All Chapters of MILITARY LOVE: Chapter 31 - Chapter 40
79 Chapters
Chapter 30
Nagising si Katie na kumakalam ang kaniyang sikmura. Subalit, ayaw pa niyang bumangon. Masarap pa ang matulog. Muli niyang ipinikit ang mga mata. Ngunit, napakunot ang kaniyang noo nang maramdaman ang matigas na bagay sa ilalim ng kumot, pati na ang mabigat na braso na nakadagan sa kaniya. Pagbukas ng kaniyang mga mata ay matagal muna siyang tumitig sa kisame. Pagkuwa’y dahan-dahan niyang nilingon ang katabi. Noon lang nag-sink in sa kaniyang isip ang nangyari. Malakas siyang napasinghap, kasabay ng mabilis na pagtatakip sa bibig. “Hmm. . .” Gumalaw si Zach. Mas hinapit pa siya nito palapit sa katawan nito. Tumitig siya sa mukha ng binata. Bakit kasi ang perfect ng mukha nito— na halos wala na siyang maipintas pa maliban sa isang pilat nito sa noo. Hindi iyon pansin sa malayo o kapag kaharap mo lang ito. Sa ganoong posisyon lang iyon makikita. Wala rin siyang maipipintas sa kabuan nito. Ang katawan nito ay pang-hollywood star. Kahit ang mga labi nitong sobrang lambot ay lagi siyan
Read more
Chapter 31
Hindi pa natatapos ang araw na iyon nang makatanggap sila ng masamang balita. Nasabat ng grupo nina Mavy ang isang container van na naglalaman ng mga illegal na dr**a, ngunit sugatan ang iba sa mga kasamahan nila, at kabilang doon si Leigh. Nang kwestyunin niya si Zach, alam ng lalaki na kasama sa misyon ang kaibigan. Iyon daw ay parte talaga ng mga plano. Hindi niya mapigilang magalit dito. Dahil kung parte iyon ng misyon, dapat kasama sila. “Hindi ba dapat tayo ang cover nila?” tanong niya rito pagkatapos nitong patayin ang TV, kung saan nila napanood ang balita. “I’m sorry, but I have my reason,” sambit nito. “What reason? To get what you want? To have me? Iyon ba ang rason mo?” nag-iinit ang bungong tanong niya rito. Kumunot ang noo niyo. “What did you say?” hindi makapaniwalang tanong nito. “Ganiyan ba talaga ang pagkakakilala mo sa akin?!” dugtong nito. Napaurong siya. Iba ang nakikita niyang galit sa mga mata nito. Bigla siyang nakadama ng matinding takot. “Pack your thin
Read more
Chapter 32
Kinakabahan si Katie habang nakasunod kay Zach. Aminado siyang nasaktan niya ang lalaki sa mga sinabi niya rito kanina, at hindi niya alam kung paano ba ito kakausapin. Pagdating nila sa parking, ipinagbukas siya nito ng pintuan. “Get in,” utos nito. Mabilis siyang sumunod. Para siyang maamong bata sa mga sandaling iyon. Gumilid ang lalaki at sumakay sa tabi niya. Tahimik lang itong nagmaneho paalis ng kampo. Siya naman ay nakuha na lang magmasid sa kanilang dinaraanan. Hindi niya makuhang magsalita, bukod sa kinakabahan siya. She felt suffocated and nervous. Kahit ang paghinga ay pinipigil niyang lumikha ng ingay. Ilang minuto pa ang lumipas. Hindi na niya matiis ang nadaramang kaba. Tumikhim siya. Akmang bubuksan ang bibig, ngunit napigil iyon nang pagtunog ng cell phone nito. Kaagad iyong sinagot ng lalaki. “Yes, baby?” Bigla ang paglingon niya rito. Ibig sabihin may ibang babae pa ito bukod sa kaniya? Naningkit ang kaniyang mga mata. Kung nakamamatay lang ang tingin, kanina
Read more
Chapter 33
“Zach! Anong ginagawa mo rito?” Hindi man niya gustong makita muna ang lalaki, pero nagpapasalamat pa rin siya na dumating ito. Umupo siya mula sa pagkakalugmok. Napangiwi pa siya nang kumirot ang sugat na natamo. Tiningnan ni Zach ang baboy ramong nasa lupa, pagkuwa’y lumipad ang mga mata nito sa kaniya. Mabilis siyang inalalayan nito patayo. “F*ck! May sugat ka!” bulalas nito. Kaagad nitong kinuha sa loob ng bag ang maliit na tela at inikot iyon sa braso niya. Medyo malaki ang hiwa ng sugat kaya kailangan itong hugasan. “Let’s go! Bago pa magising iyan,” muling wika ng binata. Inayos niya ang mga nagkalat na gamit at saka tahimik na sumunod sa lalaki. Nakasalubong nila ang mga kalalakihan na parang may hinahanap. Kinausap ito ni Zach. “Pasensiya na, Sir, nakawala lang sila. Secured naman po lugar na ito,” narinig niyang wika ng isang lalaki. Binuhat ng mga ito ang mabangis na hayop at umalis na. Lumingon ang ninata sa kaniya. “Next time, huwag kang aalis na walang kasama at hin
Read more
Chaptet 34
Nakatulog nang matagal si Katie. Kahit papaano, nakabawi siya ng lakas sa labanang ginawa nila ni Zach. Tiningnan niya ang katabi. Tulog pa rin ito. Dahan-dahan siyang tumayo, pero ang mabigat nitong kamay ay nakadagan sa kaniya. Punog-puno ng pag-iingat na iniangat niya iyon, pero mas lalo lang humigpit ang yakap niyon sa kaniya. “Sleep again, sweetie. . .” bulong ng lalaki habang nakapikit pa rin. Napangiti siya. Masaya siya sa kung anong mayroon sa kanilang dalawa ngayon. Masaya siyang kasama ito kabundukang iyon— walang labanan, walang putukan, tahimik at purong kapayapaan lang ang hatid sa kalooban niya. Tumingin siya rito. Payapa na muli ang paghinga nito. Nakayakap pa rin ito sa kaniya sa ilalim ng makapal na comforter. The warm coming from his body could calm any storm. Kahit siya kayang-kaya niyong pakalmahin. She looked outside. Tahimik ang paligid. Puro huni ng kuliglig ang tangi lang maririnig sa parteng iyon ng kabundukan. Subalit, may isa pa siyang narinig. Napating
Read more
Chapter 35
Malamig na haplos ng hangin sa balat ang naramdaman ni Katie. Kinapa niya ang katabing lalaki sa tabi pero wala ito. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Sinag ng araw na tumatama sa pinto ng tent ang bumungad sa kaniya. Tiningnan niya ang sarili. Napangiti siya nang makitang nakasuot na siya ng damit. Ni hindi niya namalayan na binihisan pala siya ng lalaki. Malamang, dahil iyon sa antok at pagod. Bumangon siya at pumunta sa labas. Ipinusod niya ang buhok saka sumandal sa post eng tent. Mula roon ay tanaw niya ang binata na may niluluto. Nakapantalon ito at walang saplot na pangtaas. Namumutok ang mga muscles nito sa dibdib at tumutulo ang pawis. Nakaramdam siya ng pag-iinit sa nakikitang iyon. Patuloy lang niyang pinagmasdan ang katawan ng lalaki na kagabi ay sinasamba niya. May sumilay na ngiti sa kaniyang mga nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi siya nagsisisi na ito ang unang lalaki na pinagbigyan niya ng kaniyang pagkababae. Bukod sa mga pisikal nitong katangian, paulit
Read more
Chapter 36
Pagbalik nila sa trabaho, halos hindi pa siya makalakad nang maayos at hinang-hina pa ang kaniyang katawan. Iyon ba namang hindi na siya halos tigilan ni Zach hangga’t hindi sila parehong pagod na pagod. Tsk! Matindi ang lalaki sa kahit na anong klaseng labanan. Nailing na inabala niya ang sarili sa mga dokumentong nasa table ng binata. Nasa meeting ito nang oras na iyon. Hindi na siya sumama dahil sa nararamdaman. Inayos niya ang mga dokumento at inilagay sa tamang lagayan. Maya-maya, bigla siyang nakaramdam ng antok. Gusto niyang pumasok sa loob ng maliit na silid kung saan nagpapahinga ang binata kapag pagod sa trabaho, pero baka biglang may dumating na bisita. Subalit hindi na niya kayang labanan ang antok, kaya nagpasiya na siyang pumasok doon. Bahala na! Tumingin siya sa orasan. Pasado alas-dose na. Eksaktong lunch break pero mamaya na lang siya kakain pagkagising. Malaya niyang inilapat ang pagod na katawan sa hindi kalakihang kama sa kwartong iyon. Inalis ang sapatos saka
Read more
Chapter 37
Masiglang sumunod sa mini pantry ang binata saka inayos ang mga plato. Habang inaayos niya ang mga pagkain napatingin siya rito— na titig na titig sa kaniya. “May problema ba?” Tumango ito at kinabahan siya. “Ano iyon?” Lumapit siya at sinalat ang noo nito. Wala naman itong lagnat. Kinabahan siya. Baka may biglang tawag galing sa mga kasama. “May maiitulong ba ako?” At tumabi siya sa binata. “Yes,sweetie! Malaki ang maiitulong mo.” Hinuli nito ang kamay niya at inikot sa leeg niya. “Ang mahalin mo ako ay sapat na,” anito sabay halik sa mga labi niya. Hinampas niya ito sa dibdib. “Ano ba! Hindi naman iyan ang pinag-uusapan natin, eh. Umayos ka nga! Bakit nga? Anong problema?” Huminga ito nang malalim at niyakap siya. Hindi naman na siya nagpumiglas pa. “It’s because I can’t imagine that we are like this. That you are with me. Hindi mo pa man ako sinasagot, parang ganoon na rin. Kaya nga hinding-hindi na kita pakakawalan pa kahit na anong mangyari. I will just wait for your answer.
Read more
Chapter 38
Nakatitig si Katie kay Zach habang nagsasalita ito sa unahan at nag-d-demo ng mga gagawin nila sa kasong hawak. Kompleto ang buong team. Si Mavy ay nasa kanang bahagi ni Zach. Sina Leigh at Sgt. Tolentino naman ang magkatabi. “We need to close this case as soon as possible. I know we can do it, team. I trust all capabilities with it comes to this. Kaya nga kayo ang mga pinili ko sa misyong ito,” anito sa kanila. “Are you with me?” “Sir! Yes, sir!” Tumayo ang lahat at sumaludo rito. Sumaludong pabalik si Zach. “Dismissed!” Lumabas na ang mga kasamahan niya maliban kay Mavy. “Hi, Baby Katie!” Nag-fist bump sa kaniya si Mavy. “Sgt. Felipe, how’s Cassey?” nakangiting tanong niya. “She’s fine. But I really think she’s pregnant. Not quite sure about it, but I could feel it,” anito na masaya ang mukha. “Talaga?! Masaya ako para sa inyo, Mavy!” Nayakap niya ito nang wala sa oras. May tumikhim naman sa likuran niya. “What is that news, sweetie?” Mabilis siyang kumawala sa pagkakayakap
Read more
Chapter 39
Matapos ang isang mahabang linggo sa pagtrabaho. Isang mensahe ang natanggap niya kay Zach. “Sweetie, I miss you. Please wait for me.” Nasa final screening ito ng mga bagong sundalo at tatlong araw na silang hindi nagkikita. She missed him so much. Yung parang isang taon na silang hindi nagkikikita. Nasa condo na siya noon at kasalukuyang nagluluto ng hapunan. Umupo muna siya para mag-reply pero biglang tumunog ang cell phone niya. Nakita niya sa screen ang pangalan ng binata kaya mabilis niya iyong sinagot. “Yes, General Silva?” pabirong sagot niya sa tono na kunwaring nagtatampo. “Hi, sweetie. Open the door. Andito ako sa labas,” malambing na wika nito. Napanganga siya sa sa narinig. Hindi niya maipaliwag ang excitement na nadarama. Natatarantang inayos niya ang suot. She was just wearing a pink sando at shorts na umabot sa may hita niya. “Ang bilis mo naman. Akala ko nasa kampo ka pa?” aniya. Hindi siya magkaintindihan sa pagtayo papuntang pintuan. “Nasa parking lot n
Read more
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status