Chapter 2

Nag-aasaran sina Tobias at Thaddeus na parang bata sa hapag-kainan, samantalang si Talia naman ay panay ang irap kay Daniel dahil sa ibinibigay nitong malalagkit na tingin sa kanya, kumikindat pa ito sa kanya.

"Puwede ba Daniel Ambrosio! Tumigil ka!" Asik ni Talia sa dating asawa, ngumisi lamang ito, napatigil naman sina Tobias at Thaddeus at ngayon ay napatingin na sa dalawa.

"What? Masama bang titigan ang asawa ko? 5 years din tayong hindi nagkita in person, Talia. Wala ka pa ring pinabago."

"Correction,i am now your ex wife Daniel! And stop flirting with me dahil wala ng nararamdaman ang puson ko!" Asik ni Talia, sabay pa silang tatlo na nagtawanan kaya mas lalong umirap si Talia sa mga ito.

"Mom, relax. Hindi ka na nasanay kay daddy eh, alam mo namang napaka joker niya." Sabi ni Thaddeus sa naiinis na ina.

"Whatever Thaddeus Ambrosio! Magsama kayo ng ama mo! Anyway, busog na ako, mauna na akong magpahinga sa inyo."

Pagdadahilan ni Talia pero ang totoo niyan hindi niya matagalan ang presensya ni Daniel dahil hanggang ngayon ay tumatalon pa rin ang puso niya sa titig nito, nakakaramdam pa rin siya ng libog sa katawan, for goodness sake!

Nagmamadali na siyang umalis at iniwan na ang tatlong lalaki sa mesa. Umakyat na siya sa taas at nagtungo sa guest room. Na miss niya rin ang bahay na ito. Hindi niya alam kung bakit napunta sa ganitong sitwasyon ang relasyon nila ni Daniel, kung tutuusin ay masaya naman sila pero ganoon siguro walang perpektong pamilya.

Samantala seryoso ng kausap ni Daniel ang anak sa sala, kasama si Tobias ang pamangkin niya, actually anak ito ng pinsan niya at siya na rin ang nag-paaral nito hanggang sa makapagtapos ito ng college.

"Dad, bakit pa kasi kailangan ko pang puntahan? Hindi ba puwedeng ikaw nalang? " Reklamo ni Thaddeus sa ama.

"Son, may business trip ako this week saka importante iyon hindi puwedeng ipagpaliban. Si Tobias naman ang kasama mo." Sabi ni Daniel, naiintindihan niya naman ang anak na ayaw na nitong makialam pa sa pinamana ng lola nito sa kanya, bukod sa ayaw pa nitong pumunta ng Legazpi Albay dahil sobrang layo.

Pero kailangan talaga asikasuhin nila iyon, sayang din saka malaki ang Mansyon na iyon. Gusto niya lang naman na ipakita ito kay Thaddeus baka sakaling magbago ang isip nito at maisipang gawin nalang na rest house instead na ibenta.

"Huwag kang mag alala Thad, magugustuhan mo ang lugar na iyon, ipapasyal kita sa Mayon Volcano." Nakangising sabi ni Tobias kay Thaddeus, binigyan lang ito ng masamang tingin ni Thaddeus.

"Have you been there?" Tanong ni Thaddeus kay Tobias.

"Where? Sa Belle Veu Manor? Nope, hindi pa ako nakapunta roon." Sagot ni Tobias, umiiling pa ito.

"Agahan niyo ang alis bukas, may driver naman kayo kaya hindi kayo mahihirapan sa pagda-drive. Mag ayos na rin kayo ng mga gamit ngayon, mananatili kayo roon ng isang linggo hanggang sa maiayos ang lahat. And don't worry, may mga care taker kayong maabutan doon."

Mahabang sabi ni Daniel saka tumayo na ito at nagpaalam sa dalawa, mauuna na daw siyang magpahinga sa mga ito.

"Mag ayos ka na ng mga gamit,Thad. Ako rin mag aayos na, inaantok na rin ako bukas na tayo magchikahan." Nakangising sabi ni Tobias.

"Kunwari ka lang, makikipag phone sex ka lang kay Tracy." Pambabara ni Thaddeus sa kanya na ikinatawa nito ng malakas.

"Wow! Grabeng resources na iyan Thad, pati ba naman iyon alam mo?"

"Ewan ko sayo Toby boy, magpapahinga na rin ako." Nakakalokong ngumiti si Thaddeus rito, nakasimangot na kasi si Tobias.

Kinabukasan maagang gumayak sina Tobias at Thaddeus, nagmessage nalang siya sa mommy niya na hindi na siya nito maabutan pag gising.

Isang back pack at maliit na maleta ang dala niya, nakasukbit din sa leeg niya ang Canon DSLR camera niya. Habang si Tobias naman ay isang back pack at maliit na maleta rin ang dala. Naka leave daw ito sa work kaya okay lang na samahan siya.

"Wow, nice camera." Pansin agad ni Tobias sa camera ni Thaddeus. Ngumiti lang ang huli sa sinabi ni Tobias.

"Let's go." Tinatamad na sabi ni Thaddeus, inaantok pa kasi siya pero kailangan talaga nilang gumayak ng maaga baka maabutan pa sila ng traffic.

Nasa kalagitnaan na sila ng biyahe, panay ang kuha ng mga litrato ni Thaddeus sa mga nadadaanan nilang magagandang tanawin, nasa labas na sila ng Maynila, hindi niya alam kung saang lugar na sila. Samantalang si Tobias naman ay ang lakad ng hilik, natutulog katabi niya.Pareho silang dalawa nasa pasenger's  seat.

Thaddeus done his researched, he  know that Legazpi City is located in the province of Albay in the Bicol Region kaya mahilo hilo sila sa biyahe dahil sa sobrang layo and after five long hours ay nakarating na rin sila sa Legazpi City, kung hindi pa mabilis at derederetso ang biyahe nila ay malamang na mahabang oras pa ang itatagal nila sa biyahe.

May flight naman from Manila to Legazpi kaso mas gusto ni Thaddeus at Tobias na mag-land transportation nalang sila para mas ma enjoy nila ang view pero at the end tinulugan lang siya ni Tobias.

" Grabe nakakapagod ang biyahe." Narinig ni Thaddeus na usal ni Tobias ng magising ito, nag stop over muna sila sa isang Jollibee rito sa City ng Legazpi, pinakain na rin nila si Mang Carding ang driver nila ngayon.

"Natulog ka nga lang tapos napagod ka?" Sita ni Thaddeus sa pinsan, natawa tuloy si Mang Carding na ngayon ay panay ang subo ng spaghetti.

"Huwag ka nga riyan Thad, if i know natulog ka rin." Ganti sa kanya ni Tobias, hindi na nagkomento pa si Thaddeus sa sinabi ni Tobias dahil na busy siya sa kakalikot sa camera niya, inaayos niya ang lens at tinitingnan ang mga nakuha niyang larawan habang nasa biyahe sila.

"Hindi ba blurred ang mga nakuha mong larawan sir Thaddeus?" Si Mang Carding.

"Naku hindi iyan Mang Carding, alam mo bang professional photographer iyan? Puro mga celebrity ang mga customers niyan." Pagmamalaking sagot ni Tobias kay Mang Carding.

"Ay talaga ba sir? Naku makapa picture nga saiyo kapag namasyal tayo rito." Tuwang sabi ni Mang Carding.

"Oo siya ang gawin nating photographer tapos tayo ang mga turista." Tumatawang sabi ni Tobias kay Mang Carding, nakitawa na rin ito. Napapailing nalang si Thaddeus.

"Sa van na ako maghihintay sa inyo." Mayamaya'y saad ni Thaddeus sa kanila, may titingnan lang siya sa back pack niya if nadala niya ba ang isa niyang lens sa camera. Tumango naman sina Tobias at Mang Carding kaya nauna na siyang umalis sa dalawa.

Agad ng nagtungo sa van si Thaddeus, papasok na siya ng may makita siyang isang matandang taong grasa, namamalimos ito sa mga nakakasalubong na tao o mga driver sa sasakyan.

Hanggang sa mapadako ang tingin nito sa kanya, bigla siyang kinilabutan dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kanya na para bang gusto siyang kainin. Napalunok laway tuloy siya.

Hindi naman siya matatakutin pero iba talaga ang ibinibigay na takot sa kanya ng matandang ito kaya binilisan niya ang ikot ng susi sa susian ng pintuan ng sasakyan pero parang sinasadya yata dahil isang kisap mata niya lang nasa harapan na niya ang matandang babae, ang dumi nito at ang gulo ng buhok na para bang nilagyan ng gel dahil lahat ng hibla ay nakataas sa ere.

"Ikaw!" Sigaw nito kaya napapitlag si Thaddeus sa kinatatayuan, bahagya siyang napaurong.

"Ako?" Takang tanong ni Thaddeus sa sarili, dumukot na rin siya ng pera sa bulsa ng pantalon niya para ibigay sa matanda at ng makaalis na ito, kinakabahan kasi siya rito.

"Ito po pera..." Nagdadalawang isip na iniabot ni Thaddeus ang isandaang peso sa matanda, ng makita nito ang malaking perang iniabot ni Thaddeus ay agad itong kinuha, ngumisi pa ito. Napapailing si Thaddeus, siguro natuwa ito sa 100 pesos na binigay niya.

Papasok na sa loob si Thaddeus ng muling magsalita ang matanda kaya napahinto siya at muli niya itong nilingon.

"Nandito ka ba para sa kanya?" Tanong ng matanda, napakunot naman ang noo niya. Baliw pa yata ang matandang ito, sabi ni Thaddeus sa isipan. Hindi niya ito pinansin pero nagulat nalang siya sa ginawa nito dahil mahigpit na hinawakan nito ang palapulsuhan niya.

"Nandito ka nga para sa kanya, dininig na rin ang dasal ko para sa kanya, dumating ka para iligtas siya." Naluluhang sabi ng matanda kay Thaddeus, kinilabutan siya sa sinasabi nito kaya iwinaksi niya ang kamay nito na nakahawak sa kanya.

Tumatawa itong tinalikuran siya at masayang kumanta ng...

"Maria,Maria!"

Umiikot pa ang matanda at tuwang tuwa habang itinataas ang 100 pesos sa ere, tapos kinakanta ang pangalan na Maria.

"Baliw talaga..." Tanging naibulong ni Thaddeus sa sarili, tuluyan na siyang pumasok sa sasakyan at isinarado ang pinto pero napasigaw siya ng malakas ng muling bumukas ang pintuan ng sasakyan, nakahawak pa ang isa niyang kamay sa dibdib.

" 'tang ina!" Malakas na mura ni Thaddeus sa tumatawang si Tobias. Akala niya iyong baliw na matanda ang nagbukas ng pinto.

"Oh para kang naubusan ng dugo ah, putlang putla ka." Tumatawang sabi ni Tobias saka sumakay na ito at muling isinara ang pintuan.

"Ano bang nangyari sayo? Namumutla ka, para kang nakakita ng multo." Muling saad nito kay Thaddeus.

"Wala, huwag ka ng magtanong. Umalis na nga tayo, ilang oras ba ang biyahe papuntang Belle Veu Manor?" Nakasimangot na tanong ni Thaddeus, nawala na talaga siya sa mood.

"Sabi ni Mang Carding, 1 hour ang 45 minutes yata, may tatlong bayan pa raw tayong madadaanan bago tayo makarating sa Legazpi Village kung saan ang Belle Veu Manor, hindi ba nakapunta ka na doon?"  Sabi ni Tobias sa nakasimangot na si Thaddeus.

"Masyado pa akong bata noon sa tingin mo matatandaan ko?" Iritableng sagot ni Thaddeus dito.

"Hey relax lang, bakit ba ganyan na ang mood mo? naku uso pa naman ang sapi rito sa lugar na ito baka nasapian ka na!"

Nahintatakutang sabi ni Tobias sa pinsan, lumayo pa ito kay Thaddeus at sinuri ang kabuuan nito. Inirapan lang ito ni Thaddeus, nawala talaga ang mood niya dahil sa matandang iyon, baliw nga dahil kung ano anong pinagsasabi.

"Aaaahhh! 'tang ina!"

Sabay na palatak nina Thaddeus at Tobias, nagkayakapan pa ang dalawa dahil sa gulat ng biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan. Nanlalaki ang mga mata nilang napatingin sa taong nagbukas ng pintuan.

"Oh okay lang kayo?" Maang na tanong ni Mang Carding sa kanila.

"Nag cr pa kasi ako, tara na." Sabi ulit ni Mang Carding ng makita niyang hindi gumagalaw ang dalawa, tanging tango lang ang sagot ng mga ito, muli niyang isinara ang pinto at nagtungo siya sa driver's seat.

"Shit talaga oh!" Palatak ni Tobias saka inilayo ang sarili kay Thaddeus.

"Ikaw talaga Thaddeus dinadamay mo ako riyan sa pagkamatatakutin mo!" Muling sabi ni Tobias, napapailing nalang si Thaddeus dahil kung tutuusin ito naman ang unang yumakap sa kanya.

"Manahimik ka nga riyan Toby! Sinisira mo ang mood ko eh!" Nakasimangot na sabi ni Thaddeus sa pinsan. Kinuha niya nalang ang sanitizer na nasa loob ng bag pack niya saka naglagay sa kamay at braso.

Nasa biyahe na sila ulit ng muling magsalita si Thaddeus.

"Mang Carding, ilang beses na kayong nakapunta sa Belle Veu Manor?" Tanong ni Thaddeus kay Mang Carding na busy sa pagmamaneho.

"Pangatlong beses ko na po ngayon sir."

"Doon din ba kayo nag e stay?" Tanong ni Tobias.

"Naku hindi po, feeling ko mapapadali ang buhay ko sa Mansyon na iyon. Nag e stay po ako sa pinsan ko na nandoon sa Village na iyon nakatira." Sagot nito sa kanila, napapailing pa ito, nagkatinginan naman sina Thaddeus at Tobias, tila nag uusap ang dalawa gamit ang mga mata.

"Bakit po? Natatakot ba kayo doon?" Si Thaddeus.

"Hindi ko alam Sir, siguro naninibago lang ako, masyado kasing malaki ang Mansyon na iyon saka kahit hindi naka aircon ang lamig sa loob, ewan ko ba. Kung hindi lang nakiusap si Sir Daniel sa akin, hindi na ako babalik doon." Seryosong sagot nito.

Muli na namang nagkatinginan sina Tobias at Thaddeus.

***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status