Kararating ko lang ng pilipinas at pasado alas 7 na ng gabi, agad akong puwesto kung saan inihanda ni Enrique ang kagamitan sa isang hotel room kung nasaan ako ngayon.
Kaharap lang nito ang building ng company ni Bernardo na may ilang ektarya ang layo, wala na akong inaksaya pang oras dahil hindi rin naman ako nakaramdam ng pagod, masyado akong excited sa paghihiganti ko. Nakaharap ako sa bintana kung saan makikita ko ng mabuti ang building nito. Gamit ang binocular ay nakikita ko ang papalabas na pigura ni Bernardo Lim mula sa building ng company nito. Wall glasses ang building na iyon kaya nakikita ko ito. Nasa 30th floor ako ng hotel room na, madilim ang kwarto sinadya kong 'wag buksan ang ilaw para makubli ako ng dilim. Nang tuluyan na siyang lumabas ay nakita ko ng mabuti ang pigura nito. Bakas ang katandaan sa mukha nito. Namumuti na rin ang buhok at may kulubot na sa mukha. Pero matikas pa rin ang tindig nito. Gaya ng dati ay may dala pa rin itong malaking rolyo ng tabacco at panay ang hithit doon at nagbubuga ng makapal na puting usok. Dinampot ko ang cellphone na nasa ibabaw ng bedside table. Ibinigay iyon sa akin ni Enrique matapos kabitan ito ng isang microchip na nakapagpabago sa boses ng sinumang gagamit nito. Hindi puwedeng malaman ni Bernardo na ako ang tumawag sa kanya, hindi muna, marami pa akong plano. Naroon na rin sa mismong aparato ang numero nito kaya madali ko iyong natipa at tinawagan. Habang naghihintay na makonekta sa kan'ya ang tawag ay tiningnan ko siya gamit pa rin ang binocular ng ibalik ko iyon sa mata ko, sa pagkakataong ito ay nakatayo lang ito sa labas ng building habang matamang kinakausap ang mga tauhan nito. Narinig ko ang pag-ring ng cellphone na gamit ko kasabay no'n ang paghinto ni Bernardo at pagdukot ng isang bagay sa bulsa ng suot nitong trouser. Saka iyon pinindot at nilagay sa tainga. Nagpakawala ako ng demonyong ngiti ng marinig ko ang boses nito sa kabilang linya. "Hello, Mr. Bernardo Lim." Malambing kung bungad rito. Sabi ni Enrique babae pa rin daw ang magiging boses ko pero iba sa tunay kung boses. "Sino to?" Mahinahong tanong nito.Nanatili pa rin akong nakaharap sa bintana habang tinitingnan siya sa binocular upang makita ko siya ng malapitan. Bumuntonghininga ako bago muling nagsalita."Ako pala ang pinagkakautangan mo." Malamig kung tugon."Pinagkakautangan? Who the hell you are?" Mababakas sa boses nito ang erita. Kitang kita ko rin kung paano lumalim ang gitla ng noo nito at nagsalubong ang kilay."Mukhang marami ka yatang pinagkakautangan Bernardo dahil hindi mo malaman kung sino ako." Panunudyong saad ko. "Damn it! Show yourself!" pasigaw nitong sabi."Sshh, relax this is not the right time, magkikita tayo sa tamang panahon for now I will give you a clue muna, para naman may trill, kapanapanabik kung baga. Exciting 'di ba?" Muling lumambing ang boses ko saka nagpakawala ng seducing na halakhak. Bakas sa boses ko ang pang-iinis. "Clue?" Takang tanong nito. Nakita ko pang nagpalinga-linga sa paligid ang matanda at suminyas sa mga bodyguard nito na may naglalakihang mga katawan. Pinalibutan nila si Mr. Lim habang ang iba ay nag mamasid sa paligid, at nakahanda na ang mga armas nila."Masyado ka yatang takot Bernardo at ginawa mo pang shield ang mga tauhan mo." Pang-uuyam ko rito. "Stop playing hide and sick you bitch!" sigaw nito mula sa kabilang linya.Kaya medyo nailayo ko ang aparato sa tainga ko. "I will show you how bitch I am Bernardo, hope you will enjoy my gift for you, for my return." Binaba ko ang aparato at ini-mute ang call at pinindot ang loudspeaker para marinig ko kung paano magpanic ang demonyong iyon. Pumuwesto ako kung saan nakalagay ang aking sniper rifles ang knights SR-25 Mnd XM110 SAS na siyang gagamitin ko, nasa harap rin iyon ng bintana at nakatayo sa ibabaw ng maliit na lamisa nakaharap ang barrel nito sa BL Empire building. Hinawakan ko na ang sniper Rifles at nagsimulang itutok ang mga mata ko sa sniper scopes hinanap ng mga mata ko ang mga tauhan ni Bernardo. "Gotcha!" Bulalas ko ng makita ko sa sniper scope ang naka cross na guhit at nakatutok sa ulo ng tauhan niya. Kinalabit ko ang trigger ng dalawang beses. Bukod sa soundproof ang napiling room ni Enrique ay may silencer rin ang sniper rifle kaya hindi ako makakabulabog ng mga tao. Nakita ko ang pagbagsak ng tauhan nitong tinamaan agad na dumanak ang dugo sa semento ng kan'yang building. Naging alerto ang mga tauhan nito pero nagmukha lang tanga ang mga ito dahil hindi nila alam kung nasaan ang kalaban. Muli kung kinalabit ang trigger ng armas at tatlong tauhan nito ang bumagsak. Narinig ko pa mula sa cellphone na nilapag ko sa mesa na noo'y naka loudspeaker, ang pagkakagulo sa paligid. Narinig ko rin ang panay mura ni Bernardo. Mula sa sniper scope nakita ko kung paano nag panic ang mukha nito. Kung paano gumuhit ang takot rito. May takot rin pala sa katawan ang hayop na 'to. Lumayo ako sa armas at muling dinampot ang cellphone at pinindot ang unmute."So, how are you Bernardo did you enjoy my present?" "Hayop kang babae ka! Pagbabayaran mo ito, pagsisisihan mo ito!" Galit na sigaw nito. "Mukhang nagulat kita Bernardo Lim, ito lang ang masasabi ko sa'yo." Bumuntonghininga ako bago pinagpatuloy ang pagsasalita. "Mas hayop ka, pagsisisihan mo ang kasakiman mo, pagsisihan mong hinayaan mo akong mabuhay pa! Pagbabayaran mo ang lahat! BUHAY SA BUHAY MR. LIM, PABABAGSAKIN KITA , PABABAGSAKIN KO ANG SISTEMA MO. HINDI LANG SISTEMA NG KATAWAN MO KUN'DI PATI ANG PINAKAMAMAHAL MONG COMPANYA! TAKE---MY---HARD---REVENGE!" I gritted my teeth while saying those words. Sinadya ko talagang diinan ang huli kung sinabi.Isa-isa na ring nagsilaglagan ang mga luha mula sa mata ko dahil sa galit na nararamdaman ko. Pinatay na rin nito ang tawag. Mabilis akong pumuwesto sa sniper at muling tinutuk ang mga mata ko sa scope, nakita kong paalis na ang sasakyang lulan nito kaya dahil sa gigil at galit ko pinaputukan ko ang mga sasakyan nila. Napasigaw na rin ako. Nakita ko ang sasakyan ng tauhan nito na gumiwang-giwang ng matamaan ko ang gulong nito at bumangga iyon sa poste. "Tama na Alex!" Napatigil ako sa sigaw ni Enrique, hindi ko namalayan ang pagpasok niya dahil masyado akong nalunod sa galit. Tumayo ako at hinarap siya. Saka pinahid ko ang luha ko at tinitigan siya ng malamig."Get ready for tomorrow," iyon lang ang sinabi ko at naglakad na patungo sa Bathroom. Pero napatigil ako at naging alerto sa bagay na hinagis sa akin ni Enrique nasalo ko iyon ng hindi tinitingnan. Napataas pa ako ng isang kilay ng makita ang hinagis nito na ngayon ay hawak ko, tuwalya ang hinagis niya. Napalingon ako ng bahagya. "Baka lumabas ka na namang naked. Ang laswa," sabi nito saka lumapit sa may bintana para iligpit ang ginamit ko. Napa-smirk lang ako sa sinabi nito at nagpatuloy na ako sa pagpasok sa banyo.BUMABA ako mula sa mamahaling sasakyan na minamaneho ni Enrique. Pagkababa ko ay bumaba na rin ito. Tinanggal ko ang black shades mula sa mata ko. Nandito ako ngayon sa harap ng BL empire, napangiti ako, the long wait is over. May lumapit sa aming isang matangkad na lalaki na naka black suit yumuko ito sa amin."Magandang umaga po ma'am," aniya na nakayuko pa rin."Goodmorning," nakangiti kung sabi. I am so very happy today, because this is the start.Sa gilid ng mga mata ko nakita ko ang pag-abot ni Enrique ng susi ng sasakyan sa taong bumati sa amin. "Let's go?" nakangiting saad niya. Tumango lang ako at naglakad na. Bahagya pang lumipad ang mahaba kong buhok kasabay ng paghakbang ko ng umihip ang sariwang hangin. Pagkapasok namin sa loob ng building ay binati na agad nila si Enrique at ng mapansin ako ay bumati na rin sila sa akin. Lahat ng nadadaanan naming staff binabati kami. Marami ring mga matang nakatitig sa amin, may mga nagbubulong-bulungan. "She's perfectly beautiful.
HINDI ko maiwasan ang titigan ito dahil animo hinihila ako ng mga titig niya. Nakipagsukatan na rin ako ng titig sa malamig ring paraan. Doon lang naalis ang pagkakatitig ko sa kan'ya at pagkakatitig niya sa akin ng marinig kong tumikhim si Mr. Lim."Tamang tama ang dating mo son. Come here." Son? May anak siyang lalaki? I was thought, puro babae ang anak niya. Where this man came from? When I was a kid, nakilala ko ang mga anak niya na halos kaedaran ko lang. He has a 3 daughters, pero hindi ko alam na may anak pa siyang lalaki na sa tantiya ko ay nasa kan'yang med 30's na. Naglakad ito palapit sa ama. "By the way, Ms Lewis, I want you to meet my son Raden Lim." Pakilala nito. Kaya napatayo ako at nagbow rito. Nasanay na ako sa culture ng Japan. "And son, she is Miss Alexandra Lewis, ang sinasabi ko sayong malaking investor natin." Nauna akong naglahad ng kamay ng makalapit ito na tinitigan lang nito. Napataas ako ng isang kilay dahil sa attitude nito. Ibababa ko na sana an
HINDI na kami natuloy sa planong pagpunta sa S Building dahil sa insidenteng nangyari. Bumalik na lang kami sa opisina ni Bernardo. Panay pa ang pasalamat nito dahil sa pagliligtas ko sa buhay niya. Hindi na rin nito nabanggit kung sino ang mga iyon. Puro pasalamat at paghingi ng pasensya lang ang bukang bibig nito sa akin. Blessing in disguise rin ang nangyari, dahil for the second time mas lalo lang lalaki ang tiwala nito sa akin dahil hero na ang tingin nito sa akin ngayon. Nagdesisyon na akong umuwi dahil gusto kong mag shower. Nakasanayan ko ng pagtapos magbakbakan ay nagshoshower ako para lumamig ang ulo ko kahit na sisiw lang naman ang nangyari. Papasok na ako ng elevator ng maabutan ako ni Raden at sumakay na rin ito. Pagsara na pagsara ng pintuan ng elevator ay hinarap ako nito kaya hinarap ko rin siya. Nakikita ko ang marahas na titig nito sa akin na hindi ko sinukuan. Tinaasan ko pa siya ng isang kilay."What?" Nakataas ang isang kilay ko na tanong rito."Who are you?" Ma
"Hi beautiful evening for this beautiful señorita beside me." Napalingon ako sa may-ari ng baritunong boses na umupo sa tabi ng stool na inuupan ko. Naramdaman ko ang paninitig nito sa akin, kaya lumingon ako. Malaki ang katawan nito panot ang ulo. Balbas sarado ang mukha. Inirapan ko ito saka bumalik ang pansin ko sa iniinom ko. Dinampot ko ang pulutan na hindi ko alam ang pangalan saka hinatid sa bibig ko. "You look alone. Mind if I join you." Patuloy nito na hindi ko pinansin. Napakagat labi ako ng mariin ng humaplos ang malaki nitong kamay sa likod ko. Ramdam ko iyon dahil backless ang sout kong itim na dress na hanggang talampakan ang haba. Sleeveless rin iyon. Naramdaman ko rin ang kamay niyang gumapang sa balikat ko. Ininom ko ang laman ng isang shot glass na inisang lagok ko lang. Saka bumaling sa kan'ya. At mabilis ang ginawa kong kilos ng hawakan ko ang kamay niya mula sa balikat ko mabilis ko iyong inikot na parang pilipit. Saka sinampal ng malaya kong kama
NASA opisina ako ng mga sandaling ito -nasa condo ko lang ang opisina ko. Inaaral ko ang mga nakatambak na documents na galing pa ng japan para personal kong mapirmahan at mapag-aralan. Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa tungkol sa documents ng biglang may narinig akong tatlong katok."Pasok," sabi ko saka muling binaling ang tingin ko sa mga papeles. Alam ko namang si Enrique iyon dahil siya lang naman ang katuwang ko sa trabaho at kakilala ko rito. Napasinghap ako ng muling mabaling ang tingin ko sa pinto habang papasok siya sa opisina ko, pasan-pasan ang maraming papel na halos hindi na makita ang mukha nito dahil natatabunan na. What the fuck! Kanina pa akong umaga dito anong oras na, gabi na hindi pa ako matapos tapos dito sa mga papel na 'to. May dumagdag na naman?Lumalim ang gitla ng noo ko ng pabagsak na nilagay ni Enrique sa ibabaw ng executive table ko ang mga makakapal na papel."What is this shit , Enrique?!" Hindi ko mapigilang mapabulalas ng mura."Mga pipirmahan mo
Enrique POV"Siguraduhin mo na masusunod mo ang lahat ng itinuro ko, huh." Bilin ko sa babaeng nakuha ko upang magpanggap na siyang tutubos sa S company building.Nakita ko siyang tumango.Nahirapan akong maghanap ng babaeng magpi-fit sa role na gagawin, ang role bilang si Brianna Smith. Mahirap maghanap ng sophisticated, makinis, may fierce look at talagang mayaman tingnan kapag nabihisan na babae na p'wedeng bayaran. Umabot pa ako ng ilang araw para makahanap. Buti na lang may nakita akong babae sa park na nakikipag malditahan sa mga bakla na hindi ko na rin inalam kung bakit. Nang ipakita ko ang 200 thousand cash sa kan'ya ay mabilis siyang umu-oo kapalit ng pagpapanggap niya at habang buhay na pananahimik. Magaling rin ito sa englishan kaya nagkasundo kami. Ang hindi ko lang bet ay ang kaartehan nito na pang world class akala mo naman kung sinong slapsoil, pero kere na rin 'to kaysa masira pa ang beauty ko kakahanap.Sa mga sandaling ito ay binabaybay pa namin ang daan pa
Alexandra Pov"Brianna Smith," bulong ko sa hangin saka isang malademonyong halakhak ang lumabas sa bibig ko."Parang hindi ka makamove-on sa nangyari kanina ah," sabi ni Enrique saka nagsalin ng wine sa sariling wine glass."Of course, naku Enrique kung nando'n ka lang for sure, matatawa ka. Makikita mo kung paano halos mawalan ng dugo ang mukha si Mr. Lim dahil sa putla ng marahil sabihin ni Mr. Sandoval kung sino ang tumubos ng building niya. And take note, nag-animo gulaman sa lambot ang tuhod niya na kailangan pa siyang alalayan ng anak niya dahil muntik na itong mawalan ng malay." Mahaba kong sabi saka muling humalakhak.Nakitawa na rin si Enrique. "Talaga? Sayang wala ako do'n kanina. Mag-e-enjoy siguro ako," aniya."For sure, dahil ako enjoy na enjoy!" Masayang sabi ko. Saka nagsalin ng wine sa baso ko."Cheers for today's successful mission!" Wika ko saka itinaas ang baso na may lamang wine."Cheers!" anang Enrique naman saka pinag-umpog ang baso namin. Tapos sabay na uminom
*** Handa na ako para sa party na gaganapin at dadaluhan ko. Sinabi ko na rin kay Enrique ang tungkol sa imbitasyon ni Raden. Nakasuot ako ng black off the shoulder ball gown na napapaligiran ng black sparkling beads. Naka-space bun style ang buhok ko. Itim rin ang maskara na gamit ko dahil masquerade party nga iyon. Animo hugis pakpak ang style ng Mask ko at may mga golden beads rin sa ibabaw na bahagi ng mask at naka high-heeled black boots ako. Mahaba ang gown ko na floor length kaya hindi makikita ang soot ko sa paa. Sinadya ko iyon dahil sa loob ng ballgown ko ay may isa pa akong damit na soot leather skinny iyon. Ang pang itaas ko naman pinailaliman ng leather tube. "Alexandra," tawag sa akin ni Enrique ng makapasok sa kwarto ko.Lumingon ako sa kanya. Lumapad naman ang ngiti nito saka pumalakpak. "Gorgeous! You really look great with black Alexandra. It suits your personality. " Puri nito. Napangiti ako saka tinanggal ang mask na soot ko. "I know Enrique. "