Share

Chapter 7

Mabilis akong nakarating sa plaza. There's a lot of people here but most of them are couples, young couples to be exact.

Umupo ako sa may bleachers habang tumitingin tingin sa paligid.

Ilang segundo pa lang akong naghihintay kay Koko pero naiinip na ako. Dumako ang tingin ko sa nagtitinda ng sorbetes. Kinapa ko ang bulsa upang kumuha ng barya at bumili ng isa. Matagal na rin akong hindi nakakatikim ng pagkaing ganito.

Mabilis ko itong pinapapak habang ang isang paa ko ay sunod-sunod na tumatapik sa semento.

Kanina pa mabilis ang tibok ng aking puso.

Matagal akong nawala sa bayan na ito habang si Samantha ay dito na lumaki at kasa-kasama ni Dad noon pa man. Pero bakit sa akin nila ibinigay ang impormasyon na ito gayong kararating ko lang sa bayan na ito.

It should be Samantha, not me.

Nang mahagip ng mata ko ang sasakyan ni Koko ay madali akong tumayo at lumapit sa kanya, bitbit ang librong bigay ng estrangherong lalaki kanina.<

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status