All Chapters of HIS ISLAND GIRL: Chapter 31 - Chapter 40
74 Chapters
30. Sino ka?
[Letlet]'Paano kapag nalaman mong niloloko ka lang ng taong mahal mo?'Hindi mawala ang sinabi ni Gian sa isip niya. Ano ba ang ibig nitong sabihin? Masasagot ba talaga ang tanong niya kapag pumunta siya mamaya sa hardin?Bumuntong-hininga siya at tinuon ang ginagawa sa paglalaba. Lumingon-lingon siya sa paligid para tingnan kung may tao ba o wala. Nang makitang walang ibang tao ay itinaas niya ang salawal ni Lucian at inamoy.Labahan na pero ang bango pa rin! Lalaking-lalaki ang amoy at nakakahalina!"Ano ang ginagawa mo?""Ay tsokoy!" Sa gulat ay naihagis niya ang salawal ni Lucian. "Ano ba, Birang?! Bakit ba nanggugulat ka?!" Nakairap na ani niya.Namewang si Birang. "Hindi ako nanggugulat, no! Sadyang abala ka lang sa pagsinghot ng kung ano d'yan." Naningkit ang mata ni Birang. "Ano nga pala ang sinisinghot mo? Damit ni Gian?"Nanlaki ang mata niya ng makitang inanod ng agos ng tubig ang salawal ni Lucian. Mabilis na tumayo siya at hinabol ang salawal na inanod ng agos."H-Hindi!
Read more
31. Singsing
[Letlet]"K-Kung hindi ikaw si Kuya Lucian... S-Sino ka?" Nanlalabo ang mga mata niya dahil sa nagbabadyang luha."Letlet..." Tanging sambit ng binata."Hindi naman totoo ang narinig ko, di'ba? Hindi mo kami niloloko ni Lola Asun. Di'ba?" Pero imbis sagutin ang kanyang tanong ay puno ng paghingi ng tawad ang mga tingin nito."Patawarin mo ako, Letlet—"Hindi na niya hinintay ang iba pang sasabihin nito. Umalis siya na punong-puno ng luha ang mga mata.Niloko sila ni Lucian—oo nga pala, hindi 'to ang pinsan niya, kundi ibang tao 'to. Hindi siya makapaniwala na ang taong minahal niya ay niloloko na pala siya ng matagal."Letlet—"Isang sampal ang pinadapo niya sa mukha nito ng hawakan nito sa braso. Hinagis din niya sa mukha nito ang mga supot ng breyp na dala niya."Ano pa ang sasabihin mo? Narinig ko na ang lahat!" Umiiyak suminghot niya. "Sa tingin mo ba ay patatawarin ka ni Lola dahil sa pagpapanggap mo?" Mas lalong lumakas ang kanyang pag iyak ng yakapin siya nito."Niloko mo kami.
Read more
32. Desisyon
[Letlet]Bakit ba palagi nalang dito sa bahay nila ang bagsakan ng mga imported? No'ng una si Lance, tapos dumating sina Mang Garry at Gian, tapos ngayon naman ang babaeng 'to?Tumingin siya sa babaeng katabi ni Gian na ngayon ay masama ang tingin sa kanya. Simula kahapon ay hindi na nabago ang tingin nito sa kanya—eh, kung tusukin niya kaya ang mata nito?Pasalamat ang babaeng 'to at maganda ang araw niya simula kahapon dahil nalaman niya na mahal naman pala talaga siya ni Lance.Pagkatapos nilang ihatid si Birang kahapon sa bahay nito ay hinintay nila ang paggising nito at kinausap at inamin ang tungkol sa kanila—ayon hanggang ngayon ay tulala pa rin.Nagdesisyon din sila na huwag munang ipaalam sa ibang taga-isla ang tungkol sa kanila. Mas mabuti na si Lola Asun muna ang sunod na makaalam para ito na ang magpaliwanag sa lahat."My God! Ang sama naman ng lasa nito!" Reklamo ni Chloe na kinalukot ng kanyang mukha.Tumingin siya kay Lance na nasa tabi niya. Nakangiti na binaba nito ang
Read more
33. Balak
[Someone]NAGPUPUYOS sa galit si Chloe. Halos lahat ng kanyang mahawakan ay tinatapon niya. "Stop it, Chloe." Mariing sita ni Gian sa dalaga."No!" Malakas na tili nito. "I would never accept it! Never!" Napupuno ng galit, sakit, at inggit ang puso niya. Hindi siya makapaniwala na inalok ng kasal ni Lance si Letlet.Si Lance Kerford na hindi naniniwala sa kasal ay nagpropose sa isang ignorante at mangmang na babaeng 'yon!"That's why narito ka, Chloe. I called you because I knew that we have the same situation." Lumapit si Gian kay Chloe, with a evilly smile in his face. "Kapag nagawa mong mapaghiwalay sina Lance at Letlet, pareho tayong makikinabang." Pinahid ni Chloe ang luha at tiningnan ng masama si Gian. "Ako lang ba ang kikilos? What about you? Saka ano ba ang nagustuhan niyo sa mangmang na babaeng-arrcchk." Hindi na nagawang magsalita pa ni Chloe bigla itong sakalin ni Gian.Nakaramdam ng takot ang dalaga sa kaharap. Ibang-iba si Gian sa harap ni Letlet. Tila isa itong maamong
Read more
34. Paglisan
INALIS ni Gian ang pang-itaas na saplot ni Letlet. Ang init na nararamdaman niya ay lalong nag-alab lalo pa't makikita na niya ang buong katawan ng dalaga. Subalit ng aalisin na niya ang suot na bra ni Letlet ay siya namang bukas ng pinto at dating ni Lance."Putâng ina!" Bulalas ni Lance. Tila nagdilim ang paligid ng makita niya na nakapatong si Gian sa katawan ng natutulog n'yang nobya.Isang suntok ang pinakawalan ni Lance sa mukha ni Gian. He's furious as hell! He wanted to kill him right now!Nagpambuno silang dalawa hanggang sa makarating sila sa labas. Panay naman ang sigaw ni Chloe habang humihingi ito ng tulong para awatin sila."Papataýin kitang puțàng ina ka!" Lance was on top of Gian and was punching him in the face one after the other. He doesn't care if Gian died right after this! This bastard deserves it!Nanginginig ang katawan niya sa sobrang galit. Gusto n'ya itong patayin!"Tulong! Awayin niyo sila!" Takot na takot si Chloe habang nakatingin sa dalawang binata—lalo n
Read more
35. Panaginip
[Letlet]NAKIIYAK na rin siya kina Birang habang namamaalam sa pamilya nito. Narito na sila ngayon sa tinatawag nilang bayan. At syempre pa bago sila sumakay ng panibagong bangka ay nag iyakan muna sila.Wala ng atrasan 'to. Sasama na talaga siya kay Lance para harapin ang mundo nito.Hinila niya ang kamay ng hawakan 'yon ni Lance. Hindi pa kasi nakakaalis ang magulang at kapatid ni Birang. Baka mamaya ay makita pa sila nito. Ang sinabi pa naman nilang dahilan ay pupuntahan nila ang Lola Asun niya para sunduin, kahit ang totoo ay ipakikilala na siya ni Lance sa Lolo nito at sasabihin ang lahat ng ginawa ng tiyuhin nito.Matapos ang mahaba-habang iyakan ay nagpaalam na sila sa mga ito at sumakay sa mas malaking bangka. Mas matagal daw ang biyahe nila ngayon. Aabutin sila ng gabi sa daan pero ayos lang. Hindi siya natatakot ngayon maski sa tsokoy pa. Kasama kasi niya si Lance kaya wala siyang dapat ikatakot.Maraming sakay ang bangka. Katulad ni Birang ay napakaraming dala ng iba.Kini
Read more
36. Pangitain
[Letlet]"LETLET, bakit?! Ang sabi mo sa akin ay sabay tayong pupunta ng Maynila! Bakit ngayon ay iniwan mo na ako?!" Nagtakip siya ng tenga, ang sakit kasi sa tenga ng boses ni Birang. "Letlet, paano na ako?!" Hindi na siya nakatiis at bumangon. "Ano ba?!" Malakas na singhal niya. "Kung maka-atungal ka naman ay parang patay na ako!" Umawang ang labi niya. Ano 'to? Kumakain habang umiiyak?"Pasensya naman. Nagpa-practice lang naman akong umiyak, eh." Sumubo si Birang."Saan galing ang mga 'to?" Agad na tanong niya ng makita na mayro'n silang iba't ibang klase ng pagkain dito sa kubo kung saan nagpapalipas ng gabi ang mga byahero.Nilunok muna ni Birang ang laman ng bibig. "Binigay 'to kay Lance ng mga taong sakay kanina ng bangka. Natuwa kasi sila dahil sa ginawa ng nobyo mo kanina." Muling sumubo ng sunod-sunod si Birang na parang isang baboy.Hinanap ng mata niya si Lance, hindi niya kasi ito nakita pagmulat niya."Kung hinahanap mo si Lance ay wala siya rito. Naroon siya sa lab
Read more
37. The enemies
PINAGPAPAWISAN sa takot ang tatlong lalaki habang kaharap ang isang matandang lalaki, ang kanilang boss. Ang pagkakaupo nito ay tila isang hari habang hawak sa isang kamay ang isang baso na may laman na alak, at sa isang kamay naman ay may baril na hawak."P-Pasensya na, boss! H-Hindi namin nagawa ang inutos mo dahil sa inyong anak-"Hindi na natapos magsalita ang lalaki, binaril ito ng matanda sa ulo kaya agad itong binawian ng buhay. Halos maihi ang dalawa sa takot na baka sila ang sunod na barilin ng kanilang pinaglilingkuran. Wala silang nagawa kundi ang tahimik na umiyak habang ang tilamsik ng dugo ng kanilang kasamahan ay nasa kanilang katawan."Malinaw ang utos ko sa inyong apat, hindi ba?" Kaswal na tanong ng matanda na para bang madali lamang ang ipinagagawa nito. "Ang gusto ko lamang ay dalhin niyo ang babaeng 'yon dito, buhay man o patay. Huwag niyo lamang sisirain ang kanyang mukha para malaman ko kung siya nga ang bangkay na inyong dadalhin.""O-Opo, boss. M-Masusunod." K
Read more
38. Bomba
[Letlet]NAKAPILA ang lahat ng taong pasakay ng bangka, at habang nasa pila sila ay napapansin niya ang isang lalaki na panay ang tingin sa pwesto nila. Hindi naman niya matiyak kung si Birang ba, si Lance, o siya ang tinitingnan nito dahil nakasuot ito ng kakaibang gamit sa mata na kulay itim na hindi niya alam kung ano ang tawag. Agad na naupo sila ng makasakay, at katulad ng madalas gawin ni Birang ay naghanap ito ng pwesto kung saan may natipuhan itong binata. Tumingin siya sa lalaking umupo sa tabi niya, ito ang lalaki na tingin ng tingin sa pwesto nila kanina. Sa palagay niya ay nasa singkwenta mahigit na ang edad nito, may katabaan, at mahaba ang baba. May dala rin itong bag na hindi kalakihan.Hinarang ni Lance ang dala nilang bag sa kanyang tabi para hindi makadikit sa kanya ang lalaki. Nang tumingin siya kay Lance ay nakita n'yang nakasimangot ito.Nilapit ni Lance ang bibig sa tenga niya at saka bumulong. "Mas gwapo ako d'yan, kaya ako lang dapat ang tingnan mo."Mahina si
Read more
39. Maynila
[Letlet]LITERAL na nakanganga sila ni Birang habang nakatingin sa mga bagay na umaandar sa kanilang harapan. May mahaba, may maliit, may mga tama lang ang laki, at ang mas nakakabilib ay merong mga sakay na tao ang mga ito! "Bus ang tawag sa isang 'yon." Tinuro ni Lance ang isang mahabang bagay na umaandar na nasa unahan. "Iyon ay kotse, ang isang 'iyon naman ay van." Marami pang itinurong mga bagay ang binata. "Ang tawag sa mga 'yan ay sasakyan. Ginagamit 'yan ng mga tao para mapadali ang pagpunta nila sa iba't ibang lugar." Ang daming pinaliwanag ni Lance sa kanila—pero wala roon ang atensyon nila ni Birang. Paano ay ubo sila ng ubo dahil sa mabahong at makapal na usok na nanggagaling sa ilang sasakyan.Hinimas ni Lance ang likuran niya. "Masasanay ka din dito, sweetheart. Iba talaga ang hangin dito kumpara sa Isla. Kung doon ay presko, dito naman ay hindi. Kapag tumagal ka rito ay marami ka pang malalaman na pinagkaiba nito sa Isla."Tama si Lance. Ang hangin dito sa Maynila ay m
Read more
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status