Share

Chapter 38

My Love

Nakatulugan niya ang malalim na pag-iisip kaya tinanghali siya ng gising. Wala siyang inaksayang oras at naligo na agad. Pagkababa ay nag-almusal nang madalian. Magpapaalam na sana siya nang bigla siyang napatingin sa slice bread.

“Lola, magbabaon ho ako ng sandwich,” wika niya sa kaniyang lola.

“Oh, sige, apo. Gagawan kita.”

“Naku, La, huwag na ho kayong mag-alala. Ako na lang ho ang gagawa.” At siya na nga ang naglagay ng mayonnaise, lettuce, at cut potatoes.

“Ikaw ang kakain niyan?”

“Oho,” agarang tugon niya.

“Eh, sa pagkakaalam ko, hindi ka naglalagay ng kamatis sa sandwich. Ayaw mo niyan, 'di ba?” Titig na titig ito sa kaniyang mga mata.

“Oo nga po, Ate Dynee. 'Yun din ang alam ko. 'Di ba, Kuya Dillan?”

Napatingin siya sa kapatid na bunso at sa kaniyang kuya na may laman din ang mga titig na ipinupukol sa kaniya.

“Dynee. . . Apo?”

“L-La?” Napatingin siya sa kaniyang abuela. “Eh. . . Iba na kasi ang taste ko ngayon. Napagtanto ko na masarap pala kapag may slice tomatoes
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status