Share

Chapter 2

SA may sala, napagkasunduan ng bawat pamilya na mananatili sa Maynila ang batang si Maya kasama ni Marilyn. Doon ito titira sa bahay ng namayapang mag-asawa kasama ng bata, pumayag na din ang dalawang matanda. Ang usapan, kada pasko kukunin nila ang bata para doon mag diwang ng pasko sa probinsya, pumayag naman si Marilyn ang mahalaga nasa kanya ang kustodiya ng bata.

Hindi na nila pinag-usapan ang tungkol sa bahay ng mag-asawa dahil nakapangalan ito sa anak na si Maya, naisip din ng mag-asawang matanda na mas nakakabuti kung nasa Maynila ang bata para may maiwan na alala dito ng mga magulang.

      

"AALIS NA KAMI," paalam ng matandang babae.

"Dito na kayo mag palipas ng gabi," ani Marilyn sa mag-asawa. 

"Hindi na," tanggi ng matandang babae. "Kailangan namin makahabol sa last trip papuntang probinsya." Dugtong pa nito.

"Maaga pa naman wala pa alas sais ng gabi," segunda naman ng matandang lalake.

Tumayo na ang mag-asawa.

"Ipangako n'yo lang saamin na hindi ninyo pababayaan ang aming apo, mag papadala kami kada buwan para dagdag sa kanyang mga pangangailangan."

"Pinapangako ko po, hindi ko pababayaan si Maya," masayang sagot ni Marilyn, mabuti nalang at nakumbinsi din niya ang mag-asawa.

Tumayo na din si Marilyn at ang kanyang mga magulang, hinatid nila hanggang sa labas ng gate ang mag-asawa kung saan naroroon ang dalang sasakyan ng mga ito, nakatayo sa gilid ng kotse ang family driver ng mga ito na nakilala niyang si Mang Isko.

"Paano, alis na kami. Pakisabi nalang sa aking apo na umalis na kami,"

"Gusto n'yo ba na makita muna si Maya?" tanong ng dalaga sa mag-asawa.

 

"Hayaan na nalang natin siyang mag pahinga, malulungkot lang ako kapag nakita ko pa siya bago kami umalis." Anang matandang babae.

Naintindihan naman ito ni Marilyn, ramdam naman niya kung gaano kamahal ng mga ito ang apo.

"Balae, mag-iingat kayo sa biyahe," ani Aling Pacita ang ina ni Marilyn.

"Salamat balae, sige aalis na kami." Paalam nito. Inalalayan naman ng matandang lalaki ang asawa na makasakay ng kotse. Kumaway naman ito sa tatlong nakatayo sa labas ng gate.

Gumanti sila ng kaway, hatid tanaw nila ang papalayong sasakyan ng mag-asawa.

Nakahinga naman ng maluwang si Marilyn.

"Pasok na tayo sa loob nay," aya ng dalaga sa mga magulang.

Magkaakbay na pumasok sa loob ng bahay ang kanyang mga magulang habang nakasunod naman siya sa mga ito.

MULI silang bumalik sa sala.

"Paano anak, kami ng iyong ama ay babalik na din sa ating probinsya bukas." Ani Aling Pacing.

"Ang aga naman ata nay?" reklamo niya. Bihira na nga lang silang magkakasama tapus ngayon gusto na agad makabalik ng mga ito sa kanilang probinsya. "Hindi na ba ninyo hihintayin na maka forty days muna si ate?" nagtatampong sabi pa niya.

Nagkatinginan naman ang mag-asawa.

"Sige anak, dito na muna kami hanggang maka forty days ang ate mo." Anang kanyang ina. Nayakap naman ni Marilyn ang ina dahil sa tuwa.

"Bihira na nga lang tayo magkita at magkasama-" hindi niya natapus ang sasabihin ng bigla siyang pingutin ng mahina sa tenga ng kanyang ama.

"Pumayag na nga kami 'diba?" natatawang sabi ng kanyang ama at binitiwan na ang kanyang tenga.

"Nagtatampo lang," hirit niya pa.

Tuwing bagong taon lang kasi sila nagkakasama ng mga magulang dahil nagtatrabaho siya sa Maynila bilang isang online teaching, malaki naman ang sahod niya dahil mga tsikwa o chinese ang mga estudyante niya na gustong matuto ng lengguwahe na english. Hindi niya kasi puwedeng gawin iyon sa kanilang probinsya dahil mukhang naiwanan na ito ng makabagong teknolohiya.

"Magluluto na muna ako para sa hapunan natin," Ani Aling Pacing.

"Tulungan ko na kayo nay,"

"Ako na lang," presenta ng kanyang ama. "Samahan mo na lamang ang pamangkin mo sa kuwarto niya, ako na ang tutulong sa pagluluto sa iyong ina."

"Sige po itay," sagot niya hindi na siya nagpumilit kahit na nga gusto niyang tumulong sa ina, ito ang gusto niya sa mga magulang kahit na matatanda na hindi pa din nababawasan ang sweetness at pagmamahal ng mga ito sa bawat isa.

Sabay na tumayo ang tatlo, tumuloy ang mag asawa sa kusina habang si Marilyn naman binaybay ang hagdan papuntang kuwarto ng pamankin.

TULOG na ang kanyang pamangkin nang pasukin niya ang silid nito, ine-off ng dalaga ang tv. Nakangiting pinagmasdan niya ang maganda at maamong mukha ng pamangkin, kamukhang-kamukha talaga ni Maya ang kanyang ina.

"Pangako, mamahalin kita tulad ng pagmamahal ni Ate," bulong ni Marilyn sa hangin.

Inayos niya ang mga unan, binuhat niya ang bata at inayos ang paghiga nito. Tumabi siya ng higa sa pamangkin, maingat na hinihipo niya ang mahabang buhok nito.

"Haaaaaa..." Hikab ng dalaga, ipinikit niya ang mga mata hanggang sa makatulog ito.

Sa kusina abala sa paghahanda ng pagkain sa lamesa ang mag-asawa.

"Gisingin mo na ang mag tita para makakain na," utos ni Mang Alfonso sa kanyang may bahay.

"Oo, saglit lamang," sagot ni Aling Pacing habang inaayos ang mga plato. "O siya, maiwan na muna kita," paalam nito sa asawa, lumabas ng kusina ang ginang.

Naalimpungatan si Marilyn sa sunod-sunod na katok sa labas ng pintuan, agad na napaupo ang dalaga habang kinukusot ang mga mata.

"Anak, bumaba na kayo ni Maya, nakahanda na ang hapunan." Boses ng kanyang ina buhat sa labas ng kuwarto.

"Opo inay," sagot ni Marilyn. Narinig niya ang mga yabag ng ina na papalayo ng kuwarto. Ginising niya ang pamangkin.

"Maya, wake up!"

"Ung," ungol ng bata pero nanatiling nakapikit ang mga mata.

Muling niyugyog ni Marilyn ang balikat ng bata. "Maya, gising na kumain na muna tayo."

Nakita ng dalaga ang pagdilat ng mga mata ng bata na tila inaantok pa.

"Kain na muna ha, mamaya kana ulit matulog."

"Opo tita," malumanay nitong sagot, itinaas nito ang dalawang bisig tila naglalambing sa kanya na magpakarga.

Nangingiting inabot niya ang dalawang bisig ng pamankin at maingat na hinila para ito makaupo, nang nakaupo na ito agad naman niya itong kinarga.

"Kapit ng mahigpit kay tita," utos niya dito, sumunod naman ang bata. Naramdaman niya ang paghigpit ng yapos nito sa kanyang leeg.

Maingat naman na binaybay ni Marilyn ang hagdan ng ito ay bumaba. Naabutan niya ang mga magulang na nakaupo na sa mga silya at inaantay silang mag tita.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status