Share

Chapter Ten

"I forgot to tell you that we don't need to work for one week." napataas ang kilay ko.

"Anong ibig mong sabihin? Pwede ba yun?" tanong ko sakaniya, nagkibit-balikat siya.

"I'm the Boss, Laura. I can do what I want to do." mayabang niyang sabi na siniringan ko lang.

"Edi ikaw na." bulong ko at inirapan siya, tumawa lang si Eugene habang inuubos ang kape niya. 

"About sa bi-baby sit sakanila, May agency na akong nakuhaan ng dalawang pwedeng tumulong saatin." nagulat ako sa sinabi niya. Kailan niya ginawa yon? 

"Ang bilis mo naman' nakahanap? sure ka ba na mapagkakatiwalaan sila? What if—"

"Kaya nga tayo naka-one week leave sa work. The two helpers will arrive later at lunch, one week natin silang susubaybayan and if we see that they're good mas mapapanatag tayo." he explained to me with his serious voice giving me assurance na hindi siya' basta-basta pipili ng taong' malalagay sa alanganin ang mga bata.

Pero hindi ko parin maiwasan mag-alala. Marami akong nababasa na mga masamang nangyayari kapag naiiwan sa ibang tao ang bata. Hindi maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Napaigtad ako sa upuan ko ng naramdaman ang kamay ni Eugene sa kanang kamay ko.

"Wag ka na mag-alala masyado. Ayokong Ikaw Ang gumawa ng lahat, Ikaw na nga nag-aalalaga sa kambal, pati ako inasikaso mo pa..." malungkot niyang sabi.

"Huwag mo akong dramahan Uge. Alam kong gustong-gusto mong inasikaso kita, pa-baby ka nga diba?"  sarkastiko kong sabi sakaniya para maiba ang mood niya. Hindi niya' naman kailangan ma-guilty kung mapagod man ako, dahil masaya ako sa ginagawa ko.

"Ofcourse tsk. But really, we need a helpers para hindi ka masyado mapagod okay?" tumango nalang ako para maiwasan ang malamlam niyang mga titig saakin na nagpapalambot nanaman sa tuhod ko. 

"Ilayo mo nga yang mukha mo sa mukha ko. Lapit ka ng lapit" inis kunwareng sita ko sakaniya, nagulat ako ng banggain niya yung balikat ko.

"Kunware ka pa, gustong-gusto mo ngang natititigan ng malapitan ang mukha ko. Huwag ka mag-alala, ayos langkahit may crush ka saakin" napanganga ako sa sinabi niya, napaka-kapal ng mukha nito. Although totoo naman yung sinabi niya, pero ang kapal parin ng mukha niya. Pinag-cross ko ang braso ko at tinaasan siya ng kilay.

"Akala ko ba gising ka na? bakit nanaginip ka parin? Ako? magkaka-crush sayo? huh."

"huh ano? Oh bat hindi mo matuloy?" mabilis kong itinulak yung mukha niya nabg mas ilapit niya pa yun saakin.

"Alam mo para ka talagang bata! Tumigil ka nga Uge! Kyaahh! Hahaha stop!" tawa ko ng kilitiin niya ako. Ang aga-aga ang harot.

"Shh.. magigising yung mga bata." he said habang nakangiti ng kung ano at di pa nakuntento at kumindat pa ang animal. Papatulan ko sana siya ng magising na nga ang kambal. Iniligpit ko ang kinainan namin habang si Eugene bumalik sa kwarto para patahanin yung dalawa. Napangiti ako at ipinagpatuloy ang panglinis ng kusina nung hindi ko na marinig ang ungot ng kambal, napatahan ng daddy. 

~

"Nakatulog ulit" bulong ko, nakatingin kay Loki na nasa bisig ni Eugene at tulog na tulog.

"Yeah, he's so clingy." napapangiting komento niya.

"Mana sa Ama." sagot ko na ikinangisi niya lang. 

Kinatanghalian dumating ang dalawang kasambahay na sinasabi ni Eugene. Nung unan naging ilang ako sakanila kasi mas may Edad sila saamin ni Eugene, pero kalaunan naging komportable narin ako at  marami akong natutunan mula sakanilang dalawa dahil pareho pala silang may mga pamilya na. After one week napag-desisyunan narin namin ni Eugene na mag-settle sakanilang dalawa, Nanay Linda at Nanay Perla nasa 40's na sila pero maayos parin ang pangangatawan at malakas. Pabor din saamin na pareho silang may mga anak na dahil hindi kami mag-aalala ni Eugene kung maaasikaso ba nila ang kambal. And thankfully they are so kind, kaya mas kampante na ako ngayon. 

Pero syempre, I can't bring my guard down. But for now, kailangan kong subukang ipagkatiwala sakanila ang kambal. 

"Ugh. I don't want to leave them" hirap na hirap kong sabi habang nakayakap sa maliit na katawan ni Thor at Loki. 

"You're being too clingy to them." nagtatampong komento ni Eugene, Akala mo naagawan ng laruan. 

"Wait niyo si Mommy ha? Magwo-work lang si Mommy." kausap ko sa kambal na kumakawag-kawag lang.

"Oh great, now you're ignoring me." natawa ako at nilingon si Uge na nakapamewang pa habang pinapanuod kaming tatlo sa kama.

"Ano bang inuungot mo diyan?" tanong ko, inirapan niya lang ako at inilapag ang suitcase niya sa mini table at lumapit sa kambal.

"Thor, Loki, Daddy is going to work. Alam kong mamimiss niyo ang gwapo niyong Daddy pero tiis lang okay? Babalik din si Daddy agad, love na love ko kayo kahit inagaw niyo na saakin ang Mommy niyo." natawa ako sa kung ano-anong pinagsasabi niya sa dalawang bata na nakanganga lang.

"Let's go na Uge, mali-late na tayo. Tapusin na natin lahat, I want to go home early." ungot ko na sinang-ayunan naman niya.

"Nay Linda?"

"Yes Ma'am? Oh papasok na kayo?" 

"Opo, kayo na pong bahala muna sa kambal. Subukan po namin makauwi kaagad." magalang kong sabi sakaniya. Ngumiti siya at tumango.

"Huwag kang mag-alala at kaming ng bahala dito. Perla? Perla aalis na sila Ma'am at Sir." tawag niya sa kusina.

"Oh Sir? Ma'am? hindi ba kayo kakain? Naghanda po ako ng almusal." sabi ni Nay Perla.

"I'm sorry Nay Pearl, Nagmamadali kasi kami." magalang namang sagot ni Eugene, natawa pa ako ng marealize na tinawag niyang Nay Pearl si Nay Perla. 

"Mauna na po kami. Kapag may kailangan po kayo tawagan niyo lang po kami ha? May mga pagkain na po sa ref pero kung may gusto po kayo—" napatigil ako sa pagsasalita ng hawakan ni Nanay Linda ang kamay ko.

"Hala at huwag mo na kaming alalahanin, kami ng bahala. Sige na pumasok na kayo, wag kayong mag-alala at kami ng bahala dito."  nakangiti niyang sabi, pinapalagay ang loob ko halata bang masyado akong nag-aalala? napakamot ako sa ilong ko at nahihiyang tumango.

" Let's go" inalalayan ako ni Eugene palabas. 

Bago pumasok ng elevator ay nilingon ko pa ang kakasarado lang na pinto ng condo unit. Naramdaman ko ang maingat na pag-akbay ni Eugene saakin.

"They're going to be fine." he said, alam kong katulad ko nag-aalala rin siya pero mas pinipilit niyang mag mukhang malakas sa harap ko para ma-ease ang takot ko. 

"Tara..." mahinang kong sabi at nauna ng pumasok sa elevator. 

~

"Nga pala, alam ba ng mga tao sa kumpaniya ang sitwasyon natin?" tanong ko kay Eugene ng matanaw na ang building. 

"I don't know, we don't need to worry about that. Ano naman kung malaman nila o hindi." he said while parking his car.

"Kahit na, what if magkaroon ng kakaibang issue?—" nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang mainit niyang palad sa pisngi ko. 

"Stop worrying about them. If someone say bad things about you and our child, I'll smash them." 

" Smash? Ano ka si hulk. " 

" No, I'm your husband." 

" H—Huh?" Hindi ako agad naka-react sa sinabi niya, namalayan ko nalang na nasa labas na siya ng sasakyan at binuksan ang pintuan sa gilid ko. 

"Huwag kang obvious Laura, May patulala effect ka pa." agad nag-init ang mukha ko nang mapag-tantong iniinis niya lang ako. Padabog akong lumabas ng sasakyan at sinipa ang tuhod niya.

"Ouch!" 

"Bahala ka diyan." sabi ko at nauna ng pumasok sa building. 

Pagkapasok ko palang ay nasaakin na Ang mata ng lahat. Straight lang ang mata ko at lakad ko, nang makarating ako sa elevator ay saglit akong huminto para hintayin si Eugene. 

"Welcome back Mr. President." 

" Goodmorning Sir." 

" Welcome back Sir. " 

Kaniya-kaniyang bati ng ilang employee na tinatanguhan lang ni Eugene na ngayon ay straight ang mukha at parang walang reaksyon sa paligid. Nang makarating siya sa harap ko ay agad akong yumuko sa harap niya.

"Welcome back Mr. President." magalang ko bati sakaniya at inilahad ang kamay ko sa kakabukas lang na elevator, tumango siya at sumakay roon.

 Sumunod naman ako nang makapasok na siya, malaki pa naman ang space sa loob pwede pang sumakay ang ilan pero nagpanggap ang mga nakapila na hindi interesadong sumakay. Napailing ako at inutusan na ang elevator boy na isara na. 

They're too scared to this poker face boss. Kilalang magaling at maabilidad na Boss si Eugene, pero mas kilala siyang moody na amo. Na bigla-bigla nalang mawawala sa mood at magagalit, ilang employee ang nakasaksi non at ilang tao ang nawalan ng trabaho sa isang araw lang. Napailing ako dahil sa ugali niya noon, napaka-isip bata. Mabuti at hindi pa ulit yon nangyayari na ako na ang nasa tabi niya, baka kung mangyayari yon sa harap ko ay masapak ko siya' kahit Boss ko pa siya'.

Bumukas na elevator at sabay kaming lumabas. Sinalubong kami ni Mrs. Perez na may hawak na folder.

"Welcome back Sir." bati niya kay Eugene, tumango si Uge at sumenyas na papasok na siya sa opisina niya.

Nang makita kong nakapasok na siya sa Opisina niya ay naglakad narin ako papunta sa Opisina ko. 

"Miss Laura, eto po lahat ng nga schedule ni Sir, masyado pong marami kaya inipon ko lang po muna." kinuha ko ang folder at agad sumakit ang mata ko sa mga meeting at mga kailangan ayusin.

"Thank you, ako ng bahala dito. Any other things? May mga dumating bang importanteng documents?" tanong ko, sinisimulan ng ayusin ang schedule ni Eugene.

"Ah wala naman po ma'am." napatango ako, atleast diba wala ng dagdag trabaho.

"Okay, thank you." sabi ko, pero nagtaka ako nang manatili lang siya' sa harap ko. 

Nagtaas ako ng tingin sakaniya at nakita ang curious niyang mukha.

"May problema ba?" tanong ko.

"Ah, Miss Laura totoo bang nanganak na yung Secretary ni Sir dati? Si Gail ba yun? Edi may anak na si Sir ngayon? Nagsasama na ba sila ulit, syempre nagkaroon sila ng anak, tagapag-mana pa. Grabe no? secretary lang noon, ngayon nanay na ng magiging tagapag-mana ni Sir Eugene." 

Napakuyom ako ng kamao sa mga narinig ko mula sa bibig niya.

"Balita ko nga inakit daw talaga nung Gail si Sir para madaling makaahon sa buhay. Ang talino, nagpaanak—Ay!" 

Mabilis ang naging paghinga ko pagkatapos kong ibagsak ang bag ko sa lamesa bago mag-angat ng tingin sakaniya. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status