Tinitingnan ko ang wrist watch ko para e check ang oras habang naghihintay sa bff kong si JULLIENE. Isang oras na din kasi ang nakalipas pero wala paring kahit clue na darating talaga siya, kaya habang wala pa siya, napag-isipan kong pumunta muna sa restroom para ayusin ang sarili ko. “Bakit ba kasi wala kapa beshy, may importante pa naman akong lalakarin ngayon.” bulong ko sa sarili habang nakaharap sa malaking salamin sa wall ng restroom. “Hayyyy! Darating pa kaya siya? Baka hindi na siya darating, sayang naman ngayon pa lang sana kami magkikitang muli, tapos walang mangyayari.” lungkot kong pagmumuni-muni at bagsak ang balikat habang nakatingin sa aking repleksyon. Maya’t maya narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko, at agad kong sinagot ito. “Hello!” “Oh beshy, nasan ka? Nandito na ako. Sorry medyo natagalan ako, dumating kasi yung jowa ko kanina sa condo.” paliwanag niya. “Salamat naman at nakarating ka na, kanina pa ako naiinip
Read more