Share

CHAPTER 2

“Talaga? Saan?” Kung nakita ko man siya ay hinding-hindi ko na siya makakalimutan. Sa gwapo ba naman niya e. “Hindi na nakapagtataka. Madalas ako sa kalsada e,” dugtong ko.

“Masarap kang kausap, in fairness.”

Kilig na naman ang lola niyo! Napapakagat ako ng labi para pigilan ang pagtili. Grabe, ang babaeng taga kalsada ay nakasama at n*******n itong mala-anghel na milyonaryo! Ang bango-bango pa!

“We better go,” aya niya at bigla niyang hinubad ang coat niya na hanggang hita niya. “Having sex with a virgin lady like you doesn’t deserve this place. Sa bahay ko na lang. Marami rin tayong pag-uusapan,” aya niya at hinila ako para ipasuot ang coat niya. “Wear that and put the buttons so that no one can see your body,” utos niya pa. “Ako lang dapat.”

Ene be?! Sampalin niyo nga ako! Parang nananaginip ako sa nangyayari! Ang gwapong lalaki na ito ay napakagentleman! Jusko kahit na mag-sex kami okay lang!

Hala ka, Sabrina! Hindi ka naman malandi ng ganyan pero bakit ganito ka kung mag-isip pagdating sa lalaking ito?

“Let’s go,” lalong nakaramdam ng kiliti ang tiyan ko nang hapitin niya ako sa baywang ko papalabas ng kwarto. Mas lalong umingay ang buong club kumpara kanina. May mga lalaki kaming nadaanan tapos kinikindatan ako at dinidilaan pa ang pang-ibabang labi nila. Napabusangot ako at napairap dahil sa ginagawa nila.

“Neil, tapos ka na?” nilapitan kami ng isa sa mga VIP habang may kasa-kasamang babae, dalawang babae ang inaakbayan niya. “Where are you going? Mag-i-stay kami hanggang 3 AM dito.”

“Yeah. Mauuna na kami. Ingat sa pag-uwi,” paalam niya at hinila na ako pababa ng hagdan. Muntikan pa akong nasubsob pero naging alerto ang kamay niya at sinalo ako. Napatitig ako sa mga mata niyang napakanatural ang expression.

“Sabrina!” umalingawngaw ang sigaw ni Teresita na medyo punit-punit na ang suot niya. May mga chikinini din siya sa leeg. Jusko po, hindi ko maimagine ang sarili kong binibigyan ako ng mga lalaki ng ganyan. “Wow, mukhang nabingwit ni Pogi. Good luck huh! Mr. Neil, ingatan mo ‘yang kaibigan ko, huh?”

“Uy, anong sinasabi mo?” bulyaw ko at pinalo siya sa balikat niya. Bumitaw si Neil—wow, close? Maka-Neil? Pero iyon ang tinawag n’ong kaibigan niya e. Lumayo ng kaunti si Neil sa amin para makapag-usap kami. Ang gentleman talaga! Nakakaiyak naman ang inaasta niya! Akala ko talaga ay saksakan ng sungit!

“Beh, masarap ‘yan. Galingan mo, huh? Malakas mamigay ng tip ‘yan! At madalang lang siyang mangwarto ng babae. Pangatlo niya raw akong naikama e. Oh, ‘di ba? Swerte mo dai!” walang prenong kwento ni Teresita.

“Kinakabahan ako, Tere,” bulong ko.

“Girl, okay lang ‘yan! Fighting! Basta igiling mo lang, ikembot, ganun! Tapos subo mo, deep throat—”

“It’s getting late, let’s go,” biglang sabat ni Neil at hinapit muli ako sa baywang na nagpatili kay Teresita. Nako! Kinahihiya ko na talaga siya ngayon.

Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas kami sa club. Dumako kami sa nakahilerang sasakyan sa may parking lot. Umilaw naman ang napaka-kintab at napakagandang sasakyan na kulay itim.

Binuksan niya ang kabilang pinto at hinatak ako para papasukin. Nahihiya pa akong umupo dahil mukhang mamahalin ang kotse niya.

“Ah!” pagtili ko nang ilapat niya ang sarili niya sa mukha ko.

“Relax, I will just buckle up your seatbelt,” natatawang sagot niya at inayos ang seatbelt ko. Pinanood ko siyang umikot pasakay sa driver’s seat. “Let’s discuss later why I bring you with me.”

“O-Okay,” nauutal na sagot ko at iginitna ang mga kamay ko sa pagitan ng mga hita ko.

“What is your full name again?” tanong niya sa kalagitnaan ng biyahe. Napapakagat ako ng labi ko doon sa adam’s apple niya.

“Sabrina Legaspi. Galing lang ‘yang apilido sa taong unang nagpalaki sa akin,” sagot ko. At least pinabinyag ako kahit papaano. Masaya na ako roon dahil tao pa rin ako kung titingnan.

“So, may nakasama ka na pala? Where are they? Why are they not helping you or giving you shelter?” makasunod niyang tanong.

“Malupit sila sa akin kaya lumayas ako. Si Teresita ay tinutulungan niya ako paminsan-minsan kapag may sobra siyang pera. Muntikan na nga akong gahasahin n’ong anak n’ong kumupkop sa akin,” may masakit na alaala ako bigla na nakita sa likod ng isip ko.

“You’re lucky that you put yourself away from them. That guy, he is a bullshit and coward. Hindi niya ba naisip na babae din ang nanay niya para gawin ‘yon sa ‘yo? He is a kind of shit that needs to be erase in the world.” Natahimik ako sa kanyang sinabi. Parang nagkaroon ako bigla ng kakampi doon sa sinabi niya. Actually same sila reaction ni Teresita at pinagmumura niya rin ‘yong si Joe.

“Ikaw, anong buong pangalan mo?” tanong ko pabalik at umangat ng bahagya para magfocus sa mukha niya. Siya ay nasa daan lang ang tingin.

“Zachne Arneil Gomez,” habang binabanggit niya ang pangalan niya ay isinasabay ko ang labi ko sa pagbigkas. Ang cool ng name.

“Neil tawag nila sa ‘yo, ‘di ba?” pagkaklaro ko.

“Yes, but you can call me whatever you want, basta pangalan ko. I don’t usually prefer some call signs. Gusto ko ako lang ang tatawag ng baby, honey, o kahit ano pa, pero huwag nilang gawin sa akin. Feeling ko ang baduy kapag sa akin sinasabi,” natatawang kwento niya na nagpangiti sa akin.

“Ahhh,” pagtango ko at napahawak sa seatbelt.

“This is my house,” aniya sa isang mansyon na dalawang palapag. Napahanga ako sa laki nito at ganda ng pintura.

“Ikaw lang mag-isa?” tanong ko at dumungaw sa bintana.

“Nah. Five maids. Tatlong tagalinis at dalawa ang tagaluto. Ang tagaluto ko ay matanda na, nasa may singkwenta na. They are like mothers to me, and they are important. I don’t wanna lose them, ever since I am still a kid, they are with me. Sila ang nagturo sa akin kung paano maging tamad,” kwento niya. Napatitig ako nang tumawa siya ng mahina. Hala, ang cute niya!

“Halata nga pong hindi ka marunong maghugas man lang ng plato,” biro ko.

“Oh, yeah, I don’t know how,” pag-amin niya. Akala ko ay mapipikon siya. “Baba na,” utos niya at nauna nang bumaba. Dahan-dahan kong tinanggal ang seatbelt ko at bumaba na rin. “Just follow me,” utos niyang muli at nauunang maglakad sa akin. Hindi ko mapigilan ang ilibot ang paningin ko sa buong lugar. Dati pangarap ko ang ganito!

“Zach, anak, kumain ka na?” bungad ng babaeng may edad na. Isa siya siguro sa sinasabi niyang tagaluto.

“Yes, I do. Anyway, this is Sabrina, my new guest. Don’t tell my parents about her or else they will scold me. Ayaw mo naman po akong matadtad ng sermon, ‘di ba?” hinawakan ni Neil ang balikat n’ong matanda at hinaplos ito. “You don’t want your baby boy to be scolded, right?” pang-uuto niya pa. Baby boy daw!

Marupok na tumango ang matanda at natatawang kinurot ang mukha ni Neil. “Oo naman. Eh ‘yang kasama mo, kumain na?” baling niya sa akin.

“Mabubusog naman siya mamaya,” sagot ni Neil at ngumisi. Hala?! Anong ibig niyang sabihin? “Basta keep quiet about this, Manang Yrna or else my parents will punish me.”

“Oo nga, ‘nak. Kailangan pa kita pinahamak, Diyos ko sa ‘yo. Kahit na ang dami mo nang ginawa wala man lang akong isinumbong ni isa. Maglalock na ba ako?” huling tanong ni Manang Yrna na ikinatango ni Neil. Hinatak niya ako pataas sa hagdan. Nadaanan namin ang isang babae na hindi naman nalalayo sa edad ko.

“Sir, kumain na po ba kayo?” tanong niya. Tinaasan niya ako ng kilay. Mukhang m*****a.

“Yes. Anyway, you can go to your room now. Have a nice night, Chelle.”

Hindi ko na pinansin ang paraan ng tingin n’ong Chelle at nagpahatak kay Neil. Pumasok kami sa isang kwarto na may malaking espasyo at kama. Napakalinis, mabango at malamig.

“Ang ganda—AH!” Napatili ako nang itulak niya ako bigla sa malaki niyang kama at napakalambot pa.

Unti-unti siyang lumalapit sa akin habang nakahawak sa buckle ng belt niya. Napapalunok ako habang ipinapatong ang dalawang siko ko sa kama para suportahan ang sarili ko.

“Are you still nervous?” tanong niya dinambahan ako. Napahiga ako ulit ng tuluyan sa kama niya at ikinulong ako sa mga bisig niya.

“M-Medyo na lang. N-Nahihiya ako,” pag-amin ko at ipinatong ang mga palad ko sa matitigas niyang dibdib.

“Let me teach you how to kiss, then.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status