Share

Kapitulo 2

AUSTIN'S body was shaking when his attention swift into Larkspur who has a worried expression on his face. "You're spacing out, dingleberry," Larkspur spoke with a gruff.

He knew that he's drunk but he can still think clearly.

He didn't look up at Larkspur who's now sitting beside him, he is patting his back.

"You know dingleberry? It's okay to be sad and all but you have to accept it. Huwag kang makulong sa nakaraan," ani Larkspur, hinahagod nito ang likod ni Austin na ngayon ay nakatungo at sapo ang noo.

"I can't..." Larkspur just listened and stayed by his side. "I didn't even had a chance to say how much I love them, kung sana alam ko lang. Kung alam ko lang."

Ramdam ni Larkspur ang bawat pait at sakit na nadarama ni Austin. Wala talaga siyang magagawa para dito kundi pagaanin ang loob nito at huwag itong iwan.

He hates seeing his best friend like this, he wants him to keep looking forward but the thought of his parents impacted his life. 

Hinahanap-hanap pa rin nito ang nawawalang magulang kahit na lumipas na ang dekada. 

They went silent, hindi man umiyak si Austin ramdam naman ni Larkspur ang bawat paghinga nito na tila nahihirapang huminga.

Minutes later, Efron popped out of nowhere to tell them to get ready.

Inangat na ni Austin ang ulo bago tumayo para kunin ang rapier niya. Napatingala siya sa wall clock, nakita niyang alas dos na ng madaling araw.

Napabuga si Austin ng hininga, lumabas na sila ng bahay nila Lysandros kung saan naganap ang inuman nila na kakasimula pa lamang.

Sumakay sila Austin, Lawrence, Divine, Larkspur, Efron, Lysandros, Lennon, Lazzini at Anthony sa kanilang battle aircraft.

Unti-unti nang umaangat paitaas ang sinasakyan nila kasabay ng unti-unting pagbukas ng gawa-gawa lang na kalangitan.

Doon sila lumabas, sumalubong sa kanila ang tunnel na transparent kung saan makikita ang mga isda na nakapaligid sa ilalim ng dagat. 

Tinutukan na nila ang kaniya-kaniyang kagamitan. Malapit na sila sa isang tagong lugar na kinalalagyan ng Triumvir at iyon ay nasa kailaliman pa ng lupa.

Austin pressed his back on his seat. They've finally found their other nest. They can now save those innocent people who are suffering from that evil in nature.

Mapapanatag na muli ang kanilang kalooban dahil may matutulungan muli silang mga tao. Hindi man nila mailigtas lahat ng madalian hindi pa rin sila titigil hanggat may nangyayaring ganito sa mundo.

"Device check. Can you clearly hear me?" salita ni Larkspur sa mikropono niya, mabilis itong nagtitipa sa kaniyang laptop.

"Yes, dingleberry." They answered in chorus.

"Ready for take-off in three...two..." lahat silang pito ay naghanda para bumaba. "One..." pagtatapos ni Lysandros.

Sabay-sabay silang bumagsak sa ere, nang malapit na sila sa lupa saka nila hinila ang tali na nakakonekta sa bag nila para bumukas ang kanilang pakpak. 

Matapos makababa inanunsiyo nilang nakalapag sila ng maayos, walang ingay na silang kumilos matapos.

"There's a tree on your side, Ant, pull down the branch that tree will open," Lysandros denoted.

Nang mabuksan na ito pumasok na sila sa pintuan na gawa sa puno, tumambad sa kanila ang isang tubo na maghahatid sa kanila papasok sa testing ground ng Triumvir.

"There are around thirty persons when you got in. Please make it faster," paalala ni Larkspur.

"L, Cleo, and Aust go downstairs immediately bawat pinto na makikita niyo nasa loob ang mga babae at lalake. Div and Renzo sundan niyo sila and go to their office, find any useful information about this motherfuckass." Nagsitanguan sila sa sinabi ni Lysandros.

"Ant and Laz kindly kill those fuckhead who's blocking their way." Dagdag pa ni Larkspur.

Napapikit sa rindi si Austin nang marinig ang mahabang paghinga ni Larkspur at Lysandros sa kabilang linya. "Do you guys know how loud your breath is?" he tsked.

"Sorry, dingleberry, we can visibly see how these men do horrible things to those innocent involved here." Larkspur was aghast.

"Yea, so make it faster para ligtas na sila at malayo sa mga halang na bituka na mga ito. God, those poor children." Turan naman ni Lysandros, naiimahe niya ang itsura ngayon ng mga kaibigan.

Pagkatapos ng halos limang minutong pagbaba nila, may umatake sa kanilang nasa trentang tao na ipinasakamay kila Anthony at Lazzini.

Bumaba na silang tatlo ng hagdan habang nasa likod nila si Lawrence at Divine na lumiko na sa kanan. 

Nagpatuloy silang tatlo hanggang sa mapunta na sila sa dulo ng lugar na iyon, may tatlong mga pinto na nakapalibot.

Madilim sa parteng ito. 

Inaasahan nang hindi kalakihan ang espasyo nito, kung tutuusin ay parang isiniksik lang naman ang mga nakapaloob dito na naging dahilan ng amoy kulob at iba pang naghahalong amoy dito. 

"Renzo, Div punta na kayo sa taas nandoon ang mga bata. May sampong armadong tao doon be careful," dinig niyang sabi ni Lysandros.

Bumalik ang atensiyon niya sa mga kaibigan. "I'll take west." Pumunta pakanluran si Lennon.

Tinuro naman ni Efron ang kanang pinto. "I'll go there goodluck, dingleberry." Saka tumungo sa kanan. 

Siya naman ay tumakbo sa gitna ng tatlong pintuan at kahit nakakandado ang metal na pintuan ay walang hirap niya pa ring nabuksan ito.

As the door screeched open his eyes darkened at the sight he saw.

Napatigil ang nasa dalawampung kalalakihan sa ginagawa nang matunugan siya ng mga ito.

Austin didn't hold back his anger. He attacked the men fearlessly, he doesn't care even if he broke their bones.

"Aust, please don't use your sword." Sita sa kaniya ni Larkspur nang hinugot na niya ang rapier niya sa hip holster niya.

"Their blood will scatter everywhere, dingleberry!" Nabingi na lang si Austin sa mga sinasabi ng mga kaibigan niya. 

Matapos ang ilang lalaki na dumanak ng dugo tinapos niya na at inatake ang natitirang sampo sa kwartong iyon.

He was gracefully slicing the men to death, he didn't mind even if blood splashed on his face and body and when he finished the last man Larkspur announced that the mission has ended successfully.

He heard that Larkspur clicked his tongue. "Aust, please hold back your anger." Panenermon ng kaibigan na isinawalang bahala lang niya. 

Malalim na huminga si Austin bago niya nakita ang mga abolisher nila na naglilinis habang ang iba naman ay iginigiya ang mga biktima palabas at ipinadala sa ospital ni Helios para tignan ang mga komplikasyon ng mga biktima.

"Lazzini, get ready to melt the place down." Dinig niyang sabi ni Lysandros.

May nakapukaw ng pansin ni Austin nang may makita siyang babae na wala nang damit na tumatakip sa katawan nito, luminga siya, abala pa ang mga tao sa pag-asikaso sa iba.

Binalik niya ang tingin dito, kita niya ang panginginig ng buong katawan nito sa lapag kahit pa wala itong malay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status