkalapit na pagkalapit niya sa akin dito sa lounge.

S******p muna ako ng juice sa basong hawak-hawak ko bago ako tumayo at tipid ang ngiting sinalubong siya para makapag mano.

"Nahiya kasi akong umakyat..." Paliwanag ko kay papa ng makapagmano ako at makahalik sa pisngi niya. Imbes na matuon sa akin ang tingin nito ay napunta iyon sa hawak-hawak kong sandwich.

Sa sobrang excited kong makausap siya ay hindi ko namalayan na nadala ko na pala itong sandwich na binigay nun'g babae sa front desk. Nahihiya kong tinago ang tinapay sa akin'g likoran.

"Pa narinig ko mula sa mga empleyado mo na meroon kayong bagong projects tapos may hinihintay kang business partner?!" Masaya kong tanong kay papa.

Narinig ko lang kasi kanina, habang naghihintay ako. May pinag-uusapan yun'g mga empleyado tungkol daw sa isang partnership deal. May bagong project yata si papa at pino-propose niya iyon sa isang negosyante na handang mag invest ng malaki.

Ewan ko pero nang marinig ko ito ay parang bigla akong ginanahan. I want to learn more about this project...

"Yes. This isn't polish yet but we're getting into it." Malumanay naman'g sagot ni papa bago siya may dinukot sa bulsa niya.

Pinanood ko ito hanggang sa ilabas niya ang kulay puting panyo at walang pasabing pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ito. Nagulat ako, nanlaki pa ang mga mata ko at hindi ako agad nakagalaw dahil hindi ko ineexpect ito.

"May mayonnaise ka pa sa gilid ng labi. Para ka talagang bata kung kumain." Naiiling na saad ni papa. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko atsaka ko inagaw sa kaniya ang panyo para ako na ang magpunas sa mayonnaise raw na natira sa gilid ng akin'g labi.

Shit! nakakahiya. Kaya siguro napapatingin sila sa akin!

Nahihiya kong pinunasan ang akin'g mukha habang naka yuko. Ring ko naman ang mahinang tawa ni papa habang ginagawa ko ito.

"Natty hindi naman sa nahihiya ako pero bakit hindi mo ituloy yun'g etiquette class mo. Wala naman na kayo nun'g asawa mo pakiramdam ko it's about time that you start taking care of yourse-" I won't dare to finish his words kaya agad na akong sumingit.

Kunwari ay masaya ako.

"Pa alam niyo naman ni mama na ayokong gumastos." Pabiro kong sabi kahit na ang totoo niyan ay parang paulit-ulit na kinukurot ang puso ko.

Para kasing sinasampal ni papa sa akin na pinababayaan ko na ang sarili ko.

"Hays money is not a problem Nat. I'm doing this all para mabigyan ka ng maganda buhay."

Agad akong napasimangot.

"Pa mukha bang nagdudusa ako ngayon?" Pabiro kong tanong pero parang sineryoso naman yata nito dahil natahimik siya at seryosong napatitig sa pagmumukha ko.

Siguro ay tinititigan nito ang malalaki kong eyebags, oily kong mukha at mataba kong pisngi. Mga features na walang-wala sila ni mama.

Napaiwas ako ng tingin at kunwari ay napasipol. Miski titig ng sarili kong ama ay hindi ko na matiis dahil alam ko na kung ano'ng tumatakbo sa isip niya.

Disappointment. Kung maganda at responsable lang siguro ang naging anak niya...

Pero sorry ah hindi ako 'yon. Ito lang ang kaya kong ipakita sa kanila ni mama.

"P-Pa gusto ko na pong tumulong sa negosyo. Ma-Magagawa mo po ba akong ipasok sa bagong project na ito?"

"Do you know what's this project is all about?" Pagod na tanong nito sa akin.

Dahan-dahan akong napailing. Kahit nga idea sa negosyo ay wala akong masiyadong alam, pero hindi naman ako ganoon'g kabobo!

May alam naman ako kahit konti, ang problema ay hindi nga lang ito masiyadong sapat.

Mukhang nabasa na ni papa kung ano'ng nasa isip ko dahil mabigat siyang napabuntong hininga. Sinabayan pa niya iyon ng dahan-dahang pag-iling bago siya nagsimulang maglakad. Minustrahan ako nitong sumunod sa kaniya na agad ko rin naman'g ginawa matapos kong magpaalam sa mabait na receptionist.

Ang bait niya dahil pinakain niya ako.

"This project will cost a lot of money. Up until now we're convincing Mr.Lee to join this project but we still haven't receive any answer from him." Litanya ni papa habang nasa elevator kami.

Kung magsalita ito ay parang katrabaho lang niya ang kausap niya. Diretso ang tindig, seryoso ang mukha at nakapamulsa. Nakaka-intimidate tignan kaya sinubukan kong gayahin ito.

Kaya ko naman'g maging intimidating kahit siguro chubby ako no?

"A-Anong klaseng project ito pa?"

"The company is planning to produce a new device that could be installed in any cars. A device that could prevent fatal accident."

"Huh?"

Bahagyang tumaas ang dulo ng labi ni papa.

"Everyday marami ang namamatay dahil sa aksidente. Pwedeng mawala ang mga taong mahal mo dahil dito kaya naisipan ko na why not gumawa tayo ng device na makatulong para bawasan ang pagiging fatal ng isang aksidente?"

Sounds interesting pero paano? Hindi naman si Mr.Stark si papa para gawin 'yon at wala naman kami sa isang movie kaya paano niya gagawing realistic ang plano niya?

Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi pa pumapayag yun'g Mr.Lee na sinasabi niya.

Napanguso ako. I want to speak up my thoughts but masiyadong nalilibang si papa sa mga nasa isip niya kaya tinikom ko na lang ang bibig ko.

Luckily ay walang sumakay sa elevator kaya mabilis kaming nakarating sa palapag kung nasaan ang office niya. Simple but classic, iyon ang disenyo ng opisina niya. Hindi masakit sa mata at hindi masiyadong expensive.

"The model of this device has been made and is preparing for the final evaluation same goes to its function. This is a safety bot. It will be activated once na malaman nitong lasing ang driver ng kotse."

Dire-Diretsong pumasok si papa sa office niyang nahaharangan lang ng makakapal na salamin. Mula nga rito sa lounge ay kitang-kita ko ang desk niyang punong-puno ng mga folders.

Tinititigan ko pa lang ito ay sumasakit na ang ulo ko kaya napakamot ako ng anit.

Ito pala ang dahilan kung bakit pagdating niya sa bahay ay palagi siyang bagsak. Lagi siyang pagod dahil ginagawa niya ang lahat para bigyan kami ni mama ng magandang buhay.

Saglit akong napatigil at malungkot na napatitig sa kaniyang desk.

"Look at this blueprint. Plano ko sanang dagdagan pa ang feature pero trial pa lang naman 'to siguro pwede na yun'g ibang feature pag naging successful ito at pwede ng naglabas ng pangalawang version."

Inabot sa akin ni papa ang papel kung saan naka lagay ang project na sinasabi niya. Nag-aalangan ko naman itong kinuha at tinitigan.

Kung ano-ano ang nandito. Wala akong masiyadong maintindihan.

"Pero pa parang magiging costly ito. Konti lang ang mailalabas niyo kung ganito kalaki ang cost of production." Komento ko pa ng makita ang ibang detalye.

Maganda itong naisip ni papa pero paano naman yun'g ibang hindi makaka-afford? At paano nga ang production. Mag-aala mamahaling sasakyan ito, mga celebrities at billionaires lang ang makakabili. Kung ganoon ang mangyayari matatagalan pa bago kami kumita.

"Nagdadalawang isip si Mr.Lee dahil siguro hindi madalian ang kita rito."

"Natty it's quality over quantity! Sa oras na bilhin ng mga big time itong mga sasakyan na mapro-produce with Mr.Lee magiging sunod-sunod na ang kita na-"

"But pa it's too risky. You can't take this kind of risk kung first time investor mo ang makakasama mo, right?"

Natigilan si papa.

Bakit may nasabi ba akong masama?

Nagsimula ng tumibok ang puso ko dahil sa kaba lalo na ng lumapit sa akin si papa at dahan-dahan napatango.

"You're right. Natty..."

"Po?"

"I think you're perfect for this project."

Ano?!

Pinanlakihan ko si papa ng mata.

"I needed someone who could assist me for this project and I have a gut feeling that you have the ability to make Mr.Lee accept this project."

No! hahaha gusto ko ng trabaho pero hindi ganito kalaki!

Sunod-sunod akong napailing. Dala ng nerbiyos dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay sapilitan kong binigay kay papa ang blueprint.

Ito ang unang trabaho ko sa negosyo nila ni mama tapos gusto niyang makasama ako sa importanteng project na ito?! Hindi ko kaya. Natatakot ako!!

Hindi ba siya natatakot na baka pumalpak ito dahil sa akin?! Wala akong kayang gawin.

"Natty you're asking for an opportunity so I'm giving it to you. Bakit tinatanggihan mo?" Malungkot na tanong ni papa sa akin.

Bakit tinatanggihan ko?! Anong klaseng tanong 'yan?!

Napahigop ako ng hangin.

"Pa this is a big project. Hindi ko kayang biguin ka!"

"Anak hindi ka pa nagsisimula pero iniisip mong papalpak ka na?"

Naitikom ko ang bibig ko roon.

"Natty hindi ka namin pinalaki ng mama mo para araw-araw isipin na wala kang magagawang maayos. Hindi ka ganiyan noon'g bata ka." Sermon ni papa sa akin, bakas sa boses niya ang galit dahil bahagya iyon'g lumakas at tumaas.

Tama naman si papa, hindi naman ako ganito noon. Achiever nga ako noon eh.  Marami akong medals at certificates, proud ako noon sa sarili ko kahit papaano pero simula noon'g lumala ang itsura ko nag-iba na rin ang pananaw ko.

Pakiramdam ko naglelevel up at gumagaling yun'g mga tao sa paligid ko habang ako patuloy na bumabaon.

Malungkot akong napatingin sa akin'g repleksyon na nasa salamin. Mataba, pangit at walang self confidence. Nawalan ng anak, divorce sa asawa at walang magandang trabaho.

I'm a failure.

Habang yun'g mga kasabayan ko may magandang pamilya, natupad na pangarap at may mga promising career na.

Ano'ng nangyari sa akin?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status