Share

Kabanata 2

Kinabukasan ay ginising ako ni Jiro para mag umagahan at tinulungan niya lang ulit ako gamutin ang sugat ko pagkatapos maligo. Buong araw ay walang kakaibang nangyari, kung hindi ako magpapahinga sa silid ay tatawagin naman ako upang kumain. Kaya nang kinagabihan ay nagkusa akong maghugas ng mga pinagkainan.

"Oh! Hija, ako na nyan." si Ahyem.

Mabilis siyang lumapit sa'kin at inabot ang mga hugasan. Nagpumilit pa akong maghugas ngunit inutusan niya na lang ako magpahinga kaya wala nang nagawa.

Pumasok na ako sa silid at sinunod ang utos niya pero dahil hindi naman dinadalawan ng antok ay nanatili lang akong nakatulala sa kisame..

I sighed heavily. Nababagot ako pero wala naman pinapagawa sa'kin kahit na humihingi na ako ng gawain. Iniiwasan ko lang ang mga oras na ganito, nakatulala at naglalakbay ang isipan. Hindi mapigilan isipin ang konting bagay na nalaman galing ki Jiro.

Sometimes, I'm dead curious na tipong sumusubok na akong magtanong ki Ahyem dahil sa tingin ko naman ay ayos na ang pakiramdam ko at hindi na sasakit pa ang ulo pero sa tuwing magbubukas ang bibig ko ay ititiklop rin kalaunan. Inaasahan ko na magkukusa siyang magkwento tungkol sa kalagayan ko kapag tingin niya ayos na ako dahil 'yon ang sinabi niya nang nagkaroon ako ng malay. Sinabi niyang sasabihin niya ang nalalaman tungkol sa kalagayan ko, magpalipas lang ng oras.

So I tried hard to be patient. I silently thanked Jiro for being jolly and talkative which helps me eased my boredom. 'Yon nga lang ay hindi na nasundan pa ang kwento niya tungkol sa huling pinagusapan namin. Hindi rin naman na ako nagtanong dahil sa tingin ko ay pinagsabihan rin siya ni Ahyem.

Dalawang araw na ang nakalipas na gan'on lang ang ayos namin, walang kakaibang mga pangyayari.

The sun is setting down when I saw Ahyem cutting leaves, giving it shapes. Hindi ko nakita si Jiro sa loob kaya paniguradong palaboy-laboy 'yon sa paligid kung hindi naman ay inutusan ni Ahyem ng kung ano.

Bumaling siya sa banda ko at ngumiti nang nakitang lumabas rin ako.

I wanted to help but there's only one tool so I just sat at the large flattened rock near her. Nalipat ang tingin niya sa'kin mula sa halaman kaya nag-iwas ako ng tingin at pinansin na lang ang daanan na pinagigitnaan ng mga matatayog na puno.

"Magaling na ba ang mga sugat mo?" pagputol niya sa katahimikan.

Napasulyap ako sakaniya at tumango.

"Mabuti naman, kung gayon ay maaari ka ng sumama kay Jiro mamaya sa bayan kung gusto mo."

Mabilis akong napa-angat ng tingin sa kanya then looked at the middle lane between the trees, nakikita kong doon dumadaan si Jiro. Simula nang nagkaroon ako ng malay at walang maalala, ang imahe ng bahay na 'to na gawa sa kahoy na pinapalibutan ng mga puno pa lamang ang nakikita ko. Kaya sa tuwing aalis si Jiro ay hindi ko mapigilan isipin kung anong meron pag tinahak ang daang iyon.

Tumango-tango ako sa kanya..

"Gusto ko po." maikling sagot ko pero halata ang pananabik sa tono ng boses.

"Alam kong nababagot ka na kaya ayos na rin 'yong makapaglibot-libot ka sa bayan. Pasasamahan na lang kita kay Jiro dahil alam kong maalam na 'yon sa mga lugar." aniya.

"Salamat."

Labis akong natuwa at hindi makapaghintay para mamaya.

Tumingin ulit siya sa'kin at ngumiti. Lumabas ang kaunting wrinkles sa gilid ng kanyang mga mata. Napagtanto ko ang kulay ng mga ito. Akala ko ay itim pero ngayon ay nag iba ang kulay nang nasinagan ng araw. She have close-set eyes, brown-dash eyebrows, high-bridged nose and a smooth surroundings lips that match perfectly with her oval-shaped face.

I blinked twice when I notice I'm staring at her for too long. Pinagmasdan ko na lang siyang binabalik na sa lalagyanan ang gamit nang mukhang natapos na sa paggupit. Tatayo na sana ako dahil akala ko ay papasok na kami nang lumapit siya sa'kin at naupo rin siya sa batong malapit at tinitigan ako.

Napansin ko na nakalugay na ang kaniyang namumuting buhok na tila sumasayaw dahil sa hangin, ibang iba sa unang pagkakakita ko sa kanya na naka-ipit pataas.

"Alam ko ang nararamdaman mo." aniya.

Hindi ako nakapagsalita kaya nagpatuloy siya.

"Alam ko kung gaano ka nagpipigil ngayon alamin kung anong nangyari sayo,"

I looked down and sighed. She's right. I badly want to ask her about what happened but I did my best to patiently wait. I trust her. I trust her more than myself because I have no memories of before so I believed when she said she's going to tell me what she knows when she thinks I'm okay.

"It's already dawn when Ravus came here, carrying you, unconscious and wounded." panimula niya.

Umupo ako ng tuwid at mariin siyang tinititigan habang nagk-kwento. Wala akong ibang naririnig kundi ang kanyang boses.

"Nagulat ako dahil hindi pamilyar sa'kin ang babaeng dala niya pero naging abala na kami sa paggamot sa mga sugat at hindi na muna nakapagtanong kung sino ang babae. Malala ang kalagayan mo, marami rin dugo ang nawala dahil sa sugat na natamo mo sa 'yong ulo."

Natigil ito saglit at sumulyap sa ulo ko na wala ng bendahe ngayon bago nagpatuloy.

"At nang nasa maayos ka ng kalagayan ay saka lang siya nagpaliwanag. He said... he found you in Quadcintus." I saw fears in her eyes for a second then vanished, pero mukhang guni-guni ko lang 'yon.

"He doesn't know you too. Nakita ka lang niya at naabutan malapit sa balon ng mga Fyari. He said you're startled when you saw him that caused you to fell into that well."

Humugot siya ng malalim na hininga kaya natigil sa pagsasalita pansamantala while I still looked at her and anticipated for more. Marami na akong nabubuong mga tanong sa isipan pero mas pinili kong makinig muna.

She looked down for a while and smiled sadly.

"Naintindihan ko na kaagad kung bakit ka niya dinala rito. I know Ravus, may kabutihang loob. He won't leave you in that dangerous place. "

"Dangerous place?" I echoed.

Tumango siya at tumingin sa'kin na may pag alala na parang nakikita niya akong nasa lugar na 'yon.

"Yes. Quadcintus is a wild lands, thousand of monsters and vile creatures are living there. Many bloodineans are also roaming around who might be an enemies."

Namutla ako at nagtaasan ang aking mga balahibo dahil sa narinig. Ngayong lang nakaramdam ng takot.

"Kaya naiintindihan ko si Ravus kung bakit hindi ka niya iniwan sa lugar na 'yon kahit na delikado ang pagdala niya sayo rito. Inaasahan na rin namin na wala kang maaalala dahil sa pagkahulog sa balon."

"N-Nabagok ba ang ulo ko nang nahulog sa balon kaya nawalan ng memorya? Anong ibig mo po sabihin na delikado ang pagdala sa akin dito? And what's bloodineans... and Fyari?" sunod sunod kong tanong nang unti-unting naiintindihan ang nangyari sa'kin.

Saglit siyang natahimik at mukhang naghahanap ng salita.

"I guess we have to start from the beginning."

She sighed and continued.

"We're living here in the world called Xanadu which divided into five groups of land. The Voreios, Notos, Anatoli and Dytika which are called bloodineans. The largest land is the Quadcintus located at the center. We belong to the Voreios. Natagpuan ka ni Ravus noong araw na isa sya sa mga magenos na lalabas sa Quadcintus. Then he brought you here after what happened. Isang deikadong desisyon 'yon dahil walang may alam kung sino at saan ka galing. " mahabang pagpapaliwanag niya.

"I just hoped you're not from Notos." pahabol niya at may diin ang pagkakabigkas sa huling salita.

Napansin ko rin ang pagdidilim ng kanyang mga mata pero agad rin nawala nang nag-angat ng tingin sa'kin. Natulala ako nang unti-unting nalinawan pero may isa pa akong tanong na hindi nasasagot.

"W-Why can't I remember anything?" tanong ko sa nanginginig na boses.

Hindi ko akalain na masyadong mabigat para sa'kin na malaman ang nangyari.

Tumingin siya sa'kin ng malungkot.

"Because of the Fyaris living in the water inside the well. They are tiny creatures who steal memories from anyone they interact with."

Mas lalo ata akong namutla sa nalaman. Hindi na mapirmi ang mga mata ko dahil sa takot. Pinangunahan ako ng mga kaisipan na baka hindi na ako makaalala pa.

Naramdaman ko ang paglapit nya sakin at humawak sa braso ko nang naramdaman niya ang panginginig ng buong katawan ko.

"Hija, tama na muna. Ipagpabukas na lang natin 'to." aniya sa nag-aalalang boses.

Umiling ako at tumingin sa kanya ng may paninindigan. Hindi ko na ata kayang ipagpaliban pa 'to. Hindi mapapanatag ang kalooban ko.

"No. I'm fine. I-I want to know everything now, please." Pagmamakaawa ko.

Saglit pa siyang natahimik at mukhang nagdadalawang-isip kung magpapatuloy pa sa kwento pero nang nakita ang pagkadesperada ko ay pinagbigyan nya 'ko at humugot ng malalim na hininga.

"Nakarinig na rin ako ng kwentong kagaya sa nangyari sayo ngunit ngayon lang ako naniwala tungkol sa balon ng mga Fyari. Buong akala ko ay haka-haka lang."

"Nangyari na rin 'to sa iba?"

The cold wind blows and brushed our skins. I'm also hearing chirping sounds around us why I just recognized the darkness that slowly covers the place.

She nodded.

"Pero ang sabi-sabi ay bumalik ang alaala pa ng nahulog sa balon. Hindi ko nga lang alam kung paano." aniya at hinaplos ang braso ko para patigilin sa panginginig.

Nabuhayan ako sa narinig. Kung ganoon ay maaari ko pang makuha pabalik ang memorya ko! Magsasalita pa sana ako nang narinig namin ang tawag ni Jiro.

"Ahyem Gilya! Aya!"

Nilingon ko ang daan sa gitna ng mga matatayog na puno dahil doon narinig ang pinanggalingan ng boses.

I saw Jiro running towards us wearing a big smile. Tumatalon-talon pa ito at halatang masayang masaya.

"Ayo Ravus is here!" he announced.

Then suddenly, I froze. Unti-unting nanlabo sa pandinig ko ang mga tunog at ingay na naririnig sa paligid dahil sa biglang kabang nararamdaman.

H-He's here?

Pinagmasdan namin siyang tumigil nang tuluyan na nakalapit sa kinaroroonan namin ni Ahyem. His hands rested above his knees while panting and still catching his breath.

"Hijo, narito na si Ravus?" tanong ni Ahyem.

Jiro nodded and stood up when he can finally breathe properly.

Cold blood runs through my face for unknown reason, I just know that I feel nervous thinking that I will meet the man named Ravus now. He's here!

Sa tatlong araw simula nang nagkamalay ako, I wanted to meet him. Hoping he could tell me something that Ahyem still doesn't know. Something that can help me figure out what happened to me or something that can give me a clue about my identity. He's the one who found me, I want to ask what exactly am I doing when he found me before I fell into the well. Ang kwento ni Ahyem ay sugatan na ako bago pa lamang mahulog. Kung gayon, anong dahilan ng mga sugat ko?

Nabalik ako sa ulirat nang nagsalita si Ahyem.

"Kasunod mo ba siya?"

Sabay kaming tumingin sa daan na pinanggalingan ni Jiro, waiting for someone to pop up in the middle lane between the trees covered with darkness but a light from the moon is still helping for us to see if someone is there.

I can hear the loud and fast thump of my chest. Why the hell do I feel this way? I don't even know a single thing about this guy. If we'll meet tonight, it will be the first time. I mean, the first time I'll see his face.

"Ah!"

Nabalik ang aming tingin ki Jiro nang napasigaw ito sa mababaw na boses.

"Ang ibig ko po sabihin ay nasa loob na ng Voreios si Ayo. Nasa bayan pa po siya, still doing their night patrols."

Nakahinga ako ng maluwag. I don't know if I'm relieved or disappointed.

Well... I should be disappointed, right? I need to meet him so I can ask my questions. I just don't understand why I feel... scared or something.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status