Share

Kabanata 3

"Alam mo kung anong oras dapat umuwi, Jiro. 'Wag rin kayong pupunta sa masyado ng malayo." paalala ni Ahyem.

Papunta na kami ngayon sa bayan. Hindi maitago ang tuwa at pananabik sa mukha ng bata sa tabi ko.

Jiro salute to his Ahyem then answered,

"Aye!"

"O' sya. Sige na, nauubos na ang oras. Mag-ingat kayo. Jiro, Ingatan mo ang Aya mo at anong gagawin kapag may nakasalubong na taga-sevanas?" her eyes narrowed and waited for a word from Jiro.

"Yes, yes Ahyem. I know. We'll avoid them." ani Jiro at tinutulak ng mahina si Ahyem papasok ng bahay at nag paalam na aalis na.

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naintindihan ang huling narinig. I think I already heard it from Jiro before.

Magtatanong sana ako pero hinigit na ako nito at nagsimulang maglakad. Nilingon ko si Ahyem at nakapasok na siya pero nakatingin pa rin sa amin. She smiled and waved at me. I waved at her too while Jiro is pulling me towards the middle lane.

Binitawan niya na ang kamay ko at tinigil ang paghihila nang nakitang sumusunod na ako sa kanya sa paglalakad. All I can see is dark when I look ahead but suddenly, a light is guiding us.

Napansin ko ang hawak ni Jiro na transparent jar. A white and yellowish flower is inside it, 'yon ang nagbibigay ng liwanag.

I was stunned. I can't help but be amazed.

"What flower is that?" I asked.

His eyes bore into me, then into the flower. Inangat niya ito at mas ipinakita sakin.

"Luminacia, the most common flower in our land."

Namamangha pa rin akong tumango at pinagmasdan ang paligid. Malawak ang nabibigyan ng liwanag ng bulaklak.

"Is it the source of light here?" I asked while we're still walking.

Nakalayo na kami sa bahay dahil nang nilingon ko ay itim na lang rin ang aking nakikita. Hindi ko alam kung gaano kalayo ang dapat namin lakarin hanggang dulo ng madilim na daan na 'to. I'm also hearing a chirping sounds and noises around. Mukhang hindi naman natatakot si Jiro kaya hindi ako nangamba. Besides, he's used to this.

"Uh-hmm. It's one. We also use fire and electricity." he explained.

Saglit nanatili ang katahimikan sa amin kaya naghari ang mga humuni sa paligid. Ngayon ko tuloy hinahanap ang pagiging madaldal ni Jiro. Kahit na may liwanag galing sa bulaklak, the darkness ahead of us is still alarming. Samantalang wala naman nagbago sa reaksyon ni Jiro, mukhang sanay na sanay na talaga sa pagtahak ng madilim na lugar na 'to.

Nagtagal ang tingin ko sa kanya at napansin niya ata kaya tumingin rin siya sa'kin. I wanted to have a conversation para malipat ang atensyon ko galing sa pakikiramdam sa paligid. Then I remembered what I was gonna ask to Ahyem before we left.

"What's about sevanas?" I blurted out.

Nakuha ko ang atensyon niya at nakita ko ang pagsimangot niya. Bumalik ang tingin niya sa daan at mas itinaas ang hawak para mas makita ang aming tinatahak.

"It's a place, Aya. Mga arogante ang mga magenos na naninirahan doon." aniya at umismid.

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?"

"I told you what's called to this place, right?" he asked. Lumilingon sa'kin saglit at bumabalik din sa daan pagkatapos.

I nodded and answered,

"Lumphosa."

He nodded as well before continued talking.

"Right! Xenas are living here. Wala kaming kakayahan magamit ang unibersalis magus. Magenos at sevanas are one step ahead of us. They can obtain their unibersalis magus, a type of magus that all individuals should have. Apparently, we don't. That's why they keep harassing our kind. They act like a superior even though they're not."

Ramdam ko ang pait at pagkamuhi sa boses ni Jiro na paniguradong para sa mga Sevanas.

"Ano ang mga unibersalis magus?"

"Those magus that are common. The magenos at uvenas have the rare ones. They are the real superiors. Their magus is at extreme level. Wala sa mga xena at magenos mula sa sevanas ang gugustuhin makalaban sila."

Unti-unting lumilinaw sa aking isipan ang kanyang mga sinasabi. So, Voreios is divided into three?

Lumphosa where xenas, an ordinary individuals, are living. Sevanas where magenos with access to their unibersalis magus are living and lastly, uvenas where magenos, the superiors with their magus at extreme level, are living.

Now, I understand why we need to avoid magenos from sevanas but even without asking, I know we must avoid those from uvenas too. The way Jiro explained it, they are dangerous.

Nanatili akong tahimik at nakatulala habang naglalakad, naglalakbay ang isipan sa mga panibagong nalaman.

"Ayo Ravus..."

Nabalik ang atensyon ko sa kanya sa biglaan niyang pagsalita. Nagtaka ako kung bakit niya sinabi 'yon gayon wala naman siya sa aming pinag-uusapan.

"...belongs to the uvenas."

My eyes widened and my lips parted in surprise. Is this the reason why I feel nervous to the thought of meeting him? Maybe, it's my instinct saying what type of man he is.

"Finally! We're almost out."

Nabalik ako sa ulirat dahil sa sinabi ni Jiro at nag angat ng tingin sa harapan.

A moon gate covered with leaves and vines is in front of us. I felt the small hands of Jiro in my left wrist and pulled me towards the gate.

"Come on, Aya!" nanumbalik ang kasiglahan at pananabik ki Jiro.

Nagpatianod ako. Kadiliman pa rin ang sumasakop sa kabilang banda. I wonder if the place we're going to is really dim and dull? Pumasok na si Jiro at sumunod na rin ako. Pagkapasok ay hindi ko napigilan suminghap. Hindi ko nasundan ang pagbabago ng paligid.

My jaw dropped and I was left in awe. I roamed my eyes to the majestic surroundings.

The place I'm seeing now is equally picturesque and very, very pleasing in the eyes. It's so bright even without the presence of the sun because of the fireflies and glowing flowers all around.

Paimpit akong napatili nang nakita ang paparating na malaking lumilipad na ibon. Mabilis akong umilag nang dumaan ito malapit sa taas ng ulo ko.

"Oh my God!" I shrieked.

Narinig ko ang halakhak ni Jiro sa gilid dahil sa pagkakagulat ko pero hindi ko muna siya sinulyapan dahil abala sa pagmamasid. Sinundan ko ng tingin ang malaking ibon na dumaan at mas lalong namangha nang marami pang mga lumilipad na kakaibang nilalang ang nasa paligid.

I looked at the enormous snow-white bird flying in circle with its wings as powerful as eagles and transparent eyes. Then my eyes drifted to the bird which its tail is on fire. There are many of its kind swooping freely between the tall and glowing flowers like Luminacia, soaring high and low among the tops of the trees around the enchanting field.

Maliwanag at makulay ang paligid dahil sa mga kakaibang alitaptap na nagbibigay ng iba't ibang kulay, giving small flashes that made the place looked glittery.

"Magnificent." I whispered. Nakabawi-bawi na sa pagkamangha.

Jiro chuckled beside me.

Napabaling ako rito at mukhang kanina pa nagmamasid sa reaksyon ko. Of course, hindi na bago sa kanya ang tanawin na 'to .

"See? I told you, it's wonderful." he said with his smug but adorable look when he noticed that I'm delighted.

"Very," I agreed and smiled at him.

He giggled then grabbed my wrist and pulled me to somewhere again.

"Let's get moving so you could see the other xenas!"

Kung kanina ay siya ang nasasabik, ngayon ako naman. I'm sure I could see way more fantastic things and creatures than this.

I'm very thrilled as I let Jiro pulled me. Habang naglalakad rin patungo sa kung saan ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili tumingala at panoorin ang mga makukulay at magagandang nilalang, gayon din sa mga matitingkad na bulaklak.

Napako ang tingin ko sa malayo nang may nakikitang malaking torre. Malayo na ito sa kung nasaan kami pero kapansin-pansin ang taas nito at paniguradong mas lalaki pa ito sa paningin kapag sa malapitan.

"What's that?" I asked and raised my hand to point the huge tower in our left side.

Bumaling si Jiro sa direksyon na tinuro ko.

"Ah! That's the uno de torre"

Uno de torre? He already said it earlier. Sa pagkaka-alala ko ay sinabi ni Jiro na roon naka destino ang kanyang Ayo Ravus.

Kakaiba ang torre na iyon. Hindi makikita ang kabuuan dahil malayo ito at may mga puno ang tumatakip ngunit ang dulo at tuktok ay nakikita. My eyes narrowed to see it clearly. There's like a huge crystal ball at the top of the tower. One word crossed my mind. Unique.

Magtatanong pa sana ako kay Jiro kung ano iyon nang nakuha pareho ang aming atensyon dahil sa mga naririnig na mga tawanan at ingay. Papalapit na kami sa mga bahay na lahat ay gawa sa kahoy. Nakahilera ito sa magkabilang gilid at ang malawak na gitna ang nagsisilbing daan.

There are torches set in vertical line in each side and above the path in the middle is a wiring with attached bulbs serving as the light for the place. Like what Jiro said, aside from Luminacia, they also used fire and electricity.

Tuluyan ko ng nakalimutan ang itatanong dapat kay Jiro. Hindi na ata ako matitigilan sa pagkamagha ngayong gabi lalo na ng nakakita ako ng mga panibagong mukha. For three days, si Jiro at Ahyem pa lang ang nakikilala ko simula nang nagkaroon ng malay kaya hindi ko mapigilan ang mapa awang ang labi at mapatitig sa mga panibagong pares ng mata.

Habang tinatahak ang daan ay hindi ko napigilan manatili ang tingin sa mga nakakasalubong na xenas, naglalakad at ang iba ay tumatakbo na parang nagmamadali sa kasalungat na direksyon. Sa gilid naman ay ang mga xenas na may mga mesa na kung hindi pagkain ang nakalapag ay mga kagamitan naman na sa tingin ko'y kanilang pinapabili. Ang akala kong mga bahay ay tindahan pala ng iba't ibang mga kagamitan. There's this antique store, boutique shop of vintages clothes and many more, mayroon rin mga kainan.

This place is crowded but unsophisticated, ibang-iba sa aking paningin.

"Plorera, plorera! Gawa sa matibay at mamahaling bato." this old woman chanted while showing her vases to those who are passing by.

Lumapat ang tingin nito sa akin at ngumiti nang kami ni Jiro ang napadaan sa banda niya.

"Plorera, hija? Bili ka," she said while showing me an ancient-looking vase.

Ngumiti rin ako at yumuko dito nang may pagpapaumanhin bago namin siya tuluyan nalagpasan.

Mas humigpit ang hawak ni Jiro sa pulso ko nang may makasalubong kami ng isang grupo ng lalaki na may mga bitbit na rolyo ng tela. Umiwas kami rito pareho nang maramdaman kong may nakabangga sa akin kaya pareho kaming natigilan ni Jiro sa paglalakad.

Akala ko isa 'yon sa mga lalaki pero maliit na boses ang aking narinig.

"Oops! Sorry!"

A sweet mere little girl in braided ponytail said in apologetic look, sitting on the ground dahil siguro sa pagkakatumba.

Mabilis kong tinulungan ang bata para maitayo.

"It's fine but be careful next time, 'kay?" Pagpapa-alala ko dahil ang mga nakakasalubong ay mga malalaking xena para sakaniya kaya baka mabangga ulit siya at mas malala pa ang abutin kaysa sa pagkakatumba ngayon.

She smiled sweetly to me and nodded before leaving. Hinarap ko na si Jiro para magpatuloy sa paglalakad pero naabutan ko siyang nanatili ang tingin sa batang babae na naglakad paalis.

My eyes narrowed a bit and smiled playfully to him.

He raised his eyebrows and gave me a questioning look when he turned to me. Nagtataka sa naging reaksyon ko.

"What?" he asked innocently.

I laughed a bit. Umiling na lamang at ako na mismo ang humila sa kaniya para magpatuloy sa paglalakad, maingat na umiiwas sa mga nakakasalubong. Unti-unti na rin akong nakapag a-adjust sa lugar.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko dahil hindi ko alam kung liliko o diretso lang.

"Ayon! Nakikita ko na ang paboritong bilihan ni Ahyem." aniya sabay turo sa hindi kalayuan na tindahan ng mga tela.

Lumapit kami roon at agad kong sinuri ang pamilihan. Si Jiro naman ay agad naghanap kung anong pinipabili sakaniya ni Ahyem.

"Anong hinahanap mo?" tanong ko para makatulong.

"Kurtina raw. Luma at may punit na ang nasa bahay kaya nagpapabili ng bago si Ahyem pero..."

Nagkamot siya sa kaniyang ulo at tumingin sakin na parang may problema. Umangat naman ang kilay ko at naghintay sa sasabihin niya.

"Nakalimutan ko kasi itanong kung anong disenyo ang gusto niya." He said and sighed.

My lips rose. Lumipat ang tingin ko sa mga kurtina na may iba't ibang disenyo. I pointed the lacy net curtain and suggested it to Jiro. Tingin ko ay babagay 'yon sa mga kasangkapan sa bahay na lahat gawa sa kahoy.

Tumango tango naman siya at agad na pinili 'yon ng walang pag-aalinlangan.

"Ahyem Sora, bibilhin ko po ito." aniya at ipinakita sa babaeng tindera ang tinuro kong kurtina.

"Oh! Jiro, ikaw pala 'yan. Ito ba?" tanong nito nang lumingon sa amin.

Binati rin ito ni Jiro pagkatapos ay kinuha na ng babae ang kurtina. Lumapat ang mata nito sa akin at halata ang pagtataka sa kanyang mga mata.

"Jiro, sino naman ang magandang binibini na kasama mo?" panguusisa nito.

Ramdam ko ang pagkakagulat at hindi pagkakahanda ni Jiro roon kaya hindi kaagad nakasagot. Liningon ako nito bago sa babaeng tindera.

"A-Ah! hehe. Uh..." halata sakaniya na nahihirapan magsalita.

Magsasalita na sana ako para sabihin na nakikitira ako pansamantala kina Ahyem Gilya pero inunahan na ako ni Jiro.

"A-Ahyem Sora! Nakahanda na po ba ang kurtina? Kailangan na ho pala namin umalis." he laughed nervously.

Mukhang hindi naman ito napansin ng babae at nagmamadali na ito sa pagtiklop ng kurtina. Si Jiro naman ay kinuha sa bulsa ang supot na gawa sa tela at may dinukot dito. Then my eyes widened a bit when I saw a different kind of gems. I looked at Jiro, a bit confused.

Nakapagtataka na hindi sa akin pamilyar na mga hiyas pala ang pinambabayad. Now that I think of it, nakapagtataka rin na sa lahat ng mga kakaibang nakikita ko ngayon ay wala ni isa roon ang nakapagparamdam na pamilyar sa akin. I was also hoping that something will trigger my brain to remember a piece of my memory but there's nothing.

Even without my memories, I think I should feel like those things are common. Hindi na dapat kapani-panibago sa pakiramdam but it isn't. It felt like all of these are foreign to me.

It felt so... odd.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status