"Ay!" gulat niyang sigaw matapos kong ibagsak ang bag ko sa office table. Nag-angat ako ng tingin sakaniya.
"Kung wala ka ng dapat i-report you can leave now." diretso kong sabi sakaniya, nakita ko pa ang pagtataka at kaba sa mukha niya bago siya tumungo at tumalikod bago naglakad papalapit sa pinto.
"And," dagdag ko nang pihitin na niya ng doorknob "Next time, huwag kang magkakalat ng kung ano-anong kwento kung wala ka na mang alam sa totoong nangyari. Kung wala kang respeto sa tao, kahit respeto nalang sa boss mo." dagdag ko pa.
"Siguro naman... ayaw mong mawalan ng trabaho no Mrs.Perez?" malamig at matalas ang nga pananalita ko.
Isinawalang bahala ko ang agwat ng edad naming dalawa, alam kong mas matanda siya saakin at dapat akong gumalang sakaniya... Pero bakit ko naman gagalangin ang taong' hindi karapat-dapat ng pag-galang?
"Pasensiya na po Ma'am. Laura! Sorry po talaga, hindi na po mauulit." sabi niya' na ngayon ay nakaharap na muli sa pwesto ko at bahagyang nakayuko.
"Huwag kang humingi ng tawad saakin, hindi naman ako yung laman ng chismis mo."
"Ma'am..." kabado niyang tawag saakin, napangisi ako at pinagtaasan siya ng kilay.
"Oh? I'm just telling the truth na dapat kay Sir ka humingin ng tawad kasi siya ang laman ng chismis mo." pabiro ko pang dagdag na mas lalong nagpa-lala ng itsura niya.
"Just leave" I sigh at nag-kibit balikat nalang. Narinig ko ang mabilis na pagbukas at sara ng pinto.
Wala pang isang buwan mag-mula ng dumating ang kambal ay may kumakalat na kaagad na ganong issue? At ano daw? Gail is using Eugene para makaahon sa hirap?
"Ugh! Hindi na naubos ang mga Marites sa mundo." napasandal nalang ako sa upuan, hindi ko maiwasang isipin ang kambal.
Umiiyak kaya sila? Uminom na ba sila ng gatas? Sinampal ko ang pisngi ko para alisin ang pag-aalala sa loob ko, balik ulit sa trabaho. Ilang minuto lang ay tumunog ang intercom na galing sa opisino ng President.
"Yes Sir may kailangan po kayo?" maagap kong tanong.
"I need the files about the Mindragon's deal and please re-sched the meeting."
"Re-sched Sir?" tanong ko at agad tiningnan ang schedule niya.
"Yeah, I heard it's Dinner time right? I want to hold the meeting around 2 pm or 3." he said, tumango ako kahit hindi niya naman nakikita.
Ibinaba ko na ang tawag at tumawag sa Mindragon's Company, muntikan pang hindi pumayag dahil sa hectic schedule ng may-ari buti nalang pumayag rin sila sa huli. Pero kakayanin kaya ni Eugene yun? Tuloy-tuloy ang schedule niya Ngayong araw, pagkatapos sa warehouse mamayang lunch diretso kaagad sa meeting? Bakit siya nagmamadali tapusin to lahat?
~
"Excuse me Sir, heto na po yung lunch niyo." inilapag ko ang paper bag sa office table niya. Napakunot ang noo ko nang mapansing hindi manlang niya nilingon ang pagkain sa mesa.
Sinilip ko kung anong tina-type niya. Proposal. May kung ano pa siyang binabasa. He's so busy, pero kailangan niya parin kumain.
"Sir? Lunch na po." ulit ko pa, pero dedma parin. huminga ako ng malalim at humawak sa magkabilang bewang ko.
"Uge!"
"What the fuc—Laura? Why?" napalo ko ang noo ko at napailing nang makita ang gulat at takang-taka niyang itsura.
"Halika ka nga. Lumilipad nanaman yang isip mo." hinila ko siya patayo at binitbit ang pagkain niya papunta sa mini sala dito sa office niya.
"Oh? Lunch time na?" tanong niya' at tiningnan pa ang wrist watch niya para makasigurado. Iniayos ko ang pagkain sa lamesa.
"Tutok na tutok ka sa ginagawa mo. Bakit parang gahul na gahul ka?" tanong ko at umupo sa harap niya at pagkain ko naman' ang inilabas. Dito nalang rin ako kakain, napalingon ako sa pinto ng opisna,wala naman sigurong papasok?
"I want us to get home early." nilingon ko si Eugene dahil sa naging sagot niya. Nang ma-realized ko ang naging sagot niya napangiti ako at nag-thumbs up sakaniya.
"Ako rin eh." mahina akong natawa nung kumindat siya.
Pagkatapos naming kumain ay agad narin kaming umalis para bisitihan ang isa sa mga warehouse na malapit ng matapos ipatayo. Pagkatapos sa warehouse ay agad kaming dumiretso sa isang Chinese restaurant para sa meeting with Mindragon. They're the one whose leading now in the business industry and it's a good thing na ngayon ay magiging partner sila ng Ibañez para sa isang project.
"Ibañez." sabi ko sa female attendant ng resto. Tiningnan niya lang yung reservation log at inilalayan na kami papunta sa private room ng restaurant.
"Good taste." Eugene said while scanning the whole room.
"Ako pa." mayabang kong sagot sakaniya, natawa kaming dalawa at umupo na para hintayin ang magiging kausap.
"I'm sorry we're late." napatayo ako ganon narin si Eugene at sinalubong si Mr. Mindragon.
Yumuko ako saglit at bumati sakaniya nang magsalubong ang tingin namin. Grabe, ang gwapo pala talaga niya, nung nakaraan lang ay nakita ko sa magazine at news paper ang kasal niya kay Ms.Phoebe Saavedra. Grabe! Bagay' na bagay sila, nakita ko na si Ma'am. Phoebe dati at grabe nakaka-intimidate siya, Lady Boss na sobrang ganda.
"Close your mouth Ms. Laura, you're drooling." bulong ni Eugene saakin nang makaupo na kami. Nanlaki ang mata ko at hinawakan ang gilid ng bibig ko.
"Wala naman ah!" inis kong bulong sakaniya. Natawa naman siya' at inilingan ako.
"Ehem!" napalingon kami kay Mr. Mindragon ng tumikhim siya.
"I'm sorry. Let's eat first—"
"No, thank you. Let's proceed to our agenda. Naghihintay ang mag-iina ko saakin." he said proudly. Napangiti ako at napalingon kay Eugene, natulala ako nang makita ang klase ng ngiti ni Eugene.
Sobrang saya ng mga mata niya, kung tingnan niya at ngitian si Mr.Mindragon ay parang naiintindihan niya ang sinabi nito.
"Yeah, let's finish this quickly. My son's is waiting for us too." masayang sagot ni Eugene. Nailaglag ko ang ballpen na hawak ko at napatingin kay Mr. Mindragon. Tulad ng inaasahan ay gulat ang ekspresiyon nito.
"I— wow! I didn't know na nag-asawa at may anak ka na, well congratulations to the both of you."
"Ah No—" sasabihin ko sana na hindi ako ang Asawa o ang Nanay ng kambal pero mahigpit na hinawakan ni Eugene ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.
"Thank you. So, let's start?"
~
Pagkatapos ng meeting ay bumalik parin kami ng Opisina para iayos ang mga papeles tungkol sa mga napag-usapan sa deal kanina. Around 5 pm narin kami natapos. Nag-ayos na ako ng gamit para sa pag-uwi nang matanggap ko ang text ni Eugene.
"Sumabay ka na saakin umuwi. Baka iwan mo nanaman ako."
"siraulo talaga." natatawa kong bulong.
Ayoko kasing sumasabay sakaniya palagi simula nung tumira kami sa iisang Bahay dahil baka kung anong isipin ng mga makakakita. Office romance is not a good thing you know, atsaka ayoko din talagang maging laman ng chismis.
Lumabas ako ng Opisina ko at nilingon pa ang Opisina ni Eugene bago dumiretso sa Elevator. Nasa loob pa siya' ng Opisina, sa parking ko nalang siya' hihintayin. Bumukas ang elevator kaya agad akong sumakay. Pagkababa sa sunod na floor ay agad nagpasukan ang mga tao kaya natulak ako sa dulo.
"Narinig niyo na ba? Nanganak na raw yung Secretary ni Sir"
"Ha? Sino si Ma'am. Laura?"
"Ano ka ba hindi. Si Gail yung dating secretary ni Sir na naging girlfriend niya. Buntis raw yun at nanganak na."
"At eto pa! Balita ko iniwan daw kay Sir yung bata at yung babae ay sumama sa ibang lalaki."
"Wow~"
"Grabe naman ang landi~"
Napailing nalang ako sa lahat ng naririnig ko sa tatlong babae na to. Hindi siguro nila ako nakita dahil nasa pinakadulo ako at nakatalikod sila sa diresksiyon ko habang busy sa mga b****a nilang salita.
"At!"
"Meron pa?"
Napaangat narin ako ng tingin sa babaeng nagsasalita. Yumuko pa siya' kaunti dagdag tense.
"Si Ms.Laura daw ngayon ang ibina-bahay ni Sir at ginawang Mommy-mamihan nung bata." natatawang bulong niya na narinig ko parin.
Bumukas ang elevator at naglabasan na sila. Nakayuko lang ako habang inaantay ang pagdating ng elevator sa baba kung nasaan ang parking. Paglabas ko ay wala na ako sa sarili habang naglalakad papapunta sa sasakyan ni Eugene.
"Haha... kainis. Parang bata, parang yon lang umiiyak ka na." kausap ko sa sarili ko habang pinapahiran ang luha.
Ang sikip-sikip ng dibdib ko dahil sa mga narinig ko. Hindi ko magawang magalit dahil ang mga sinabi nila tungkol saakin ay totoo. Totoong nakatira ako kay Eugene ngayon at nagfi-feeling Nanay sa kambal.
"Bwisit." bulong ko, pilit pinapakalma ang sarili pero hindi mahinto ang mahina kong paghikbi.
Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa napakaraming luha, kaya hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala si Eugene.
"Why are you crying?" agad niyang tanong at iniangat ang mukha ko. Umiling lang ako at itinulak siya papalayo.
"W–wala to. Halika na umu–umuwi na tayo." hirap na hirap kong sabi dahil sa pag-iyak ko.
"Hey shh... Laura? Are you okay? Why are you crying like that? You're scaring me." nag-aalala niyang tanong.
"Wala nga..." sagot ko, napatigil ako sa pag-iyak nang bigla niya akong hilahin para yakapin ng mahigpit.
Pero nang maramdaman ko ang mahina niyang pagtapik sa likod ko ay unti-unti nanaman akong naiyak na parang bata.
"It's okay, I'm here." he said, comforting me.
Umiyak lang ako ng umiyak habang mahigpit siyang yakap. Bata pa lang ako mag-isa na ako sa buhay, wala akong pamilya na matatawag kong kinalakihan ko o sariling akin.
Kaya ang magkaroon ng anak at isang taong' katulad ni Eugene sa tabi ko ay talagang nakapag-pasaya saakin. Sa puso ko, pamilya ko na sila, saakin sila. Na sa sobrang pagfi-feeling ko ay nakakalimutan kong sampid nga lang pala ako. Kapalit lang pala ako, pantapal.
"Ayoko na munang pumasok sa trabaho." sabi ko sa gitna ng pag-iyak ko.
"Okay." agad na pag-payag ni Eugene. Walang tanong-tanong kung bakit, napapikit ako ng maramdaman ang paghigpit ng yakap niya.
Pero ayokong manatiling Pantapal lang. Kaya nakapag-desisyon na ako.
Gusto kong maging Mrs. Ibañez. At para magawa yon kailangan kong patunayan kay Eugene na kaya kong maging mabuting Ina sa kambal at kaya kong alagaan silang tatlo.
Alam kong pinangako ko na gagawin ko ang lahat para mapasaakin si Eugene pero lumipas lang ng mabilis ang tatlong taon ay wala paring pagbabago sa relasyon namin.Hindi ko alam kung wala ba siyang nararamdaman para saakin, dahil kung pagbabasehan ko ang kilos at malalambing niyang salita ay parang meron. Hindi ko alam, kahit gaano pa kami ka-sweet sa isat'-isa kung wala naman kaming label, wala rin.Siguro sa loob ng ilang taon, nasanay nalang kami sa set up naming dalawa. Maayos naman kami, pero lately parang may kakaiba akong napapansin kay Eugene."Oh Ma'am nakapag-luto ka na po pala, pasensiya na at na-late ako." hinging paumanhin ni Nay Perla nang maabutan akong nasa kusina."Opo, maaga rin kasi ako nagising." tipid akong ngumiti at sumimsim ng kape. Nakita ko ang tingin ni Nay Perla saakin kaya napaiwas nalang ako ng tingin sakaniya."Hindi na naman umuwi si Sir kagabi? Ayos ka lang ba Ma'am?" umiling ako at hindi ko n
"Daddy!" magakasabay na sigaw ng kambal habang nakatingala sa ama.Dumampot ako ng tissue at pinunasan ang bibig ni Loki ganon narin si Thor na pati ang maliit na bangs ay nalagyan na ng sauce ng spaghetti."Hello mga pogi. How's your day? Wow Jollibee!" umatras ako palayo sa pwesto ng kambal ng lumapit siya sa mga ito at bigyan ng halik sa pisngi."Mommy gave this to me and Loki, Daddy." paliwanag ni Thor na itinuro pa ako at ang kambal niya."Oh wow, did you say thank you?" he asked and wipe the remaining sauce on Loki's cheeks."Did we bwo?" clueless na tanong ni Loki kay Thor na nakakunot na ang kilay, napangiti ako habang pinapanuod silang nag-iisip. Ang cute cute, sa huli ay di rin nila maalala at bigla nalang tumayo."Wah!" gulat na sigaw ko matapos nila ako yakaping dalawa. Napatili pa ako nang madikit na saakin ang sauce na nasa kamay ni Loki."Thank you sa Jabee Mama!" Loki said at hinalikan ako sa il
Bitbit ko ang dalawang bag kong malaki na naglalaman ng gamit ko nang lumabas ako ng kwarto. Nagkatinginan pa kami nang makita ko siyang nakaupo sa Sala pero agad ring lumipat ang paningin niya sa mga bitbit ko."You're leaving." he coldly said while looking at me, bigla siyang napangiti at nagkibit balikat."Well, it's been a years. Just close the door when you leave, thank you for your service?" diretso ang mukha niyang pagkakasabi, walang mababakas na emosyon sa mukha o maging sa tono ng boses niya.Napahigpig ang hawak ko sa bag ko at mabigat na humakbang paalis sa harap niya. Dumiretso ako sa kwarto ng kambal, pero nang makita ko sila ay naibagsak ko ang bag ko pagkasara ko palang ng pinto. Dahan-dahan akong lumapit sa kama at nakitang magkayakap silang natutulog.Napatakip ako ng bibig ko nang kumawala ang mahina kong hikbi. Nanghihina narin ang tuhod ko dahil sa halo-halong emosyon lalo pa nang mapagmasdan ko sila at maisip na iiwanan k
"Hindi ko maaatim na umalis at iwan sa puder mo ang mga bata ngayon pa at nakikita kong nagkakaganito ka. Alam kong wala akong karapatang isama ang mga bata pero nakikiusap ako sayo, alang-alang nalang sa kambal at sa pangakong iniwan ko kay Gail na aalagaan ko sila, parang-awa mo na... payagan mo kong isama sa pag-alis ko si Thor at Loki." Nakaluhod ako habang binabanggit ang bawat pagmamakaawa na maari kong sabihin.Hindi ko kayang iwan ang kambal sa pangangalaga niya. Paano ako makakatulog ng mapayapa kung alam kong iniwan niya yung kambal para makasama ang babae niya? Paano ako makakapag-isip ng tama sa malayo kung bawat oras na maiisip ko sila ay naiisip kong makakakita sila ng mga bagay' na hindi pa wasto para sa edad nila kung pupunta nga dito yung babae ni Eugene.Ayokong, ayokong lumaki si Thor at Loki na pinapanuod ang Ama nila na ganito. Ayokong lumaki silang may sama ng loob sakaniya, o kung hindi sama ng loob ay baka isipin ni
Pagod kong ibinagsak sa sofa ng hotel ang katawan ko. Naisip kong mahihirapan ang kambal kung tutuloy-tuloy kami sa biyahe papunta ng Siargao. Sa Siargao ko balak pumunta dahil naroon ang isa sa mga naipundar kong mga ari-arian. Hindi naman namin kailangang lumabas ng bansa para makalayo kay Eugene. All we have to do is to distant ourselves for a while."Bwisit kang isip bata ka" mahina kong bulong habang nakatulala sa glass window , tanaw ko ang napakaraming ilaw ng sasakyan. Sapat na tanawin para makapahinga ang utak at puso ko.Sa totoo lang wala akong balak na iwan si Eugene ng matagal. Hindi ako ganoon ka-sama para ilayo sakaniya ang sarili niyang mga anak. Pipilitin ko paring ayusin ang buhay naming apat. Katulad ng ipinangako ko kay Gail, hindi ko basta-basta iiwan si Eugene.At alam ko rin sa sarili ko na hindi ko kayang malayo sakaniya, kulang ang pamilyang meron ako kung wala siya.Ewan ko ba, kung bakit ganito nalang ako ka-ta
Malalaki ang mga katawan, bawat isa sakanila ay armado ng malalaking mga armas pamaril. Nakapalibot sila sa isang lamesa at nakatingin sa mga larawang nakalatag. Nahagip ng paningin ko ang larawan ni Gail at ng isang matandang babae at lalaki, pero ang mas ikinagulat ko ay nang makita ko ang larawan ko kasama ng kambal."A–ano... Eugene, Anong ibig-sabihin nito?" nanginginig ang boses ko, takot na takot sa mga nakikita ko.Nakita kong sumenyas siya sa mga lalaking nakaitim na iwan muna kami. Napapikit pa ako nang dumaan sila sa gilid ko, nakahinga lang ako ng maluwag nang tuluyan na silang makalayo."Bakit ka nandito? Hindi ba aalis kayo? Bakit ka bumalik?" nakahawak siya sa ulo niya Ng sabihin yon, parang problemadong-problemado na bumalik ako."Ano bang nangyayari? Kaya mo ba kami pinaalis dahil dito? Pero ano to? Ano bang nangyayari Eugene?" marring sigaw ko sakaniya.Tumingala siya ng matagal na tila sumasagap ng lakas s
"Sleep some more," ungot niya at hinila ang katawan ko pabalik ng higa."Sira, iniwan ko lang saglit yung mga bata sa bahay nila Anica. Dadaan pa kami ng grocery, bitaw na" mahina kong hampas sa braso niya.Nang makaupo na ako ng maayos ay nakaramdam ako ng hapdi sa gitna ko. Napayuko ako at tahimik na ininda ang hapdi."I'm sorry, pinanggigilan kita masyado" hingi niya ng tawad, lumingon ako sakaniya at kinirot ang tagiliran niya."May humihingi ba ng sorry na naka-ngisi?" tanong ko sakaniya, pilit niya paring itinatago ang ngisi niya, tuwang-tuwa sa sariling kalokohan."I'm serious okay, I'm really sorry. I'll help you wash up, warm water can help to ease the pain." he said at binuhat ako papunta ng banyo.Nahirapan pa akong maligo ng maayos dahil sa likot ng kamay at labi niyang kung saan-saan napupunta. Nang sa wakas ay matapos na ako ay uminom lang ako ng pain killer, kailangan ko pang mag-drive. Paglabas ko ng k
"Mama sick?" napalik ako sa katinuan nang marinig ang boses ni Thor."No anak, walang sakit si Mama. Finish your food na" nakangiting sabi ko at tinapik ang pisngi niya."I miss Daddy..." nilingon ko si Loki at nakitang nakanguso siya habang ngumunguya."Miss narin kayo ni Daddy, kaya pupunta siya dito' mamaya kasi miss na miss na niya kayo" pag-aalo ko kay Loki ganon narin kay Thor na ramdam ko rin ang lungkot pag napag-uusapan ang Daddy nila.Kagabi bago ako lamunin ng pagod at antok ay nabanggit niyang makakadalaw siya ngayon dito dahil may pag-uusapan kami para sa birthday ng kambal. Hindi pa sigurado dahil kailangan maging lihim ang pag-alis niya, kailangan mag-ingat kung hindi mababaliwala lahat ng plano niya at ng mga pulis."What time?" tanong ni Thor, tumingin ako sa orasan at nakitang 9 am palang ng umaga."Hindi ko sure–" napatigil ako sa pagsasalita ng tumunog ang doorbell.Alerto akong tumayo