Share

Chapter 9

Lumapit ang lobo sa amin at dahan-dahan kaming pinaikutan. Nakatutok ang baril ko dito at pinapakiramdaman ang bawat galaw nito.

The rain started to pour. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa aking mga armas nang lumakas ang ulan at halos wala na ring makita sa kapal nito.

Nanuot ang lamig sa aking katawan pero hindi ko na yun ininda.

Nasa tabi ko lang si Brigo na mukhang wala na sa tamang kondisyon. Hindi ko na siya ulit pwede pa na sakyan dahil malubha ang sugat na natamo niya mula sa pagkakatapon at halata na rin na nanghihina na siya sa dami ng mga dugo na nawala sa kanya.

Iniisip ko tuloy kung paano ako makakalabas dito sa kagubatan na ganito ang kalagayan ng aking kabayo. Hindi maaatim ng konsensiya ko na basta na lang siyang iwan dito. Kasama ko siyang pumunta dito kaya dapat ay magkasama rin kaming lalabas sa kagubatan na ito.

But we need first to defeat the enemy in front of us. Hindi na maaaring tumakbo pa. Wala na ring matatakbuhan

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status