Share

Chapter 13

Tuluyan na akong iniwan ni Jacob mag-isa dito sa sasakyan. Susubukan daw niyang maghanap ng tsinelas na sakto sa paa ko.

Gumawi ang tingin ko sa may harapan ng sasakyan. Agad kong dinampot ang isang itim na baseball cap at madaling isinuot ito sa aking ulo. Nasisiguro kong kay Jacob ito dahil amoy vanilla. Medyo hinila ko pa pababa sa may harapan upang takpan ang aking mukha.

Dinilaan ko ang aking pang-ibabang labi saka nagtaas ng tingin.

Kahit na medyo kinakabahan ako ay hindi ko maiwasan na ilibot ang aking mga mata sa buong paligid.

Kung sa amin sa Centro ay parang Spanish ang itsura ng mga gusali, dito ay European at gawa sa maiitim na bricks ang mga gusali. Ang mga kagamitan din ay mas luma. At ang namumukod tangi sa lahat ay ang mga halaman sa bawat pamilihan. Hindi ako mahilig sa mga bulaklak pero masasabi kong ngayon lang ako nakakita ng mga ganong klaseng halaman.

"Oh bili na kayo ng gulay mga suki! Murang-mura lang at bagong ani pa a

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status