All Chapters of Will You Love Me? (BL): Chapter 11 - Chapter 20
52 Chapters
Chapter 11
    KANINA pa ako palinga-linga sa paligid. Maraming dumaraan na mga estudiyante pero hindi ko pa napapansin si Mary Rose. Ngayon ang subject na magkaklase kami at binabalak kong magpapogi points kaya naisipan ko itong hintayin sa labas ng room para sabay kaming pumasok. “Hi,” panay naman ang bati ko sa mga students na pumapasok na sa room lalo na ang mga babae. Nang sa wakas ay na-spot-an na ng mga mata ko si Mary Rose ay agad akong kumilos. Sumandal ako sa pader, inayos ang nakasukbit na bag sa balikat at saka nilagay ang parehong kamay sa bulsa. Inilapat ko rin ang kanang paa sa pader para magmukha talaga akong cool. Pero nagtaka ako nang kahit nasa harap lang ako ng pinto ay hindi niya ako napansin at nagtuloy-tuloy lang. “H-hi, Mary Rose.” Ang habol ko sa kanya. “O, hi Kenan.” Sabay ngiti. Tinuro ko iyong labas ng room. “Hindi mo ba ‘ko napansin kanina sa labas?” “Sa labas?” Tapos ay umiling. Ouch
Read more
Chapter 12
   HINDI maalis ang ngiti sa mukha habang ka-text si Mary Rose. Kahit nga nagkaklase si Sir ay panay ang padala ko ng messages. Sayang talaga at wala kaming same class ngayong araw kaya hindi ko siya makikita.Pero pwede naman sigurong mag-meet kami sa lunch?Felix:Sa’n ka? Biglang text ni Felix. Ano naman kayang kailangan nito sa ‘kin ngayon?Kenan:Bakit? Felix:Punta ka na rito. Tinutukoy niya siguro ay ang pagpapalista namin sa basketball club. Ang chance na pinakahihintay ko. This time ay sisiguraduhin ko ng magiging member ako ng basketball team. Noong isang araw in-announce na may registration ngayon at hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. Ito ang isa sa mga pangarap ko kaya hindi ko ‘to palalampasin.Kenan:Wait, papunta na. Ang reply ko at pagkatapos ay nagmadali na, kung ba
Read more
Chapter 13
   DALAWANG ARAW matapos ang alitan sa pagitan namin ni Felix ay hindi man lang ito nagparamdam. Hindi naman ako worried kasi alam kong magkakaayos din kami.Hindi ko nga lang alam kung sino ang unang lalapit dahil pareho kaming mataas ang pride at ayaw tumanggap ng pagkatalo.Pupuntahan ko na lang ito mamaya sa department nito, tutal at pareho naman naming alam ang schedule ng isa’t isa. Kakausapin ko ito mamaya at susuhulan ng pagkain para bati na kami.Pagkatapos ma-lock ang pinto ay nilabas ko sa garage ang motor at hinila para ilabas sa gate nang makita si Felix na nakaupo sa may gutter.“Ang tagal mo namang lumabas.” Pagkatapos ay tumayo at pinagpagan ang puwetan ng suot na pantalon.“Anong ginagawa mo rito?”“Ano pa ba? Edi sinusundo ka, sabay na tayong pumasok sa University.” Lumapit siya sa nakaparada niyang motor at binigay sa akin ang isang helmet. Ma
Read more
Chapter 14
 [Past]  NAABUTAN ko si Caleb na nagsisintas ng sapatos pagpasok sa kwarto niya at nakasalampak sa sahig kaya sinamahan ko siya at tinulungang sintasin ang isang sapatos.“Thanks,” aniya at hinaplos ang buhok.“Para mapadali dahil baka maunahan tayo ng iba sa court.”“Hindi ‘yan,” pagkatapos ay tumayo at kinuha ang bola sa tabi. Sumunod ako sa kanya nang lumabas na siya ng kwarto. Tuloy-tuloy kami hanggang sa kusina. “Magdala tayo ng tubig, sa ‘yo ‘to.” Sabay bigay ng tumbler na may pangalan ko. Pareho kami ng design at kulay, ang pinagkaiba lang ay nilagyan niya ng pangalan para hindi malito kung alin ang kanino.“Si Felix kaya, anong ginagawa ngayon?” ang nasabi ko nang lumabas na kami ng bahay at nagpunta sa covered court.“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa niya ngayon?”“Ewan ko du’n, sinabih
Read more
Chapter 15
 [Past] BUMUKA ang bibig niya at bumuwelo ng sasabihin, “Ngayon ko lang nalaman na…” sinadya niyang bitinin ang sasabihin para talagang ma-curious ako ng husto.“Ano? Anong nalaman mo, pabitin ka naman, e.”“Ngayon ko lang nalaman na tsimoso ka pala. Siyempre, ba’t ko sasabihin sa ‘yo, e, secret nga.”“Pambihira naman! Ano nga kasi, ba’t ayaw mong sabihin?” ang pangungulit ko pa pero tinalikuran na niya ako at naglakad na palayo. “Hoy, Felipe! Ang KJ naman nito!” ang habol ko naman.Pero ayaw na niyang magsalita. Kainis! Curious na curious na ako, e. “E, ano namang pinag-usapan niyo ni Caleb sa loob?” ang tanong na lang nang makahabol sa kanya.“W-wala, may pinabibili lang siya sa ‘king gamot.”Gamot? May kailangan pa ba itong inumin na wala sa clinic? Nakakaduda naman. “Sure?” ang p
Read more
Chapter 16
 [Past]  NASA harap na ako ng restaurant na sinasabi ni Nikki. Dito kami magkikita ngayon dahil may importante raw siyang sasabihin. Sobrang excited nga ako dahil may kutob akong sasagutin na niya ako ngayon sa wakas.Nagpatulong pa nga ako kay Caleb ng magandang susuotin dahil wala na akong maisip. Siya na rin ang bumili ng bulaklak na dapat kong ibigay sa oras na magkita kami ni Nikki.Sa entrance pa lang ng restaurant ay sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Marami ring pumapasok na idea sa utak ko. Ano ang dapat kong maging reaksiyon? Sisigaw ba ako sa tuwa o magtatatalon?Sa totoo lang ay hindi ko alam. Pero ang sabi ni Caleb ay dapat kalmado lang ako sa oras na sagutin na ako ni Nikki pero kaya ko ba iyong gawin? Isipin pa nga lang na um-‘oo’ siya ay baka magwala ako sa sobrang saya.Huminga muna ako nang malalim sabay buga para alisin ang kaba sa katawan ng tuluyan nang pumasok sa restaur
Read more
Chapter 17
 [Past]  MABILIS kong ikinubli ang sarili sa kanila. Ang pader na ginawang panangga upang hindi nila makita ay siya ring nagbibigay ng suporta sa akin nang biglang manghina.Ilang beses akong umiling. Hindi, imposible itong nakikita ko. Pinaglalaruan lamang siguro ako ng mga mata. Nagkamali lang ako sa nakita.Tama… nagkamali lang ako. Imposibleng hawak ni Nikki ang kamay ni Caleb.“Hello, Kenan?” rinig kong sabi ni Caleb kaya mabilis kong tiningnan ang cellphone. Hindi ko napansin na sinagot niya pala ang tawag ko.Kailangan kong makalayo muna sa lugar para hindi niya mapansin na nasa paligid lang ako at nakita sila. Tumakbo ako nang mabilis hanggang sa mapagod. “H-hello?” ang tugon ko matapos tuluyang makalayo.“Ba’t ka napatawag?”Lumunok muna ako ng laway para alisin ang bara sa lalamunan. “Lunch break na kasi, nasa’n ka?” Pl
Read more
Chapter 18
 [Past] NAHIGIT ko ang hininga sa narinig. Matagal ng may gusto si Nikki kay Caleb? At ano iyong sinasabi niya na ‘something’? May nangyayari ba sa kanila na hindi ko alam?!“Wala akong dapat i-explain,” ani Caleb at muling sinubukang kunin mula kay Nikki ang cellphone na pilit namang itinatago sa likod.“’Yan! D’yan ka magaling. Hindi porket hindi ako nagtatanong, e, hindi ka rin nag-i-explain—“ sandaling natigilan si Nikki nang magtagpo ang mga mata namin.Mabilis akong nagtago. Pambihira! Nakita niya ako!“You know what? I’m tired of this. Ayaw mong mag-explain, right? So, pa’no pala kung si Kenan na ang magtanong? Humingi ng explanation?”“Don’t bring him up. Wala siyang kinalaman dito.”“Really? sigurado kang wala? Kasi kung iisiping mabuti… lahat ng ‘to, dahil sa kanya. And guess what?! An
Read more
Chapter 19
   MATAPOS kumain ay bumalik ako sa kwarto para magsipilyo at kunin ang bag. Tapos ay bumalik sa kusina para tingnan kung tapos na maghugas ng pinggan si Caleb. Siya na rin kasi ang nagpresintang gawin ang mga gawain sa bahay na hindi ko pa magagawa sa ngayon tulad nang paghuhugas ng pinggan.May magandang maitutulong din pala kapag na-i-injured. Ligtas ako sa household chores!“Ito, o,” sabay bigay sa kanya ng susi ng bahay at pati na rin ng gate. “Ikaw na ang magsara at i-lock mo, ha? Sige, aalis na ‘ko.” Kailangan ko ng mauna dahil magku-commute pa ako dahil hindi ako makakapag-motor sa lagay ko ngayon.“Wait, sabay na tayong pumasok.”“Magkaiba tayo ng course.”“Same university.”“Nagsasawa na ‘ko sa pagmumukha mo.”“Ako hindi.” At saka nangiti.Pero hindi ko na siya pinansin at tuloy-tuloy
Read more
Chapter 20
   HINANAP ko agad si Caleb paglabas sa gymnasium pero wala na ito, mukhang kanina pa nakaalis kaya sinubukan kong tawagan pero ayaw naman sagutin at hinahayaan lang na mag-ring ang cellphone.Kainis! Bakit ayaw niyang sagutin? Umiiwas ba siya?!Mahigpit ang hawak ko sa cellphone na kulang na lang ay madurog ito sa sobrang inis. Humanda talaga siya sa akin!Mabilis ang hakbang papunta sa department niya nang matigilan… hindi ko alam ang schedule niya!Sa laki pa naman ng department nila ay hindi ko alam kung saan ko siya unang hahanapin. Muli akong nag-dial at tinawagan this time si Felix, baka alam nito kung nasaan ang kailangan. “Hello? Sa’n ka ngayon?” ang tanong pagkasagot niya sa tawag.“Ca—feteria,” ang sagot niya. “Punta ka rito, kumakain ako.”“Kasama mo si Caleb?”“Hmmp! Kaaalis lang, bakit?”Pambihira!
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status