Share

Kapitulo 1

AUSTIN was chugging down his bottle of beer while silently watching his friends, they are chaotic and filling every corner of the room with laughter.

It's been 13 years since he was left alone, Austin is still holding on to his beloved parents.

Sa loob ng labing-tatlong taon hindi niya pa rin alam kung buhay pa ba sila at kung anong nangyari sa mga magulang niya, he doesn't want to jump into conclusions but he's still praying for his parents.

Napapikit siya nang may pumasok na namang alaala sa kaniya nang mailapag niya ang ubos na bote ng beer. 

"AUSTIN, honey, you're almost 14. Are you ready? To face reality?" his mother asked, has worry written on her face.

He smiled to assure his mother. "You raised me to be always ready, Mama, I am born ready." He glanced at his father that has a glimpse of hope on his face.

"Anak, sorry we dragged you into this but I'm confident that you'll be a great fighter even if times go worst you will surely can handle it." Ginulo nito ang buhok ng anak. "We're proud of how you'd become and I guess this is the last time we'll hang out as a family after this magiging abala na tayo sa susunod na araw."

Natahimik ang kapaligiran nila, tila may anghel na dumaan, yakap-yakap ng ama niya ang kaniyang ina habang nakaakbay ang ama sa kaniya, masaya sila kahit na ganito ang buhay nila.

Magkakasama pa rin naman sila at nasa tabi lang ng isa't isa wala nang ikababahala pa si Austin dahil nandiyan naman ang mama at papa niyang umaalalay sa kaniya.

"Who wants curry udon? Susulitin ko na itong pag-aasikaso sainyo sa susunod na araw 'di ko na magagawa ito," mahina ang pagkakabigkas nito sa huli, malungkot na isiping hindi niya na muli itong magagawa sa pamilya sa mga susunod na araw. 

Nagkatinginan si Austin at ang kaniyang ama na may malungkot na tingin, kapagkuwan ay binalik rin ang ngiti sa ina at sabay na sumigaw. 

"I want!" iwinagayway pa ni Austin ang kamay sa ina.

"We missed this, darling. Of course, we do!" There was tenderness in his father's voice.

Ihinatid nila ng tingin ang kaniyang ina papasok sa kusina. Nagkatinginan muli sila ng kaniyang ama, may sumilay na ngiti sa kanilang mga labi.

Sinundan ng ama niya ang kaniyang ina habang tumakbo naman paakyat ng kwarto niya si Austin para kunin ang kaniyang camera na nagmula sa magulang niya noong huling kaarawan niya.

Nilibot niya ang kaniyang kwarto, hindi niya maiwasang mapangiti ng mapait. Ito na ang huling araw na masisilayan ang nakagawiang kwarto dahil sa SJ na siya maninirahan para simulan na ang kaniyang pagsasanay kasama ang ibang kasabayan niya.

Pinasadahan muna niya ang bawat parte ng kwarto niya bago bumaba at dahan-dahang naglakad habang nakatingin sa mga litrato na nakadikit sa pader, mga litrato nila iyon ng kaniyang magulang. Napapangiti siya habang tinititigan iyon.

Una niyang tinignan ang isang hugis bilog na frame kung saan nandoon silang tatlo at bagong panganak pa lamang dito si Austin

Ang sumunod na litrato ay silang tatlo pa rin. Siya ay nakasuot ng academic dress, elementary graduation niya ang ganap sa litratong iyon. 

Habang ang nasa ibaba nito ay ang magkakatabi na larawan ng ama niya, isa rin sa kaniya bago litrato naman ng kaniyang ina.

Kinunan niya ng litrato ang bawat sulok ng kanilang cottage-inspired na bahay, tumungo siya sa kusina at nahuli niya doon ang kaniyang magulang na masayang nagsasayaw kahit walang musika.

Austin sneered but at the same time, he chuckled as he stared at his parents who are happily living their lives to the fullest.

Austin quickly took shots of his parents and when they noticed him they quickly shared a smile at him.

Hinapit ng kaniyang ama sa bewang ang ina habang nakaakbay ang kaniyang ina sa balikat ng ama niya.

"Isa pa po mama, papa," ulit ni Austin habang ini-aangat ang kaniyang hintuturo. "Ibang pose naman po." Sinunod rin naman siya ng kaniyang mga magulang.

His father bent down, he formed a rock n roll hand sign then he stuck his tongue out. His mother formed a peace sign pose while her left eye was closed, a wide smile was spread in her lips.

Matapos ang pagkuha niya ng litarto tinignan na niya ang kanilang larawan na may ngiti sa mga labi.

"You two look good," he blissfully commented.

His father playfully tsked, "That's why you're good looking too son." Lumakad papalapit sa kaniya ang ama para tignan rin ang litrato na kinunan niya. 

"Sit down. Ihahain ko na ang curry udon niyo." Austin and his father were still teasing each other after they sat down.

"Nakakatakot paglumaki ka na anak. Mukhang hahabulin ka ng mga babae katulad ko," puri nito habang kunwaring may luhang pinahid. "Paano na lang pagnakita nila ako? Edi mas magugustuhan nila ako?" 

Humagalpak sa tawa si Austin nang batukan ito ng kaniyang ina. 

"Doofus! Tanda-tanda mo na ang landi-landi pa rin ng budhi mo," his mother exclaimed while looking at his father strangely with disgust. 

"Darling! Don't look at me like that, parang ang sama ko namang tao." His father has this pain looked in his face as he turned his sight at his mother. 

His mother rolled her eyes at his father. Umupo na ito matapos ipaghain ang kanilang pagkain. Pinunasan ng ina niya ang kaniyang basang kamay bago nag-aya nang magdasal. 

Hindi pa man bumubukas ang mga mata nila may narinig silang ingay na nagmumula sa labas. 

Hindi na nila nagawang tapusin ang kanilang dasal at minabuting maging alerto. Mabilis na kinuha ng ama niya ang laptop nito habang mabilis na nagtitipa.

Narinig niyang nagmura ang ama niya. "How come they tracked us down?" May tinawagan ang ama niya sa telepono nito. "Horatio, they knew we're here..."

Napabaling siya sa ina niya nang may inabot ito sa kaniyang baril.

Napangiwi siya. "Mama, I would rather use rapier than this lame gun."

"Don't complain, you'll only make it bloody." Wala na siyang nagawa pa at hinawakan na lang niya iyon, hinanda na niya ang sarili.

Their house is heavily secured, they made it like that since unexpected things can happen. This is one of the days that they'll need this bulletproof house. 

Napalingon silang tatlo sa pinanggalingan ng ingay, dinig nila ang mga paang maingat na naglalakad palapit sa kinaroroonan nila.

"These men are dangerous we can't fight them easily," his father whispered, "Falco, they got in." Tumayo ang ama niya at nag-ayang tumakbo sa kanilang secret passage. "Let's move, now."

Sinukbit ni Austin ang camera niya saka sila walang ingay na tumakbo. "Darling, they're blocking us. They know where we are going. Inaabangan nila tayo sa labas." Napasabunot sa buhok ang kaniyang ama sa tinuran ng ina niya.

Pati si Austin ay nababahala sa nangyayari, hindi nila inaasahan na sa mismong araw na ito sila aatake. Alam naman niya kung gaano kahigpit ang seguridad nila kaya paanong natagpuan sila ng mga ito? 

Nandoon lamang sila sa gitna ng tunnel, parehas ang mga magulang niya na may kinakausap hanggang sa may sumabog hindi kalayuan sa kanilang kinatatayuan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status