Share

Kabanata 4

"Aya? Hey."

Napawi ang mga iniisip ko sa tawag ni Jiro. Bumagsak ang tingin ko sa panibagong supot na dala niya na paniguradong ang biniling kurtina.

"Uh... Uuwi na ba?" tanong ko at hindi pinansin ang nagtatakang mukha ni Jiro dahil sa pagkakatulala ko.

Mabuti na ang at hindi na siya nagtanong pa at binalewala iyon. He shook his head and pointed our side.

"May oras pa naman tayo, Aya. Gusto kong ipakita sayo ang paborito kong lugar." aniya at nagsimula ng maglakad patungo sa tinurong direksyon.

Sumunod na ako sa kanya. Ang tinuro niya ay madilim at hindi na sakop ng liwanag galing sa mga sulo at ilaw.

Kalaunan ay mga matataas na talahib na ang nakikita ko pero mayroon pa rin daan. Nakita kong hawak na ulit niya ang bulaklak na luminacia na nasa lalagyanan kaya nakikita pa rin naman ang dinadaanan sa dilim.

Kinuha ko sa kanya ang hawak na supot ng kurtina para hindi siya mahirapan sa bitbit at saka ako nagtanong nang hindi mapigilan.

"Hindi ba delikado rito, Jiro?" I asked worriedly.

Humihina na ang mga ingay at tawanan na aking naririnig. Nagpatuloy kami sa paglalakad, nasa unahan ko siya kaya nakita ko ang pag-iling niya.

"Nope, Aya. Palagi ako rito. Madalas ay dito ako namamalagi para magpalipas ng oras."

Tumango ako kahit alam kong hindi niya makikita. Hindi na rin ako naka-imik at nagtiwala na lang sa kanya.

"We're here."

Isang hawi niya pa sa mataas na talahib bago tuluyan nakita ang napakagandang tanawin. Hindi pa nga ako nakalilimot sa pagkamangha sa nauna ay mayroon nanaman panibagong tanawin ang nakapagpanganga sa akin.

Isang malawak at wala ng mga talahib na patag na lugar ang aming nakikita. I looked around and see the northern lights in the air with millions of shining stars above near us, parang abot-kamay ang mga iyon. May mga nagkalat rin na malalaking bulaklak na walang tangkay, nakahandusay lang ang mga ito sa lupa at bukas ang mga petals habang kumikinang.

"My... What a breath-taking landscape," I mumbled.

My lips are still parted, shocked and amazed on the congenial scene I'm witnessing.

"Let's go there. That's my place."

Hindi ko pa naalis ang tingin sa tanawin nang hinila na ako ni Jiro.

My eyes drifted to one of those gigantic flower opened and lying already on the ground. Sa gitna nito ay may kumpol na mga petals na nagsisilbing higaan.

Umupo roon si Jiro at nilatag sa gilid ang dalang ilaw na bulaklak. Ginaya ko ang ginawa niya at nilagay rin sa gilid ang supot.

Sagana ang lugar na 'to sa mga kumikinang, kung hindi halaman ay mga nilalang naman.

"Do you like it?"

Napasulyap ako kay Jiro bago ibinalik ang tingin paligid.

"It's wonderful, Jiro." I answered, almost a whisper.

He giggled, "I like it too!"

"Thank you, for bringing me here." I said wholeheartedly.

Hindi ata ako makakaramdam ng kaginhawaan sa sitwasyon kong 'to kung wala ang batang katabi ko ngayon.

"You're welcome, Aya."

Humiga siya at nilagay ang kamay sa likod ng ulo bilang unan samantalang nanatili naman akong nakaupo at niyakap ang tuhod habang pinapanood ang mga ilaw na parang sumasayaw.

Aurora Borealis. Namalagi ang katahimikan sa amin, ninanamnam ang kapayapaan at kagandahan pero hindi rin nagtagal ay nagsalita si Jiro.

"You know what, Aya? You're like these flowers." aniya at tinuro ang mga kumikinang na mga bulaklak.

Bumaling ang tingin ko sa kanya.

"It's called Sithyathum, the most unique and mesmerizing kind. Sa umaga, mukhang malumbay ngunit sa paglubog ng araw, it will suddenly bloom into a captivating one. Isa sa nagbibigay liwanag sa gabi."

Hindi agad ako nakapagsalita dahil may dinugtong pa sya.

"For me, you're like Sithyathum. When I look at you, Aya... you stood out, glamorous in the darkness." aniya at ngumiti ng malapad sa akin.

My heart melt as I looked at him after all the flattering words he just said. And suddenly, an idea popped up to my mind.

"Then Jiro, can you call me Aya Sithya?"

His eyes widened a bit and laughed joyfully. Tumango-tango pa 'to ng may malaking ngiti sa mukha.

"My pleasure! Aya...Sithya,"

Pareho kaming tumawa saka ibinalik ang tingin sa tanawin. We both let out a heavy sighs. This feeling is too calm and refreshing dahilan ng pansamantalang pagkakalimot ko sa pinagdadaanan.

Pero hindi kalaunan, ang kaginhawaan na nararamdaman ay unti-unting nawala dahil sa mga biglaan naiisip at pagdududa.

Why are all of these strange to me? I'm waiting for a trigger to my brain. Thinking that if I saw something familiar, a memory will flashed into my mind but there's nothing. It terrified me thinking I'm not from here, that I don't belong here.

I'm starting to feel like I shouldn't get attached. Something is telling me from the back of my mind that this is not for me. That this majestic place doesn't suit me. But how can I tell, right? I can't remember anything, even my name! How can I tell where place I don't belong and where I do?

"Jiro," I called.

"Hmm?"

"What's with that uno de torre?" I asked when I remembered the tower I saw.

Ramdam ko na nakatingin na siya sa akin. Inalis niya ang mga kamay sa likod ng ulo at umupo ng maayos tila ba bumubwelo.

He sighed.

"Lumphosa, Sevanas and Uvenas have one tower each. Uno de torre is here at Lumphosa, segunda de torre is located at the sevanas while tres de torre is at the uvenas. Those towers are the most powerful, superior and highly destructive defenses of the Voreios against all enemies."

"Who are those enemies?"

"Anyone who's threatening. It might be the wild creatures from Quadcintus or..."

Saglit siyang natigil at tumingin sa akin bago nagpatuloy.

"It might be other bloodineans." He said in a serious tone and looked at me.

Ngayon ko lang siyang nakitang seryoso. He always looked jolly and cheerful. Now, I'm a bit surprised when I realized that even though he's still a child, he knows too many things already. Malawak na ang kaniyang mga nalalaman. I still have many questions kaya nagpatuloy ako sa pagtatanong.

"And what do you mean by your Ayo Ravus assigned to uno de torre?"

"Ang mga tower na iyon ay hindi sapat. We need more defense. That's why there are magenos assigned to each towers for additional protection. Magenos from uvenas are assigned to uno de torre dahil ito ang pinakamalapit sa bukana ng Quadcintus. Kung mayroon man magtatangkang pumasok, sa uno de torre ang unang makakalaban. That's why the strongest and powerful magenos are the ones who're deputed there to prevent enemies from getting further which... is led by Ayo Ravus."

Mas ikinagulat ko ang narinig na hindi lang hamak na mageno na naka destino sa uno de torre si Ravus, siya pa ang namumuno!

Saglit na nanatili ang katahimikan sa amin, paminsan minsan naririnig ang mga tunog na ginagawa ng mga ibon na paniguradong galing sa pinasukan namin kanina.

Ako naman ay naglalakbay na ang isipan at hindi mapigilan makuryoso sa lalaking nagngangalang Ravus.

"Ayo Ravus is probably still patrolling now. Bibisita 'yon sa bahay pagkatapos panigurado." aniya

My heart raced, feeling nervous again. Lalo na sa mga nalaman tungkol sa kaniya, I know he's a type of man beyond what I can imagine. Naiirita ako sa sarili dahil hindi ko pa nga nakikita ay kinakabahan na ako.

Pareho kaming natigilan ni Jiro at sabay na napabaling sa gilid na may mga matataas na talahib nang may narinig na kaluskos.

Ang mga talahib rin ay nagsisigalawan na parang may mga naglalakad doon. Nilingon ko si Jiro kung may ideya siya kung ano 'yon pero nakita ko ang pagtataka rin sa mukha niya. I suddenly felt something... or someone's presence! This feeling sent shivers down my spine as my heart pounded harshly.

Nakita ko ang pag ambang magsalita ni Jiro pero I put my index finger to my lips as a signal for him to remain silent.

Tumayo ako ng dahan dahan at lumapit sa mga matataas na talahib. Naramdaman ko ang pagsunod ni Jiro. Every steps we make is silent. Then suddenly, we heard grumbles as we get near the tall grasses.

Maingat kong hinahawi ang mga talahib habang papalapit ng papalapit sa mga naririnig na ungol o magtol at mga kaluskos. Hindi ko ininda ang pagbilis ng hininga ko dahil sa takot. Nagpatuloy pa rin ako sa kagustuhan malaman kung anong mayroon doon. Naramdaman ko ang hawak ni Jiro sa damit ko, halatang natatakot na rin.

Napatakip ako ng mata gamit ang kamay ng may nakakasilaw na liwanag ang bumungad nang hinawi ko ng talahib sa harapan. Hindi ko makita kung saan nanggaling 'yon dahil sa silaw pero nang naka adjust ng kaunti, nasulyapan ko ang isang lalaking naka-itim na cloak, carrying an unconscious woman.

My eyes widened as my lips trembled. Nanginig rin ang mga kamay at tuhod ko lalo na nang napabaling ang mga mata nito sa akin.

"Damn!" The man carrying a woman hissed.

Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot sa lalaking nasa harapan ko.

Umatras ako at nabunggo si Jiro nang akala ko ay lalapit siya sa amin pero nagmadali siyang tumalikod at naglakad na parang may pinasukan na kung ano dahil bigla na lang itong nawala kasama ang bitbit na babae. Ang nakakasilaw na liwanag rin ay naglaho.

"Aya, ano iyon? Saan galing ang liwanag?" Jiro asked.

I know he didn't see it dahil nasa likod ko siya. Ang nakakasilaw na liwanag lang ang nakita niya.

Hindi ako makasagot. Hindi pa rin natigil ang bilis ng paghinga ko sa kaba at ang panginginig ng katawan sa takot. Naramdaman iyon ni Jiro kaya pinaharap niya ako sa kanya.

"Namumutla ka! Ayos ka lang ba, Aya?" bakas sa boses niya ang pag-aalala.

Biglang nandilim ang paningin ko at lumabo sa pandinig ang mga ingay mula sa paligid.

"The sun is almost down, we need to go."

"No! Kailangan natin iyon mahuli! Malalagot ta-"

Napaupo ako at napasapo sa ulo dahil sa mga boses na naririnig sa isip. My head is throbbing so bad as I'm seeing new images and hearing voices in my head.

All I see are shadows of men, chasing me. The darkness of the place while I'm running away rapidly.

I groaned and continuously shaking my head, hoping it could remove the pain I'm feeling. Naramdaman ko sa tabi ko si Jiro at hinahawakan ako habang may sinasabi pero hindi ko maintindihan dahil wala akong ibang naririnig na boses kung hindi ang galing sa isipan.

"What bloodineans are you from?" another cold baritone echoed in my head. This voice, it's Ravus!

Inaalog ni Jiro ang balikat ko at sumisigaw. Galing sa nanlalabong pandinig ay unti-unti na itong lumilinaw nang nawawala na ang mga boses at imahe sa isipan.

"Aya! Aya! What's happening?! Aya!"

Napakurap-kurap ako at naabutan ko ang natatakot at nag-aalalang mukha ni Jiro sa harapan ko. Nanginginig ang kanyang mga kamay na nakahawak sa balikat ko. Napansin ko rin na basa na ang kanyang mga pisngi ngayon.

"A-Aya?!" aniya at humagulhol.

Natauhan ako at tuluyan ng nawala ang sakit ng ulo. Mabilis ako umayos sa pagkaka upo at hinila si Jiro para mayakap at pakalmahin.

"Hush, Jiro. I'm fine." alo ko habang yakap siya at hinahaplos ang kanyang likod. Hindi pa rin ito matigil sa paghagulhol.

"N-No, you're not! You're in pain, Aya!"

"Shh, It's okay Jiro. Hush, hindi na masakit ang ulo ko. Stop crying, please. I'm sorry."

I feel guilty seeing how scared he is for me. Hindi ko muna ininda ang sariling takot sa nangyari. Kinalimutan ko ang ibang mga nakita dahil sa pag-aalala ki Jiro.

"I'm sorry, Jiro. Stop crying."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status