Share

Chapter 39

Morning Kiss

“LOLA may kotse po sa labas ng bahay natin.”

Napatingin silang tatlo kay Prinses na kakapasok pa lang sa maliit nilang kusina.

“Kotse? Talaga?” Nakakunot ang noo nitong humarap sa kanila ng kuya niya. “Dillan, tingnan mo nga at baka boss mo ’yon sa trabaho.”

“Malabong boss ko ’yon, La. Wala rin akong inaasahang bisita ngayon,” tugon nito sa matanda.

“Dynee, baka naman si Oliver ’yon?”

“Huh? Sige, lola i-check ko. Uhm, bye sa lahat tapos na akong mag-almusal.” Tumayo siya sabay hablot ng shoulder bag niya at ramdam rin niyang pinupukol siya ng tingin ng tatlo.

“Apo, tinapay lang kinain mo at nangangalahati ka pa sa kape mo.”

“Lola, busog na ho ako. Bye, Kuya, Prinses,” sabi niya habang humahalik sa pisngi ng dalawang kapatid.

“Dynee, slow down. . .” sabi ng kuya niya sa kaniyang pagmamadali.

Tumango siya dito. “Okay. Bye again.” Saka siya tuluyang lumabas ng kusina.

Kunot-noo siyang napatingin sa kulay Grey na kotse na nasa mismong tapat ng bahay nila. Nakita niyang luma
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status