Share

CHAPTER 23

Nadatnan ko si Neil sa kwarto niya nang makapasok ako rito. Dumadagundon ang tibok ng puso ko dahil sa nerbyos. Sampong minuto akong humahagulgol sa sala kanina at nang mapagtanto kong wala akong kasama ay umakyat ako sa kwarto ni Neil para ayusin na ang mga gamit ko.

Nagmukha akong tanga sa sala. Nagmukha akong basang sisiw. Nagmukha akong talunan.

Nakatalikod siya mula sa pinto at alam kong alam niyang pumasok ako. Pauram-uram ang mga mata ko habang nilalapitan siya ng dahan-dahan. Kabado ako pero kailangan ko siyang kausapin. Kailangan kong linawin ang tungkol sa amin. Kailangan kong malaman kung bakit ang dali-dali lang sa kanyang sabihin ang tungkol sa mga kasinungalingan niya.

“Neil?” tawag ko. Naglakad pa ako sa harap niya. Nakatingin siya sa sahig. Pinaglalaruan niya ang kanyang relo.

Lumuhod ako at hinawakan ang magkabila niyang tuhod. Tumingala ako para tingnan ang kanyang mga mata pero hindi ko ito masyadong makita dahil nga nakayuko siya.

“Neil, alam ko na hindi ka nagsis
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status