Share

Chapter 6

PAGKATAPOS mag meryenda nagpaalam si Marilyn sa mga magulang na may gagawin lang sa kanyang kuwarto, nagpaiwan naman si Maya sa sala kasama ng lola at lolo nito. Nanonood ang mga ito ng pambatang movie ang 'the little mermaid' request

ni Maya sa kanya bago siya umalis ng sala.

Pagkapasok niya sa kanyang kuwarto agad na binusisi niya ang kanyang laptop, nakadapa sa ibabaw ng kama ang dalaga habang tsine-tsek ang kanyang email. Madami siyang natanggap na emails na puro condolence ang laman ng mensahe. May natanggap din siyang mensahe na galing sa kanyang boss na agad niyang binasa, ayon sa kanyang nabasa isang buwan na ang ibinigay sa kanyang bakasyong ng kompanya with pay pa!

Sobrang natuwa siya sa nabasang mensahe galing sa kanyang boss kaya agad naman siyang nag reply dito.

Thank you so much Sir!' i
to lang ang tanging nasabi niya pero babawi siya pagkatapos ng isang buwang bakasyong binigay sa kanya. Ine-off niya ang kanyang laptop, tumiya siya ng higa at ipinikit ang mga mata.

Hinihila na si Marilyn ng antok ng gulatin siya nang mga yabag na pabalik-balik na tumatakbo sa loob ng kanyang kuwarto, napadilat ng mga mata ang dalaga at naupo sa ibabaw ng kama.

"Maya ikaw ba 'yan?" mula kasi sa gilid ng kanyang mga mata may nakita siyang parang anino ng bata na kasing laki ng pamangkin niya.

Hindi sumagot ang inaakala niyang si Maya, bigla ang lingon niya sa kanyang likuran. Wala siyang nakita ni anino ng pamangkin, nagtatakang inilibot ng dalaga ang paningin sa loob  ng kanyang kuwarto. Narinig na naman ng dalaga ang mga yabag.

"Ha!" gulat na singhap ni Marilyn ng may biglang kumalabog, mabilis na napalingon siya sa closet. Nakita pa ng dalaga ang biglang pagsara ng closet, pakiramdam niya sa oras na iyon nanindig ang mga balahibo niya sa buong katawan. Naisip niya na baka nagpaparamdam ang kanyang ate. Huminga siya ng malalim at maingat ang mga hakbang na nilapitan niya ang closet. Aktong bubuksan na niya ang closet nang bigla na naman itong bumukas ng malakas kaya tumilapon ng bahagya ang dalaga, paupong bumagsak siya sa sahig.

Hindi na nakita ni Marilyn ang isang batang babae na mabilis na lumabas ng closet.

"A-aray ko po,'' nakangiwing daing niya habang hinihimas ang sumasakit na balakang, dahan-dahan siyang tumayo at inusisa ang loob ng closet. Maayos naman ang loob ng closet maganda ang pagkakasalansan ng mga nakatuping damit, posible kayang malakas lang na hangin ang nagpabukas at nagsara ng closet niya?

Tinapunan ng dalaga nang tingin ang bintana, nakasara naman iyon papaanong may malakas na hangin ang makakapasok sa kanyang kuwarto?

Muling isinara ng dalaga ang closet.

Ate kung naandito ka man huwag mo naman akong takutin!

Para siyang temang na nagsasalita wala naman kausap. Kutob niya kasi na baka nagpaparamdam ang kanyang ate dahil ilang days pa lang naman itong naililibing.

Ate hindi namin pababayaan ang anak mo, pangako 'yan. Muling sabi niya sa kawalan umaasa na baka nga naroroon sa kuwarto ang kapatid, pero ni konting ingay wala siyang marinig, wala na din ang mga yabag na kanina lang ay naririnig niya.

Nag desisyon si Marilyn na lumabas na ng kuwarto, ang takot na naramdaman niya kanina ay napalitan ng pagka-mis niya sa kapatid, sana nga lang ay magpakita ito sa kanya at ng mayakap man lang niya ito kahit sandali. Biglaan kasi ang pagkamatay ng ate Esmie niya at ng asawa nito, hindi man lang sila nagkaroon ng bonding ng kapatid bago ito kunin ng may kapal.

Paglabas ng kuwarto ng dalaga agad na napansin nito ang manika ni Maya na nakaupo sa gilid ng pinto, kunot-noong nagtataka ang dalaga kung bakit naroroon ang manikang iyon. Inabot niya ang manika at pinagmasdan habang inaalala sa kanyang diwa kung hawak ba iyon ni Maya nang iwan niya ito sa sala kanina. Pero dahil hindi niya maalala binitbit niya na lang ang manika, pababa na siya nang hagdan ng matanaw niya ang mga magulang na parang inaalo ang bata, parang umiiyak ang kanyang pamangkin.

Bakit kaya?

Nag-aalalang mabilis na bumaba na ng hagdan si Marilyn para alamin kung ano ang nangyayari kay Maya, umiiyak ito na parang may hinahanap.

"Ano po ang nangyari?" humahangos na tanong ni Marilyn sa mga magulang."Bakit po umiiyak si Maya?" muling tanong ng dalaga na mabilis na nilapitan ang bata, hinawakan niya ang luhaang mukha ng pamangkin.

"Nasa saiyo pala ang manika," pansin ni Aling Pacing. "Kanina pa niya hinahanap 'yan,"

Napatingin si Marilyn sa hawak na manika.

"Nakita ko ito sa labas ng pinto ng kuwarto ko, baka nabitiwan ni Maya nang bumaba kami kanina." Sagot niya sa ina. Mabilis na ibinigay niya ang manika sa pamangkin. Para lang itong nagdahilan na umiiyak dahil ng makita nito ang manika agad na umaliwalas ang mukha ng bata.

"Thank you tita," humalik pa ito sa pisngi ng dalaga. Napangiti siya sa ginawa ng bata ang sweet talaga ni Maya.

"Huwag mo ng iwawala ang manika mo ha," anya.At naupo sa tabi nito, "May pangalan na ba ang manika mo?"

Makailang ulit na umiling ang bata.

"Apo, bagay ang pangalan na Maria diyan sa manika mo!" tuwang suhistyon ni Aling Pacing nakaupo sa tabi ng asawang si Mang Alfonso.

"Ang pangit naman!" reklamo naman ni Mang Alfonso. Nahampas naman bigla ni Aling Pacing sa balikat ang asawa dahil sa pag disgusto nito sa binigay niyang pangalan sa manika.

"Apo, mas maganda ang naisip na pangalan ng lolo para sa manika mo," pagyayabang na sabi ni Mang Alfonso. "Anabelle!"

"Tay naman!" reklamo ni Marilyn. Naalala niya kasi ang bagong labas na horror movie na may pamagat na "Anabelle" ang kuwento ng batang reincarnation.

"Maganda naman ah," anang kanyang ama.

"Huwag na Anabelle dahil naalala ko lang ang napanood kong horror movie," sagot niya. Saglit siyang nag-isip ng mga pambabaeng pangalan pero naunahan siya ng pamangkin.

"Dolly nalang po tita!" masiglang sabi ni Maya, hinarap nito ang hawak na manika at kinausap. "Dolly ang itatawag ko saiyo, hehehe." Humahagikgik na sabi nito sabay yapos ng mahigpit sa manika.

"Wow, ang gandang pangalan! Dolly," nakangiting inakbayan niya ang pamangkin. Hinawakan niya ang magandang mukha ng manika. "Ouch!"

 

Agad na binawi ng dalaga ang kamay para kasing may kumagat sa hintuturong daliri niya.

"Bakit?'' panabay na tanong ng mag asawa nang makita ang ginawang paghawak ng anak sa isang daliri nito.

"W-wala po inay," pagsisinungaling ni Marilyn pero ramdam pa din niya ang sakit sa hintuturong daliri niya, hindi niya maiwasang pagkatitigan ang mukha ng manika.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status