Share

Kabanata 51: Hiding her pregnancy

Dali-daling dinala ni Ricks si Joy sa pinakamalapit na hospital sa Bataan. Mabuti na lang at sa hospital kung saan nagpapacheck-up si Joy siya dinala ng nobyo. Kaagad na dinaluhan sila ng nurse nang makita nitong nakahawak siya sa sumasakit niyang tiyan.

"Ano pong nangyari kay misis?" tanong kaagad nito paglapit sa kanila.

"Bigla po kasing sumakit ang tiyan ng asawa ko." sagot naman ni Ricks na ikinatuwa ni Joy. Kung sana ay totoo lang na asawa siya nito at hindi kabit pero kaagad na iwinaksi niya ang bagay na iyon sa kaniyang isipan dahil ang pino-problema niya ngayon ay hindi pa siya handang ipagtapat sa nobyo ang kaniyang pagbubuntis dahil hindi pa naman nito naaayos ang problema nila at ang pakikipaghiwalay nito sa asawa nito.

"Sige misis pasok na po kayo sa loob." baling ng nurse kay Joy na mabilis niyang sinunod.

Akmang susundan siya ng nobyo nang tawagin ito ng nurse.

"Ah sir, dito lang po muna kayo dahil kailangan ko pa ng information ng misis niyo, pinauna ko lang siya sa loo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status